Hindi makapaniwala si Kurohana sa mga sinabi at ginawa ni Slytherin. Hindi niya lubos maisip kung bakit nagkaganoon ang bata na siya mismo ang nagpalaki at itinuring na sariling anak. Nabalik lang sa reyalidad si Kurohana ng bigla siyang tinawag ni Rod para sundan ang bata.
Lumipas ang halos dalawang oras ay hindi pa rin nila nahahanap si Slytherin. HIndi na mapigilan ni Kurohana ang kaba dahili ni hindi niya rin maramdaman ang aura ng bata, senyales na pinutol nito ang ugnayan nila.
"Can't you just summon him like you did before?" Rod suddenly asked. His face was also filled with worry for the child's safety.
Ilang segundo muna bago nakasagot si Kurohana, "isang beses ko lang siya pwedeng tawagin and I can only do it if he's in a different space." Napabuntung-hininga ang babae. Lalong tumindi ang pag-aalala niya para dito. "He's only a kid even though he's a bit powerful. And if he encounters some adventurers while he's in a monster form, they might hunt him down."
Agad na napatuwid si Rod dahil sa narinig at nagsimulang tumakbo papasok sa gitna ng gubat. Ni hindi na niya pinansin pa ang pagtawag sa kanya ng babae dahil sa kanyang pagmamadaling mahanap ang bata.
Sa bawat na hakbang na ginagawa ni Rod papunta sa pinakamasukal at pinakatagong parte ng gubat ay hindi niya kinalimutang ulit-ulitin ang pagsigaw sa pangalan ng bata. At sa bawat pagtawag na hindi naman nakakakuha ng sagot ay lalong tumitindi ang pagkabog ng kanyang dibdib para sa kaligtasan nito.
Hindi siya tumigil sa pagtawag sa bata sa pag-asam na makakarinig din siya maski daing mula dito. Ni hindi niya na rin inalintana ang bawat sugat at gasgas na natatamo mula sa matatalim na halaman na kanyang sinasagasaan.
Bigla siyang napatigil ng makarinig ng kaluskos mula sa kanyang likuran. Agad niya itong pinakiramdaman at naghanda sa maaaring pagsugod sa kanya ng kung anong halimaw.
"Rod!"
Rod turned to his right and saw Kurohana emerging from the bushes. The woman evidently came after him because she was still catching her breath.
"Bakit mo ko sinundan?"
"Something feels off," Kurohana said anxiously as she grabbed his hands. Her usual poker face was no longer to be found. She was already on the binge of crying while her eyes were filled with worry and fear for the child's safety.
"What do you mean?"
Hindi sumagot si Kurohana pero lalong tumindi ang pangamba na nababakas sa kanyang mukha. Naguguluhan man si Rod, sinubukan niya pa ring pakalmahin ang babae habang hinihimas ang likod nito.
"Calm down!" ani ni Rod kasabay ng paghugot ng malalim na hininga upang pakalmahin din ang kanyang sarili. "Mahahanap din natin siya."
Rod felt an urge to close his eyes and as soon as he did so, he started to discern and identify all the things the winds hit, every little noise, and the aura that comes from all the living things.
With just a few seconds, he was fully incorporated with nature. He felt as if he was standing at the center of a body of water surrounded by ripples, enabling him to identify everything that touches the ground.
Rod opened his eyes and ran towards the sound of water.
Bawat hakbang papalapit sa pinanggagalingan ng tubig ay lalong lumalakas ang ingay na nagmumula mula doon.
"I'll kill you all!"
Even though the voice sounds a bit husky, he identified it as Slytherin's voice. He quickened his steps as he calmed himself more.
"Where are you going?"
Napalingon si Rod sa nagsalita. Halos kasabayan na niya si Kurohana na mas binilisan pa ang pagtakbo para tuluyan siyang maabutan. Hindi siya sumagot at mas lalo pang nilakihan ang bawat hakbang na ginagawa upang mapuntahan agad ang bata.
Saglit na natigilan si Rod pagdating niya sa ilog subalit agad din itong nakabawi na muling tumakbo papalapit.
"Rod!" muling tawag ni Kurohana ng makita ang muling pagtakbo ng lalaki.
Nang tuluyan ng maaninag ni Kurohana ang nasa ilog ay tila ba pauli-ulit siyang sinaksak sa kanyang dibdib sa nakitang lagay ng bata.
Isang malaking basilisk ang kasalukuyang nakabalot ng net na pumipigil dito na makagalaw. Bukod pa dito ay napapalibutan din ito ng nakatutok na sandata na hawak-hawak ng mga bandido. Ang isa na halatang siyang lider nila ay nakatungtong sa ulo nito na akmang itatarak dito ang hawak na sandata.
"No!"
Animo itinulos si Kurohana sa kanyang kinatatayuan. Subalit bago pa man iyon tumama kay Slytherin ay mabilis na itong naharang ni Rod gamit ang kanyang maliit na kutsilyo. Lahat ng mga bandido ay halatang nagulat sa biglang pagsulpot ni Rod.
"Sugod!"
Pagsigaw ng lider ng mga ito ay sabay-sabay na sumugod ang mga bandido na agad na nasasalag ni Rod. Bawat hakbang, bawat atake na ginagawa niya ay nakakapagpatumba siya ng mga kalaban.
When the last minion fell, Rod felt a powerful attack that was coming towards him. With his quick reflexes, he was able to avoid it by jumping to his left. He then faced the attacker and saw a huge ogre.
The ogre slammed its arm towards Rod but he swiftly avoided it. The monster gave him another punch but he warded it off.
Sinamantala ni Kurohana ang pagiging abala ng lider ng mga bandido na nakikipaglaban kay Rod. Mabilis niyang nilapitan si Slytherin upang mapakawalan ito. Nang isang tali na lang ang natitira kay Slytherin upang tuluyan itong mapakawalan ay siyang pagsigaw ng nagising na kalaban.
"Bitch! What do you think you're doing?"
Sinugod nito si Kurohana ng saksak na walang kahirap-hirap na naiwasan ng babae. Pag-atras niya ay pasimple niyang tinamaan ang huling tali na tuluyang nagpakawala kay Slytherin.
Halos maihi sa takot ang kalaban ng tuluyang bumangon ang malaking basilisk habang nakatitig ang pares ng pulang mata nito sa kalaban.
Sabay-sabay pa silang napalingon ng makarinig ng malakas na ingay. Noon nila nakita si Rod na sugatan na nakaipit sa pagitan ng mga bato. Base sa pagkakabaon niya ay halatang malakas ang pwersa na sinapo niya mula sa kalaban.
Halos hindi na siya makilala dahil sa dugong tumakip sa kanyang buong mukha. Ang kanyang katawan ay punung-puno ng sugat mula sa pakikipaglaban sa halimaw at sa pag-iwas sa bawat atake ng lider ng mga bandido.
"Rod!"
Gusto mang lumapit ni Kurohana sa kasama pero hindi na niya nagawa ng palibutan sila ng mga kalaban.
Samantala, pilit na kumawala si Rod mula sa pagkakadagan ng mga bato kahit pa malala ang pinsalang natamo. Hindi pa siya tuluyang nakakabangon ay muli na siyang inundayan ng sunud-sunod na suntok mula sa ogre.
Pilit na sinasalag ni Rod ang bawat atake nito subalit masyado itong malakas para sa kanya. Tuluyan na siyang natabunan ng bato hanggang sa hindi na siya makagalaw.
Nang tuluyan ng mapatumba ni Kurohana ang mga kalaban ay nakita niyang hindi na gumagalaw si Rod. Malapit na sana siya dito nang mapansin niyang inaatake na ng ogre si Slytherin. Hindi malaman ni Kurohana kung sino ang lalapitan pero mas pinili niya ang bata na siya mismo ang kinalakihan.
She quickly runs towards Sly and fends the ogre's attack using the sword she picked up. She then slashed its arm. It started writhing in pain while attacking using the other hand but she also cut it off.
Mas lalong bumangis ang halimaw dahil sa kanyang ginawa subalit hindi niya iyon inalintana na muli itong sinugod.
Upon reaching its shoulder, she quickly stabbed its heart through its chest. The ogre fell down before it stopped moving.
The moment the ogre died, a thick smoke appeared. Kurohana sensed the opponents escaping and was about to go after them but Slytherin called her. She saw him turn back to his human form.
Kitang-kita na-trauma ang bata sa pinagdaanan dahil sa tindi ng panginginig niya gayundin kung gaano siya nagsisisi sa ginawang paglalayas. She quickly grabbed him for a tight hug as she caressed his head with her other hand.
"I-I'm sorry," the boy said as Kurohana felt her chest starting to get wet. Hindi siya sumagod, mas hinigpitan niya lang lalo ang pagyakap dito habang patuloy na hinahaplos ang puti nitong buhok.
Nagising si Rod kasabay ng pagtigil ng sinasakyan nila. Saktong pagbangon niya ay siyang pagpasok naman ni Kurohana. Kahit masakit ang katawan, nagpilit pa rin siyang bumangon kasabay ng pagngiti sa bagong dating.
"You're alive!"
Napansin ni Rod ang pagbalik nito sa pagiging poker face pero hindi pa rin nakalagpas sa kanyang paningin ang mabilis na pagdaan ng pagkapanatag sa mga mata nito.
"Tingin mo sa akin, mahina?" nakangising balik tanong ni Rod.
"Stop it!"
Sabay pa silang napalingon kay Slytherin na mahigpit na nakayakap sa baywang ni Kurohana. Bakas sa mukha nito ang pagsisisi at pagkapahiya dahil sa ginawa. Subalit bakas din sa kanyang mata na masaya ito na nakaligtas siya. "Stop looking at her pervertedly! She's mine!"
He walked towards them and caressed the boy's unique white hair. The boy tried to dodge Rod's hand only to be caught again.
For Rod, he would gladly accept the brat's rude demeanor and sharp tongue as long as he is safe and sound.