"Sumama ka sa akin." Sabi ni Pa'y Kaloy. Walang tanong na sumama naman si Vergel sa matanda. Wala silang naging usapan sa pagbagtas ng daan. Kahit naman hindi niya ito tanungin ay nagunigunita na niya ang lugar na kanilang pupuntahan. At ito ay ang sementeryo sa kanilang lugar. Hindi man malinaw ang pakay ay patuloy siyang sumunod kay Pa'y Kaloy. Hanggang sa isang puntod ay biglang huminto si Pa'y Kaloy. "Tingnan mo." Kunot ang noong lumapit si Vergel sa tinuturo nitong libingan. Napuno agad siya ng tanong. Hindi niya magawang ibuka ang mga labi sa labis na pagtataka. Tumingin na lamang siya sa matandang lalaki. "Diyan namin nilibing si Moma." Sagot nito. Pero ang libingan na tinuro ni Pa'y kaloy ay walang kabaong o bangkay ng tao. "Dalawang araw, matapos ang libinh niya, may magnakaw ng katawan ni Moma." Sabi ni Pa'y Kaloy. Mapos makita iyon ay kinilabutan ang binata. Sinong tao ang kukuha ng bangkay at ano ang kailangan niya kay Moma?
Kaliwa't kanan ang hiyawan at bawat tahanan nga'y binuksan ang kanikanilang speaker at kalat sa paligid ang masasayang tugtugin. Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Vergel. Napaka nostalgic kasi ng ganung pakiramdam. Bumabalik sa kaniyang mga alaala ang lahat. Bawat tao na madaan sa bahay nila'y binabati siya ng punong galak.
"Vergel! Maligayang pista!" Sigaw pa ng ilan."
" Sa inyo din po!" Balik-bati ng binata.
" Vergel." Nagpupunas ng kamay ang tiyahin niyang si Iskang na lumabas din at nagpalinga-linga.
"Bakit po tita?" Tanong niya sa ginang.
Nakita mo ba di Malou?"
" Di po ba't natutulog siya?"
" Ganun ba? O siya sige." Sabi nito ngunit bakas parin sa mukha ang hindi maipaliwanag na pangamba.
" Bakit po?"
" Umuwi kasi iyan ng sobrang lasing. Hinatid ni Anielle kaninang madaling araw." Hindi kumibo si Vergel. Naalalaniya ang ginawang kabalastugan ni Malou at Anielle sa pantalan. At kung sakali man na sabihin niya ito sa tiyahin ay siguradong hahabulin ni Iskang ng itak si Anielle.
" Tutungo ka pa ba sa plaza ulit mamaya?" Maya-maya'y tanong nito.
" Depende po." Hindi din kasi naging maganda ang kanilang pag-uusap ni Joseph kaya baka hindi na siya manood ng sayawan.
" Iskang! Iskang!" Halos madapa si Nida. Mabuti na lang at nasalo pa ni Vergel ang babae at inalalayan itong tumayo ng maayos.
" Napano ka ba?" Nagpagpag ito at inayos ang tindig.
"Iskang.. alam mo na ba? Yung anak ni Berto, si Sabel, sinugod daw sa albularyo dahil kinukulam daw." Pabulong na sabi nito na naghahabol pa ng pag-hinga.
" Paanobg kinulam e' napakabait ng batang iyon" kunot noong tanong ni Iskang.
" Nakita nilang mag-asawa na umiihi na ng dugo si Sabel at.." tumingin si Nida sa paligid at lumapit sa kanila para masigurong walang makarinig.
" Inuuod daw ang ari ni Sabel.." sabi nito.
"Wala nang halos dumadaan sa bahay nila nila dahil umaalingasaw na daw kahit nasa malayo. Kawang bata." Hindi kumikibo si Vergel ngunit para sa kaniya'y sa hospital dapat dinadala si Sabel at hindi sa albularyo.
" Naku. Kaya ikaw Vergel ah, magiingat ka. Wag kang makikipag-away dito ah. Hindi na natin alam ang takbo ng isip ng tao dito." Bilin ni Iskang sa pamangkin.
" Ayy napakalabong makulam iyang pamangkin mo Iskang. Pero lapitin iyan sa gayuma. Napaka gandang lalaki eh!"
" Basta mag-ingat parin." Ani Iskang.
" Grabe. Naulit nanaman ano?" Sabi pa ni Nida.
" Nangyari na po iyan dati?" Hindi na napigilan ni Vergel ang sarili at nakiusosyo na din siya.
"Oo." Magmula nang gabing mawala ang bangkay ni Moma,iba't ibang lugar, may ganung problema." Sabi ni Nida.
" Ano ka ba? Patay na si Moma. Irespeto mo naman ang bata." Saway ni Iskang.
" Hay naku. Ewan ko ba ah. Basta si Moma ang pinagumpisahan ng problema natin." Anito.
" Paano po naging kasalanan ni Moma iyon?" Medyo nakaramdam siya ng inis nang makitang sinisisi ng babae ang kaniyang yumaong kaibigan.
" Hay naku Vergel, madami ka pang hindi alam."
" Nida, tumigil ka nga. Nagdadalamhati si Vergel, wag mo ngang ganiyanin ang bata." Umismid lang si Nida.
" Bakit di mo nalang sabihin sa pamangkin mo?"
" Ang ano po?"
" Alam mo kasi, madami sa amin ang naniniwalang nagkunwari lang si Moma na namatay dahil may nakakahawa siyang sakit at baka nga pagala gala lang siya dito at hinahawaan ang mga taong nandito. At kung totoo man iyon, siguradong ikaw ang sunod niyang pupuntahan dahil iniwanan mo siya noon."
" Nida, tumigil ka nga."
" Aba bakit? Alam naman ng lahat na bago umalis itong si Vergel ay nagkakamabutihan sila ni Moma." Hindi kumibo si Vergel.
" Hay naku Nida. Tama na nga iyan." Saway nito.
" Ewan. O'siya pupunta pa ko sa kapatid ko para magbigay ng babala at nang makapag ingat din sila." Agad ding umalis si Nida.
" Wag mo na pansinin." Sabi ni Iskang at pumasok na sa loob ng bahy. Naiwan naman si Vergel na puno ng tanong sa isipan. Mukha ngang madami pa siyang hindi alam.