webnovel

CHAPTER 25 - PEACE OFFERING

CHAPTER 25 - PEACE OFFERING

--------------

ETHAN SMITH POV

My good friend, Lucas invited me to his room. Pag uusapan namin kung paano kami makakabawi

dahil sa hindi naging maganda ang outcome ng naging Jetski ride namin.

"So what's the plan? Pano natin susuyuin yung dalawang yun? Any idea Ethan?" tanong ni Lucas

na tila'y walang idea sa panunuyo ng babae.

"Food bro, kapag nagiging monster na ang girl the best way to tame her is food. Kaya kailangan natin malaman ano ba yung favorite food nila na kayang maka kalimot ng pagka inis nila sa atin kanina?" pag papaliwanag ni Ethan.

"Nako, yun nga ang problem e. Wait mag recall lang ako ng madalas na kinakaen ni Mics." wika ni Lucas.

Habang nag iisip si Lucas, ako naman nag hahanap na dito sa pantry ng mga kakailanganin kong ingredients. But unfortunately wala lahat kaya naisip kong mag pa deliver nalang.

"Aha! May naalala na ako bro! Buti nalang meron kami dun sa resto bar kaya ipapa deliver ko nalang dito para sabay na tayong mag abot." masayang sinabi ni Lucas.

"Wait bro, yung sayo ingridients ang pinadeliver mo? You mean, ipagluluto mo pa siya?". tanong ni Lucas.

"Yes bro, since marunong naman ako why not ako nalang diba? Tsaka kung magustohan niya man o hinde at least maappreciate niya pa din yung effort ko." wika ni Ethan.

"Yeah, tama ka diyan bro. Wala naman kasi akong talent sa ganyan e. Kaya nga nag payaman ako para someone can serve for me." wika ni Lucas.

"What did you order ba for Mica, bro?" tanong ni Ethan.

"Pork sisig bro." tugon ni Lucas.

"Hahaha! Are you sure bro?" matawa tawang tanong ni Ethan.

"Yeah, I am sure bro. Diba nga yun din yung order niya nung nag dinner tayo?" sagot ni Lucas habang nag kakamot ng ulo, dahil maski siya eh hindi talaga sigurado kung yun ba ang gustong pagkaen ni Mica.

At habang nag uusap kami ni Lucas, sa wakas dumating na din yung mga ingredients na inorder ko.

At agad ko na ding sinimulan ang pag bebake. And while I'm mixing the ingridients, may bad news

para kay Lucas.

"Yes sir, out of stock po ang sisig natin ngayon. Tomorrow pa po magiging available." wika ng

cook ng resto bar via phone call.

"Oh no, pano na to Ethan? Anong ioorder ko para sa kanya?" nag aalalang tanong ni Lucas.

"Ahh nevermind bro, I think I'll order na medyo close sa pork sisig." masayang sinabi ni Lucas na para bang nakaisip ng maganda at masarap na pagkaen para kay Mica.

PENELOPE THOMPSON POV

Medyo emotional pa din ako tuwing nababanggit at naaalala ko yung mga pangyayari noon. Dahil hanggang ngayon binubulabog ako ng kunsensya ko sa mga nagawa kong pag alis ng walang paalam. Maybe just a closure ang magpapa laya sa akin, sa amin ni Ethan. Kaya ganun na lang ang paghahanap ko sa kanya. Medyo nahimasmasan na din ako, at okay na ulit. Pero maaga aga pa dahil mabilis nga lang na natapos yung Jetski ride namin. Yung beshie ko naman ay nag siswimming dito sa may pool namin sa room.

"Tara na beshie! Sarap dito oh."pag aaya ni Mica kay Penelope.

"Sige beshie maya maya. I'm a bit hungry kasi." tugon ni Penelope.

"Umorder ka. Order mo din ako."wika ni Mica.

Ding! Dong!

Ding! Dong!

"Ohh, andiyan na agad? Hahaha." wika ni Mica tungkol sa nagdodoorbell sa kanilang room.

Dahil nag siswimming ang beshie ko, ako na ang nag bukas ng pinto. At laking gulat ko. Aba.

"Mr. Lee? Napadalaw ka? Maaga pa a. 5pm pa ang next activity natin." wika ni Penelope na nagulat na si Mr. Lee ang taong nag dodoorbell.

"Yeah, I know. Eto oh pinag dala ko kayo ng pagkain." naka ngiting sinabi ni Lucas.

"Where's Mics?" tanong ni Lucas.

"Nandito, nag siswimming. Tara pasok ka. Ikaw lang ba? wala ka bang kasama?" tanong ni Penelope na nagtatakang hindi niya kasama ang kaibigan.

Dumiretso na kami sa may balcony ng room namin kung saan nag siswimming ang beshie ko.

"Beshie! Look who's here?" nakangiting sinabi ni Penelope.

"Hi Mics." pagbati ni Lucas sa lumalangoy na si Mica.

"Oh anong ginagawa mo dito?" pagtataray ni Mica.

"I brought you some food." nakangiting sinabi ni Lucas.

"Actually meron ka din dito Ms. Thompson. Peace offering namin ng kaibigan ko." wika ni Lucas na

ikinabigla naman ni Penelope.

"Nakakahiya naman, nag abala pa kayo. Di naman ako galit kamo. Nakakahiya naman kay Mr. Smith. Asan na pala siya?" medyo nakokonsensyang tanong ni Penelope.

"Yun nga e, di na nakapunta dito kasi may importanteng tawag lang. Tungkol ata sa work niya."

paliwanag ni Lucas.

Binuksan ko na yung food na dala sa amin ni Mr. Lee. Naka separate ang sa amin ni Mica at sa akin.

Ang bango niya kahit di ko pa naoopen yung box! At mukhang special. Sabi din sakin ni Mr. Lee na mismong si Mr. Smith ang nag bake nitong food na binigay niya para sakin.

"Ohh cookies! Wow, pero nung una akala ko Choco Muffin to pero not bad ha. Mmm. Chunky yung cookies na to. Almost kalasa na din ng Choco Muffin. Sayang naman wala siya dito para makapag pasalamat ako. Grabe ang sarap!" wika ni Penelope na may papikit pikit pa habang kumakagat sa cookies na mainit init pa.

"Hoy beshie! Tara na! Diba nagugutom kana? Sasayangin mo ba yung pinag effortan neto ni Mr. Lee?" pag aya ni Penelope sa kaibigan na nagtatampo pa din kay Lucas.

MICA PEREZ POV

Napilitan akong umahon dahil nga pinipilit akong kumaen ng beshie ko tsaka nagugutom na din naman talaga ako kaso di ko na din kaya pang mag panggap. At mukhang di din naman aalis tong Mr. Lee na to inaantay niya pa ata ang reaksyon ko sa dinala niya na pang peace offering na food.

Kaya umahon na ako. Medyo lagyan natin ng emote. Kaya dahan dahan akong umahon. Char!

"Hoy ang mata Mr. Lee. Yung tingin mo parang mauuna mo pang kagatin yung beshie ko." pangangantsaw ni Penelope kay Lucas na titig na titig sa pag ahon ni Mica sa pool.

"Ito naman kasing beshie ko ang daming alam, aahon lang akala mo nasa pictorial." kantsaw naman ni Penelope kay Mica.

Inabot na sakin ni Lucas yung food na dala niya. At amoy na amoy na agad. "Amoy lechon naman to Lucas." wika ni Mica.

At pagkabukas ko. Wow! Lechong kawali? Napaka sweet mo talaga Mr. Lee! Sinisigurado mo talagang

mahighblood ako sayo e!

"Lechong kawali talaga?" wika ni Mica na nagtataka na ulam ang dala sa kanya ni Lucas sa tanghaling tapat.

"Don't you liked it? Wala na kasing pork sisig e." tugon ni Lucas.

"Hahaha. Napaghahalataan na hindi sanay manuyo o manligaw itong si Mr. Lee. Tignan mo yung pagkakaiba ng dala niyo ni Mr. Smith." pangangantsaw ni Penelope.

"Haha, I am sorry. Actually, you're right Ms. Thompson. Mica is the first girl na pinag abalahan ko ng ganito." pag bunyag naman ni Lucas.

"Aww. Thank you Lucas. Pero not bad. Alak na lang ang kulang. Hahaha." biro ni Mica.

"Oh siya, I have to go na. Kailangan ko naman icheck yung boat na sasakyan natin mamaya for the sunset viewing." wika ni Lucas.

"Thank you sa food a. Nga pala, pasabi sa friend mo na sorry sa inasal ko kanina." wika ni Penelope.

"Okay, makakarating Ms.Thompson." nakangiting sinabi ni Lucas.

"Sige na Lucas, bati na din tayo. See ya later!" wika ni Mica na may pag kindat pa.

ETHAN SMITH POV

At Ethan's Room

"Okay. Jessica sige sige."

End call....

Hayy sayang hindi na ako nakasama kay Lucas. Tumawag kasi sakin si Jessica for update about dun sa plano namin na pag branch out sa US ng hotel namin. Meron na daw interested na client ang mag iinvest.

Di ko tuloy nalaman ang reaksyon niya sa binaked kong cookies. Sana nagustuhan niya.

After that call nag swimming muna ako dito sa private pool sa loob ng room ko. Saglit lang at umahon na din agad ako. Nakapag patuyo na din ng hair. At minabuti kong mag boxers lang muna tutal ako lang naman ang nandito.

Hayy medyo nakaka antok a. Makatulog nga muna sandali.

Ring! Ring! Ring!

Ring! Ring! Ring!

"Yes?" wika ni Ethan in a bedroom voice.

"Finally! Asan kana bro? Nandito na kami sa yate. Ikaw na lang ang inaantay. Kanina pa din nakatok si

Kuya Robert pero di ka daw lumalabas?" tanong ni Lucas kay Ethan na napasarap pala ang tulog.

Time check: 5:02pm

"Ohh sh*t! Lagot na. Yes bro, wait! 5mins!"

Siguiente capítulo