webnovel

CHAPTER 56 - THE UNEXPECTED MOMENT

CHAPTER 56 - THE UNEXPECTED MOMENT

----------

PENELOPE THOMPSON POV

June. 01, 2022

Ito na yung araw na susunduin namin sila Ate Bella at Bethina sa Airport.

Sa totoo lang, ayaw ko talagang sumama kasi si naaalala ko lang si Ethan, nalulungkot lang ako.

Ehh kaso wala naman akong choice dahil naka leave ang driver namin.

Marunong naman mag drive si Kuya kaso di naman niya kabisado ang daan papunta ng Airport. Kaya napilitan ako na ipag drive si Kuya, itinuro ko na din sa kanya ang mga daan para matandaan niya para mamaya siya naman ang mag drive pauwi dahil inaantok pa din ako.

I just drink a coffee para magising gising.

After 2 hours of driving, we finally made it sa Airport. Hindi na ako lumabas, si Kuya nalang ang mag isa na bumaba.

Hanggang sa napansin ko na parang ang dami atang tao ngayon? Lalo dito sa labas mga nakatambay at ano to? May media pa talaga? Sino ba ang dadating?

Uuwi ba ang Presidente ngayon? Teka? Ano yung mga nakasulat sa karatula nila?

Naisipan ko nang bumaba para maki chismis saglit.

Pero bago ako bumaba sinigurado ko muna na naka mask ako at cap.

Sabay lapit sa mga nagkukumpulan.

At laking gulat ko nang mabasa ko ang nakalagay sa karatula.

"Welcome Home, Perfect Doctor"

Di ko tuloy napigilan na mapatanong kung totoo ba na ngayon din ang uwi Doc. Ethan. Pero bago pa man ako makalapit nagtakbuhan na sila papunta sa loob.

"Andyan na daw!!"

"Hala! Tara na sa loob!!"

Kaya walang pag dadalawang isip, sumunod na din ako sa loob ng Airport.

At pagpasok ko sa loob.

"Tita Ninaaaang!!"

"Bethina?!!!"

Nakita ako ni Bethina at tumakbo agad siya sakin. At bigla niya akong niyakap.

"Aww I miss you my twinnie. You're so big na ha where's mom?."

Tinuro ni Bethina kung nasan ang mommy nya kasama si kuya. Tumakbo na din doon si Bethina para yakapin ang Daddy niya.

Habang tumatakbo si Penelope, lalo namang lumalakas ang hiyawan sa may tabi ko.

"Ethan?" ang tanging nasambit ko nung time na makita ko siya.

ETHAN SMITH POV

Sa wakas nasa arrival area na ko. Sayang di ko na naabutan yung batang babae, pano ba naman, nung nakita ako bigla akong tinakbuhan tapos lumusot lusot sa madaming tao kaya hindi ko na din nasundan.

At pag labas ko, nakuha ko na din pati ang luggages pero nag pa assist na ako.

Grabe ang dami namang tao. Ganun ba talaga ako kamahal ng mga tao?

Nakakatuwa naman.

Habang naglalakad ako para makapunta na sa sasakyang susundo sa akin pauwi sa condo ko. Hindi ko naman ineexpect ang sunod na mga pangyayari.

May babaeng biglang yumakap sakin. Ang higpit ng yakap niya, tapos pansin ko na umiiyak siya.

"What is this girl doing?" sambit ko sa isip ko.

"Ethan sorry na."

"Penelope?"

Tumingin siya sakin at siya nga hindi ako nagkamali. Although naka mask and cap siya pero kilalang kilala ko naman si Penelope kahit mata lang ang kita ko sa kanya. Kaya sinenyasan ko yung guard na humabol sa kanya na okay lang ako at wag nang pakielaman yung babaeng nakayakap sa akin.

Ang daming kumukuha ng litrato samin kaya hinubad ko yung suit na suot ko buti nalang hindi ko sya binutones kaya madali ko naitakip sa kanya. At naglakad na kami hanggang sa makapunta sa sasakyan na susundo sa akin.

Sinusundan pa din kami ng mga tao, at hindi din magkanda-mayaw ang kumukuha ng litrato sa amin.

Hanggang sa makapasok na kami sa loob ng sasakyan.

Nakahinga na ako ng maluwag. Tinanggal na niya yung cap niya at mask.

"I knew it was you." wika ni Ethan kay Penelope matapos tanggalin ang suot na mask at cap.

Umiiyak pa din siya.

"Sa susunod na aalis ka magpaalam ka na sakin ha? Nag aalala kasi ako sayo e."

"Tsaka sorry sa mga nasabi ko sayo noon sa may sasakyan. I don't really mean it." paghagulgol ni Penelope sa harap ni Ethan.

Agad ko naman siyang yinakap to comfort her. At sinabi ko na ayos lang ang lahat.

Hayy, I didn't really expect na gagawin niya to. At sobrang saya ko na siya agad ang naging bungad ng pag uwi ko. Kaya nagpasalamat agad ako sa kanya dahil sobra akong nasurpresa sa ginawa niyang iyon. Napawi agad ang pagod ko.

"Oo nga pala, what brought you here? Para lang ba talaga sunduin ako?"pangisi ngisi na sabi ni Ethan.

Nanlaki bigla ang mata ni Penelope.

"Ayy hala oo nga pala. Naku pano to? Hindi na ako makakababa kasi ang dami nang tao sa labas Ethan."

"Hmm? Bakit lalabas ka pa? Anong gagawin mo?"

Sabay pakita sa akin ni Penelope ng susi ng sasakyan niya.

PATRICK THOMPSON POV

Penelope on the phone...

"Pambihira ka naman baby girl oh. O sya sige ako nalang mag dadrive pauwi. Dumaan nalang kayo dito banda tapos abangan ko kayo para makuha yung susi."

"Sorry kuya ha. Na-corner na kasi kami ni Ethan e. Di ko din naman akalain na ganito din ang mangyayari. Nadala ako sa emosyon ko Kuya, sorry."

"Oo na sige na, basta dumaan kayo dito ha. Aabangan ko nalang pala kayo sa labas

ng parking lot."

"Okay Kuya."

End Call....

"Kaloka naman si Li'l sis, love. Grabe pala siya kung magmahal no nalilimutan tayo bigla hahaha." wika ni Bella na natatawa nalang sa kanilang sitwasyon na nakaupo sa may gilid at inaabangan ang pagdating ng kotseng sinasakyan nila Ethan.

Napailing nalang ako. Hayy, babygirl. Kung alam ko lang, ako nalang pala sana nag keep ng susi na yan.

Kaya pala ang daming tao sa airport, ngayon din pala ang dating ni Ethan.

"Uhm, My princess, Bethina. Can you please tell me what happened to your dress and why have you got lots of chocolates? Look oh, even with your hair there's a chocolates. Are you a homeless person?" habang pinupunasan ni Patrick ang anak nitong maamos dahil sa tsokolate sa damit nito, kamay at buhok.

"Actually, Bethina. How did you get that? Diba sabi ko enough muna sa sweets?" nagtataka ding tanong ng Mommy niya na si Bella.

"Alam mo ba love nagtaka nga ako nung pag gising ko may hawak na siyang cupcake. Bigay siguro ng attendant doon."

Bethina was just smiling on us. Hayy nako napaka naughty mo talagang bata ka.

ETHAN SMITH POV

Naka ikot na kami at naibigay na din kay Kuya Patrick ang susi ng kotse. Humingi na din ako ng pasensya sa nangyare at umalis na kami.

Napag decide-an namin na sa Hospital muna ako tutuloy. Tutal maaga pa naman tsaka namiss ko din sina Tito at Tita.

Habang bumabyahe nakatulog si Penelope. Ilang beses siyang nauntog kaya ang ginawa ko, isinandal ko na siya sa balikat ko.

She just smiled at bumalik sa pagkaka tulog.

Thank you po Lord. The Penelope I used to know has finally back. I miss her sweet smile, ganun na din yung lambing niya sakin. Hiling ko na sana hindi na matapos to. 

Siguiente capítulo