webnovel

BET

Vreihya's P.O.V

"Ca-Calix," mahina kong usal habang sapo ang aking dibdib. Tuluyan ng nanlabo ang aking paningin dahil sa aking pag-iyak. Hindi na dapat pang sumariwa sa akin ang mga ala-alang iyon. "Who do you think you are to question if Mino would be mine or not dahil lamang sa nasa isip ko pa din na si Calix na lang sana?" madiin kong panimula sa diwatang nakatitig lamang sa akin.

"Hindi mo ako masisisi na manghinayang para sa aming dalawa. You saw it yourself! Alam mo kung gaano kaganda ang pinagsimulan naming dalawa," marahas kong pahayag sa kaniya. Kahit sino naman ay maghihinayang dahil sa maganda naming pinagsamahan. He is supposed to be the one and no one else!

"Pathetic! Ikaw itong nagtutulak kay Calix na kalimutan na ang kagustuhan na sana kayo na lamang ngunit ikaw ay hindi din maialis sa isip ang kahilingan na ito," mayabang lamang niyang saad sa akin. Lagi naman niyang nais na ipitin lagi ang aking isip na parang isang laro sa kaniya na makita akong nalulunod sa sarili kong damdamin.

"What's the difference between Calix and Mino?" mabilis niyang katanungan habang unti-unti kong itinatayo ang aking sarili. Marahas kong hinubad ang aking makapal na balabal at inalis ang telang tumatakip sa aking mukha. Agad na naglingas ang aking mga mata habang nakatitig lamang sa kaniya na prente lamang na nakaupo ng elegante sa kaniyang upuan.

"My feelings for Calix is my own choice," makahulugan kong saad sa diwata na siyang lalong nagpangisi sa kaniya. "Exactly!" makahulugan niyang saad sa akin. "Then why not fight for it?" prente niyang tanong sa akin. "That's useless!" agad kong sagot sa kaniya. "Besides he is also mated with someone else," dagdag ko.

"Then there is no room for wishing that he should be the one," madiin niyang saad sa akin pabalik. "Kasalanan ba ang maghinayang?" mataray kong usal sa kaniya. "No Vreihya ngunit kung ang paghihinayang na iyan ang pumipigil sa'yo para umusad at tanggapin kung ano ang nakalaan para sa'yo then that's a problem," pahayag niya sa akin.

"This is my freedom we are talking about! Kalayaan ko ito na magmahal ng kung sino man ang gusto ko!" agad kong singhal sa kaniya pabalik ngunit hindi siya natinag. Masama ba na takbuhan ang isang bagay na hindi ko naman gustong tanggapin?

Agad na napatayo si Circa sa kaniyang kinauupuan at sa kaniyang kumpas ay agad kong naramdaman ang tila pagbulusok sa akin ng isang bagay. Agad akong napatakip sa aking ulo dahil sa isang salamin na naman ang naramdaman kong tumama at nabasag sa aking katawan.

Sa aking pagdilat ay agad na sumalubong sa akin ang aking silid. The bricked wall of my spacious bedroom and its marbled floor feels real to me. Agad akong napatingin sa aking kama na kahit pa sa mura kong edad ay talaga namang napakalaki para sa isang tao.

The purple blanket that I love to use when I was young is laying on it perfectly. Sa aking paninitig dito ay bahagya akong napaatras dahil sa bigla na lamang sumulpot ang isang bata na nakayakap sa kaniyang Ina habang matindi ang naging pag-iyak nito.

"Vreihya anak..." malumanay na tawag sa akin ng aking Ina at agad na hinagod nang marahan ang aking likudan habang hindi magkamayaw ang aking musmos na katawan sa pag-iyak. "... kailangan mong kalimutan si Calix," malungkot na pahayag ni Ina.

"Pero Ina gusto ko po siya," umiiyak kong pahayag habang mas lalo akong nagsusumiksik kay Ina. Agad kong naramdaman ang tila pagpasok ng isang pigura sa aking silid at ang pagtagos ni Tiyo sa aking katawan. Marahan siyang umupo sa aking kama habang tinitignan siya ni Ina nang buong lumbay.

Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang araw na ipinaliwanag na sakin ni Tiyo at Ina ang katotohanan. Malinaw ko pang nakikita ang benda sa aking tiyan na siyang tinamaan ng pilak na bala. "Vreihya?" marahan na tawag sa akin ni Tiyo at agad akong napatingin sa kaniya.

Marahan niyang nilahad ang kaniyang mga bisig at binuhat ako mula kay Ina at iniupo niya ako sa kaniyang binti. "Masakit pa ba?" marahan niyang tanong sa akin habang nakatingin sa aking benda. Umiiyak akong tumango sa kaniya at marahan niyang nilaanan ng halik ang aking noo.

"Tiyo! Ayaw ko iwan si Calix," pagsusumbong ko sa kaniya habang isinisiksik ko na ang aking mukha sa kaniyang dibdib kasabay ng muling pag-iyak. Ito ang tagpo na isa sa pinakamabigat para sa akin dahil kinabukasan nito ay nangyari na ang tagpong binalikan ko kanina kung saan nag-iiyak nang husto ang prinsipe ng nyebe.

"Ngunit kapag nagpatuloy kayo Vreihya ay pareho kayong masasaktan," marahan niyang turan upang masiguro na lubos kong mauunawaan ang kaniyang sinasabi. Sa pagkakataon na ito ay wala akong ibang maisip kung hindi ang kalupitan ng tadhana sa akin. Sa mura kong edad ay isinampal na nito kaagad sa akin ang mapait na katotohanan.

"Ayaw ko sa iba! Ayaw ko sa mga tao! Ayaw ko sa kanila!" nagsimula na akong magpumiglas kay Tiyo habang puno ng luha ang aking mga mata. Sariwa pa ang sugat at takot na ibinigay sa akin ng mga tao pagkatapos ay malalaman ko na sa isang kauri nila ako ipapares.

Mas lalo akong niyakap ni Tiyo nang mahigpit upang pakalmahin ako sa aking pagwawala. Talagang matindi ang pagpupuyos ng aking damdamin dahil sa matinding pagtutol. Mas lalo na ding nadagdagan ang aking inis at galit dahil nga ito din ang araw na sinabi sa akin na putulin na lahat ng ugnayan sa aking kaibigan.

"Vreihya matatanggap mo din ang lahat iha," nahihirapang pagpapatahan sa akin ni Ina ngunit mas lalo lamang akong tila nanlaban. Nabatid ko na ang pagkirot ng aking sugat at sa akin pagsilip dito ay nagsisimulang mamula ang benda. Agad akong tumayo at bahagyang lumayo sa kanila.

Kasalukuyan ngayong nasa gilid ko ang musmos kong katauhan habang puno ng luha ang kaniyang mga mata. Hindi naman makatingin sa akin ng diretso ang aking Ina dahil na din siguro sa hindi niya batid ang dapat na gawin samantalang awa ang namumutawi sa paninitig ni Tiyo.

"Hindi niyo ako mahal!" agad kong singhal sa kanila habang nakakuyom ang aking magkabilang kamao. "Gusto niyo na mapunta ako sa isang halimaw! Hindi ninyo ako mahal!" sa musmos kong tinig ay pilit kong isinigaw ang mga katagang iyon sa dalawang taong walang ginawa kung hindi ang mahalin ako.

Tuluyan ng napahikbi si Ina habang nakikita niya ang kalunos-lunos kong kalagayan. "Hindi ko iiwan si Calix!" naghuhumiyaw kong singhal habang patuloy na lumalabas ang mga luha sa aking mga mata. Nasa ganito akong estado ngunit marahan na lumapit at lumuhod si Tiyo sa marmol na sahig upang marahan akong yakapin.

"Sige! Hindi na namin ipipilit sa iyo kung hindi mo nais na iwan si Calix," marahan na saad ni Tiyo habang inaalo niya ako upang tumahan. Muli na namang dumilim ang aking paligid na siyang hudyat na tapos na ang ala-alang ito.

Muli kong nakita ang diwatang tamad na tamad na nakaupo sa kaniyang upuan. "Then what did you do after that Vreihya?" tanong niya sa akin habang tinitignan niya ang kaniyang mahaba at malinis na mga kuko. Agad kong napatiim ang aking panga dahil sa sumariwa sa akin kung ano ang sunod kong ginawa.

"Ako mismo ang nagdesisyon na talikuran ang damdamin ko para sa kaniya at ipilit na maging magkaibigan na lamang kami," marahan kong pahayag habang nakayuko lamang. Kinakain ako ng sarili kong emosyon at muli ko na namang nakagat ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang nagbabadyang luha.

"Bakit mo ginawa?" malamig niyang tanong sa akin habang tila nagsisimula na akong mamanhid sa aking kinatatayuan. "Dahil mas nanaisin ko na maging magkaibigan na lamang kami kaysa ipilit ang isang damdamin na hindi naman magwawagi sa huli," mahina kong bulong na tila ba wala na akong kakayahan pa na magsalita.

"Do you regret letting go?" tanong niya sa akin at agad akong napatingin sa kaniya. "No," prente ko lamang na saad sa kaniya na siyang ikinangisi niya. "Why?" tanong niya sa akin kasabay ng paghawi niya ng kaniyang buhok. "Nang nakilala ko ang babaeng nakalaan para kay Calix ay lubusan kong nabatid na mas higit siyang karapat-dapat para sa kaniya," malumanay ko lamang na pahayag sa kaniya.

"Sadyang kung minsan ay sumasagi sa akin na sana si Calix na lamang dahil hindi sana ako nahihirapan nang ganito kung sang-ayon sa amin ang pagkakataon ngunit nang makilala ko ang babae na iyon ay hindi ko maiwasan na matuwa. I knew she is the woman that deserves my friend more," marahan kong dagdag na pahayag.

Marahan kong narinig ang mabagal na pagpalakpak ng diwata na hindi ko alam kung minamaliit ba ako o kung ano pa man. "Do you like the mortal?" agad na napakunot ang aking noo dahil sa biglang pag-iiba ng kaniyang katanungan. Entrante? Bakit biglang napunta sa ganoon ang usapan?

"No!" mabilis kong saad at agad na naningkit ang aking mga mata dahil sa kaniyang nakakalokong pagtawa. "Wrong answer," nakakapanloko niyang pahayag at tila inayos niya ang kaniyang kasuotan na parang may pupuntahan.

"If you don't want him then he's mine," seryoso nitong saad sabay tingin nang madiin sa akin. Entrante! Anong gusto niyang iparating? Agad na nagningas ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinaad.

"Let's make a bet princess. If you win then you're free to go together with him and that wolf ngunit kung ako ang mananalo-" agad niyang pinutol ang kaniyang pahayag at agad na lumayo sa kaniyang upuan. Sa kaniyang kumpas ay may isang lumang pinto na lumabas sa kaniyang tabi. Tumalikod siya sa akin upang buksan ito ngunit bahagya siyang tumigil at tumingin sa akin.

"-you will leave this sanctuary without a mate," she said then opened the door and left. Damn you Circa!

Siguiente capítulo