webnovel

Capitulo Labing apat

chapter 14: Coincidence? or meant to be?

NAPATINGIN si shakira sa dalawa habang halos magkasalubong ang noo一 halos kasi ay habulin na ng mga ito ang kanilang hininga na tila masyadong malayo ang kanilang itinakbo kahit ang totoo ay hindi naman.

"Ayos kalang anak?" tanong nya habang hinahaplos ang likod nito.

"A-Ayos lang po ako mama" tinignan niya ito ng maiigi bago tumango tango at nalipat ang tingin kay thomas.

"Are you okay?" tanong nya rin dito.

Tumango tango ito一 nalipat ang tingin niya sa kamay nitong nakasandal sa lamesa na tila ito ang nagsusuporta rito.

"Water?" tanong nya at bago pa man ito makasagot ay mabilis siyang kumilos upang kuhaan ang mga ito ng tubig.

"Grabe mama ang bilis nyo pong tumakbo kanina" iyon agad ang sinabi ni julia matapos nitong inumin ang tubig na inabot niya.

kunot noong nagkibit balikat siya. "Para sa akin ay mabagal pa ang isang iyon." iyon na lamang ang isinagot nya bago binaling ang tingin kay thomas. "I think there's some mysterious or something on that forest." seryoso niyang ani.

Inubos muna nito ang tubig bago tumango at nagsalita. "I think that too. And maybe there's something mysterious to you as well" napakunot ang noo niya.

"Hm, I'm with some people i know when we entered that part of forest so i think there's nothing mysterious to me." kibit balikat niyang sagot.

"Then how can you explain what happened earlier? Why i am the only one who can't enter that mysterious forest?" doon niya naiangat ang isang kilay at malalim na napaisip.

'kung tama ako ay tila may harang ang gitna ng forest na tila ba may malaking harang doon para sa mga tao sa loob..' kumunot ang noo niya. 'at kung tama ang pagkakarinig ko ay si rozzen ang nagsabing isa siyang bampira..'

Literal na napanganga siya nung mag sink in lahat sakaniya!

"Ibig nun sabihin.." huminto siya at kunot noong bumaling sa pinto!!

'Ang harang na iyon ay ang proteksyon ng mga bampira sa tao?'  Bigla siyang napaayos ng tayo! 'pero bakit sakin一 sa amin ni julia ay walang epekto?'

Napaupo siya sa isang de-kahoy na sofa at isinandal ang ulo sa matigas na sofa na iyon.

"Ang gulo gulo.." bulong niya sa sarili. Iniangat niya ang tingin niya at tumingin sa dalawang nakatingin na pala sakaniya kanina pa! "I want to sleep.. Please wake me up later." aniya tsaka tumayo at pumasok sa kwartong pinaglabasan niya kanina..

ISINALAMPAK ni rozzen ang sarili sa malambot nilang sofa.

tila pagod na pagod ang katawan niya kahit ang totoo pa ay wala siyang ibang ginawa ngayong araw maliban na lamang sa pag-dedestribute niya sa mga gamot na gawa niya sa mga bampira kanina pagkauwi niya galing kina adrasteia..

"Anong gusto mong kainin ngayon dude? Sawa na ako sa dugo ng mga hayop dito sa kagubatan.." hindi niya pinansin si khironny na batid niyang naghahalukay na sa refrigerator niya sa kusina. "Hays, namiss ko tuloy ang luto ni.." batid niyang kahit hindi nito tinuloy ang sasabihin ay alam niya na kung sino iyon, iisang tao lang naman ang nagluto sakanilang dalawa.   "Nasan na kaya sila ngayon?" naimulat niya ang tingin at isang imahe ng babae ang pumasok sakaniyang isipan.

'hindi ko rin alam..'  ipinikit niya ang kaniyang mga mata kasabay ng pag-alala sa mukha ni shakira..

"Sana naman ay nakauwi sila ng maayos.." rinig nya na namang ani ni khironny at tulad nung nagdaang oras ay hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin.

Naikagat nya ang ngipin sa ilalim ng labi dahil hindi niya mapigilang mag-alala rin sa kalagayan ng mag-ina kahit pa siya ang dahilan kung bakit umalis ang mga ito.

hindi niya maiwasang makonsensya nung maalala niya ang huling emosyong nakita niya sa mukha ni shakira. 

"Sana hindi siya gaanong nasaktan nun.." bulong niya. "Mas gugustuhin kong ako lang ang masaktan at maapektuhan ng ganito.." namuo agad ang luha sakaniyang mga mata habang nakapikit.

Watching her eyes full of pain and its that because of him一 is the most hurtful thing that he ever saw in his life.

Masakit nang isipin ang mga dapat sasabihin kay shakira一 halos manikip ang dibdib niya habang prinapraktis ito sa puno dahil alam niyang mahihirapan siya kapag hindi niya iyon ginawa.

Noong nakaharap niya na si shakira ay may malaki ang parte sakaniya na pumipigil sa pagsasalita一 pero hindi niya magawa dahil kaakibat ng kilos niya ay ang magiging desisyon ng kaligtasan ng mag ina..

Hirap na hirap siyang magdesisyon. hindi man iyon ang unang beses niyang maramdaman iyon一 pero the fact na nauulit na naman ang nangyayari nung nangyari three hundred years ago ay mas inigihan niya ang pagdedesisyon dahil natuto na siya noon at gagawa siya ng paraan para hindi na mangyari iyon kahit pa ang kaakibat nun ay ang paglayo kay shakira...

"Ayos kalang dude?" doon siya nagising sa pag-iisip.

Iniiangat niya ang ulo niya at deretsong tumingin kay khiro na naupo sa harapan ng kinauupuan niya na may dala dala pang dalawang bote ng alak.

"Ayos lang ako." pilit niyang tinanggal ang kung ano mang emosyon sa mukha niya atsaka kinuha ang isang bote ng alak at mabilis iyong ininom, ayaw niyang ipakita ito sa kaibigan dahil alam niyang mag-alala ito sakaniya.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya一 umaasang mawawala ang bigat ng dibdib niya at ang namumuong luha sa mga mata niya pero hindi iyon nakatulong..

Dahil isipin niya lamang ang mukha at pangalan ni shakira ay nagdadalamhati na ang puso niya..

Napayuko siya at inihilamos ang kamay sa mukha dahil nakaramdam sya ng pagkahilo.

"Dude.." bakas ang pag-aalala sa boses ni khiro.

Ipinilig niya ang kaniyang ulo 'tsaka malakas na bumuntong hininga.

"I'm just tired khiro.." aniya.

Munit kahit anong rason yata ay hindi tatanggapin ni khiro bagkos ay kunot noo itong nakatingin sakaniya.

"Talk, rozz. I'm listening"  umiwas siya ng tingin at hindi magawang ibuka ang bibig.

Inilapag niya ang boteng kalahati na lamang ang laman at tumulala roon.

Ayaw niyang sabihin ang kaniyang nararamdaman hindi lang dahil ayaw niyang mag-alala si khiro sakaniya kung hindi ay alam niyang kasalanan nya rin naman ang lahat.

'kung hindi ko lang sila ipinunta dito.. maari ko pa rin kayang iligtas sila sa kahit anong peligro? makakaya ko pa rin kaya silang lapitan?' tanong nya sa sarili.

"buddy, mag salita ka and i promise.. hindi kita huhusgahan" kita niya ang sinsero nito sa mga mata kung kaya't wala siyang ibang ginawa kung hindi ang muling bumuntong hininga..

"Konting konti nalang, khiro, mababaliw na ako." kunot noo niyang pagsisimula. "Ako naman ang may dahilan kung bakit sila umalis pero f*ck.. Bakit ganito nalang siya kasakit?" mabilis na namang namuo ang luha niya sa mata. "Bakit kaylangan ganito nalang kasakit? Kahirap?" ikinunot niya lalo ang noo na para bang mapipigilan nun ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. 

"Dude.." nag aalalang tawag ni khiro sakaniya munit hindi niya iyon pinansin.

"T*ngina kasi e.. Alam kong ginawa ko 'yon para rin sakanila pero d*mn it khiro.. Hindi ko man lang matanggap na umiyak siya dahil sa'kin.. I can't accept the fact that her tears fell because of me.. She's crying because of an as*hole like me! F*ck!" inihilamos niya ang mga kamay sa mukha upang mapigil ang luha. "B-Bakit kasi ganito nalang 'yong tadhana sa'kin? Bakit ganito nalang lagi.. I just want to be loved, I just want to be taken care pero bakit ganito nalang lagi? Why.. Bakit laging kinakaylangan kong umiwas at lumayo sakanila para sa kaligtasan nila?" Tumingin sya sa kaniyang dingding niya upang pigilan ang luha munit nabigo siya bagkos ay sunod sunod itong nagsitulo!

"Gusto ko lang namang mahalin.. Gusto ko lang naman ng makakasama habang buhay.. Wala akong pakealam sa pera一 kayamanan o kapangyarihan dahil ang kaylangan ko ay ang pagmamahal.. Pag-aalaga na sakanila ko lang din naramdaman" pilit niyang pinupunasan ang luha pero sadyang may mga sarili itong utak bagkos ay sunod sunod ang tulo nito! Mabilis niyang kinuha ang bote at itinungga iyon na parang isang tubig lamang!

Napapikit siya dahil sa sobrang pait non na matagal bago umalis sa kalamnam niya!

"I want to help you.. I swear dude, but I don't know how.." kunot noo din nitong ani. "Akala ko talaga kapag pinalabas nating pin*tay natin sila ay ayos na ang lahat.. Hindi ko naisip na kapag ginawa natin 'yon ay hindi kana dapat makipagkita pa sakanila.." dahan dahan nitong sabi.

Pilit niyang pinigilan ang luha sa pamamagitan ng pagkagat sa sariling labi bago wala sa sariling nahilamos na naman ang kamay sa mukha.

"I don't know how to help myself either, khiro.. Something inside me just died when i saw her walk away.." nakatulala niyang ani. "I just want to run and find her dahil hindi ko alam kung matatagalan ko bang wala siya, sila sa paningin ko khiro.." ipinikit niya muli ang mga mata dahil nakaramdam na naman siya ng hilo一 isinandal niya ang likod sa sofa at inilagay ang braso sa mga mata.

"You need to be strong dude.. Not just for you but for her too.. even tho i don't know how to help you, i will promise to you that I'm on your side always. Kakampi mo'ko lagi, rozz my friend.." iyon ang huli niyang narinig bago tuluyang makatulog dahil sa pagkalasing at dalhin sa isang pamilyar na lugar.

"Zen! Ano kaba haha"  tulala lamang siyang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya!

Inilibot niya ang tingin sa buong lugar munit wala siyang kakaibang nakita kung kaya't muli niyang ibinalik ang tingin sa babae!

"May problem ba, zen?" nag aalala nitong ani.

Mabilis siyang umiling..

Unti unti niyang iniangat ang kamay upang haplusin ang mukha nito munit bago niya pa man gawin iyon ay bigla na lamang itong nawala sa harapan niya..

roon ay nagbago ang lahat pati na rin ang lugar!  bagaman ay kilalang kilala niya na ang lugar na iyon一 naalala niya pa ang lugar na iyon dahil iyon ang lugar kung saan..

" Bakit? Bakit mo samin ginawa ito? Bakit... Bakit mo kami pinarurusahan?" ani ng ginang na halos buong katawan na ang may dugo.

Matunog siyang ngumisi at madiing hinablot ang buhok nito na agad nagpadaing rito!

"Lahat ng angkan nyo ang dahilan kung bakit namatay ang ina at ama ko!" mabilis na namuo ang luha sa mga mata niya munit ganon pa man ay tila nagliliyab ang mga matang nakatingin siya sa ginang. " i did everything to take a revenge to all of you一 at kasama doon ang anak ninyo." Madiin niyang sabi habang pinipigilan ang tila sasabog sa sobrang galit na puso niya.

Nanginginig niyang binitawan ang walang buhay na ginang at inilibot ang tingin sa buong kagubatan..

'wala na silang lahat.. pinatay ko silang lahat!' sigaw niya sa sarili habang tila isang d*monyong humalakhak sa gitna ng gubat!

"NAKABAYAD NA RIN KAYO SA UTANG NINYO! SA WAKAS! NAPAGHIGANTI KO NA ANG AKING MGA MAGULANG!!" malakas niyang sigaw at kasabay nun ang paglipad ng mga ibon sa himpapawid na tila ba nagulat sa sigaw nya.

wala sa sariling napatingin siya sa isang pestura ng dalaga..

Nilapitan niya iyon at galit na hinawakan ang pisnge..

"I do love you, mi amor.. But you're her daughter." nakangisi niyang ani kasabay ng pagbagsak ng ulo nito sa lupa dahil sa biglaan niyang pagbitaw..

NAGISING SI SHAKIRA na hawak hawak ang dibdib dahil sa sobrang bigat!

"Mama! Ayos lang po ba kayo?" napalingon siya kay julia na agad agad na lumapit sakaniya na may dalang tubig!

mabilis niya iyong kinuha at uminom upang pakalmahin ang sarili!

'ang panaginip na iyon..'  aniya sa sarili.

Napapikit siya ng mariin at ibinalik kay julia ang wala nang laman na baso.

'ano ang ibig sabihin nun?' 

"Are you okay?" Unti unti siyang napalingon sa lalaking pumasok sa kwarto.

"Yes, i am." mabilis niyang ani bago bumuntong hininga. "Binangungot lang ako." aniya.

"Mama may luha po kayo.." hinawakan niya ang kaniyang mukha at nung maramdaman nga ang tubig ay mabilis niya itong pinunasan! "Mama malungkot na naman po ba ang panaginip ninyo?" nag aalalang ani ni julia.

mabilis siyang umiling at ngumiti. "Hindi anak.. Napuwing lang si mama" nakangiti niyang ani.

Natigilan siya at napatingin sa lalaki nung maramdaman niya ang tingin nito. "Why?" mabilis niyang tanong.

"Can we talk?" seryoso din nitong tanong.

Hindi pa siya nakakasagot nung lumabas ito sa kwarto na ikinakunot ng noo niya.

Huminga siya ng malalim bago tinignan ang anak na taka na namang nakatingin sakanilang dalawa! "Teka lang anak" paalam niya bago sumunod sa lalaking iyon.

Walang emosyon ang mukhang nakatingin sakaniya ang lalaki nung lumabas siya sa kwarto. Sa itsura pa lamang nito ay halatang may seryoso itong sasabihin kung kaya't inayos niya ang sarili niya.

"What it is?" seryoso niya ring ani.

Imbis na sagutin ang tanong ay inilahad nito ang kamay na ikinakunot niya ng noo. "I am Doctor. Thomas Willson一 I'm a psychiatrist and i have this skills to bring back the memories back from someone who forgot about it."

itinaas niya lang ang kilay at tumango tango. "Hm, okay then." tatalikod na sana sya papasok sa kwarto nung magsalita na naman ito.

"You want me to bring your memories from your past back?" natigilan sya.

Ilang segundo pa ang dumaan bago niya nilingon ang lalaki. "What the sh*t you're talking about? Are you a magician or gods?!" hindi niya maiwasang tumaas ang boses!

"Look, i know you're mad but..I saw you一 crying even tho your sleeping! I heard you saying his name.. I heard you saying 'Why zen? Why..' while your tears continue to fall.." napatitig siya sa lalaki.

'pano niya.. nalaman?'

"At first i though you were just having a bad dream but when i remember that you can pass that line.. I just thought that you're the queen's daughter.."

biglang tumaas ang balahibo niya nung marinig ang huling salitang binigkas nito.

napapikit siya at napahawak sa ulo nung mayroong nag flashback sa mukha niyang isang babae!

"My lovely daughter.."

mariin niyang ipinikit ang mata nung biglang kumirot ang ulo niya!

"What's happening? Are you okay?!" hindi niya pinansin ang lalaki bagkos ay busy siya kakahawak sa ulo nya!

Mas lalo iyong kumirot dahilan para mapaupo sya sa lapag!

"My lovely daughter.." 

napayuko siya at napadaing na naman nung biglang mas lalong kumirot ang ulo niya!

"Shakira! Can you hear me?! Shakira!!"

"My lovely daughter.. You know that we love you right? We will support you even tho it hurts us.."

Isang magandang babae na tila diyosa ang nasa harapan niya ngayon! Nakahawak ito sa kaniyang pisnge habang lumuluha!

"Mommy.." iyon na lamang ang inuusal niya habang umiiyak.

"Just do what makes you happy, okay? We will support you from afar.."

dinamhin nya ang hawak ng babae sa kaniyang pisnge一 hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay naramdaman niya na iyon.. at kung bakit miss na miss niya na ang pakiramdam na iyon..

"Thankyou mommy, i love you.." umiiyak niyang ani.

"We love you too.."

pagkatapos nun ay bigla nalang itong nawala na para bang isang bula sa paningin niya! huminto na rin ang pagsakit ng ulo munit ang luha niya'y patuloy pa rin sa pagtulo..

"Mommy.." wala sa sariling bulong niya habang nakatulala lamang sa kawalan. "Mommy ko.." napahawak siya sa mukha at doon humagulgol.

Isang kirot sa puso ang naramdaman niya dahilan para mas lalo siyang mapaiyak! Napahawak siya sa puso at humagulgol ng humagulgol. 

"Shakira/ Mama.." hindi niya pinansin ang dalawang sa ngayon ay nasa harapan na pala niya.

Patuloy siya sa paghagulgol habang pilit inaalala ang mukha nung babaeng iyon..

"Mommy ko.. Mommy" hinawakan niya si julia at niyakap ng mahigpit habang patuloy pa rin sa pag iyak habang ang mga ito naman ay patuloy siyang pinatatahan..

Hindi niya namalayan na halos isang oras na pala siyang umiiyak..

"Are you.. Okay?" dahan dahan siyang napalingon kay thomas na tila nag aalalang nakatingin sakaniya.

"I don't know either.." nakatingin may kay thomas ay tila ang paningin niya ay lumalagpas dahil ang mukhang nakikita niya ay ang mukha ng babaeng nakita niya kanina lamang..

"Shakira can you stand up?" tanong na naman nito nung subukan niyang tumayo.

Nakaalalay pa rin ang kamay nito sakaniya一 sakanilang dalawang mag-ina habang tinatahak niya ang uukupahan niyang kwarto.

"Shakira.." tawag na naman nito nung nailapag niya na ang natutulog na si julia一 marahil pati ito ay napagod sa kaiiyak kung kaya't nakatulog. "What happened to you?" halata sa boses nito ang pag-aalala pati na rin ang pagkalito.

Hindi niya mahanap ang sagot bagkos maski siya ay hindi alam kung ano ba talaga ang nangyari.

pilit ang ngiting tumingin siya kay thomas. "I can't explain anything today because i feel like I'm exhausted.. But I'll try tomorrow" iyon lang ang sinabi niya bago huminga at tumabi sa kaniyang anak.

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at maya maya ay naramdaman niya ang pag alis ni thomas sa kwarto kasabay nun ay narinig niya ang dahan dahan nitong pagsara ng pinto.

Nung makasiguradong wala na ito ay idinilat niya ang kaniyang mga mata at tumambad sakaniya ang tulog na tulog na si julia..

"Ano na naman kaya ang mangyayari satin dito? Magiging malungkot na naman kaya o magiging masaya na?" bulong niya. "Kung ano pa man ang mangyari dito.. Pinapangako ko sa'yo julia na pro-protektahan kita sa lahat ng way na kaya ko.." nakangiti niyang ani.

marahan nya pang hinaplos ang mukha nito bago inayos ang kumot at napagdesisyunang matulog..

NAGISING si rozzen at napahawak sa dibdib nung bigla iyong bumigat!

"Dude! What's wrong?" nag aalalang tanong ni khiro.

dahan dahan itong tumingin sa kaibigan na nanlalaki ang mata at hinihingal..

"She's back.. S-Si Annette bumalik na siya" utal niyang sabi at tinuro ang dibdib kung nasan ang puso! "A-Ang pakiramdam na ito.. Sobrang bigat k-khironny... Ang sakit sakit" kagaya ng reaksyon niya ay nanlaki rin ang mata nito't hindi makapaniwalang napahawak sa noo!

"What the.." hindi na nito natuloy ang sasabihin bagkos alam niyang maski ito ay nagulat rin!

kinakabahang iniwas niya ang tingin at nadako ang tingin sa labas ng kanilang tahanan..

Doon niya nakita ang madilim na kagubatan munit hindi niya alam kung namamalikmata lamang siya ngunit nakita niya roon si annette..

at tumaas ang balahibo niya nung makita kung paano ito ngumisi at unti unting sumama ang tingin na tila may balak itong masama!

"Annette.." mahina niyang usal sa pangalan nito.

Bago pa man siya makatayo at pumunta rito ay unti unti itong naglaho..

"Dude!" nagising siya sa pag iisip nung biglang magsalita sa khiro!

Napakurap siya at agad na binalingan ito ng tingin."W-What?" wala sa sarili niyang tanong.

"A-Anong problema, dude? Okay ka lang ba?" nag aalala nitong ani.

Muli siyang tumingin sa bintana kung saan niya nakita si annette munit wala na ito doon!

bumuntong hininga siya at pinilig ang noo. "This is nothing khiro.. I'm just exhausted" bumuntong hininga siya bago muling sinulyapan ang bintanang kung saan niya nakita si annette munit wala na talaga ito roon..

Siguiente capítulo