webnovel

6

"I'll help you."

Natigilan ako at napatingin sa kanya nang sabihin niya iyon.

"Are you sure?" muli kong tanong. Nakatitig ako sa kanyang itim na itim na mga mata kung talaga bang nagsasabi siya ng totoo pero wala akong makitang bahid ng kasinungalingan. "But why?"

Biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay nang marinig ang tanong ko, halatang na-offend siya dahil sinamaan niya ako ng tingin. "What do you mean 'why'?"

"Bakit mo ko tutulungan?" I asked. "I mean, we just met. Plus, you don't even know me. And you don't owe me anything."

She studied my face for a moment before she sighed in defeat. Then she looked at me seriously.

"Masama ba ang tumulong?" she asked back. "I also have to look for someone."

Medyo napahiya ako sa naging sagot niya. Hindi ko akalain na may iba siyang plano bukod sa pagtulong sa akin.

"Just to clear things," she said. We're already riding her wagon and are already outside of Praea Clara. "You will be traveling to find out about your missing memories. However, you don't have any idea where you're from and who your relatives are." I nodded. "Any clue?" This time, I shook my head.

"I have nothing aside from this."

I took the watch out of my pocket. She stared at it as if asking if she could check it, so I just handed it to her.

Sinipat niya ng maigi ang orasan. Ilang beses niya ding binuksan ang takip nito upang makita kung may nakaukit ba dito o sa mismong mga kamay ng orasan. Makalipas ang ilang minuto ay ibinalik niya ito sa akin.

"Only my name was written in it." I said.

"No."

"What do~" I wasn't able to finish my question when she cut me off.

"There is something engraved on it, aside from your name," she said, "You may not see it with your naked eye but if you pour a powerful surge of energy towards it, you will feel your power forming an image."

Pinagsalikop niya ang aming mga kamay. Mula sa kanya, naramdaman ko ang malakas na enerhiyang dumadaloy mula sa kanya. Tumawid ito sa akin at dumiretso sa hawak kong orasan.

At Inilahad niya ang kanyang isang palad saka ito lumiwanag, ipinakita nito kung anong disenyo ang nakaukit doon.

It was a shield supported by two winged dragons on each side. It is being pierced by two swords crossing each other and a staff in between. Aside from those, there is also another dragon curling around something at the center of the shield.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit pamilyar ang ipinakita niyang simbolo. Kasabay niyon ay ang pagsigid ng napakatinding kirot sa aking sentido.

Biglang naputol ang dumadaloy na enerhiya mula sa kanya kasabay ng paglaho ng ipinakita niyang imahe saka nag-aalalang nagtanong, "Bakit?"

I was about to answer her but the pain increased.

Wala sa sariling napahawak ako sa aking sentido subalit lalong tumindi ang pagkirot nito.

"Rod?"

Hindi na ako nakasagot matapos magdilim ang aking paningin.

Habol hininga akong napatingin sa aking likuran para lang madismayang nakasunod pa rin sa akin ang napakaraming mga tao. Lahat sila nakasuot at balot na balot ng itim.

Sa gitna ng madilim na paligid ay hindi naitago ang gulong nagaganap dahil sa kabi-kabila at pinaghalu-halong sigaw, pagmamakaawa, at paghihinagpis ng mga tao.

Bigla ay tila ba may naulinigan akong tinig na mahinang tumawag sa akin. Ilang beses ko pang iginala ang aking paningin sa madilim na paligid ngunit isang malaking pagkakamali ang aking ginawa sapagkat tuluyan na akong naabutan ng humahabol sa akin.

Mabilis akong kumilos at agad na sinipa siya upang makabitaw sa akin. Saktong pagtumba niya ay siyang pagtarak ng kung anong malamig na bagay mula sa aking likuran.

Napasinghap ako saka napabalikwas. Kinapa ko agad ang aking likod kung saan ako nasaksak pero wala akong nakapang kahit anong sugat. Hindi pa ako nakuntento at sinipat ko din ang sarili kung may iba pa akong galos.

"Rod?"

Nagulat pa ako sa tumawag sa akin. Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses na sinalubong ng nag-aalalang tingin mula sa kanya.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

Napakurap pa ako sa tanong na iyon. Noon ko naramdaman ang pamamasa ng aking suot dahil sa basang telang kasalukuyang nakapatong dito.

Napabuntong-hininga na lang ako ng mahimasmasan at makitang kasalukuyan kaming nasa karwahe bago tumango.

"Yes. Thank you."

She smiled. Wait, she smiled! She doesn't cease to amaze me every time she express her emotions.

"Are you sure you're fine? You're turning red!" She placed her hand on my forehead while her other hand on hers. "You still have to rest."

Inalalayan muna niya akong mahiga bago siya lumabas ng sasakyan.

Muli akong nagising ng maramdaman ko ang bigla naming paghinto. Dahan-dahan akong bumangon saka sumilip sa unahan.

"Ibigay niyo sa amin ang mga dala ninyo!" Mariing utos ng isang lalaking may hawak na espada subalit mukhang walang balak na sumunod si Kurohana dahil naghanda na ito sa muling pagpapalakad ng kabayo.

"Sinabing huminto kayo!" sigaw ng isa pang lalaki na halos mapatalon sa gulat ng muntikan na siyang masagi ng aming sasakyan.

Hindi ko na napigilan pang makisali ng makita kong wala silang balak na tumigil.

"Anong problema?" tanong ko matapos ay tumabi sa kanya. Nagkibitbalikat lang siya saka muling pinalakad ang kabayo na agad namang hinarang ng mga ito.

"Ayaw niyo talagang makinig!" Galit na sabi ng mga ito saka kami sinugod.

Mabilis akong bumaba mula sa sasakyan na halatang ikinagulat ni Kurohana dahil sa biglang pagtigil nito.

"Rod!"

Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan mapangiti ng makita ko ang pagsimangot niya dahil sa ginawa ko.

Saktong paglapit ko ay inundayan nila ako ng saksak pero katulad ng nangyari noong nakaraan, para na namang may sariling buhay ang aking katawan na umiwas sa bawat pag-atake ng mga ito.

Lima ang sabay-sabay na umaatake sa akin na pawang may mga hawak na sandata pero napakadali ko lang silang naiiwasan. Akmang sasaksakin ako ng nasa likod ko pero mabilis akong pumihit kasabay ng pagsangga sa nasa kanan gamit ang hawak kong espada. Sinipa ko naman ang nasa aking kaliwa saka ko sinuntok ang nasa kanan.

"Rod!" muling tawag sa akin ni Kurohana. Nakapamaywang siya na tila nagsasabing 'Bumalik ka sa loob at may sakit ka pa!' na hindi ko pinansin.

I avoid their attacks by back flipping then by doing a roundhouse kick, the first guy is down. I blocked the next guy on my back who was about to thrust his sword using mine then gave him a jab.

With his four companions down, the last guy immediately drops his sword and begs on his knees. Kurohana then went to the poor man and hit the back of his neck, making him unconscious.

I returned to the wagon after making sure that they're all knocked out and are properly tied.

"Hey, Kuro~" hindi ko na natapos ang pagtawag sa kanya nang makita kong kinakapkapan niya ang mga ito. "What're you doing?" I shouted in disbelief.

"Taking the loot," she answered nonchalantly.

"What? Come here!"

"So, where are we heading now?" I ask her after we resume our travels. "At nasaan na ba tayo?"

Halos panay puno kasi ang nakikita ko sa paligid. Halos wala din akong makitang ibang dumadaan dito o maski senyales man lang na may iba pang gumagamit nito.

She unwrapped the map as she handed me the reign of the horse.

"We're currently in the forest of Medietos Nemus," she answered while pointing at the center of the map. However, I couldn't see where this road was. "Oh, this road is not known to others. And even if it is, this will be the most dangerous one since this is the turf of those bandits and those monsters."

Upon hearing those, a chill ran through my spine as I asked, "What do you mean by those monsters?"

Siguiente capítulo