webnovel

Chapter 14

Lalong tumindi ang pagkabog ng dibdib ni Kurohana matapos itong malinisan. Para bang may kung anong nag-uudyok sa kanya na sugurin ito at ikulong sa yakap. Tila naman kinutuban ang batang babae na kinabakasan ng pagkatakot habang unti-unting umaatras pabalik sa banyo pero nahuli na siya ng babae.

Habang karga ang bata ay sinamaan niya ng tingin ang lalaki na tila ba nagsasabing 'wag kang magkakamali' na nginitian lang ng lalaki.

"Umamin ka nga, anak mo siya sa labas, ano?"

Agad na natigilan si Rod sa tanong ni Kurohana saka napatingin sa batang karga nito. HIndi pa siya nakakaisip ng isasagot sa tanong nito ng lalong tumalim ang kislap ng mga mata nito.

"Paano mo naman nasabi iyon?" balik tanong ni Rod pero maging siya ay napapaisip din. Hindi maitatanggi ang malaking posibilidad na mag-ama sila lalo na ngayong wala siyang maalala at kitang-kita ang malaking pagkakahawig sa kanya ng bata.

HIndi siya pinansin ng babae na mas hinigpitan ang pagkakayakap sa bata. Lalo siyang napakunot ng mapansing hindi lang siya ang kahawig nito kung hindi maging si Kurohana, mula sa tuwid na tuwid nitong buhok, sa singkit nitong mga mata, medyo matangos na ilong, at mapupulang labi.

***

Ilang linggo pa ang gugugulin nila bago makarating sa Rehgiam, ang posibleng pinanggalingan ng hawak na relos ni Rod, kung kaya hindi mapigilan ng lalaki ang mag-alala para sa kaligtasan ng mga batang kasama.

"Magpahinga ka na. Ako na muna ang magbabantay," sabi niya ng mapansin ang pagpungay ng mga mata ng babae, senyales na pagod ito sa byahe. HIndi ito nag-abalang sumagot na agad na tumabi at yumakap kay Jess.

"Maluwag ang higaan. Magpahinga ka na din," biglang sabi nito. "Harangan mo na lang ang bintana at ikandado ang pinto. Siguro naman walang makakaakyat sa bintana sa taas nito."

Matapos masigurong sarado na ang lahat ay agad na ding pumuwesto si Rod sa tabi ni Sly. Sa ginawa nila ay napagitnaan nila ang dalawang bata na parehong mahimbing na natutulog. Andoon nanaman ang tila malamig na kamay na humaplos sa kanyang dibdib dahil pwesto nila kung kaya't hindi mapigilan ni Rod ang pagsungaw ng ngiti sa kanyang mga labi bago tuluyang hatakin ng antok.

***

Naalimpungatan si Rod ng may madantayan siyang malambot. Wala na sana siyang planong pansinin at silipin iyon kung hindi lang dahil sa biglang pagdampi ng palad sa kanyang pisngi na agad nagpawala ng antok.

Agad siyang napabaling sa pulang-pulang si Kurohana na kasalukuyang yakap-yakap ang sarili. Hindi niya tuloy alam kung maiinis ba dito dahil sa pagsampal sa kanya o matatawa dahil sa itsura nito na halatang pinipigilan ang pamumula.

"Don't. You. Dare. Speak. A. Word!"

Matapos ibalibag ang pintuan pasara ay agad na dumiretso na si Kurohana sa unang palapag ng inn. Agad siyang sinalubong ng matinis na boses ng dalawang bata habang nagtatalo sa hapag.

"Imposible! Bakla ka siguro!"

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa pwesto ng mga ito. Ang mga kalalakihan na kasalukuyang nandoon ay hindi naiwasang titigan siya lalo na at isang puting kamiseta at maikling short lang kanyang suot na lalong nagpakita ng hubog ng kanyang katawan.

Hindi na niya pinansin ang malalagkit na titig ng mga ito sa halip ay mas binilisan pa ang paglalakad.

"Paano ako magiging bakla? Babae nga ako!" halos maiyak na ang batang babae dahil hindi nito malaman kung paano ipapaliwanag ang sarili. Hindi naman naiwasan ni Kurohana ang mapailing ng mapansin ang mapanloko at naaaliw na kinang sa mata ng batang lalaki, senyales na pinaglalaruan lang nito ang batang babae.

"Eh paano nangyari iyon? Lalaki ka kahapon tas ngayon babae ka na?"

Hindi na nakasagot si Jess ng mapansin si Kurohana na isang lamesa na lang ang layo sa kanila. Pilit na ngumiti ang bata sa huli kahit pa kitang-kita ang pagkainis su maamo nitong mukha. Mabilis na niyakap niya ang bata na biglang namasa ang mata.

"Slytherin?"

Saktong pagsambit niya sa pangalan ng batang lalaki nang mapansin niya si Rod na pababa ng hagdan. Nakapagpalit na ito ng polong puti na nakapaloob sa itim na pantalon. Kitang-kita pa ang pamumula ng pisngi nito dahil sa sampal niya na agad nagpakonsensya sa kanya.

Biglang umugong ang bulungan sa paligid lalo na ng mga babae dahil sa presensya ni Rod subalit ni hindi man lang nito pinansin ang mga humahangang tingin mula sa mga babae. Walang emosyon ang makikita sa kanyang mukha habang palinga-linga sa paligid, halatang hinahanap kung saan nakapwesto ang tatlo. Nang tuluyan na silang makita ay bigla itong ngumiti ng matamis at mabilis na lumapit sa kanila.

"Magandang umaga, Jess!" bati ni Rod sa bata. "Hi Sly."

Hindi sumagot si Slytherin sa halip ay sumimangot pa ito pagkakita kay Rod, na agad namang ginantihan ng lalaki ng mapang-inis na ngiti bago bumaling kay Kurohana. Sa ginawa ni Rod ay lalong umingay ang paligid. Ang kaninang paghanga mula sa mga babae ay agad na napalitan ng pagkainggit kay Kurohana.

"Sayang, pamilyado na pala siya," bulong pa ng ilan.

"Mas maganda ka pa sa umaga, Kurohana!" bati nito sabay kindat sa babae. Halatang nagulat si Kurohana sa sinabi ni Rod dahil sa paghinto sa ere ng hawak na tasa kasabay ng panlalaki ng mata. Mas lalo namang lumapad ang ngisi ni Rod ng makita ang biglang pamumula ng mukha ng babae.

Matapos mag-agahan ay dumiretso na sila sa palengke para mamili ng mga gagamitin nila sa paglalakbay papunta sa Rehgiam. Habang nag-iikot ay tinawag ni Jess ang pansin ni Rod saka iniabot sa kanya ang napulot nitong papel.

-

WANTED: Bandits

JOB DESCRIPTION: Capture the bandits lurking in Lustra Forest in the northern part outside Portum.

REWARDS: 100 small coins

-

Agad na napakunot ng noo si Rod saka nilamukos ang papel matapos mabasa ang nakasulat dito. Akmang magpapaliwanag pa ang bata ng mariin niya itong titigan na agad nagpatahimik dito.

"Bakit?"

Rod just shrugged as he explained what Jess was requesting. Kurohana then stared at the little girl and also disagreed. She also explained the danger they might encounter with the said job. When the children stopped whining, Kurohana turned towards Rod.

"Are you sure about that?" she whispered. "The pay is good."

"We have children with us. I don't want to endanger them."

The next day, the group started to pack their things as they boarded their wagon. On the road, the children fell asleep while Kurohana, who was then reading a newspaper, let Rod reign the horse. She couldn't keep herself from reacting about the bandits who were reported.

"I think the bandits you apprehended last time are also part of the same group as those lurking in Lustra."

Rod fell silent upon the mention of them. He contemplated the person who killed the ones he encountered back then.

"Don't worry."

Napalingon si Rod ng marinig niya ang nang-aalong boses ni Kurohana. Bakas sa mata nito ang pag-aalala, subalit hindi malaman ni Rod kung para saan.

Pareho pa silang natigilan ng biglang may halos nasa dalampung mga lalaki ang humarang sa kanila. Balot sila ng itim na damit at pawang mga armado. Bago pa man mabangga ang mga ito ay pabiglang hinatak ni Rod ang tali ng kabayo upang mapahin to ito.

Agad na pinalibutan nila ang sasakyan at itinutok kila Rod ang mga hawak na espada, habang ang isa na may hawak din ng armas ay lumakad palapit sa kanilang sinasakyan.

"Ibigay niyo ang lahat ng dala ninyo!"

Pagkasigaw ng lalaking lumapit ay agad itong nag-signal sa mga kasama na mabilis namang nagsipagsunod.

Hindi kumibo sila Rod na kapwang naghihintay sa sunod na gagawin ng mga ito. Nahalata ng pinaka-pinuno na wala silang planong magpasindak na ikinalukot ng mukha nito saka inutusan ang mga kasama na sapilitang gawin ang laman ng sasakyan.

Nang sumilip ang mga ito sa loob ay agad na nahagip ng kanilang mga mata ang tahimik na si Kurohana. Mas lalong itong gonanahan ng mapansing napakaganda ni Kurohana kung kaya dalidali itong sumampa papasok saka dinamba ang babae.

Siguiente capítulo