webnovel

CHAPTER 11

Now playing: Still You - Kyle Juliano

>>> 5 years later <<<

Elena's POV

"Elena, anak. Kailan ka ba mag-iimpake ng mga gamit mo? Aba'y malapit na ang araw ng alis mo. Hindi ka ba talaga excited? Makakasama mo na si Kassandra araw-araw." Tanong sakin ng aking ina habang naghuhugas ako ng mga pinggan na pinagkainan namin ngayong umaga.

Napahinga ako ng malalim.

"Sino naman hong magiging excited eh kayo na mismo ang nag-decide para sa akin? Ni hindi nga muna ninyo ako tinatanong kung gusto ko bang magtrabaho sa Kassandrang 'yun o hindi." Tumutulis ang nguso na tugon ko sa kanya.

Hanggang ngayon kasi masama pa rin ang loob ko sa ginawa ng nanay. Hindi naman ako galit. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit siya 'yung nagdesisyon para sa akin.

Paano kapag nalaman ni Kassandra na 'yung mataba at panget na Elena noon at ako ay iisa lang? Hayst. Edi nagalit 'yun ng sobra sa akin dahil sa ginawa kong pang-iiwan sa kanya.

Sa makalawa na kasi ang alis ko papuntang Manila. Isasabay na raw ako nina Kassandra dahil ngayong araw ang last taping nila rito sa Palawan.

Hayst! Napapakamot na lamang akong muli sa batok ko.

Ganun ba talaga maglaro ang tadhana? Nakakagulat naman at pinagtagpo pa talaga kaming muli ni Kassandra. Ayos na sana akong maging isang fan niya eh.

Ngunit isang malutong na tawa lamang ang ibinigay ng aking ina na tila ba hindi sineseryoso ang aking mga sinasabi.

"Sus! Kunwari ka pa anak. Eh alam ko namang idol na idol mo 'yang si Kassandra. Atsaka hindi ka ba masaya? Inggit na inggit nga sa'yo 'yung mga kapitbahay natin eh. Dahil magiging personal chef ka ng isang sikat na artista. At hindi lang basta sikat ah, si Kassandra Moreno talaga." May pagmamayabang na wika ni nanay habang taas noo pang sinasabi ang mga katagang iyon.

Muling napailing na lamang ako. Pagkatapos kong maghugas ng mga plato ay lumabas na rin ako ng kusina. Pero itong si nanay, agad din akong sinundan.

"Ay! Oo nga pala anak. May nagpadala na naman ng bulaklak sa'yo. Galing sa personal admirer mo." Sabay nguso nito sa bouquet na nakapatong sa ibabaw ng lamesa sa may sala.

Ngunit hindi ko iyon pinansin at nilampasan lamang.

"Saan ko ito ilalagay anak? Sa kwarto mo o sa tambakan?" Tanong ni nanay.

"Sa tambakan ho." Agad na sagot ko.

"Okay!" Sigaw ni nanay. "Magsimula ka ng mag-impake anak ha!" Pahabol pang dagdag nito bago ako tuluyang makapasok sa aking kwarto.

Tambakan ang tawag namin ni nanay sa mga pinapadalang bulalak sa akin mula sa mga admirer ko.

Naks! 'MGA'. Hehehe. Ang haba ng hair ko 'di ba? Samantalang noon, walang nakakapansin sa beauty ko kundi ang nag-iisang.... ahem! Alam niyo na 'yun. Kilala niyo na kung sino siya.

Limang taon.

Limang taon na ang nakalipas pero siya pa rin.

Alam kong napakalayo na ng buhay niya sa dating normal at tahimik. Alam kong hindi na siya ang Kassandra na katulad noon na pwedeng malapitan ng kahit na sino. Kung gaano kalayo ang estado ng buhay namin noon, ay mas lalong inilayo pa ng tadhana 'yun ngayon.

Well, hindi ko naman masisisi ang mundo. I mean, sino ba naman ang hindi gugustuhin na maging artista ang isang katulad niya? Napakaganda niya inside and out.

Sino ba naman ang hindi mahuhumaling at magkakadarapa sa isang katulad niya? Right?

Tanga na lang ang taong hindi magugustuhan ang isang Kassandra Moreno.

Sa limang taon na lumipas, never akong tumanggap ng kahit isang manliligaw. Never akong nakipagkilala sa kahit kanino. Noong mga panahong nag-aaral pa lamang ako, ang tanging pinupuntahan ko lamang ay school at bahay.

Kapag may mga activity sa labas ng school o may mga importanteng gagawin tsaka lamang ako lumalabas ng bahay.

Hindi ko alam kung bakit at paano ko nagawang isarado ang puso at ang sarili ko sa iba. Para sa akin kasi iisang tao lang ang gusto kong mahalin at wala ng iba, iyon ay si Kassandra lamang.

Ang first love ko.

Maraming beses na ring pinagtangkaang ireto ako ng mga magulang ko. Natatakot kasi silang tumanda akong dalaga dahil sinabi ko sa kanila na wala akong balak mag-asawa. Na kaya kong mag-isa at hindi ko kailangan ng mapapangasawa.

Eh ang kaso gusto raw kasi nilang magkaapo mula sa akin. Kaya madalas kahit hindi ko naman kilala ang tao, magugulat na lang ako may magtetext na sa cellphone ko.

Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong mga social media accounts. Hindi ko alam, pero para sa akin aksaya lamang ito sa oras.

Ang tawag nga nila sa akin ay 'Lumang tao'. Wala naman kasi talagang nakaka-excite sa social media. Ang oras na dapat ilaan ko rito, bakit hindi ko na lang ilaan sa pwedeng pagkakitaan ko.

Isa pa, oo. Katulad ng sinabi ko kanina, wala na talaga akong planong mag-asawa o magkapamilya. Wala akong plano na umibig pang muli. Hanggang sa muling pinaglaruan na naman ako ng tadhana, muling pinagtagpo kami ni Kassandra para maging personal chef niya.

Hayyyy! Alam ko kasi sa sarili kong pagdating sa kanya, titiklop at titiklop ako. Hindi ko naman siya nagawang hindi mahalin eh. Dahil hanggang ngayon siya lang 'yung taong minamahal ko.

Pero paano kung sa muling paglalapit naming dalawa eh mas lalong mapamahal na naman ako sa kanya? Wala kasi akong tiwala sa sarili ko na mapipigilan ko iyon. Lalo na dahil sobrang miss na miss ko siya mula sa ilang taong hindi kami nagkita at nagkasama.

Ngunit kailangan kong pigilan ang sarili ko sa abot ng aking makakaya. Dahil hindi naman ako makapapayag na ako ang magiging dahilan para masira ang career niya.

Kaya kahit na alam ko sa sarili kong mahal ko pa siya, kailangan kong itago ang nararamdaman ko. Lalong lalo na ang katotohanang ang kwento niya at ako ay matagal nang nagtapos.

Muli akong napahinga ng malalim at agad na sinimulan na nga ang pag-iimpake. Wala naman na akong choice kundi mag-impake at sumama kay Kassandra kasama ang team niya. Dahil nabayaran na niya ako ng paunang bayad. At isa pa, gagawin ko rin ito dahil gusto ko.

Hindi na ako magpapaka-plastic. Masaya at excited ako dahil nangyayari ngayon ang bagay na hindi ko inaasahang mangyayari pa sa buhay ko. Masaya akong muling pinagtagpo kami ni Kassandra.

Ngunit ang paulit-ulit na paalala ko lamang sa aking sarili ay kailangan kong maging maingat. Mula sa mga gagawin at magiging aksyon ko habang kasama siya.

---

"Anak palagi kang mag-iingat dun ha? Palagi mo kaming tatawagan. Siguraduhin na palaging naaalagaan ang sarili. Malayo kami sa'yo kaya dapat---"

"Nay. 'Wag na ho kayong mag-alala. Kaya ko na ang sarili ko." Malambing na sabi ko sa aking ina bago ito niyakap. "At oho, sisiguraduhin kong naaalagaan ko ng maayos ang aking sarili." Muling pagbibigay ko pa ng assurance upang hindi na ito mag-alala pa.

Pagkatapos sunod na niyakap ko naman ay ang aking ama.

"Kayo na hong bahala muna sa mumunting restaurant natin, tay. 'Wag pababayaan ang sarili ha? 'Yung mga gamot ninyo at vitamins wag kalilimutang inumin."

"Ano ka ba anak. Ano ako bata?" Natatawa na tanong ng aking ama. "Wag mo kaming alalahanin. Andito naman ang kapatid mong si Lester." Sabay lingon nito sa kapatid kong ngayon ay binatilyo na rin.

Siya naman ang huling niyakap ko at ginulo ang buhok.

"Magpakabait dito ha? Ikaw na ang bahala kina nanay at tatay habang wala si Ate." Paalala ko sa kanya pero inirapan lamang ako.

"Ang korni mo ate." Wika niya.

Tss! Kahit na kailan talaga ang suplado nito.

"Tse! Mamimiss mo rin ako!" Pagbibiro ko naman.

Hindi nagtagal ay may narinig na kaming bumubusina sa labas ng aming bahay.

"Oh, nariyan na yata ang sundo mo anak. Halika na't ihahatid ka na namin sa labas."

"Oho!"

Paglabas namin ay agad na bumungad sa labas ng gate ang itim na van na sasakyan ko patungong Airport. Medyo umuulan kasi kaya sinabi ko sa mga magulang ko na huwag na nila akong ihahatid sa Airport.

Ayaw ko lang din kasing mag-alala at baka magkasakit sila. Mahirap na at malalayo na ako sa kanila.

Agad na sinalubong ako ng driver at tinulungan sa mga bagahe ko. Apat na maleta ang dala ko. Medyo mabibigat ang lahat ng iyon kaya tinulungan na rin siya ng aking ama na isakay ang mga ito sa sasakyan.

Pagkatapos kong magpaalam muli sa pamilya ko ay tuluyan na nga akong sumakay sa loob ng sasakyan. Ngunit kapapasok ko pa lamang nang may biglang tumikhim.

"Ahem!"

"Ay palaka!" Hindi ko mapigilang hindi magulat. Ba't ba?

Isang nakakalokong tawa naman ang narinig ko pagkatapos.

"Sorry! Nagulat ba kita?" Nangingiti na paghingi nito ng tawad.

"G-G-Good evening." Utal na pagbati ko sa kanya.

Gabi kasi ang flight namin dahil last flight ang prefer nilang lahat para wala na masyadong maraming tao sa Airport.

"Good evening to you too." Nakangiti at ganting pagbati niya sa akin.

Hindi ko akalain na si Kassandra ang bubungad sa akin ngayon at... teka nga. 'Wag niyong sabihin na personal na sinusundo niya ako?

Gano'n ba ako ka-special?

Nakasuot ito ng itim na hoodie, naka-face mask na katatanggal lamang niya nung pumasok ako, naka-fitted jeans at rubber shoes.

Naupo ako sa kabilang dulo ng inuupuan niya. Kung saan sa second seat kami pareho nakaupo. And there's no way na didikit ako sa kanya dahil langhap na langhap ko na naman ang pabango nitong hindi pa rin niya pinapalitan hanggang ngayon.

Napapikit pa ako upang damhin ang kanyang amoy. Naalala ko kasi noong mga panahon na magkasama pa kami. Haaayyyy. Ngunit agad din na muling napamulat ang aking mga mata nang muli siyang magsalita. Noon din ay nagsimula na si manong driver sa pagmamaneho.

"Alam mo sana dinala mo na rin pati kama at buong kwarto mo." Natatawa na sabi nito sa akin dahil sa dami ng mga gamit ko.

Bigla naman akong namula at napatulala sa itsura niya. Ang ganda niya kasi. Plus, nakangiti na naman siya ngayon. Iyong ngiti niya na sobrang namiss kong makita kapag ganitong malapitan.

Ngunit mabilis din akong nagbawi ng aking paningin noong ma-realize ang sinabi niya sa akin.

Nakakahiya! Ang dami nga naman kasi ng gamit na dala ko. Eh anong magagawa ko? 'Di ko alam kung anong dadalhin ko kaya dinala ko na lahat na sa tingin kong kailangan.

"Pasensya ka na. Hindi ko kasi alam kung anong mga gamit ang kakailanganin ko kaya hinakot ko na lahat. Isa pa, b-bago lang ako makakaluwas ng Manila." Pagsisinungaling ko.

Kahit na ang totoo ay lumipat lang naman talaga kami rito sa Palawan. Pagkatapos ay muling napaiwas ako tingin mula sa kanya.

"Oh, really?" Gulat na tanong nito. "Ni minsan ba sa buhay mo eh hindi ka pa napadpad sa Manila?" Mariin na napailing ako bilang sagot.

Hayst! Liar, Elena. Isa kang malaking SINUNGALING!

Isang nakakalokong ngiti naman ang ibinigay nito sa akin.

"Don't worry, I'll be your tour guide." Sabay taas baba nito ng kanyang kilay.

Dahil doon ay hindi ko napigilan ang matawa. As in 'yung tawa na medyo malakas.

"Why are you laughing? I'm serious." Nangingiti na wika niya.

"Ha? Eh 'di ba bawal kang pagala-gala? Kukuyugin ka ng mga fans mo, 'no?" Wika ko bago siya inirapan.

Hindi ko rin sinasadya na mapairap sa kanya. Maging siya ay nagulat din sa nagawa ko at pagkatapos ay napanganga ito in disbelief habang tumatawa.

"Sorry." Agad na paghingi ko ng tawad at lihim na sinusuway ang sarili.

"Did I see it right? Inirapan mo ako?" Natatawa na tanong niya na para bang naa-amazed pa sa nakita.

"Sorry! Sorry talaga." Muling paghingi ko ng tawad.

Siguro masyado lang akong nasanay sa kanya noon. Kaya hanggang ngayon, ganoon pa rin ako kakomportableng kasama siya at nagawa ko siyang irapan. Without realizing that she is no longer the Kassandra I knew.

"It's alright." Wika niya. "You know what? I think we will be best friends." Pagkatapos ay muling natawa siya habang naiiling.

Hindi na lamang ako muling nagsalita hanggang sa makarating kami sa Airport. Masyado akong nahihiya sa nagawa ko para magsalita pa.

Pagdating namin sa Airport ay agad na sinalubong siya ng ibang staff para tulungan sa mga gamit niya at kinausap na rin siya ng manager niya. Pinakilala na rin ako nito sa iilan bago ako nagsolo sa inuupuan ko.

Hindi kasi ako sanay na makihalo bilo. Mas gusto ko pa rin ang mag-isa hanggang ngayon kaysa makipagplastikan sa mga tao.

That's when I realized na nakatitig lang pala sa akin si Kassandra habang kausap niya ang isa sa mga staff niya. Hindi niya inaalis sa akin ang kanyang mga mata.

Sinubukan kong hindi iiwas ang aking paningin sa kanya kaya medyo nagkatitigan kami ng ilang segundo.

Weird pero binigyan lamang niya ako ng mabagal na ngiti hanggang sa siya na mismo ang nagbawi ng kanyang paningin.

Awtomatiko naman na napahawak ako sa aking dibdib. Bigla na lang kasing lumakas ang pagtibok ng puso ko. Hayst.

Siguiente capítulo