webnovel

Prologue

MABILIS  ang kanyang mga hakbang, palingon-lingon sa kanyang likuran. Hindi niya mawari pero pakiramdam niya sa mga sandaling iyon ay mayroon nakasunod at nakamasid sa kanya.

Laluna ngayon pauwi na siya galing sa birthday party  at ito nanaman ang kanyang pakiramdam sa tuwing uuwi siyang mag isa' feeling niya nasalikuran na niya ang estranghero na hindi niya kilala at kung ano bang dahilan nito kung bakit siya nito sinusunda.

Binilisan niya pa ang mga hakbang niya ang importante sa ngayon ay hindi siya nito maabutan. Kaya ang ginawa niyang paglalakad ng mabilis ay na uwi na sa mabilis na pagtakbo.

Nanginig na siya sa takot kaonti na lang mararating na niya ang kanilang bahay. Kaonti na lang..

Mariing niyang bulong sa kanyang sarili. Napahiyaw na lamang siya ng biglang kumulog ng malakas mas lalong nataranta ang sistema niya at binilisan pa ang pagtakbo.

Bakit ngayon pa umulan.

Lumiko siya sa iskinita wala nang taong dumaraan dahil halos nasa loob na ang mga  ito ng mga kanikanilang mga bahay. ang pagkakamali niya lang hindi siya umuwi ng masmaaga sa kadahilanang naki birthday party pa nga siya ' kasama ang mga kaklase at kaibigan niya na iniwan rin siya, ni hindi rin naman niya sukat akalain na gagabihin at ganto pa ang mangyayari sa kanya.

Ang buong akala niya ay hindi na niya muling mararamdaman ang taong noon paman ay lagi nang naka sunod at nakamasid sa kanya. Pero nag kamali siya. muli itong nag paramdam bumalik upang guluhin nanaman  siya.

Nagkaroon ng pagaasa sa puso niya ng matanaw na niya ang bakuran ng kanilang bahay hindi na siya lumingon pa mabilis ang pagkilos dahil alam niyang nakasunod parin ang estranghero sa kanya.

Shit!

Subalit ilang hakbang na lamang ang ginawa niya, kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay siyaring may bigla na lamang humigit sa kanya' at ikinulong siya mula sa malabakal nitong mga bisig.

Nag pupumiglas siya pilit kumakawala mula sa estranghero. Subalit sadyang malakas ang lalaki, tinakpan rin nito agad ang kanyang bibig upang hindi siya makasigaw.

May pumatak ng mga luha sa mga mata niya, basang basa narin sila pareho dahil sa lakas ng ulan imposible rin na may makapansin pa sa kanya at sa lalaki lalunat madilim sa parteng kanilang kina tatayuan. Imposible rin na may makarinig sa kanya laluna sa lakas ng ulan.

Nais niyang manlaban at kahit mahirap man sinubukan niya, at nagtagumpay naman siya roon  nakawala siya panandalian mula sa lalaki ng sikuhin niya ito ng ubod ng lakas.

Dalidali na siyang tumakbo.

"T-tulong! Kuya ! Nanay Pasing ! " Nag sisigaw na siya habang humahagulgol papalayo sa lalaking naka itim na jacket at naka cap na itim.

Subalit bago paman siya makagawa ng ingay mula sa kanilang gate, nahigit na  siyang muli ng lalaki, nag pupumiglas siya pero isang malakas na suntok lamang ang natamo niya mula rito, namilipit siya sasakit nang bigla na lamang siya nitong sikmuraan, nang hina siya bago paman siya bumagsak sa kalsada maagap siyang nasalo nito.

Mabilis ang kilos nitong pinasan agad siya na parang isang sako ng bigas. Nag lakad sila papalayo mula sa kanilang bahay, kasabay ng pagpatak ng mga luha niya ay s'yaring pagkawala niya ng malay hanggang naging madilim na ang lahat.

©Rayven_26

Siguiente capítulo