webnovel

CHAPTER 19

Now playing: Would You Wait For Me - Brett Young

Elena's POV

Pagising ko wala na si Kassandra. Marahil maaga siyang nagising at umalis pero ba't hindi man lang siya nagpaalam? Hmp!

Ang sarap pa naman ng tulog ko dahil sa kanya. Dahil sa mga nasabi ko kagabi pakiramdam ko nabawasan ng konti 'yung bigat na kinikimkim ko. Ngunit nandoon naman ang confusion sa kay Kassandra.

Pero hindi na bale. Alam ko naman talagang malalaman at malalaman niya pa rin ang katotohanan kahit na pilit na itago ko pa sa kanya.

Pero at least matagal pa, 'di ba? Hindi pa ngayon. Kaya susulitin ko muna ang mga sandaling ito. Bahala na.

Sa susunod ko na poproblemahin ang mga mangyayari dahil ang mahalaga naman ay ang ngayon. Mas mahalaga na nagagawa ko ng maayos ang trabaho ko at nagagawa ko siyang pagsilbihan. Kahit sa ganitong paraan man lang magawa ko siyang alagaan at maipadama sa kanya ang alaga ng taong minsang naging importante sa kanya.

Papasok na sana ako sa banyo nang biglang may mag-doorbell.

Awtomatikong gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi nang maisip na binalikan ako ni Kassandra.

Halos liparin ko palabas ang aking kwarto makarating lamang agad sa main door ng bahay at mabilis na pinagbuksan ito.

"Kas---"

Agad na natigilan ako at gayon na lamang ang gulat nang bumungad sa akin na hindi si Kassandra ang dumating.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang mukha ng tao na isa sa naging dahilan ng trauma ko noon.

"Elena." Nakangiting pagbati nito sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Habang ako naman ay mabilis na nagbawi ng aking paningin at agad na napayuko.

A-Anong ginagawa niya rito?

Bakit siya nandito?

Paano kapag nakilala niya ako?

Hindi ko mapigilang hindi mag-alala. Ang lakas lakas din ng kabog ng dibdib ko na halos gusto nang sumabog nito sa sobrang kaba na nararamdaman.

Luna.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangalan at ang mukhang iyon. Pati na rin ang mga ngisi niya na merong pagbabanta.

Dahan-dahan ko ring inihakbang patalikod ang mga paa ko. Nanginginig ang mga tuhod ko. Natatakot ako.

Natatakot ako hindi dahil sa pangambang baka makilala ako ni Luna. Ngunit takot na baka makilala niya ako dahil tiyak akong ito na ang katapusan ng career ko o maaaring baka worst na sila mam-bully ngayon.

"You're Elena, right?" Pagtanong nito sa akin.

Hindi ko magawang sagutin ang kanyang katanungin dahil pakiramdam ko manginginig din ang boses ko oras na ibuka ko ang dalawang bibig ko kaya nanatili lamang akong nakatingin sa kanyang mukha.

Napahinga ito ng malalim bago napailing.

"I'm sorry. Hindi pa nga pala ako nagpapakilala. I'm Luna. Kassandra's best friend." Pagkatapos ay inilahad nito ang kanyang kanang kamay.

Napalunok ako at pinag-iisipan kung tatanggapin ko ba ang kamay nito o hindi. Pero ayoko namang maging bastos. Isa pa baka mas lalo akong pagdudahan kung hahayaan ko lamang na nakalahad ang kamay niya at hindi ko tatanggapin, right?

"Uhh y-yes. H-Hi Luna. I'm Elena." Utal na wika ko bago tuluyang tinanggap ang kanyang kamay.

Binigyan ako nito ng isang maamong ngiti na nagsasabing hindi niya ako nakilala. Pakiramdam ko unti-unti na akong nakahinga ng maluwag.

Thank you, Lord. Mahal mo pa rin talaga ako. Lihim na pasasalamat ko sa Maykapal.

"I'm here to tell you na, pinasusundo ka ni Kassandra." Paliwanag nito bago walang sabing nilampasan ako at tuluyan nang pumasok sa loob ng apartment ko.

Wala na akong nagawa pa kundi sundan siya. Prenting naupo lamang ito sa pahabang sofa.

"M-Magre-ready lang ako." Wika ko.

Ngunit hindi na yata ako nito narinig pa dahil may tumawag sa telepono niya.

Hindi naman na ako nagtagal pa. Pagkatapos kong maligo, magbihis at ihanda ang aking sarili sa kung ano mang mga pwedeng mangyari sa araw na ito ay muling lumabas na ako ng kwarto.

Ayaw ko namang paghintaying ng matagal si Luna at baka mainip. Ayoko nang i-bully na naman niya ako gaya noon, ano? Hindi na kaya kami mga bata. Hmp!

Noong makita niyang lumabas na ako ng kwarto ay sandaling tinignan ako nito mula ulo hanggang baba. Wala akong mabasang emosyon sa kanyang mukha kaya hindi ko alam kung nilalait niya ba ang probinsyang outfit ko o ano.

Tsaka siya mabilis na tumayo na at tuluyang lumabas. Syempre, ano pa nga bang gagawin ko kundi sundan siya.

Pinagbuksan ako nito ng pintuan ng sasakyan.

Sa loob-loob ko ay nangingiti ako. Napaka-gentlewoman niya naman. Parang hindi ko lang kilala kung anong ugali ang meron siya noong high school kami ah. Tuyo ng aking isipan sabay irap pa.

Kapwa nasa loob na kami ng sasakyan pero hindi pa rin nito binubuhay ang pakina. Para bang may hinihintay pa siya at hindi ko rin alam kung ano.

"Elena." Pagbanggit nito sa pangalan ko habang tumatango-tango.

Mariin naman na napalunok ako. At nagsimula na namang mamuo ang kaba sa aking dibdib.

T-Teka...namukhaan na ba niya ako? Nakilala na ba niya ako? Nagpa-panic na ako sa aking isipan.

Pagkatapos ay nagbaling ito ng kanyang mga mata sa akin. Habang ako naman ay mabilis na muling napayuko. Ramdam ko ang init ng mga titig niya sa akin. Ayoko siyang tignan dahil alam kong kapag ginawa ko iyon ay malalagot na talaga ako ng tuluyan.

"You know what? You seem very familiar to me. Have we met before?" At ito na nga ba ang sinsabi ko. Hays!

Kahit anong mangyari, Elena. Ilulusot natin ito, okay? Pangungumbinsi ko sa aking sarili.

"Nope." Mabilis na sagot ko naman. "N-Ngayon...ngayon nga lang kita nakita eh." 

Ngunit sa halip na maniwala sa akin ay mas lalo pang nagkaroon ng pagdududa ang kanyang itsura. Lalo na noong napakunot ang noo niya habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa akin.

"Are you sure? Because I think I've seen you before. Kahit 'yung pangalan mo, narinig ko na before. Hindi ko lang alam kung saan at kailan---OMG!" Biglang pagtaas ng boses nito sa dulo ng kanyang sinasabi at walang sabi na iniharap kanyang katawan sa akin.

Mahigpit na hinawakan ako nito sa magkabilaang balikat ko habang diretso pa rin ang mga matang nakatingin sa akin.

"You're that chubby girl in high school, right?" Noong marinig ko pa lamang ang sinabi niyang iyon ay pakiramdam ko naiiyak na ako sa sobrang pagkadismaya. Dahil sa akalang hindi niya ako makikilala ngunit nagkamali ako.

"Yung binu-bully namin nina Annia before! I knew it! Ikaw 'yun!" Hindi ko mapigilan ang mapapikit ng mariin.

"Wow! As in, WOW! I mean..." Napapailing ito habang amazed ang mga matang nakatingin sa akin. Iyong tingin na nahanap na niya 'yung matagal nang nawawalang best friend niya. "Look at you now. Mas maganda ka pa at sexy sa akin, huh? Muntikan na kitang hindi nakilala."  Pagkatapos ay marahan na hinawakan ako nito sa baba ko at pinisil iyon.

Pero bakit tila ba kusang nawawala 'yung takot ko kay Luna? Para bang biglang naging maamong tupa siya para sa akin.

And the way she smiles at me now, is different. Para bang naging thankful pa siya na nakita niya akong muli ngayon, samantalang binu-bully lang naman niya ako noon.

"Kaya naman pala ikaw 'yung kinuhang Chef ni Kassandra dahil---"

"Please, don't tell her, Luna. Nakikiusap ako." Putol ko sa kanya at pakiusap na rin.

This time, nagkaroon na ako ng lakas ng loob na tignan siya.

Naguguluhan ang mga matang nagbaling siyang muli ng tingin sa akin.

"W-W-Wait...what do you mean..." Pagkatapos ay nanlalaki ang mga matang napatakip siya sa kanyang bibig. "No way! Don't tell me hindi ka niya nakilala?"

Napatango ako bilang sagot.

"You mean...hindi ka niya namukhaan?"

Muling napatango ako.

"She doesn't even remember your full name? Kasi ako personally, hindi ko makakalimutan ang pangalang Elena Jade Chavez. Tsk. Tsk." Wika nito habang napapailing at sinimulan na ngang buhayin ang makina ng sasakyan bago ito tuluyang pinasibad.

"Baka iniisip niya kapangalan ko lang?" Patanong na sagot ko sa kanya.

This time siya na naman ang napatango.

"Well, you have a point. Marami nga namang magkakapangalang tao sa mundo." Pag sang-ayon naman niya.

Sandaling binalot kami ng katahimikan. Walang may gustong magsalita. Habang siya ay abala sa pagmamaneho, ako naman ay diretsong nakatingin lamang din sa daanan.

Napalunok ako. Hindi ko kasi kaya na nasa loob ng isang sasakyan pero ganito ka-awkward kaya ako na ang nagpasyang magbasag ng katahimikan.

Muling iniharap ko ang aking sarili sa kanya.

"So, paano mo ako nakilala? I mean---"

"Your eyes." Mabilis na sagot nito na animo'y hinihintay lamang din niya na ako ang maunang magsalita.

"M-My eyes?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya.

Napatango siya.

"Ah huh?" Sagot nito bago gumuhit ang maliit na ngiti sa gilid ng kanyang labi. Sandaling napasulyap siya sa akin bago ibinalik ang kanyang mga mata sa kalsada. "Your eyes... hinding-hindi ko 'yan makakalimutan." Pag-amin niya.

"I recognized you because of your eyes. Kasi para sa akin wala nang gaganda pa sa mga mata mo, Elena. Sa true lang." Dagdag pa niya. Hindi rin nakaligtas sa akin ang paggalaw ng panga niya at simpleng paglunok niya.

"Ahem!" Napatikhim ako.

Para kasi akong kinikilabutan sa  mga pinagsasabi niya ngayon. Sobrang nakakapanibago marinig ang mga salita niya dahil isa siya sa mga nambu-bully sa akin noon.

"To be honest, crush na crush kita noon kaya kita binu-bully eh." Biglang pag-amin nito sa akin.

Dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi ko mapigilang mapaubo kaya aksidenteng naapakan niya ang preno ng sasakyan dahil maging siya ay nagulat ko rin.

"Gosh! Are you okay?!" May concern sa tono ng boses niya bago ito may iniabot na isang bottle ng tubig sa akin. "Here, drink this." Dagdag pa niya bago muling ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho at muling pinatakbo ang sasakyan.

"Pfft!" Pigil ang tawa nito nang muling binabaybay namin ang daan. "Nagulat ba kita dahil sa confession ko? Well, believe me or not crush kita noon, Elena." Pagpapatuloy niya. Napapikit ako ng mariin. 

"Nalungkot kaya ako ng sobra nung nalaman kong wala na kaming ibu-bully. Nalungkot ako kasi sa pambu-bully lang naman namin sa'yo ako nagpapapansin. Torpe ako eh." Sabay tingin nitong muli sa akin.

"Hindi lang si Kassandra ang nasaktan nung nawala ka sa St. Claire, ako rin?" Pagpapatuloy niya.

"A-Ano bang pinagsasabi mo d'yan?" Tanong ko sa kanya. Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay o confession kaya nakakailang para sa akin. Isa pa, seryoso ba siya? Feeling ko pinagti-tripan niya lang ako eh.

"Kaya sinabi ko noon sa sarili ko na oras na magkita tayong muli. Hinding-hindi ko na hahayaan na hindi masabi 'to sa'yo." Napapangiti na wika niya habang nagmamaneho.

Napalunok ako. Mukhang seryoso nga siya.

"I told myself that no matter what happens, I will tell you how I feel. Alam mo bang I've been preparing for this day for a long time? And I've practiced this confession many times, so I'm thankful that I was finally able to say it to you today..." Pagpapatuloy niya na animo'y matagal na nga niya itong napaghandaan.

Napakamot ako sa batok ko.

"P-Pwede bang mag-focus ka na lang muna sa pagmamaneho mo?" Pakiusap ko sa kanya.

Paano kasi lingon siya ng lingon sa akin. Tsk! Aba! Ayaw ko pang mamatay ano?

"May boyfriend ka na ba?" Muling tanong nito na animo'y hindi narinig ang sinabi ko. Hay naku talaga!

"Or girlfriend?" Nangingiting dagdag pa niya.

"Pwede ba akong mag-apply?" Pagpapatuloy pa niya.

"Huh?" Kunwari pang nagulat na tanong ko kahit na alam ko naman talaga ang ibig sabihin niya.

"Mag-apply para mag-alaga sa'yo." Pagkatapos ay napangisi ito na para bang natutuwa sa reaksyon ko.

"You're blushing." Komento pa niya.

Ako naman itong ramdam na ramdam ang pang-iinit ng mukha ko ay agad ding napahawak sa magkabilaang pisngi ko.

"Hindi ah!" Mabilis na depensa ko.

"So, it's a yes?"

"A-Anooo?"

"Tayo na. Girlfriend na kita." Dagdag pa niya.

"Susmaryosep ka naman, Luna! Ano bang pinagsasabi mo at---"

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Biglang napahagalpak na tawa ito with matching palo-palo pa sa manobela. "Gosh! You're so cute. You should see your face!" Dagdag pa niya bago iniliko ang sasakyan patungong parking area dahil nasa building na kami ng Penthouse ni Kassandra.

Tumatawa pa rin si Luna hanggang sa tuluyang maiparada nito ang sasakyan.

Nakakainis! Parang gusto kong batukan siya dahil hanggang ngayon ang bully niya pa rin.

Lalabas na sana ako ng sasakyan noong muli siyang magsalita.

"Uh, Elena." Muli akong napalingon sa kanya.

Nagulat ako noong bilang na lamang niya akong niyakap ng walang pahintulot.

"Thanks for coming back." Pasasalamat nito kaya mas lalo akong naguluhan. Mabilis na itinulak ko siya palayo mula sa aking katawan.

"Ba't ka ba nangyayakap ng walang pasabi?" Tanong ko sa kanya.

Pero napahinga lamang ito ng malalim.

"Bakit kapag ba sinabi ko papayagan mo ako?"

"Hindi."

"'Di ba?" Sagot naman nito agad sa akin bago ako ginawaran ng muling matamis na ngisi.

"So...friends?" Muling inilahad nito ang kanyang kamay sa akin.

Ngunit sa halip na tanggapin ang kamay nito ay napailing lamang ako.

"Nope." Sagot ko.

"Huh? Why?" Tanong niya.

"Hindi ka pa nga nagsosorry sa mga pambu-bully mo noon tapos gusto mo friends tayo? Manigas ka!" Sabay labas ko ng sasakyan at walang lingon likod na nagtungo na ng elevator.

Anong akala niya sa akin? Easy to get?

Atsaka hindi niya ako madadaan sa confession n'ya ano? Isa siya sa mga nanakit sa akin noon kaya hindi ko hahayaan na basta-basta lang siyang makakapasok sa buhay ko.

Period.

Siguiente capítulo