webnovel

Chapter 21

Ilang oras na mula ng maakabalik kami sa aming tinutuluyan pero hanngang ngayon ay para bang nakalutang pa rin ako.

"What the hell, Rod!" pikon na bulalas ni Kurohana na pinukol pa ako ng matalim na tingin. "Stop daydreaming already, you arse!"

Biglang lumipad papunta sa akin ang isang unan na mabilis kong nasapo. Nginitian ko ng napakatamis si Kurohana na lalong ikinainis niya.

Pikon na tumalikod si Kurohana at pabagsak na isinarado ang pinto ng kwarto. Agad siyang pumuwesto sa kama para mahiga.

"You're really having fun, aren't you?" nakangising tanong ni Slytherin. Medyo nagulat pa ako sa pagkakatanong niya dahil ngayon lang niya ako kinausap ng hindi umaangil o patutsada.

"Of course!" sagot ko na nakangisi din. "Who wouldn't want to have a pair of twins and a beautiful wife?"

"Sadly to say, I don't see you as my dad." Lalong lumapad ang mapang-asar na ngiti ng bata ng sinabi niya iyon. "And, not as Kuro's husband!"

Tinignan ko lang siya na ngayon ay tumabi na at yumakap kay Kurohana. Hindi ko alam pero mas lalo akong naaaliw kapag nakikitang napipikon ang bata. Lalo siyang nagiging cute sa paningin ko.

"Kuya Rod!"

Agad akong napalingon kay Jess na nakaupo sa kabilang gilid naman ni Kurohana. Halata sa kanyang mukha na may gusto siyang sabihin.

"What is it?"

"Hmm-hmm." She shook her head before she said,"Good night!"

Nabigla ako na sa isang kisap-mata ay nagawa na niya akong halikan sa pisngi at makabalik sa tabi ni Kurohana. Pero ang pagkabigla na iyon ay agad na napalitan ng matamis na ngiti dahil sa ginawa niya.

Maingat akong tumayo mula sa kama at lumakad na palapit sa pintuan.

"Where are you going?" tanong ni Kurohana na ngayon ay nakaupo na sa kama at matalim ang mga matang nakatingin sa akin. Wala na ang kaninang pagkapikon sa kanyang mukha.

Hindi pa man ako nakakasagot ay mabilis na siyang nakalapit sa akin, mariin akong tinitignan na hinihintay ang sagot ko.

Agad akong napasilip sa mga bata. Nang makitang mahimbing na ang tulog nila ay muli akong bumaling sa babae at ngumiti ng matamis.

"I'll just take a few shots," paalam ko sa kanya. Hindi ko maintindihan kung may nasabi akong mali dahil sa pagkunot ng kanyang noo. Pumihit siya patalikod pabalik sa kama. Tuluyan na sana akong lalabas ng muli siyang magsalita.

"Wait, I'm going with you."

***

Magkapanabay man kaming naglalakad sa madilim na eskinita ay kababakasan pa rin kami ng pagkailang sa isa't-isa. Hindi ko tuloy mapigilang mapaabuntung-hininga lalo na at dalawa lang kaming naglalakad.

Tumikhim ako saka siya nilingon.

"You're quite familiar with the people here."

Saglit niya akong pinagmasdan at bumuntong-hininga. Kitang-kita ko kung paano niya pinagsalikop ang dalawa niyang palad sa kanyang likod bago tumingin sa maliwanag at bilog na bilog na buwan. Hindi rin nakatakas sa aking paningin kung paano lumamlam ang kanyang mga mata.

"I used to live here."

Napakahina ng kanyang pagkakasabi pero dahil sobrang tahimik ng paligid ay malinaw ko pa rin siyang narinig. Agad akong napatingin sa kanyang maamong mukha ng marinig ko ang may bahid ng lungkot niyang tinig. Subalit ni hindi ko na nabanaag ang lungkot doon sa halip, naroroon na ang usual na malamig at aloof niyang ekspresyon.

"We're here."

Hawak ang isa kong kamay ay hinatak na niya ako papasok ng gusali.

Hindi pa man kami nakakapasok ay natuon na agad ang atensyon ng mga tao sa amin kasabay ng bigalng pagtahimik ng kaninang napakaingay at maghulong paligid.

HIndi iyon pinansin ni Kurohana na nagdire-diretso na papunta sa 'bar counter' ng hindi pa din binibitawan ang kamay ni Rod.

Pagkaupong-pagkaupo nila ay agad na nag-order si Kurohana ng isang baso ng 'beer' at mabilis itong tinungga. Halos maalaglag ang aking panga ng makita kung gaano kalakas uminom ang babae.

"What?" matalim ang tingin na tanong nito ng mapansing nakatingin lang ako sa kanya. "Sit down."

HIndi ko na hinintay pa na magdalawang-salita ito. Humingi na din ako ng isang baso ng alak saka siya pinanood sa sunud-sunod na pag-inom.

"Madalas ka ba dito?" hindi ko mapigilaang tanong sa kanya.

HIndi pa nakakasagot ang babae ng biglang may lumapit sa kanilang maskuladong lalaki. Sumipol pa ito kasabay ng malagkit na tingin sa katabing babae.

"Ang ganda mo naman," nakangising sabi nito kay Kurohana na sinabayan pa ng pagdila sa labi. Bigla itong bumaling sa akin saka maangas na siinabi, "Alis diyan!"

HIndi ito pinansin ni Kurohana kaya hindi niya rin ito pinansin. Sa ginawa ko ay tila nag-init ang ulo nito. Bigla siya nitong inakbayan ng may diin, halatang gusto na nitong baliin ang buto ko sa balikat. Muli itong nagsalita, "Umalis ka diyan!"

Saglit ko itong sinamaan ng tingin bago muling ibinalik ang tingin sa hawak na baso. Sa reaksiyon ko, halatang inakala niyang natatakot ako sa kanya dahil mas lalo niyang diniinan ang pagkakaakbay sa akin kasabay ng paglapad ng nagmamalaki niyang ngisi.

Sa isang kisap-mata ay biglang pumailanlang ang matalim na hiyaw ng lalaki kasabay ng paglagutok ng mga nabaling buto. Agad na napaluhod ito sa sakit habang sapo ang braso na pinihit pabaligtad, na siyang dahilan ng pagkabali ng braso nito.

Siguiente capítulo