webnovel

Truth Hurts

Kaya mo bang makipag habulan sa dilim? Blind-Fight. Ma-ingat kong iwinasiwas ang wand ko habang pinapakiramdaman ang paligid ko. "Taleraete!" I casted when I felt a spirit on my right side. Silence screams in the training ground. Holding my tight, controlling my empath.

It's dark because of the blindfold. I stepped back when I feel something flew in front of me. "A-aray!" Tinanggal ko ang blindfold ko at napalingon sa paligid. Victor also takes off his blindfold before he caresses his foot. "sorry" Nakangusong Sabi ko.

"Farcical!" I dodge his spell and beam a smile "abhor!" I smirked when Victor also dodged my spell. "Juana!" My eyes widened when I heard Keith's voice and hurriedly slipped away from them.

I had no idea why we were doing this but looking at my friends having fun, I can't help but smile. Knowing that these people are here for me, willing to also sacrifice themselves for Parallel World's safety makes me feel happy.

"Jacques!" I press my lips to suppress my laughter because of Rick's spell to Victor. Victor starts dancing silly which makes me laugh. "Disapero! Ha! Should I be amazed by that, Mr. Mal?" Natatawa na Sabi ni Victor. Keith, and Walter even held me close para mapalayo sa dalawa.

Victor is smirking while Rick is smiling widely. "Farcical." I gasped when Rick turned bald that makes us burst into laughter. Tiningnan kami ng masama ni Rick pero hindi niya ibinalik sa normal ang buhok niya na ikinatawa pa namin ng sobra.

"Meung!" My eyes followed the light, Rick's wand produced and I burst into laughter again when Victor's clothes disappeared and what's only left is his boxer.

"Laki ah!" I hit Walter's shoulder while I am laughing at this point, I can see Victor's face turned red.

"Rick Mal!" He groans. Hindi naman siya pinansin ni Rick at dumiretso sa amin ng nakangiti pero sa tuwing tumitingin ako sa kanya ay hindi ko mapigilang hindi mapatawa. Maliban sa kalbo siya, pasekretong binubura ni Victor ang kilay ni Rick.

"I did great, isn't it?" Bati niya sa amin atsaka ngumiti ng malapad. Umiwas na lang ako ng tingin para hindi matawa. "What? Bakit hindi kayo makasagot?" Nakakunot noo niyang tanong sa amin.

I crunch the bridge of my nose to prevent myself from laughing. The well dressed Victor now gave our president a tap on the shoulder. Napatingin ulit ako sa kanila and trying to maintain my straight face but every time my eyes landed on Rick's face, I burst out laughing.

"Ano ba ang nakakatawa?" Naguguluhan na sabi nito at hinawakan ang magkabilang balikat ni Keith. Pati si Keith ay hindi na mapigilan ang sarili na tumawa. Kaharap at ka-face to face lang naman niya ang kalbo at walang kilay na si Rick Mal.

"Sabihin mo, Mr. Arson!"

"I can't take this anymore! Walter!" I pinch my lips to prevent myself from laughing and blinks my eyes when Keith pushes the poor Rick towards Walter. "Nakakadiri Talaga tingnan! Ikaw na, Victor! HAHAHAHAHAHA"

"What's funny!!!!"

--

After our hilarious practice earlier, Kasama ko ang boys ngayon sa harap ng classroom ni Oishi. Hinihintay lang namin ang break time niya para sabay kaming kumain ng lunch. Magic is not allowed outside the school unless the school authorities allowed you to.

Pero dahil kasama namin si Rick, ang president ng SS ay ayos lang na magpractice kami habang hinihintay namin si Oishi. Panay usap naman ni Keith at Victor. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero pakiramdam ko, importante 'yon.

Nang makalabas na si Oishi sa classroom nila. Binati niya kami ng ngiti atsaka pinulupot ang braso niya sa braso ko. Aangal pa sana ako pero wala na akong nagawa. Dumiretso kami sa cafeteria at nagorder ng makakain.

Umorder ako ng kanin at manok at naghanap ng mauupuan. Kung kanina, napansin kong panay usap si Keith at Victor, ngayon naman napansin kong nag-uusap narin si Rick at Victor kaya pinagsingkit ko ang mga mata ko para mabasa ang sinasabi nila sa isa't-isa. "Hazel!" Napa-ayos ako ng upo at tiningala si Walter.

"Bakit?"

"Natulala ka. Akala ko nadala ka na sa kadiliman eh."

"Kadiliman mo mukha mo." Bulong ko at nagsimula nang kumain.

Keith sat beside Walter and Oishi and I were seatmates. We start to take our lunch without bothering the conversation of my two colleagues. Oishi shared his lesson and our good samaritan, Walter, shared his view about it.

Walter never failed to amaze me. Every time Oishi is having a hard time due to his classes, Walter is willing to lend a hand and help him lift up those worries into bloom. I am also listening attentively to my colleague's little discussion, nodding my head as if I understand the topic.

"Oh right, Hazel." I turned my head to Keith and smiled. "Yes?"

"May I talk with you for a while?" Nilingon ko si Walter at Oishi. Tumango naman sila kaya tumayo na ako at nagpaalam sa kanila bago sumama kay Keith papunta sa parteng dulo ng cafeteria. "Bakit?" Tanong ko dito. "Gusto ko lang itanong kong may alam ka sa bagay na 'to?" Napakunot noo ako nang may inilabas siyang maliit na bote galing sa bulsa niya.

"Ano 'yan?"

"You don't have any idea what this is?" I nodded my head. "This is Aqua Tofana." I frowned. "The deadly cosmetic product?" Keith nodded his head. "Why? What's with that?" He heaves a sigh and pulls a chair.

He swallowed the lump on his throat before he turned his head in my direction. "I trust you that you'll do justice with this, Hazel." He gave me the bottle. Without hesitation, I took it from him and turned my hand into a fist.

"Why?"

"Whatever happens, please tell everybody that I tried to stop everything. At my very young age." He said again.

"Hindi kita maintindihan. Ano ang ibig mong sabihin? Bakit mo binigay sa akin 'to?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapatanong ulit dahil masyado ng naguguluhan ang utak ko.

"You probably haven't read this entry yet in Axl Ancient's journal. But, he is alive and he needs all of you to help with the justice he deserves." My lips parted in surprise. "and he won't be needing me anymore..."

"Sino? Si Axl? Paano mo alam na nasa akin ang journal niya?"

"I'm sorry, Hazel. Alam kong marami ka nang katanungan sa isip at alam tas nakakadag-dag lang itong sina-sabi ko sa'yo. Para maibsan yan, sana sabihin mo na sa kanilang dalawa ang totoo." Ang totoo? Wala naman akong ibang sikretong tinatago kay Walter at Victor.

Could it be? Alam niya ba na alam ko kung sino ang may pakana ng pagkamatay ng padre de pamilya ni Victor?

Napakurap ako sa hangin bago tumingin kay Keith. "Sabihin mo na habang may oras pa, Hazel. Kung marami kang alam, mas magiging delikado para sa'yo. He's watching all of us that's not visible in the naked eye." Hindi ko alam pero may luhang kusang bumubuo sa mga mata ko.

"I'm sorry, I'll give you 24 hours to spill the truth. If you can't do it within 24 hours, I'll force myself to wash out everything you remember from your memory. This is for your own safety, Hazel. Sabihin mo na..."

"Sabihin ang alin, Hazel?" I froze in my place. "Hazel? Sasabihin mo ang alin? Ano ang pinag-uusapan niyong dalawa?"

"Ahm... W-wala" Tumingin ako sa gawi ni Keith at pinangu-sapan siya na umalis muna. Nakuha naman niya ang gusto kong iparating at nagsimula ng maglakad paalis. Napabuntong hininga ako at hinawakan ng mahigpit ang bote na binigay niya at naglakad papunta sa Library.

I already know what Aqua Tofana can do but I want to make sure if my knowledge is right. Baka may makita pa akong iba na makakatulong sakin tungkol kay Ms. Joy.

"Hazel." Napakagat ako sa labi ko nang tawagin ako ni Victor. Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng bahagya. "Bakit?" Kunot ang noo niya dahil sa pag ngiti ko. Hindi sumama samin si Walter. Siguro nag practice yun or pumunta sa dorm nila.

Huminga muna sya ng malalim bago lumapit sa'kin. "Ano ang hinahanap mo?" I swallowed the lump in my throat. "Some book for Aqua Tofana" Tumango si Victor at naunang maglakad habang iniscan ang mga libro. Sumunod din kaagad ako sa kanya at kinuha ang mga libro may Aqua Tofana sa title at nilagay ang mga iyon sa mesa.

Wala masyadong tao ngayon kaya okay lang kung marami akong librong kukunin. Kumuha rin ng libro si Victor at inilata yun sa harapan ko. Sinimulan ko na yung buklatin at pinagcompare ang itsura ng bote sa boteng hawak ko.

"How about this one?" May binigay siya sakin na libro at tinuro ang bote doon. "Hindi masyado eh" Ibinalik ko sa kanya ang libro at tumango naman siya.

Nasa kanya na yung bote at busy din siya sa pagbuklat at pagbasa ng mga pahina sa libro. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig kay Victor. Ano kayang gagawin niya kung e open up ko yung kay Emerita? Sabi ni Keith. Bibigyan niya ako ng 24 hours para sabihin kay Victor at kay Walter ang mga nalaman ko.

Obviously, he is referring to Emerita's secret that was written in the Journal.

I was just watching him the entire time until he noticed my stares. "Why?" He asked, frowning. My lips parted before I shook my head and look down at the book in front of me. Kahit na naguguluhan, tumango lang din siya at bumalik sa pagbabasa.

Guilt is tripping on me.

"About Emerita..." Napatigil si Victor sa ginagawa niya at tumingin sa akin. waiting for my other words. "I... I learned that she has something to do with your father's death." He laughed at my confession and shook his head briefly.

"What are you saying, Hazel? Hunters ang pumatay sa tatay ko. Not, Emerita" He said shaking his head again. "I'm telling the truth, Victor." Yun ang mga lumabas sa labi ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko I want to spill everything right now.

Unamazed Victor starts laughing. "What truth?"

Huminga ako ng malalim. "That Emerita asked a hunter to hunt your father down." Victor's smile slowly fades away after he hears those words coming from me. "You're kidding right?" I hope I am, but I'm not.

I gently shake my head and maintain eye contact with him. "No. You're kidding!" He growls. Nakakatakot si Victor pero kailangan kong panindigan ang sinasabi ko. "It's true, Victor. When did I lie when it comes to this matter?" Umiling siya habang tumatawa.

"You're lying. Sinisiraan mo lang si Emerita!"

"Hindi ko siya sinisiraan. Hindi ko alam kung bakit ko siya sisiraan sa'yo."

"Oo! Sinisiraan mo siya!"

"Victor-"

"Sinisiraan mo siya para mafit mo ang sarili mo sa posisyon niya sa grupo namin di ba?" Hindi ko alam kung saan niya hinugot yung sinabi niya pero isa lang ang masasabi ko. Nasaktan ako don.

"Hindi-"

"Yes! Yes, Hazel! Dati mo pa kaming tinatanong kay Emerita! Akala mo ba hindi ko napapansin? Siguro nabulag si Walter sa'yo pero ako hindi. Hinding hindi mo mapapalitan si Emerita sa grupo namin kahit ano pa yang sasabihin mo." I swallowed the lump in my throat.

"So, I'm just a rebound kasi hindi niyo makalimutan si Emerita?"

"Yes! God, Hazel!" Tumayo ako sa upuan ko at hindi ko na alam ang nangyari. Kusa nalang na tumaas ang kamay ko at sinampal ang mukha niya. Nabigla si Victor sa ginawa ko maski ako.

Kung ayaw niyang maniwala sa'kin. Wala na akong magagawa. Ang importante nasabi ko sa kanya ang tinatago ko tungkol sa kaibigan niya. Kinuha ko ang bote ng Aqua Tofana sa kamay niya at ang libro tungkol sa dun bago ako naglakad paalis.

Sana pala una ko nalang itinapat ang tungkol kay Principal King at Principal Spencer? Lalong lalo na kung paano pinush ni Mr. Arson na guilty si Axl. Pero wala na eh, nalaman ko na kung ano ang tingin niya sa akin sa grupo niya. Ang sakit

"Hazel!" Hindi ko dinapuan ng tingin si Walter at diretsong pumunta sa office ng SS para hanapin si Keith pero mukhang hindi pa ata ako makakarating dun, nag uunahan nang pumatak ang mga luha sa mata ko.

I ended up crouching in the hallway, hugging the books before I started bursting into tears.

---

"Are you sure?" Tumango ako kay Keith at tumingin sa mga mata niya. Nandito ako sa kwarto niya. Sinabi ko sa kanya kung ano ang nangyari pagkatapos kong sabihin kay Victor ang alam ko tungkol kay Emerita at maging siya ay naging disappointed sa sinagot ni Victor sakin.

"For 24 hours lang itong gagawin ko ah." I sighed.

"Hindi ba pwedeng panghabang buhay nalang?"

"Hazel...." Ngumiti nalang ako at tumango.

I asked him to remove my memories kasi gusto kong makalimutan yung sinabi ni Victor sakin. Gusto ko munang kalimutan lahat. Gusto kong mapag-isa muna. Hinawakan niya ang balikat ko and I heard him growl before he tilts my head to the side revealing my neck.

I closed my eyes tightly, holding his pillow when I felt the tip of his fangs touching my skin that made me whimper. His fangs now grilling deep into my skin that makes me scream from the top of my lungs, crumbling his pillow tightly until I lose my consciousness.

When I woke up, nasa isang kwarto na ako and I don't even know why I have a room like this. Huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid bago ako lumabas nitong kwartong ito at naglakad para maglibot. Ang daming kong nakasalubong pero hindi ko sila kilala.

"Hazel!" Tumingin ako sa paligid nang may tumakbong lalaki papalapit sa akin. Kaagad akong umatras palayo sa kanya. Sino ba tong lalaking to? Bakit niya ako kilala? Kaano-ano ko ba siya?

Napahawak ako sa leeg ko nang bigla iyong sumakit at doon ko lang napansin na may bandage pala doon na nakatakip. Anong nangyari?

"Hazel! Please." Naalarma ako nang may humawak sa braso ko kaya dali-dali ko yung kinuha sa pagkakahawak niya. "S-sino ka? Bakit mo ko kilala?" Napalitan ng pagkabigla ang mukha niya pagkatapos ko yung sabihin.

Hindi ko siya kilala tapos hahawakan niya ako ng biglaan?

Nang mabawi ko nang tuluyan ang braso ko. Tumakbo ako palayo sa kanya at binuksan ang mga pinto. Hindi ko alam kung saan yun patungo ang gusto ko lang makalabas sa napakaweird na lugar na'to.

Nakailang ikot at takbo na ako, hindi ko na alam kung nasaang parte na ako ng mansyon o bahay na to. Pagkalipas ng ilang oras, nakalabas na rin ako. Ayoko nang pumasok ulit don. Bakit ba ako nakarating dun? Sino naglagay sakin dun?

"Insan!" May lalaking lumapit na naman sakin at inambahan ako ng yakap. Hinawakan ko ang dalawang braso niya atsaka siya tinulak palayo sakin. "Sino ka?"

Katulad nung lalaki kanina, nabigla din siya sa naging reaksyon ko at dahan-dahang inalis ang yakap niya sakin. Tiningnan ko siya ng masama atsaka naglakad paalis sa kanya.

Napakaweird ng mga tao dito.

"Oishi!"

"Si Insan..."

"Bakit?"

"Tinanong niya ako kung sino daw ako. Nakalimutan niya ba ako?"

"Anong pinagsasabi mo? Hazel!" Napatigil ako sa paglalakad nang may humawak sa braso ko. Lumingon ako sa may-ari nung kamay na yun at napakunot noo. Tiningnan ko yung bagong dating na lalaki na nakita ko kanina sa loob at yung lalaking yumakap sakin.

"Sino kayo? Bakit niyo ba ako tinatawag!?" Nagkatinginan silang tatlo kaya binawi ko ulit yung braso ko sa pagkahawak niya.

"Hindi ko kayo kilala. 'Wag kayong lumapit sakin." Lumapit ang isang lalaki sakin atsaka ako inambahan ng yakap bago umiyak. "Insan, ano bang nangyari sayo."

"Huwag mo akong hawakan!" Tinampal ko ang braso niya atsaka tinulak siya palayo. Kakasabi ko lang na huwag silang lumapit sakin eh! Kahit sino sa kanila! "Hazel! Hindi mo ba alam nakakasakit kana?" Sigaw sakin nung isa.

"Wala akong paki-alam." Tinulungan nilang tumayo yung lalaking tinulak ko.

"Hindi yan si Insan." Umiiyak niyang banggit. Tiningnan ko sila isa-isa bago ako tumakbo palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko nga alam kung nasaan ako eh. Basta, gusto kong umalis dito.

I ended up seeing myself sitting on one of the stones near the cliff. Hugging my knees. Siguro dito muna ako. Mapayapa at walang mandidisturbo sakin. Huminga ako ng malalim bago ako humiga sa bato at tumingin sa kulay-abo na kalangitan. Nagugutom na ako.

Ipinikit ko ang mga mata ko sa ilang minuto bago iyon binuksan nang may narinig akong kaluskos. "Alam kong dito kita mahahanap." Napaupo ako sa bato dahil sa nagsalita at kunot noo siyang tiningnan.

"Sino ka?"

"Tama nga si Victor. Hindi mo kami maalala." I frowned my brows.

"Sinong Victor? Sino ka?" Nginitian niya ako bago tumabi sakin.

"Ako? Ako yung matagal mo nang hinahanap"

"Wala akong hinahanap."

"Meron. Ako yung batang hinahanapan mo ng hustisya." Nakatingin lang ako sa kanya habang nakakunot noo.

I don't have any idea what he is talking about but he looks so serious right now.

"I'm Axl Ancient."

Siguiente capítulo