webnovel

CHAPTER 30 - PENELOPE'S SINFUL EYES

CHAPTER 30 - PENELOPE'S SINFUL EYES

-----------

PENELOPE THOMPSON POV

"Ahh sh*t napaka sakit ng ulo ko grabe. Tinamaan talaga ako sa alak na yun. Pero sa tingin ko

worth it naman dahil nakalimot ako kahit papan...

No! hindi. Hayy bakit ba ganito? Actually, napanaginipan ko pa nga siya.

(Kinapa ko yung noo ko kasi I feel na there's something sa noo ko at shocks!)

Omg! Panaginip ba talaga yun? Bat may towel ako sa ulo? I remember na hinahaplosan niya yung ulo ko ng maligamgam at napaka sarap sa pakiramdam ng ginagawa niya na yun.

Pero wait, bakit pala nandito na ako sa bed? After niya ba akong punasan ay binuhat niya ko papunta dito?

Kelangan kong sabihan ang beshie ko about this. Naloloka na ko.

Calling Beshie Mica...

Ring! Ring!

Ring! Ring!

"Hello? Beshie?"

"Hello. Bakit?" tanong ni Mica na medyo mamaos maos pa dahil ito ay kakagising lamang.

"Asan ka ba? May chika ako sayo." tanong ni Penelope na excite na excite nang mag kwento sa kabigan.

"Nandito ako sa kabila." tugon ni Mica.

"Huh? Saang kabila yan? Gaga nandito ako sa bedroom ng villa natin."

"Lumingon ka dito sa kanan mo."

Jusko po playtime nanaman itong beshie ko. Nasa kabilang kama lang pala di nalang ako tinawag.

Ang bedroom kasi dito sa villa may 2 separate na bed sa loob. Anyways...

"Omg beshie! Hindi ka maniniwala pero nandito si Ethan kagabi!" wika ni Penelope na hindi malamang kung siya'y kinikilig, naeexcite, o naiinis.

"Weh? Pano naman makakapunta dito yun?"

"I don't know. Basta nakita ko siya and he's taking care of me. Siya nga naglagay nitong towel ko sa noo o." wika ni Penelope habang hawak ang towel na nilagay sa kanya ni Ethan kagabi.

"Patingin nga." wika ni Mica na naka iling at tila'y hindi naniniwala sa sinabi ng kaibigan.

"Hayy, nako beshie. Kay Lucas to o. Amuyin mo. Amoy ng perfume ni Lucas." giit ni Mica.

"Eh malay mo naman pinahiram niya yung damit diba?" nakairap na sinabi ni Penelope.

Bigla namang dating ni Mr. Lee.

"Speaking of the devil." wika ni Penelope.

"Lucas look. Shirt mo to diba?" tanong ni Mica habang unat ang kapiraso ng damit na pinatatalunan ng magkaibigan.

"Ohh, yeah. It use to be my shirt tho but as far as I remember binigay ko na yan kay Bernard, my Assistant.

Baket? At pano napunta sa inyo yan? At bakit ginupit? Expensive shirt to a branded yan e." giit ni Lucas.

Napatulala nalang ako sa mga sinabing iyon ni Mr. Lee habang tawang tawa naman itong beshie ko.

Okay edi ikaw na ang nagwagi. Grrr!! Siguro nga panaginip lang lahat ng yun!

ETHAN SMITH POV

10am na akong nagising kanina. At nagulat ako na gising na din nung time na yun si Lucas. And he's asking me kung what time daw namin gagawin yung mga activities para sa araw na to pero dahil nga alam ko na may hangover pa sila kaya sinabi ko nalang na i-set nalang to another day since mahaba pa naman ang vacation ko dito sa resort.

Pumayag naman siya pero nilibot niya ako dito sa Enchanted Island. Ayos din dito madaming resto bar at yung dagat dito maganda din madaming mga nag susurfing.

Idea daw pala ni Penelope yun kay pala they decided na ioccupy din ang isla na to.

He also told mo kung gaano kagaling si Penelope mag surf. At namangha naman ako knowing na matatakutin nga itong si Penelope.

Kumaen na din kami ng breakfast dito sa sa isang resto. After nun naglibot ulit at nagdecide na ding umuwi sa villa kalaunan.

Nagpaalam din sa akin si Lucas na titignan niya daw muna yung mga girls kung gising na at para maka kaen na din.

It's already 2:30 pm and I think mga tulog pa yung mga yun dahil sa puyat at hangover.

So for the mean time mag shashower muna ako. Dito sa bathroom sa second floor.

Di naman siguro sila mag ccr dito

dahil meron pa namang isang cr dito sa 2nd floor at meron din sa baba.

PENELOPE THOMPSON POV

"Alam mo beshie tama na yang kaka overthink mo. Tara na nga kumaen na tayo. Kanina pa tayo inaaya ni Lucas dun oh." pag comfort ni Mica sa kaibigan.

"Hmp! Okay. "

After ng chikahan namin ng beshie ko bumaba na si Mica para samahan si Mr. Lee na mag prepare ng kakainin namin.

Brunch na nga yun e dahil talagang napuyat kami at nasakit sakit pa din ang ulo. Tinapon ko na din yung tela na nakalagay sa noo ko.

At feeling ko mas nadagdagan ang sakit ng ulo ko dahil dun.

I think mag freshen up muna ako.

Pagkatapos kong mag ayos ng aking mga susuotin, lumabas na ako ng room. At hmm. so there's 2 bathroom here.

Medyo curious ako sa isang bathroom dahil dito kami usually sa isa. Curious ako kung same na maganda din ang pagkakagawa dito.

Hmm? Tahimik naman kaya feeling ko wala namang tao dito. At pagbukas ko ng pinto....

ETHAN SMITH POV

Hayy ang sarap naman maligo dito. The best kasi may option ka kung normal water or hot. Inoff ko muna yung shower dahil magsasabon na din naman ako. Sa legs, yung binti, legs at all the way up. Nakanta kanta pa ko habang nag sasabon.

At nakapag sabon na din ako hanggang sa mukha ko. Stay ko muna tong sabon for like 30 secs tapos banlaw na.

26, 27, 28, 29 , thir...

Habang nag bibilang ako bigla namang may bumukas pinto!

"AYYY!!! OH MY GOOOOOD!!" malakas na sigaw ni Penelope na gulat na gulat sa kanyang nakita nang mabuksan ang pinto ng bathroom.

"OHH HOLY SH*T!!" sambit ni Ethan na gulat na gulat nang makita si Penelope na nakatingin sa kanya at agad na tinakpan ang maseselang bahagi ng katawan.

BLAG! (Penelope slammed the door and ran away)

PENELOPE THOMPSON POV

Tumakbo ako paalis. At dumeretso pababa ng hagdan.

Sh*t! Sino yun? Hala Papa God I'm so sorry, hindi ko naman po yun sinasadya. Kitang kita niyo naman po diba nakapikit po ako nun.

"Hoy! Beshie ano yun? Bakit ka sumigaw? Namumutla ka. Nakakita ka ba ng multo?" pag aalala ni Mica sa kaibigan na namumutla nang makita niya itong pababa ng hagdan.

"Ohh uminom ka ngang tubig, tas mag relax ka. Inhale, exhale!"

"Beshie may nakita ako sa may cr!" nanginginig na sinabi ni Penelope.

"Ano naman yung nakita mo? Multo ba?" tanong ni Mica.

"Kitang kita ko beshie!" nakatulala na sinabi ni Penelope habang tense na tense pa din sa kanyang mga nasaksihan.

"Ano ba kasi yun! Aba pati ako ninenerbyos! Ano ba may multo ba dun?" di mapakaling sinabi ni Mica na tilay'y nahahawa sa pagka tense ng kaibigan.

"Ahas."

"Huh? Ahas? Hala nako bat may napadpad na ahas dito? Sasabihin ko kay Lucas to!"

"Hindi beshie wag!"

"Anong wag? Mamaya makatuklaw. Ano natuklaw kaba? Anong ginawa mo sa ahas beshie?"

"Hindi beshie! Hindi naman kasi ahas e."

"Ayy! Ano ba talaga? Alam mo mag relax kana muna. Kung ano ano na mga sinasabi mo e." naiinis na sinabi ni Mica.

At nung medyo nahimasmasan na ako, sa wakas nakwento ko na din ng maayos sa beshie ko ang mga nakita ko.

"May tao kasi sa cr beshie. Hindi ko malaman kung sino ba yun? Pano ba naman maliligo pala hindi man lang nag lalock ng pintuan! Jusko po! Ninenerbyos tuloy ako."

"Ehh sino naman yun? Imposibleng si Lucas yun dahil kakalabas niya lang nagpaalam sakin yun e. Namukhaan mo ba?"

Umiling lang ako sa beshie ko.

"Patay tayo diyan beshie, eh pano kung magnanakaw pala yun? Pano natin idedescribe ang mukha niya sa pulis kung yung batuta niya lang yung tinignan mo? Kaloka ka naman." natatawa tawang hirit ni Mica.

Sh*t! Grabe nakatulala pa din ako hanggang ngayon. Hindi ako maka paniwala sa mga nakita ko. Infairness ha maputi siya. Ayy sh*t!! Sorry po sorry po. Erase! Erase!

Pero nagtataka talaga ako kung sino yun. Mukha kasi siyang matangkad e, di ko naman malaman dahil sobrang puti ng mukha niya gawa ng sabon tapos mabula bula din ang buhok niya.

Maya maya lang ay dumating na din si Lucas at agad ko nang tinanong kung may tao pa ba dito bukod sa amin?

"Yes, I'm sorry. Nandito na din sa villa yung friend ko si Mr. Smith"

Mr. Smith? So yung nakita ko sa may bathroom ay si Mr. Smith? OMG! 

Siguiente capítulo