webnovel

CONNECTING STORY

Kakalabas pa lang nila Zachary ng classroom agad naglulumiko't ang kaniyang mata. Medyo natagalan kasi siya sa pagsagot ng kanilang short quiz 'kuno' ni Prof. Lichauco. Naunang lumabas si Samarra sa kanilang lahat. Halos panabay na sumunod ang dalawa pang transferee.

"Zach, make it fast. Maglalakad na lang ang bagal pa rin," reklamo ni Enzo nang makita kung paano siya maglakad. Damn! Kanina niya pa ito gustong bigwasan. Mabilis niyang tinawid ang pagitan nila.

"Naka-order na raw sina Jarem at Vince sa Pizza House. Tinatanong tayo kung ano drinks natin?" ani ni Primo na hawak ang cellphone habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Enzo.

"Where's Harken?" pagkuwan na tanong ni Zachary sa dalawa nang mapansin niya wala si Harken.

"Ah, nag-CR pero susu-" hindi na natapos ni Enzo ang sasabihin ng umakbay sa kanila si Harken.

"Hark, anong gusto mo at pinapatanong ni Jarem?" Nagkibit-balikat lang si Harken sa tanong ni Primo.

"Sabihin mo, sila na bahala. Tutal, sila naman ang magbabayad may mga pagtanong pa," yamot na sagot Enzo.

Binigay ni Primo ang cellphone kay Enzo. "O, ikaw magsabi kay Jarem."

"Kayo ngang, dalawa manahimik na lang at bilisan na natin," pananaway ni Harken sa dalawa at nagpatiuna nang naglakad sa kanila.

Habang naglalakad sila panay ang linga ni Zachary ng kaniyang ulo nagbabakasali siyang makita niya si Samarra. Kahit paano nag-aalala siya dahil wala naman kakilala si Samarra sa University. Napabuga siya sa hangin nang maalala niya kung paano nakipagngitian si Samarra kay Vince. Aminin man niya o hindi nakakaramdam siya ng selos.

Napakunot-noo si Zachary habang papasok sa Pizza House. Awtomatikong napatingin siya kung saan pinanggalingan ang malakas na tawanan. He witnessed Samarra's laughter while sitting next to the guy. Napahugot siya nang kaniyang paghinga at pasimpleng napabuga sa hangin. Simula kanina hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito. At kanina pa siya nakakaramdam ng pagkayamot sa bago nilang kaklase. He's never felt so jealous of other people as he does right now. Dumaan siya sa gilid ng table nito. But Samarra clearly didn't notice him. Damn! Parang gusto niyang suntukin ang katabi nito. Ganoon ba ito ka-busy makipagtawanan at makipagkuwentuhan para hindi siya mapansin. Umupo siya kung saan kaharap si Samarra at madaling makita. Kuyom ang kaniyang palad habang pinapanood ang katabi ni Samarra na bumulong sa tainga nito. He cursed silently. Sa isip niya nabugbog na niya ang katabi nito.

"Bro, Kanina pa namin tinanong kung may gusto ka pa bang ipadagdag?" Taka niyang tiningnan si Jarem na may hawak ng menu. Bakit pa sila nagtatanong. Eh, naka-order na naman na.

"You're spacing out again, Bro!" Napabaling ang tingin niya kay Enzo kita niya ang pilyong ngiti nito sa labi.

"Don't get me started on it, Enzo," mabilis niyang warning kay Enzo. Dahil obvious na mang-aasar na naman ito.

Habang nag-uusap sina Primo, Harken at Vince. Sina Jarem at Enzo abala sa pagdagdag ng pagkain kahit na may naka-serve na pizza sa kanilang table. Siya naman naka-focus lang ang tingin sa table nila Samarra. Ewan, ba niya pero nakakaramdam siya ng takot. Takot? Na baka may magustuhan na iba si Samarra. Iniisip niya pa lang parang hindi na niya kakayanin. Is he in love with Samarra already?

"What's the matter with you?" Tinapik siya ni Jarem sa balikat.

"What?" Kunot-noo niyang tanong kay Jarem.

"Do you like Samarra?" out of the blue question ni Vince sa kaniya nang mapansin siguro na ang mata niya hindi maalis-alis sa table ng mga ito.

"What?" pagkuwan niya at tumingin sa mga ito.

"Oh, come on Zachary, 'wag naman ang Super B ko, please," pambubuska ni Enzo sa kaniya.

"I'm not in the mood, Enzo," babala niya kay Enzo dahil nag-uumpisa na naman itong mang-asar sa kanilang pito sina Ivo at Enzo ang may parehong ugali.

"Do you know her? Kausap mo siya kanina?" pagkuwan na tanong niya kay Vince habang kumakain ito ng pizza.

"Not exactly, pero nakilala ko na siya two weeks ago or three. I'm not sure," bagama't may pagtataka sa mukha ni Vince sa uri ng kaniyang tanong sumagot pa rin ito.

"And?" interesadong dugtong ni Harken na tila nakuha ni Vince ang atensyon nito.

"And, nothing," pag-end of discussion ni Vince sa tanong ni Harken. Biglang tumawa si Enzo na sinamaan ng tingin ni Harken at pasimpleng siniko ito sa sikmura. Kahit siya medyo naiinis kay Vince dahil hindi nito in-elaborate ang kuwento nito. May gusto rin siyang malaman kung paano napunta ang jacket nito sa bahay nila. Pero ayaw niyang mahalata nito kaya sinarili muna niya ang mga katanungan sa isip niya.

"Eh, ikaw?" baling na tanong niya kay Harken.

"Hindi niya kilala pero?" Napabaling ang tingin nila kay Enzo na ngayon may malaking ngisi sa labi. Kabisado na nila ito 'pag ganyan ang asta nito.

"Pero ano?" ani ni Jarem.

"Hindi niya kilala personally pero matagal na niyang hinahanap 'yon. At isa pa, na-encounter na namin siya," pagkukuwento ni Enzo sa kanila. Ang tingin nila mula kay Enzo ay napunta kay Harken.

"What? I didn't do anything to her," depensang wika ni Harken nang mapansin siguro nito na lahat sila nakatingin sa gawi nito.

Napahugot nang hininga si Zachary at mataman tiningnan si Harken. Lalaki siya, kaya alam niya kilos pa lang nito may gusto ito kay Samarra.

"Bakit mo naman hinahanap at saan mo nakilala 'yon? Eh, mukha bago lang 'yon dito?" patay-malisyang tanong ni Zachary kay Harken.

Gusto niyang malaman bakit nito hinahanap, dahil sa pagkakaalam niya hindi naman lumalabas si Samarra sa bahay nila. Maliban na lang noong mag-jogging ito sa village. Knowing Samarra mas madalas pa nga nasa study room lang. Hindi ito kagaya ng ibang babae na mas gustong mag-bar or mag-shopping.

"Nakita namin siya one month ago or lampas one month. Parang mga ganoon. Tapos, ayon na," ani ni Enzo. Gusto niyang bigwasan dahil walang kuwenta kung magkuwento.

"That's it? 'Yon na 'yon? Anak naman ng? Enzo," nawawalan nang pasensiyang saad ni Jarem.

"Sino bang pinag-uusapan niyo?" tanong ni Primo na tila naguguluhan.

"Si Samarra," maiksing saad ni Jarem.

"Sinong Samarra?" gagad na tanong ni Primo habang kumukuha ng slice ng pizza.

"Ah, si Samarra 'yong transferee," pagkuwan ni Vince mabilis pa sa alas kuwatro ang pagbaling ng kaniyang tingin dito.

"Saan mo nga nakilala Vince?" ani ni Zachary dahil gusto niya rin malaman kung paano at bakit napunta ang jacket nito sa bahay nila.

Kibit-balikat si Vince. "Not exactly pero nakita ko siya minsan sa Mistletoe Village." Bigla siyang pinagpawisan sa sinagot ni Vince dahil doon sa village na 'yon ang bahay nila Samarra.

"And?" interesadong tanong ni Harken.

"'Yon lang din." nangingiting wika ni Vince.

Napahilamos ng mukha si Harken sa sobrang inis kay Vince. Harken has a short temper kaya ramdam niya na napipikon na ito kay Vince. Dahil tulad din niya nakakaramdam na rin siya ng pikon.

"Okay, nakita namin siya sa Zafaria Mall nang inutusan ako Dad na mag-random check tapos." Napatingin si Zachary kay Harken ng tumigil itong magkuwento.

"Tapos, binangga niya, tapos nagalit si Super B, kasi nga ang kaibigan natin arogante. Hindi nag-sorry kaya ayon, nakatikim ng sampal at tinuhod ang kaniyang buddy," pagpapatuloy ni Enzo sa kuwento ni Harken.

Nagkatinginan silang bago naghagalpakan ng tawa sa kuwento ni Enzo. Nangingiti si Zachary nang maalala niya na ganoon din ang nangyari sa kanila ni Samarra.

"Oh, naikuwento na namin. Ikaw? Paano mo naman nakilala si Super B?" baling na tanong ni Enzo kay Vince.

"Like what I've said. Nakita ko siya sa Mistletoe Village. Nagja-jogging. She's wearing a sport bra and hi-waist cycling. Then, she asked for help. Dahil mabait ako, pinasakay ko siya sa kotse tapos pinahiram ko siya ng jacket. Tapos?" Nagulat si Zachary nang tumingin sa kaniya si Vince. 'Yong tingin nito tila sinusuri siyang mabuti. Kaya naman, pati ang iba napalingon din sa kaniya.

"O, bakit kayo nakatingin sa akin?" naguguluhan niyang tanong.

"Kasi noong sumakay sa akin si Samarra nagpahatid sa hotel niyo. Hindi mo ba siya kilala?" takang tanong ni Vince sa kaniya.

"Hindi, ngayon ko lang naman siya nakita," kaila niya. Bigla tuloy siyang na-hot seat sa tanong ni Vince. Pero at least nakahinga siya nang maluwag dahil alam na niya na kung bakit nandoon ang jacket nito sa bahay nila.

"I think si Kuya Zeke ang kilala niya, kasi noong bago tayo mag-bar. Nagpunta ako sa hotel at nakita kong hawak niya ang keycard ng penthouse ni Kuya Zeke." Nakahinga nang maluwag si Zachary matapos sagutin ni Harken ang tanong ni Vince.

Siguiente capítulo