webnovel

Chapter 5 - Matamis na ngiti

***

BITBIT ang mga pinamili nilang mga sangkap ng kanyang mama Ema para sa mga iluluto nito mamaya, araw ng sabado ngayon at tapos na rin siya sa mga home work niya kaya na isipan niya na sumama kay nay Pasing upang kahit papano ay matulungan niya ang kanyang mama Ema sa pag tatrabaho sa karindirya nila. kahit papano ay lumaki na ang kita. kaya napalaki na rin nila ang maliit na karindirya nila kahit papaano.

"Ma. tulungan ko na po kayo. " Aniya sa kanyang mama. at mula rito kinuha niya ng hawak nitong bulalo nanasa tray.

"Nakakahiya naman sa iyo anak, teka tapos kana ba sa mga home work mo? "

"Opo."

"Bilis naman. "

"Sempre, excited po ako na tumulong rito. "

"Sus... " Pang aasar pa nito sa kanya at akmang susundutin siya sa tagiliran ng itaas niya ang hawak na bulalo na inorder ng isa nilang customer.

"Mamaya na po ma. baka matapon sayang naman ang niluyo niyo ni mang Bob. "

"Tse! Sige na ibigay mo na yan doon sa labas sa table Two. "

Dalidali naman din siyang tumalima may pagiingat sa bawat kilos niya lalunat mainit ang kanyang daladala' nang matanaw niya ang table two, mayroon doon isang lalaking naka upo patalikod sa kanyang gawi kayat hindi niya makita ang mukha nito.

Matamis ang mga ngiti niya ng makalapit siya roon.

"Hello po, ito na po ang order niyo sir. " Masaya niyang sabi bago niya dahan dahan na inilapag ang order nito.

Subalit agad rin nawala ang mga ngiti niya ng makita itong nakatitig sa kanya at walang tugon mula rito. Noon lamang niya na kita ang kabuuan ng mukha ng lalaki.

Masasabi niyang mala adonis ang itsura nito, matangos ang ilong at mareno ang balat matangkad rin na kahit hindi pa ito tumayo ay na titiyak niya. tantiya niya ang edad nito ay nasa twenty seven.

Teka? araw-araw niya itong nakikitang kumakain sa karindirya nila, Pero ngayon niya lamang ito na titigan ng mas malapitan.

Agad siyang napalunok dahil sa uri ng tingin nito. Tumikhik siya upang mawala sa kanya ang atensyon nito.

Bigla kasing kumabog ng malakas ang dibdib niya ng mga sandaling iyon, pero nilakasan niya na lang ang kanyang loob kahit na hihiya siya.

"M-may kailangan pa po ba kayo sir? "

"Wala na. " Napakagat labi siya ng marinig ang matikas at lalaking lalaki nitong boses.

Jusko! Sheen-sheen..

Ano bang nangyayari sa kanya? bakit ganon na lamang ang kabog ng kanyang dibdib. Di kaya may sakit na siya sa puso?

"S-sige po, pero kung may kailangan pa po kayo, tawagin niyo lang po ang isa sa mga tauhan po naman rito. Sige po enjoy your meal sir. "

Pilit na ngiti niyang sabi bago siya yumuko upang magbigay galang rito at akmang tatalikod na sana siya ng mapa siklot siya ng hawakan siya nito sa pulsuhan kayat agad siyang pumaling rito. Tila naman siya na papasong mabilis na binawi ang mga kamay mula rito.

"I'm sorry. " Hinging paumanhin nito.

"M-may. May kailangan po---"

"Itatanong ko lang sana kung ano ang

pangalan mo. " Seryoso nitong sabi. Ilang beses muna siyang napalunok bago niya sinagot ang tanong nito.

"S-Sheena-sheen Elgacer po." Tumango tango ito bago ngumiti ng ubod ng tamis wala sa loob na napahawak siya sa dibdib.

Shit! Ang puso ko.

"S-sige po! " Nag init bigla ang mga pisngi niyang nag madaling tumalikod at tumakbo pabalik ng kitchen hindi na niya hinintay pa ang pag sasalita nung lalaki.

Puta.

Ang dibdib niya ang lakas ng kabog. Mariing pa siyang sumilip sa maliit na binta mula sa kanyang kina tatayuan, upang sana silipin ang lalaki. Subalit laking dismaya niya ng makitang wala na agad ito roon.

Weird..

Napasandal na lamang siya sa pader padaosdos na nanapa salampak. Tinampal niya pa ang mga pisngi. Dahil sa labis na hiya at pagiinit ng mga pisngi niya.

Oh.. god..

Ano bang nangyayari sa kanya? Di kaya may crush siya roon? Jusko! Kabaliwan man ang iniisip niya pero hindi mawaglit waglit sa isipan niya ang napaka tamis nitong mga ngiti. mas lalong nag padagdag pa lalo sa ka gwapuhan nito.

Saganon siyang tagpo ng maabutan siya ng kanyang mama Ema.

"Jusko! Na bata ka ano bang nagyari sayo bat ka nariyan sa lapag? "

"Tinamaan po ata ako ma. " Wala sasarili niyang sabi.

"H-huh? Anong tinamaan na pinag sasabi mo riyan. Halika at mag pahinga ka muna jusko ka! Nininerbiyos ako sayo. "

Taranta siyang pinaupo ng kanyang mama Ema sa upuan nanaroon. Habang tulala pa rin siya.

"Sheen-sheen!? "

Jusko ko! Ma. Tinamaan ako sa karisma nung customer natin, Ang gwapo gwapo pa. Na love at first sight ata ako..

Ngali-ngaliin niyang sabihin iyon ngunit kapag ginawa niya iyon t'yak may kurot siya sa singit gayon masyado pa siyang bata para kumarengkeng.

Mali man ang nararamdaman niya ay kailangan niya supilin ang namumuo sa puso niya. Bago pa niya pag sisihan sa bandang huli at walang katiyakan.

©Rayven_26

Siguiente capítulo