webnovel

Chapter Six

Ang mag kaibigang Julianne at Eugene namang na pumasok sa kabilang barangay upang iligtas ang mga sundalong nabihag ay ligtas at tahimik na natunton ang pinagkakakulungan nang mga sundalo. May Nakita silang 7 sundalo na bihag nang mga rebelde at nakakulong sa maliit na kubo nakatali ang mga kamay nito sa isang haligi dahilan para hindi makatakas ang mga ito.

Dahil sa ulan, walang masyadong nagbabantay sa labas nang kubo. Nagkaroon nang pagkakataon ang magkaibigan para magawang pasukin ang kubo. Maingat nilang pinatulog ang mga bantay nang hindi gumagawa nang ingay upang hindi magising ang mga kasamahan nang mga ito. Nang makapasok sila sa loob nang kubo nagulat pa ang pitong sundalo nang Makita ang dalawang binata. Suminyas naman si Julianne na huwag silang maingay. Maingat nilang inalis ang tali sa kamay nang mga ito. Nang sigurado na nilang walang nagbabantay sa labas nang kubo. Maingat silang umalis doon. Ligtas silang nakalayo sa lugar na iyon nang hindi sila nahuhuli nang mga rebelde.

Isang mahihinang katok sa pinto ang narinig Julius. Agad silang naalerto dahil sa katok mula sa pinto. Pasimpleng sumilip si Dranred sa siwang mula sa maliit na butas sa pinto, nang Makita niya si Eugene at Julianne.

Agad niyang binuksan ang pinto upang papasukin ang dalawang binata kasama ang mga sundalong pinatakas nito. Nang makapasok ang mga binata. Agad ding isinara ni Dranred ang pinto.

"Captain." Wika nang mga sundalo kay Martin at sumaludo. Ngumiti si Martin at sumaludo din sa mga ito.

"Magaling ang ginawa niyo. Wala bang nakasunod sa inyo?" tanong ni Dranred.

"Dahil sa malakas na ulan baka bukas pa nang umaga nila mapansin na wala na ang mga bihag nila." Wika ni Julianne.

"Talagang bilib na bilib na ako sa inyo. Dalawa lang kayo pero nagawa niyong iligtas ang mga bihag." Wika ni Rick.

"Maswerte kami dahil umuulan walang masyadong bantay sa labas." Tugon ni Eugene.

"Kailangan na nating umalis. Kaya niyo bang makipaglaban." Wika ni Dranred sa mga sundalo.

"May lakas pa kami para makipaglaban. Isa pa gusto rin naming ipaghiganti ang mga nasawi naming kasama." Wika pa nang mga sundalo. Tumango Si Dranred at Ngumiti. Tumayo naman ang iba pang mga sundalo. Napatingin ang binata sa mga kasamahan. Sa grupo niya, Meron pa siyang labing apat na tauhan, kasama ditto sina, Eugene, Julianne, Julius, Ben, Rick, Johnny, Meggan, Arielle at ang 6 na dating SWAT member. Sa grupo naman ni Martin walo, kasama na si Martin at ang 7 iniligtas nina Eugene na sundalo. Hindi niya alam kung sasapat na ang bilang nila para lusubin ang kampo nang mga rebelde. Kailangan pa nilang iligtas ang isanb barangay na sinakop nang mga ito.

"Martin, Mabuti pang dumito ka nalang,Hindi pa magaling ang mga sugat mo." Wika ni Dranred sa kaibigan. "Arielle, Meggan manatili din kayo. Baka bukas dumating ang reinforcement na sasalakay sa kabilang barangay. Kailangan niyo silang tulungan." Wika Ni Dranred.

"Kaya ko namang lumaban." Wika ni Martin.

"Alam ko naman iyon. Ngunit sa mga sugat mo magiging mabagal lamang ang kilos natin. " derechang sagot ni Dranred. "Arielle. I want you to monitor kung ano mang mangyayari ditto. Iradyo niyo agad sa kin." Wika ni Dranred.

"Yes Chief." Wika ni Arielle. Siguro dahil babae sila at mahina kaya sila ang pinili nang kapitan nila upang iwan sa lugar na iyon. SIguro iniisip din nitong pabigat sila. Iyon ang nasa isip ni Arielle nang mga sandaling iyon.

"I am not telling you to stay here, dahil babae kayo. Masyadong mahirap ang sitwasyon natin ang we need to move swiftly. Siguro naman alam niyo ang kanya kanyang niyong kakayahan." Wika ni Dranred na ikinagulat ni Arielle. Para bang nababasa nito ang iniisip niya.

Hindi pa nagbubukang liway-way nang umalis ang grupo ni Dranred sa abandonadong bahay at pumasok sa kasukalan kung saan ang pinagkukutaan nang mga rebelde. Nais nilang marating ang kuta nang mga ito bago pa sumikat ang araw.

Aw! Daing ni Aya at nasapo ang ulo. Nagising siya dahil sa mga huni nang mga hayop sa paligid inya. Nang magmulat siya nang mata, bigla niyang napansin si Butlet Lee na may sugat sa ulo at nakatali sa isang haligi malapit sa papag kung saan siya nakahiga. Nang Makita niya ang kawawang ayos nang butler agad siyang napabalikwas nang bangon doon lang niya napansin ang kadina sap aa niya. Nasaan sila at anong lugar itong kinalalagyan nila. Ang huli niyang natatandaan ay ang pagharang sa kanila nang grupo nang mga dikilalang lalaki.

"Ang lalaki yun!" usal ni Aya nang maalala ang lalaking dumukot sa kanila. Ito ang lalaking Nakita niya sa panaginip niya na pumatay sa pamilya nila at ang lalaking Nakita nila nang kuya niya sa dalampasigan.

"Butler lee." Tawag ni Aya sa walang malay na lalaki.umungol ito at ipinaling ang ulo. Dahan-dahan nitong binuksan ang mga mata.

"Lady Aya." Mahinang wika nito.

"Masakit ba ang ulo? Parang ang lalim nang sugat." Wika ni Aya. Simpleng napahawak si Butler Lee sa likod nang ulo niya. Tiyak nakuha niya ang sugat na iyon nang pukpokin siya nang lalaki sa ulo.

"Maliit na sugat lang ito. Ikaw nasaktan ka ba?" Tanong nang binata.

"Hindi ako nasaktan. Kailangan nating mag-isip kung paano tayo makakalabas ditto." Wika ni Aya. "Malalaman kaya nang kuya ko na narito tayo?" tanong ni AYa.

"TIyak iyon." Wika pa nang binata. "Makakalabas tayo ditto." Wika ni Butler Lee. Simpleng ngumiti si Aya.

Si Dranred Kaya? Alam kaya nitong nawawala siya ito ang unang nakakaalam kung may nangyayaring masama sa kanya. For some reason, para ba silang may kakaibang koneksyon.

Biglang napatingin si Aya sa pinto nang kubo nang bigla itong bumukas. Bumungad sa kanila si Giovanni, may dala itong dalawang plato nang pagkain.

"Jasmine, gising kana pala." Wika nito at lumapit kay butler Lee at inilapag ang pinggan sa tabi nito. Saka naman ito naglakad palapit kay Aya at naupo sa tabi niya. Agad naman siyang lumayo ditto.

"Bakit ka naman natatakot? Dinala kita ditto para mabuhay tayong magkasama. Heto dinalhan pa kita nang pagkain." Wika nito at inilapag ang plato na may lamang kanin at Isda.

"Hindi po ako gutom. Ibalik niyo nalang ako sa kuya ko." wika ni Aya sa lalaki.

"Hindi!" nagtaas ang boses nang lalaki na ikinagulat ni Aya. "Matagal kung hinintay ang pagkakataong, Makasama ka. Hindi ako papayag na muli tayong magkahiwalay." wika nang lalaki. "Dati mo na akong iniwan . Hindi ako papayag na muli mo akong iwan."Anang lalaki at hinawakan nang mahigpit ang Braso ni Aya.

"Nasasaktan ho Ako." Daing ni Aya at binawi ang braso sa lalaki.

"Pasensya ka. Mabuti pa magpahinga ka na. Buwas nang umaga. Aalis na tayo dito." wika nang lalaki at tumayo saka naglakad patungo sa pinto. nang makalabas ito muli nitong isinara ang pinto.

Napatingin si Aya kay Butler Lee. Matatakot siya lalaking pumasok sa Kubo. Para itong obsessed sa namayapa niyang ina. Ano nalang ang gagawin niya kung totoo nga ang sinabi nitong ilalayo siya nito sa lugar na iyon.

"I think you should rest for now Lady Aya. I will think of a way para itakas ka dito." wika ni Butler Lee na tila nabasa ang takot sa mga mata niya. Napabuntong hininga si Aya at muling bumalik sa pagkakaupo.

Hindi alam ni Aya kung ilang oras silang nakaupo doon ni Butlet Lee. Hindi siya nakatulog dahil sa kakaisip kung papaano sila makaka alis sa lugar na iyon. Ganoon din naman ang Butler. Hindi rin nila ginalaw ang dalang pagkain nang lalaki. Pinanood lang ni Aya si Butler Lee habang paulit-ulit nitong sinusubukang

Sa halip na tilaok nang manok ang marinig nila sa bukang liway-way sunod-sunod na putok nang baril. Napatayo si Aya mula sa kinauupuang papagdahil sa labis na gulat. Ilang sandali pa, bigla nalamang nagsilusutan sa dingding kubo ang mga bala.

Biglang napatili si Aya at napayuko dahil sa labis na takot. Nang mga sandaling iyon. Nakalas na ni Butler Lee ang tali sa mga kamay niya. Nang makabawi nang lakas, agad siyang lumapit sa dalaga niyakap ito para protektahan mula sa mga balang pumasok sa kubo. Sabay na napatingin ang dalawa nang biglang bumukas ang pinto nang kubo.

Nagulat si Butlet lee nang bigla siyang inundyan nang baril nang lalaki.

"Butler Lee!" gulat na wika ni Aya nang makitang bumulagta ang lalaki sa sahig. Agad naman siyang nilapitan nang lalaki at kinalas ang kadina sa paa saka kinaladkad palabas nang kubo. nang makalabas sila nang kubo nakita ni Aya ang mga rebeldeng di magkamayaw habang nakakipagpalitan nang putok nang baril sa mga sundalo. Hinila siya nang lalaki papalayo sa kubo habang kasunod nito ang ilang rebelde.

"Aya." mahinang wika ni Dranred nang mamataan ang dalagang inilabas nang lalaki sa kubo saka, kinaladjad papalayo sa lugar na iyon. Hindi naman niya agad nagawang makalapit dahil sa palitan nang putok nang baril.

Nang makaalis ang grupo ni Dranred sa abandonadong bahay. Agad nilang tinunton ang kuta nang mga rebelde sa kasukalan. Sa pusod nang gubat nakita nila ang isang malawak na kampo nang mga rebelde. Hindi kaagad sila lumapit sa kuta, nagkubli sila sa mga Puno at kadawagan, mula doon malaya nilang nakikita ang mga ginagawa nang mga rebelde. May mga rebelde silang nakita na lumabas mula sa isang kubo, kasama ang ilang babae.

"Anong ginagawa nang mga babaeng yan dito?" tanong ni Johnny.

"Iyan ang mga dalagang dinukot nila mula sa kabilang Baranggay at sa ibang barangay. Ginagawa nilang parausan at pampalipas nang oras.' sagot naman nang isang sundalo na mula sa kabilang BRGY.

"Talagang sagad sa buto ang kawalang hiyaan nang mga ito. Pati ba naman mga inosenteng babae." gigil na wika ni Ben.

Maingat silang lumapit sa kuta. Narinig nila ang sigawan nang mga babae na pinasok nang ilang lalaki sa isang kubo naririnig nila itong nagmamakaawa. Napakuyom ang kamao ni Dranred habang pinakikinggan ang pagsigaw nang mga babae. Dahil sa kanyang galit unti-unting lumitaw ang phoenix na marka sa kanyang kaliwang kamay. Hindi natagalan ni Eugene na paginggan na lamang ang mga babae.

Tumatakbo din sa isip niya paano kung ang kapatid niya ay isa din sa mga babaeng minamaltrato nang mga rebelde.

Sinugod ni Eugene ang kubong pinagdalhan nang mga lalaki sa mga babae, marahas na sinipa ni Eugene ang pinto dahilan upang masira ito. nagulat pa ang lalaki nang bigla na lamang may lalaking nakatayo sa labas nang pinto.

Nakita ni Eugene ang mga dalagang pinupwersa nang mga lalaki. Sa kanyang galit. Agad niyang sinugod ang isa sa mga lalaki. Naalaarma naman ang iba pa at akmang susugurin ang binata ngunit dumating sina Julianne at Rick para saklolohan ang binata.

Nagpampuno ang mga lalaki dahilan upang makagawa sila nang ingay sa kanilang pagaaway tumilapon sa labas nang kubo ang isang lalaking inihambalos ni Julianne. Dahil sa nakita nilang paggagagulo mula sa isang kubo naalerto na ang iba pang mga rebelde, dahilan upang magsimula ang isang gyera sa pagitan nang mga sundalo at rebelde.

Sa bukang liwayway na iyon sa halip na tilaok nang manok ang marinig nila sunod-sunod na putok nang baril ang siyang gumising sa iba pang natutulog na mga rebelde. nagising si Giovanni mula sa mahimbing na natutulog.

Nang lumabas siya sa kubo, Nakita niya ang mga kasamahan na nagkakagulo. Agad niyang kinuha ang kanyang baril at tinawag ang ilang mga kasamahan at pinuntahan ang kubong pinagtataguan niya kay Aya.

Habang nakikipaglaban sina Dranred sa grupo nang mga rebelde nasa di kalayuan naman ang Grupo ni Jezebeth na sinusubaybayan ang binatang Kapitan.

"HIndi ba tayo makikisali sa kanila?" tanong ni Ornaiz.

"Hindi na kailangan. Ang Mga hangal na mortal mismo ang magtuturo kay Achellion sa kung sino siya at kung ano dapat ang ginawa niya sa halip na protektahan ang mga nilalang na iyan." wika ni Leonard.

"Tama, hindi na muna natin kailangang makiaalam ngayon. Panuurin natin siya hanggang sa mapagtanto niya kung ano siya." wika pa ni Jezebeth at ngumisi.

Matapos ang halos isang oras na palitan nang putok nang baril mula sa mga sundalo at rebeldeng grupo. Nagmistulang isang Ghost town ang itsura nang kampo. maraming mga katawan nang patay na rebelde ang nakahandusay sa lupa.

Lima sa magiting na sundalo ang namatay habang pinoprotektahan ang mga babaeng naroon. Nang matapos ang labanan, inutos ni Dranred sa mga tauhan na siyasatin ang paligid kung may mga bihag pang naroon o kung may mga nasaktan na inosente. Natagpuan naman ni Eugene at Julianne si Butler Lee na walang malay sa loob nang isang kubo.

Sargo ang dugo sa noo nito dahil sa ginawang paghataw ni Giovanni sa ulo nito nang baril. "Master Eugene." mahinang wika nang lalaki nang magising.

"Si Aya? Nasaan ang kapatid ko?" tanong ni Eugene sa binata.

"Dinala siya ni Giovanni." mahinang wika ni Butler lee.

Bago siya mawalan nang malay, nakita niyang pumasok sa loob nang kubo si Giovanni at sapilitang dinala ang dalaga.

"CRAP!" napamutang wika ni Eugene at nasuntok ang sahig. Habang abala sila sa pag-sisiyasat sa buong paligid hindi nila napansin na umalis ang kanilang kapitan. Sinundan niya ang tumakas na si Giovanni kasama ang dalaga.

"Captain!" Sigaw ni Aya nang bigla silang harangin nang binatang kapitan. Napahinto si Giovanni sa paglalakad at ang 5 pa nitong kasama nang bigla na lamang lumitaw sa harapan nila ang binata. Kung paano sila nito natunton ay isang mysteryo.

"Ang pakialamerong kapitan." sakristong wika nang lalaki. "Bakit hindi ka napatay nang mga tauhan ko!" asik nito.

"HIndi ako kayang patayin nang mga gaya niyo lang." wika nang binata. naningkit ang mata nang lalaki. Inutusan nito ang mga kasama na sugurin si Dranred.

"Captain!" tili ni Aya nang sugurin nang mga lalaki si Dranred. Pilit siyang kumawala sa pagkakahawak nang lalaki subalit. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Kahit magaling makipaglaban si Dranred. Halata pa ring nahihirapan siyang labanan ang mga rebelde bukod sa malalaki ang katawan nang mga ito, makikita ring magaling makipaglaban ang mga lalaki.

"Bitiwan mo ako!" nagpupumiglas na wika ni Aya. Dahil ayaw siyang pakawalan nang lalaki. Walang kaabog-abog na kinagat ni Aya ang kamay ang lalaki. Dahil sa gulat nito marahas nitong binawi ang kamay mula kay Aya at agad na sinampal ang dalaga dahil sa gianwa nito napaupo si Aya sa lupa.

"Anong ginagawa mo!" asik na wika nang lalaki at itinutok ang baril kay Aya. Sa kabila nag pakikipaglaban ni Dranred sa mga lalaki nakita parin niya ang ginawa nang lalaki. "Hindi ko maintindihan kong ano ang ayaw mo sa akin. Akala mo ba nagugustuhan ko ang paulit-ulit mong pagtanggi sa akin? Dati na kitang Pinatay. Magagawa ulit kitang patayin." Wika nang lalaki at akmang kakalabitin ang gatilyo nang baril.

"Aya!" Sigaw ni Dranred nang makita ang balak gawin nang lalaki ngunit dahil masyado siyang abala sa mga lalaking nasa harap niya hindi niya magawang saklolohan ang dalaga.

Mariing napapikit si Aya. Narinig niya ang kahol nang isang aso kaya agad siyang napamulat nang mata. Nakita niya si Snow na tumatakbo papalapit kay Giovanni. Nagulat pa ang lalaki nang biglang tumalon sa kanya ang malaking aso. Nabuwal sa lupa si Giovanni nang bigla tumalon ang aso sa kanya.

Pinilit nang aso na sakmalin ang leeg nang lalaki. Ngunit nanlaban si Giovanni. nagawa Niyang masipa ang aso palayo. nang makalayo siya sa aso. Agad niya itong pinaputukan.

"SNOW!" sigaw ni Aya nang makitang duguang bumagsak sa lupa ang kanyang aso. Umuungol din ito dahil sa mag tama nang bala.

"Walang hiya kang aso ka. Akala mo ba hindi kita tatapusin." Galit na wika nang lalaki at tumayo mula sa pagkakabuwal.

May sugat ito sa braso dala nang pagkagat sa kanya ni Snow. Muling itinutok ni Giovanni ang baril sa aso. Isang bato ang nahagip nang mga kamay ni Aya. Nang akmang babarilin nang lalaki aso agad na binato ni Aya kamay ni Giovanni. Nasapo ang kamay nito na muntik nang ikalaglag nang hawak nitong baril nang Matapos batuhin si Giovanni. Agad na tumayo si Aya at nilapitan ang aso niya.

"Hindi ka manlang naawa sa aso." Galit na baling Aya sa lalaki habang inihaharang ang katawan sa aso niya.

"Kinagat ako nang walang kwenta mong aso. Ngayon kung ayaw mong pati ikaw saktan ko umalis ka diyan!" asik nang lalaki.

"Hindi! Ayoko!" Giit ni Aya.

"Ah Ganoon! SIge magsama kayong dalawa!" wika nang lalaki at muling itinutuk ang baril kay Aya. Nang hindi na mapigilan ni Achellion ang galit na nararamdaman niya sa puso niya. Dahil sa matinding galit na iyon hindi namamalayan nang binata na unti-unti nang naglalabas nang kakaibang enerhiya ang katawan niya. Maariing napakuyom nang kamao ang binata.

"Wala akong panahon para sa inyo." Malakas na sigaw ni Achellion sa mga lalaking sumusugod sa kanya.

Isang malakas na enerhiya ang lumabas sa katawan ni Achellion dahilan upang tumilapon ang mga lalaki isa-isang tumama sa puno ang mga katawan nito at halos hindi makatayo.

Bumaling si Achellion kay Giovanni at Aya. Nakita niyang kakalabitin na nang lalaki ang gatilyo nang baril. Sa isang kisap mata tila hangin na nanglaho ang binata, sunod itong lumitaw sa harap na ni Giovanni sakto namang kinalabit na nito ang gatilyo nang baril. Mariing napapikit si Aya at napatili dahil sa takot.

"Anong----" gulat na wika ni Giovanni nang makitang hinawakan ni Achellion ang bibig nang baril sa kamay nito pumutok ang baril. Nakita niyang nagdurugo ang kamay nang binata subalit hindi manlang ito natititnag. Nang marinig ni Aya ang sinabi ni Giovanni. Agad siyang nagmulat nang mata.

"Captain." Mahinang usal ni Aya nang Makita ang binata sa harap niya. Umiihip ang malakas na hangin at tila may kakaibang enerhiyang inilalabas ang katawan nang binata.

"Humans." Narinig niyang mariing wika ni Dranred. Nakita niyang biglang napaupo sa lupa si Giovanni. Kasunod noon ang mga pira-pirasong bahagi nang baril nito na nangkalat sa lupa. Tila isang itong plastic na nagkadurog-durog ang labis pang ikinagulat ni Giovanni ay ang pagkakadurog nito gamit lamang ang kamay nang binata.

"Hindi ko mapapatawad ang mga kagaya mo. Dapat sa iyo. Binabawian nang buhay." Galit na asik ni Achellion at naglakad palapit sa lalaki. Naramdaman ni Aya ang labis na galit ni nang binata. Tila ba wala na itong nakikitangi bang bagay sa paligid. Nakita din niya takot na takot ang mukha ni Giovanni.

Agad na tumayo si Aya at lumapit kay Achellion saka niyakap nito mula sa likod. Bigla namang natigilan ang binata dahil sa ginawa nang dalaga.

"Tama na." mahinang wika ni Aya.

"Aya." Wika ni Achellion nang makilala ang dalaga. Humina ang malakas na ihip nang hangin. Unti-unti ring naging panatag si Achellion. Tila nagising siya mula sa isang matagal na bangungot. Hindi niya alam kung anong nangyari at tila nawala siya sa sarili niya. Ang alam lang niya labis ang galit niyang nararamdaman. Napatingin siya sa takot na lalaking nakaupo sa lupa.

"Pasalamat ka Isa pa rin akong alagad nang batas. Hindi ako pumapatay nang walang laban." Wika ni Achellion at hinawakan ang kamay ni Aya saka pa simpleng kinalas sa bewang niya. Humarap siya sa dalaga.

"I'm Sorry, Tinakot ba kita?" masuyong wika ni Achellion habang isang hawak ang kamay ni Aya.

"SObra." Wika ni Aya at nag-angat nang tingin. Simple namang ngumiti si Dranred.

"I guess I can cause trouble from time to time. Only if you are involve." Wika ni Achellion at ipinatong ang isang kamay sa ulo nang dalaga. "Nasaktan ka ba?" Tanong ni Dranred. SImpleng iling lang ang ginawa ni Aya.

Hindi nila alam na nakabawi na si Giovanni mula sa gulat. Kumuha ito nang kutsilyo sa likod at agad na sinugod ang binata.

"Captain!" tili ni Aya nang Makita si Giovanni sa likod ni Dranred. Agad na umatras si Aya dahil sa gulat. Nakita niya ang kamay nito sa tagiliran ni Dranred. Ganoon na lamang ang gulat nang Makita ang pulang likido na umaagas doon.

"Tao Ka lang Kapitan. Nagawa kong pumatay dati at magagaw ko ulit." Nakangising wika ni Giovanni.

"You just don't know when to stop." Mariing wika ni Dranred. Saka marahas na tinanggal ang kamay ni Giovanni sa tagiliran niya. Nakita niya ang duguang kutsilyo na nahugot mula sa tagiliran nang binata. Pumihit si Dranred paharap sa lalaki. Nang makaharap siya sa lalaki.

Split Second na umikot sa ere ang paa nang binata. Sapol sa panga ang lalaki. Umikot pa ito sa ere bago bumagsak sa lupa. Nangisay pa ito nang bumagsak sa lupa ang katawan. Tila na dislocate pa yata ang leeg nito dahil sa ginawa nang binata.

"Talagang ang mga katulad mo dapat hindi na binubuhay. Kaya lang nakakatakot ka ring patayin. Baka magkampihan pa kayo ni Satanas." Wika ni Achellion at inihulog sa lupa ang kutsilyong nasa kamay niya saka hinawakan ang sugat sa tagiliran bago bumaling kay Aya.

"Nasaktan ka ba?" Mahinang wika ni Dranred.

"Bakit ako pa rin ang inaalala mo!" usal ni Aya. "Ikaw itong may sugat."

"Okay lang ako. I wont die." Wika nang binata at naglakad palapit sa aso ni Aya. Inilagay niya ang kamay sa sugat nang aso.

"Masyadong mahina na ang tibok nang puso niya. I can still save him. Kaya lang-"

"Kaya lang ano?" Putol ni Aya. Simpleng tumingin si Dranred sa dalaga. "NO!" maagap na wika ni Aya. Parang alam na niya ang gustong sabihin nang binata. Ang tinutukoy kaya nito ay ang buhay nito kapalit nang buhay ni Snow. Dati na nitong isinakripisyo ang buhay para sa kanila ang kuya niya. Ngayon naman para sa aso niya ibibigay nito ang natitirang lakas. Lumapit si Aya sa binata at hinawakan ang kamay nito saka inalis sa pagkakalapat sa sugat ni Snow.

"Bakit?" takang tanong ni Dranred.

"Hindi kita hahayaang mag sakripisyo para lang kay Snow. He is a kind and Brave dog. Malulungkot ako kung mawawala siya. Nakasama ko na siya simula pa nang bata ako. Kaya lang. Ikaw ang savior naming ni Kuya. Dahil sa amin kaya ka nasa isang katauhang mahina. So I wont agree. Hindi mo pagagalingin si Snow at isasakripisyo ang buhay mo. Mahina ka!" wika ni Aya napaawang naman ang labi ni Dranred dahil sa sinabi nang dalaga. Did she read his mind. Mukhang sa mata nang dalaga talagang makikipagmatigasan ito sa kanya.

"Hindi ko rin naman gustong mawala si Snow sa----"

"Mahal ko si Snow. Pero mas mahalaga ka pa rin." Agaw nang dalaga.

"Mahalaga ako?" pilyong wika nang binata.

"Oo." Wika ni Aya saka na awkward nang tumingin sa mata nang binata. Biglang uminit ang pisngi niya, nakikita kaya nang binata ang namumula niyang pisngi? "Oo Mahalaga ka. Ikaw ang Kapitan nila kuya. ANo nalang ang sasabihin nila kung mamamatay ka." Bawi ni Aya.

"Iyon lang ba?"

"Oo, Meron pa bang iba?"

"Hindi ko narinig ang sagot na gusto ko. Ngunit sige lang. May iba pa namang pagkakataon." Wika ni Dranred at naupo dahilang upang kabahan si Aya. Marami na ring dugo ang nawala sa binata.

"Okay lang ba?" tanong nang dalaga.

"Kailangan ko lang magpahinga. Nakakalimutan mo bang hindi ako isang normal na tao." Ngumiting wika ni Dranred.

"Captain!" sabay silang napatingin ni Aya sa pinanggagalingan nang boses. Nakita nilang papalapit sina, Julianne, Eugene , Rick , Julius, Ben at Johnny.

"Aya!" masayang wika ni Eugene nang Makita ang kapatid. Nang makalapit sa kapatid agad niyang niyakap ang kapatid. "Nasaktan ka?" tanong ni Eugene sa kapatid.

"Okay lang ako. Pero si Snow." Wika ni Aya saka tumingin sa aso nila. Agad namang nilapitan ni Eugene ang aso.

"Captain. Kaya mo bang tumayo?" tanong ni Julius at Johnny sa binatang nakaupo saka inalalayan itong tumayo.

"Ang lalim nang sugat niyo sa tagiliran." Wika ni Julius.

"Kaya ko 'to. Hulihin niyo na ang mga yun." Wika ni Dranred at itinuro ang mga lalaking halos pagapang sa damuhan. Nilapitan naman ni Julianne si Giovanni. Walang malay ang lalaki at dislocated din ang panga.

Inilibing nila si Snow sa lugar na iyon. Isang dasal din ang inalay nila para sa magiting na aso. Labis ang kalungkutan ni Aya dahil sa pagkawala nang isang matalik na kaibigan. Si snow ay nakasama na niya simula nang bata pa siya at nagsilbing mga mata niya at gabay kaya naman labis siyang nagdaramdam dahil sa pagkasawi nito.

Sabay-sabay silang bumalik sa kampo nang mga rebelde, Naroon ang katawan nang mga nasawing rebelde at mga sundalo. Nailigtas din nila ang ilang kababaihan na ginawang sex slave nang mga rebelde.

Nakatanggap din sila nang radio mula kay Meggan at Arielle na dumating na ang re-inforcement na pinamunuan mismo ni General Mendoza at Commision Officer Bryant. Kasalukuyan silang nagsasagawa nang rescue operation sa kabilang brgy. Magpapadala rin daw ito nang mga sundalo na kukuha sa katawan nang mga napatay na mga sundalo para maiuwi sa syudad.

Tanghali nan ang matapos ang rescue operation na ginawa nang mga sundalo. Mailigtas nang mga ito ang brgy na sinakop nang mga rebelde at nahuli ang mga ilang rebelde na naroon. Ang iba naman na nanlaban ay nasawi. Sa labanan may mga sundalo ding nagbuwis nang kanilang buhay dahil sa sagupaan nang mga sundalo at rebeldeng grupo.

"Sir!" wika ni Dranred nang makaharap ang Commission Officer at Si General Mendoza.

"Carry on." Wika ni General Mendoza at sumaludo.

"Son." Ngumiting wika nang Commisioner at niyakap ang binata napaawang naman ang labi nang tauhan ni Dranred dahil sa gulat. "I am happy you are safe."

"I laud your effort captain." Wika nang general sa binata. "Ipatinigin mo na yang sugat mo mukhang malalim" dagdag pa nang lalaki

"Thank you Sir." Wika ni Dranred.

"Captain." Biglang napalingon si Dranred nang marinig ang boses ni Don Guillermo dumating ito kasama si Analie at Gio.

"Don Guillermo."

"Captain. Nagawa niyo nang iligtas ang bayang ito hindi ba pwedeng patawarin niyo nalang ang anak ko, May mga anak siyang kailangan din nang ama." Wika nang Don.

"I'm sorry But I wont allow it." Biglang wika ni Eugene. Napatingin naman si Dranred sa binata.

"Captain. Permission to speak." Wika ni Eugene at humarap sa binata.

"Go on." Simpleng wika ni Dranred.

"Patong na patong na kaso ang isasampa sa anak niyo Don Guillermo. Isa na ditto ang murder case sa pamilya ni Harry Heartfelia na dati niyong tagapangalaga nang Hacienda. We have witnesses of his crime. Idagdag mo pa rito ang paghostage niya sa mga kakababaihan at pag turing sa kanila bilang mga sex slave at rebellion. I can assure you, habang buhay na siyang mananatili sa loob nang kaloongan."

"ANong murder ang sinasabi mo?" Gulat na wika wika ni Dr. Gio.

"He killed my Dad, Mom and Grand mother. I can testify against him in court." Wika ni Eugene. Tila nagulat naman si Don Guillermo sa inilahad nang binata. Ang alam nito hindi na Nakita ang magkapatid matapos ang pagkahulog nang kotse sa bangin.

"Captain!" wika ni Don Guillermo sa binata.

"You heard him right Don Guillermo. Mas mabuting ikuha niyo nan ang abogado ang anak niyo. He has to pay the price for him crime." Wika ni Dranred.

BUmaling naman si Dranred kay Analie. "I'm sorry." Usal nang binata. Hindi niya magagawang iligtas ang ama nito mula sa batas but at least he is alive.

"Dadalhin na namin sa syudad ang mga nahuli ganoon din ang mga nasawing mga sundalo. Magkita tayo sa national Defense office. Captain wrap things up here at bumalik na kayo." Wika nang Heneral.

"Yes Sir!" naunang umalis sina General Mendoza at Commision officer Bryant dala ang mga nahuling rebelde. Kinausap naman ni Dranred ang mayor. Nagkasundo sila na magkaroon nang police outpost sa bawat brgy para sa kaligtasan nang mga mamamayan. Bumalik na rin ang kapitan nang Sta. Catalina.

Ipinalibing din nila ang mga rebeldeng namatay, ang dating kampo nang mga rebelde sa gubat at naging isang libingan dahil sa dami nang mga rebeldeng inilibing doon. Isang misa ang isinagawa nila doon nang inilibing nila ang mga nasawi.Nalaman din nilang iba sa mga miyembro nang rebelde ay mula din doon sa bayang iyon. Ilan ay mga dating takas sa kulungan at mga pulis na naawalan nang tiwala sa batas. Kasabay nang paglilibing nila sa mga rebelde ay ang paglibing nila sa mga madilim at masakit nalaala.

They are hoping to find a new life matapos ang kabanatang iyon. Simula ngayon hindi sila ma tatakot gabi-gabi dahil sa banta nang mga rebelde na ngako naman ang mayor na paiigtingin ang siguridad hindi lang sa bayan kundi sa mga karatig barangay na halos malayo na sakabihasnan upang hindi na maligaw nang landas.

Hindi naman nangako ang Don na patuloy na magiging aktibo sa mga Gawain sa bayan nila dahil sa nangyari sa anak nito. Hindi naman nila masisisi ang matanda. Kailangan lang nila itong bigyan nang pagkakataon na matanggap ang mga nangyari at buksan ang puso upang tanggapin ang katotohanan at tanggapin na ang mga nagawa nang anak nito ay may kaakibat na kaparusahan.

"Analie." Wika ni Dranred at nilapitan ang dalaga. Papaalis na sila sa Sta. Catalina. ISang Bus ang dumating upang sunduin sila.

"Huwag ka nang maawa sa kin Dranred." Wika ni Analie.

"I'm Sorry kung humantong sa ganito. Alagad ako nang batas at tinutupad ko lang ang tungkulin ko."

"Naiintindihan naman kita. Masakit lang na sa kabila nang kabutihan naming sa iyo, ang tungkulin parin ang pinili mo. Hindi ka masamang tao kaya lang nakakalungkot ang katapatan mo sa tungkulin mo." Wika ni Analie. "Pero huwag mong isiping isusuko na kita."dagdag pa nito.

"Makakakita ka rin nang lalaking nararapat para sa iyo. Hindi ako yun." Wika ni Dranred. "Maiingat ka." Wika ni Dranred at inilahad ang kamay sa dalaga.

"I beg to disagree. Kung ano ang gusto ko iyon lang ang sinusunod ko. " ngumiting wika ni Analie sa halip na tanggapin ang pakikipagkamay nang dalaga at isang halik sa pisngi ang ginawad nito sa binata. Si Aya na nasa bus ay Nakita ang ginawa nang dalaga. Agad naman siyang naglayo nang tingin. Bakit biglang kumirot ang dibdib niya? Naiinis ba siya? Tanong ni Aya sa sarili.

"Okay lets go back!" wika ni Dranred nang makasakay sa bus.

"Yes makakauwi na tayo." Masayang wika ni Julius. Binuhay nang driver ang makina nang bus. Lahat nang mga tauhan ni Dranred at naroon na sa loob nang bus.

"Maghanap ka nang--" putol na wika ni Aya nang bigla siyang tumayo mula sa kinauupuan. Bigla kasing naupo sa tabi niya ang binatang kapitan

"Aw!" daing ni Achellion nang tamaan nang siko ni Aya ang sugat niya.

"Captain? Okay ka lang ba?" tanong ni Meggan. Taka naman napatingin si Aya sa binata dumugo kaya ang sugat nito.

"Teka, bumuka ba ang sugat mo?" nag-aalalang wika ni Aya at inangat ang damit ni Dranred nang hindi manlang nag-aalala kung ano ang sasabihin nang mga nakakakita sa kanila.

"Anong ginagawa mo!" natatawang wika ni Dranred at ibinaba ang damit. "This girl. Hindi ka ban a hihiya sa mga tauhan ko?" doon lang napansin ni Aya na hindi pala sila solo ni Dranred sa bus.

Biglang pinamulahan sa pisngi ang dalaga dahil sa hiya. Naroon din pala ang kuya niya at si Butler Lee. Ano lamang ang sasabihin nang mga ito.

"Nakakainis ka!" gigil na wika ni Aya sabay hampas sa balikat ni Dranred. "Diyan ka na nga." Wika nang dalaga at humalis sa kinauupuan niya, tamang-tama naman na nagsimulang umandar ang bus, Dahil sa biglang pag-andar nito nawalan nang balance si Aya, nabuwal siya Mabuti na lang at agad siyang nasalo ni Dranred.

"You Trip even if there is nothing for you to trip on." Natatawang wika ni Dranred. Isang malakas na tikhim naman ang ginawa ni Eugene nang makitang nabuwal si Aya sa kapitan nila dahil sa ginawa ni Eugene napangiti ang lahat nang mga naroon. Muling bumalik sa pagkakatayo si Aya at humawak sa head board nang upuan upang hindi na mawalan nang balance.

"Doon ako tatabi sa kuya mo." Wika ni Aya at inirapan si Dranred saka naglakad patungo sa kuya niya.

Nakahawak lang siya sa head board nang sasakyan upang hindi mabuwal. Nang makalayo si Aya. Ipinikit naman ni Dranred ang mga mata niya. Ang totoo wala na namang sugat sa tagiliran niya, naghilom na ito wala na rin namang marka nang kahit anong sugat doon. Gusto lang niyang biruin ang dalaga dahil alam niyang nalulungkot pa rin ito dahil sa pagkawala nang aso nito. Kung hindi lang siya mahina nagawa sana niyang iligtas ang aso.

Naupo si Aya sa tabi ni Eugene. Doon siya naupo sa may binata, habang papalayo ang bus sa brgy. Tila Nakita ni Aya si Snow na humahabol sa kanila. Dinig na dinig niya ang malalakas na tahol nito.

"Bye Snow." Mahinang usal ni Aya kasabay nang pagpatak nang mga luha sa mata. Napansin naman agad ni Eugene ang kapatid.

"Aya." Wika ni eugene at niyakap ang kapatid. Iyon lang ang pwede niyang gawin para sa kapatid. Ilang taon din nitong nakasama ang aso niya. Ang asong nagging mga mata nito noong mga panahong nagiisa ito at malayo sa kanila. Iniisip ni Eugene na ngayon naman ang panahon na siya ang maging mga mata nang kapatid.

"Everything's gonna be okay." Wika ni Eugene sa kapatid. Simpleng tango lang ang itinigun ni Aya. Alam niyang pag-alis niya sa lugar na iyon mababago ang lahat sa buhay niya. Natatakot siya ngunit pinipilit din niyang ipanatag ang sarili niya. Nasa tabi naman niya ang kuya niya kaya hindi siya dapat matakot.

Nang dumating sila sa national defense office isang engranding pagsalubong ang ginawa sa kanila nang iba pang mga sundalo at nang mga general. Binigyan din sila nang parangal at itinuring mga bagong bayani. Maging ang mga nasawing mga sundalo ay binigyan din nang parangal. Bukod sa parangal binigyan din sila nang isang linggong pahinga dahil sa naging matinding pinagdaanan nila sa huling misyon.

"Julius, mas Mabuti siguro kung doon ka nalang sa amin tumira." Wika ni Eugene kay Julius nang pauwi na sila.

"Hindi na Lt. May apartment naman ako ditto." Wika ni Julius saka bumaling kay Aya. "Dadalawin kita kapag nakalugar ako. Parati kang magiingat." Wika ni Julius at niyakap si Aya.

"Mag-iingat ka rin." Wika naman ni Aya.

"Anong gagawin niyo ngayong may isang lingo tayong pahinga." Baling ni Julianne sa mga kasamahan.

"Siguro ako, uuwi ako sa amin. Na miss ko na ang inang ko. Akala ko nga hindi na ako makakalabas sa bayan nay un nang buhay. Dahil may pangalawang buhay ako. Uuwi muna ako. Ipapakita ko din sa kanila ang medal na to." Wika ni Ben.

"Ako naman baka umuwi din ako." Wika ni Rick.

"Ganoon din ako. Baka nag-aalala na yung mama ko." Wika ni Johnny. Tumingin naman sila sa dalawang dalaga.

"Magbabakasyon ako that's for sure." Nakangiting wika ni MEggan.

"Uuwi ako sa amin." Wika ni Arielle.

"Oh, Paano yan, magkita-kita nalang tayo ditto after 1 week." Wika ni Eugene.

"Si Captain nasaan?"tanong ni Rick nang mapansin na wala sa grupo nila ang kapitan nila.

"DInig ko may pag-uusapan sila ni General Mendoza." Wika ni Julius. "Mukhang bagong misyon."

"Pambihira hindi manlang nila pinagpahinga si Chief. Aba may sugat yun ah." Wika ni Ben.

"Hindi naman siguro. TIyak binigyan din siya nang bakasyon noon." Wika pa ni Arielle.

"Officer Ledesma!" masiglang wika ni Johnny nang makilala ang dalagang naglalakad papalapit sa kanila. Nakasout ito nang putting Hospita gown.

"Ate Jenny!" masiglang wika ni Aya nang Makita ang dalaga saka tumakbo palapit ditto at agad itong niyakap.

"Aba mas bagay pala saiyo ang putting hospital coat kesa sa camouflage." Wika ni Julianne at lumapit sa kaibigan.

"Masaya akong Makita kayong ligtas." Wika ni Jenny saka tumingin kay Eugene. "Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo, nag-aalala ako kung anong nangyari sa inyo, sabi nila maraming sundalo ang namatay." Wika ni Jenny.

"Hindi pa naming oras. At maswerte kami dahil kakampi naming nag itaas." Wika ni Johnny at itinuro ang langit.

"Nang malaman kung ngayon ang dating niyo agad akong sumugod ditto. Nakalimutan ko pang tanggalin ang coat ko."

"That's okay. Bagay naman saiyo." Wika ni Eugene. "Papunta kami ngayon sa m-bahay. Gusto mo bang sumama?" Tanong ni Eugene.

"SUmama ka sa amin ate Jenny. Ang totoo niyan kinakabahan din ako. Ito ang unang beses na makikita ko ang lola ko pagkatapos nang maraming taon."

"Kung hindi ako abala bakit hindi."ngumiting wika ni Jenny.

"Sayang yayayain sana kitang mamasyal." Wika ni Johnny.

"Sus humirit pa, akala ba naming uuwi ka." Ani Arielle.

"UUwi naman talaga ako."

"Sa susunod nalang. Mag dinner tayong lahat" wika ni Jenny.

"Sabi mo yan huh." Ani Johnny ngumiti lang si Jenny at tumango.

Nang makapagpaalam sila sa isat-isa saka naman sila nagkanya kanya nang landas. SIna Julianne, Butler Lee, Aya, Jenny at Eugene naman ay nagtungo sa mansion nang mga Heartfelia para iuwi ang matagal na nilang hinihinatay na apo. Nang dumating sila sa Mansion Nakita nila sina Donya Carmela, Elena, Bernadette at Isang magandang babae na nag-aabang sa labas nang gate.

"Granny." Nakangiting wika Eugene nang Makita ang matanda.

"Eugene hijo." Mangiyak-ngiyak na wika nang matanda at agad na lumapit sa apo saka niyakap ito. "Mabuti naman at ligtas ka apo. Nabalitaan namin ang nangyari sa sa misyon niyo." Wika pa nang matanda.

"Ligtas ako Granny. At kasama ko na si Aya." Wika nang binata inilahad ang kamay sa kapatid na nasa tabi ni Julianne. Napatingin naman ang matanda sa dalagang tinutukoy ni Eugene. Naglakad palapit si Aya sa kanyang kuya at lola.

"Ikaw na ba yan? Aya ang aking apo?" nakangiting wika nang matandan at hinawakan ang pinsgi nang apo. Ngumiti si Aya habang pumapatak ang luha sa mata niya. NI minsan hindi niya Nakita ang mukha nang lola niya ngunit nakikilala pa rin niya ang boses nito.

"Ang kawawa kong apo." Wika nito at niyakap ang dalaga. Napangiti naman si Eugene dahil sa labis na kasiyahan.

"Halika, ipapakilala kita sa Tita Elena mo at Ate Bernadette." Wika nang matanda at inakay si Aya palapit kay Elena at Bernadette.

"Eugene!" wika nang isang dalaga at lumapit sa binata kasabay ang paghalik nito sa pisngi at pagyakap nito sa binata. Hindi lang si Eugene ang nagulat maging sina Julianne at Jenny ay nabigla din sa ginawa nang dalaga.

"Frances." Wika ni Eugene at bahagyang inilayo ang dalaga. "May Kaibigan akong ipapakilala sa iyo." Wika nang binata ta hinawakan ang kamay ni Frances saka inakay ito papalapit kay Julianne at Jenny.

"Si Jenny nga pala kaibigan ko. Siya ang anak nang lalaking nagligtas sa amin ni Julianne noon." Wika ni Eugene. "Jenny, si Frances nga pala----"

"Frances Montreal. FIancee of Eugene." Agaw nito sa sasabihin ni Eugene at inilahad ang kamay sa dalaga. Simpleng ngumiti si Jenny at tinanggap ang kamay ni Frances.

"Jenny Ledesma." Simpleng wika ni Jenny.

"Julianne long time no see." Baling naman ni Frances sa binata.

"Yeah, Nakikita kung hindi ka pa rin nagbabago, maganda ka pa rin."

"Darling." Wika nito at bumaling kay Eugene. "Hindi mo ba ako ipakikilala sa kapatid mo?" tanong nito kay Eugene.

"Halika, ipakikilala kita kay Aya." Wika nito at inakay ang dalaga palapit sa kinaroroonan nang lola niya at kapatid. Naiwan naman sina Julianne at Jenny.

"Masanay ka na diyan kay Frances. Talagang may pagka arogante yan. Laki kasing sunod ang layaw." Wika ni Julianne. Alam niyang nakakaramdaman nang awkwardness si Jenny. Hindi naman nila inaasahan ni Eugene na naroon din si Frances. Dati pa sila ipinagkasundo nang binata na magpakasal dahil sa company merger.

Sa kilos naman ni Frances tila hindi lang merger ang nagtutulak nito para ilapit ang sarili sa binata. Nakikita nilang may gusto talaga ito sa binata. Kahit naman ayaw ni Eugene sa ideya nang pagpapakasal ditto hindi naman nito pinakitaan si Frances nang masama siguro dahilan narin para mahulog ang loob nang dalaga sa kanya.

Sa mansion nang mga Heartfelia nag dinner si Jenny dahil na rin sa request ni Aya. Masaya naman ang matanda na makilala ng kaibigan nina Eugene. Masaya din itong malaman na may iba pang taong nagalaga sa apo nito habang malayo ito sa kanila.

Mama, hindi naman siguro kailangan nang isang malaking kasiyahan para lang ipakilala ang mga apo mo kay Harry." Wika ni Elena nang sabihin nang matanda na magdadaos siya nang isang malaking party sa kingdom hotel para ipakilala sa publiko sina Eugene at Aya.

"Siya nga naman mama, masyadong magastos." Wika ni General Mendoza.

"Bakit ba ang dami niyong angal hindi naman kayo ang gagastos kundi ako." Wika nang matandan. "Lee, gusto kong within this week mangyari ang party habang wala pang trabaho itong si Eugene at narito pa si Frances. Ito na rin ang pagkakataon para I announce ang engagement nilang dalawa." Wika pa nang matanda.

"Akon ang bahala sa lahat." Wika nang butler. Napasimangot naman si Bernadette. Kahit noon pa man hindi na niya gusto ang dalawang pinsan. Alam kasi niyang ang mga ito ang totoong taga pagmana nang mga negosyo nang matanda. Hiniling nga niyang hindi na Makita ang dalawa. Kaya lang hindi naman dininig ang dasal niya. Unang ibinalik nang butler nila ang binatang si Eugene at ngayon naman ang nakakabata nitong kapatid. "Ayusin mo rin ang pagtransfer ni Aya sa bago niyang paaralan." Wika pa nang matanda.

"Meron na akong inutusan na umayos noon. Sa susunod na lingo pwede nang pumasok si Lady Aya." Wika pa nang lalaki.

"Magaling kung ganoon." Wika nang matanda at tumayo. Saka naglakad palayo. Minsan maypagka arogante ang matanda which Lee finds amusing.

Isang intrapment operation ang ginawa ni Dranred bilang isang Buyer na bibili ng mga illegal fire arms at drugs kay Atty Robin Salazar. Ang kanang kamay at assistant ni Elmer Villafuerte ang anak nang senador nan a dating ipinahuli ni Eugene dahil sa illegal grug trafficking. Nalaman nilang kahit nasa loob ito nang kulungan patuloy pa rin ang illegal transaction nito sa tulong nang kanyang abogado . Hindi alam ni Robin na sa pier na iyon siya huhulihin ng mga police. Nagawa na ng palitang ng pera at ng mga illegal na baril ni Robin. Aalis na sana ito ng bigla silang sinalubong nang mga SWAT member kasama ang mga bagong miyembro ng task force Sea Lion at si Martin na siyang nakatulong ni Dranred sa misyon. Dahil nagbabakasyon ang mga tauhan niya kaya naman humingi siya nang tulog sa grupo ni Martin.

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong nito at lumingon kay Dranred.

"Oh! I forgot to introduce myself. I am Capt. Dranred Bryant of Special task force Phoenix and you are under arrest." Ani Dranred. Ilang saglit lang lahat ng mga baril ay nakatutuk na sa grupo ni Elmer. "You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law.You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, we will be provided for you." Wika ni Dranred.

"Binata hindi mo yata kilala kung sino ang nasa harap mo."

"I would suggest na hindi ka na man laban. Sa dami ng kaso mo. Hindi mag-aatubili ang mga police na iyan na iputok ang mga baril na iyan. You can choose. 1. Surrender and hire your own lawyer to defend yourself., Attorney. 2. Fight back and be dead on the spot. Fair enough right?"

"Huh! Kilala mo ba kung sino ako? Baka magsisi ka sa huli Kapitan.." Asik nito kay Dranred.

"I don't need to know you. I am not here for us to get acquainted I am here to arrest you." Ani Dranred at ipinakita sa binata ang Warrant of arrest na dala niya.

"You cant hold me that long." Anito at ngumisi.

"You could be right. 40 years will be enough then you can face your own demise. arrest them at dalhin sa head quarters." Ani Dranred at sakristong ngumiti saka nilamapasan ang lalaki.

"Capt.Bryant! Hindi ako magtatagal sa kulungan bukas na bukas palalabasin mo ako. May Hawak akong alas." Wika nito. Kay Dranred.

"Itago mo na ang alas mo. Mag usap na lang tayo sa husgado." Ani Dranred at tuluyan itong nilampasan.

"Salamat sa tulong mo." Wika ni Dranred kay Martin.

"Hindi ko maintindihan kung bakit tumatanggap ka nang misyon habang nasa bakasyon. Pati ako dinamay mo pa. Alam mo naman na kailangan kong magpahinga." Natatawang wika ni Martin.

"Alam ko namang wala ka nang ginagawa at hindi mo rin gustong magpahinga nang matagal." Wika ni Dranred.

"Pambihira." Nailing na wika nang binata. Dati inis siya kay Dranred subalit ngayon tila para na silang matalik na magkaibigan. Dahil sa binata nagawa niyang makaligtas sa isang tiyak na kamatayan. Utang niya ang buhay ditto. "Siya ng apala, Nakita mo ba yung invitation sa mesa mo? Mukhang imbistasyon sa isang grand ball sa Kingdom hotel. Ipapakilala daw nila ang mga nawawalang tagapagmana." Wika ni Martin.

"OO Nakita ko." Wika ni Dranred.

"Ang ipinagtataka ko lang bakit tayo binigyan nang imbetasyon. Hindi ko naman natatandaan na may kilala ako sa pamilyang iyon." Wika ni Martin. Tumingin lang si Dranred sa binata. Hanggang ngayon hindi pa rin nito alam na si AYa at Eugene ang mga apo nang Heartfelia Kingdom.

Napuno nang mga bisita ang concert hall nang kingdom hotel nang mga Hearfelia dahil sa malaking kasiyahang idinaos doon. Matapos ang matgal na panahon. Ipinakilala na rin nang matanda sa publiko ang kanya mga apo sa kanyang anak na si Harry. Ang kasihayang iyon ay isa ring party para sa announcement nang engagement ni Eugene at Frances.

"Talagang hindi ako makapaniwala akala ko kapangalan mo lang ang sikat na pamilyang ito Lt. Isa ka palang Heartfelia." Wika ni Ben sa binata.

Lahat nang miyembro nang Phoenix naimbitahan at ganoon din ang iba pang nakasama nila sa misyon sa bayan nang Sta Monica.

"Akala ko lang dati kapangalan mo lang ang sikat na may ari nang heartfelia Hotel." Wika ni Johnny. "Ikaw na pala yung magiging susunod na CEO nato. Kahit naman pala hindi ka mag trabaho hindi ka maghihirap." Dagdag pa nito.

"Kahit naman anong pangalan ko. Hindi naman iyon magpapabago sa kung sino ako." Wika ni Eugene at natawa.

"Nakakahiya namang narito ako." Wika ni Julius. Hindi parin siya makapaniwalang isang mayamang apo pala si Aya. At hindi lang basta mayamang tao. Isa pa ito sa may pinakamalaking hotel sa bansa at nagiisang 6 star hotel din.

"Ano ka ba. Ikaw ang taga pagligtas ni Aya dapat lang nandito ka." Wika ni Eugene kay Julius. Nakatingin si Julius kay Aya habang nakikipag-usap ito sa mga bisita. Kahit na hindi sanay sa ganoon karangyang kasiyahan makikitang masaya naman si Aya. Tumatawa ito habang nakikipag-usap kay Jenny at Arielle.

Ngayon lang niya nakita si Aya na malapad ang ngiti sa labi. Siguro dahil kasama na nito ang tunay na pamilya at wala na ito sa lugar nilang walang ibang idinulot sa kanya kundi pasakit. Bigla siyang nakaramdam nang hiya. Hindi niya nabigyan nang magandang buhay si Aya at lumaki pa ito sa piling nang mga bakla.

"Nalulungkot ka bang malayo na si Aya sa iyo?" tanong ni Meggan sa binata.

"Hindi naman maiiwasan iyon. Itinuring ko siyang kapatid sa loob nang 10 taon. Hindi naman madaling makalimot. Lalo na ang tulad ni Aya." wikani Julius.

Naiintindihan ni Meggan ang nararamdaman ni Julius. Mabait si Julius at masayahin. Ngunit ngayon nakikita niyang labis din itong msakatan.

Mula sa di kalayuan, Nakatingin lang si Dranred kay Aya. Masaya siyang Makita nasa Mabuti itong kalagayan. Dumalo siya sa kasiyahan para sabihin sana sa magkapatid na nakasampa na ang kaso laban kay Giovanni at sa lakas nang ebedinsiyang hawak nila at sa testimonya ni Eugene. Tiyak na habang buhay nang makukulong ang lalaki, ngunit naisip niyang hindi iyon ang tamang pagkakataon. Isang party iyon para sa magkapatid. Hahayaan nalang muna niyang ganoon muna niyang magsaya ang mga ito.

"Dumating ka." Narinig na wika ni Dranred mula sa likod.

"Leo." Usal niya nang Makita si Julianne.

"Leo?" takang wika ni Julianne.

"Tayong dalawa lang naman, hindi na natin kailangang magpanggap." Wika pa ni Dranred.

"May mga bagay sana akong gusto itanong sa iyo tungkol sa nangyari sa bayang iyon. Pero sa palagay ko hindi mo naman ako sasagutin."

"Mabuti at alam mo. Kahit naman magkakampi tayo bilang Dranred at Julianne. Hindi ko pa rin naman nakakalimutang ikaw si Leo at narito ka upang hulihin ako." Wikan ni Achellion.

"Mabuti naman at alam mo. Isa pa ng apala. Layuan mo si AYa. Huwag mong ilagay sa panganib ang buhay nang dalagang iyon. Kapag nalaman niya kung ano ka. Tiyak ang kaligtasan niya ang kapalit noon." Wika pa ni Julianne.

"Alam ko ang ginagawa ko. Hindi mo na ako kailangang pagsabihan." Wika ni Dranred at nilampasan ang lalaki.

"Arrogant demon." Wika ni Julianne at inihatid nang tingin ang papalayong si Dranred. Alam naman niya ang mga mabuting nagawa ni Achellion para kay Aya kaya lang nag-aalala pa rin siya dahil sa katotohanang hindi naman talaga mabait ang mga fallen angel. Gaya din ito nang mga nahuli na niya. Mga nilalang na ginagamit ang kahinaan nang mga mortal para sa kanilang pansariling kapakanan. At ayaw niyang may masamang mangyari sa dalaga.

May nararamdaman siya sa loob niya na hindi niya maipaliwanag. Dati akala niya iyon lang ang isang pakiramdam nang isang anghel na nais magprotekta sa mga nilalang ngunit hindi na niya maipaliwanag ang nararamdaman habang nagtatagal.

Hindi siya dumating? Wika nang isip ni Aya habang hinahanap sa paligid si Dranred. Nakita na niya lahat nang miyembro nang phoenix pwera sa kapitan nila. Kanina pa siya palibot libot sa ball room ngunit hindi niya Nakita ang binata.

"Oh, bakit para kang aligaga diyan? May hinahanap ka ba?" tanong ni Dranred na lumapit sa dalaga. Hindi niya magawang lapitan ang dalaga kanina dahil sa dami nang mga reporters na gustong uminterview ditto, marami ding mga bisita na lumalapit ditto at isinasama din siya nang lola niya para ipakilala sa mga bisita nila.

Nang marinig ni Aya ang boses nang binata agad siyang lumingon ditto. Isang matamis na ngiti naman ang sinalubong niya sa binata.

"Bakit naman ang lapad na ngiti mo. Ganoon ka ba ka Excited na Makita ako." Pilyong wika ni Dranred.

Biglang napalis ang ngiti ni Aya sa labi dahil sa sinabi nang binata. She then realize na masyado lang siyang obvious na masaya na Makita ang binata.

"Masaya lang ako dahil dumating ka, akala ko kasi umiral na naman ang pagiging arogante mo at---"

"So that's what you think about me." Wika ni Dranred at lumapit sa dalaga. Bigla namang naputol ang sasabihin ni Aya dahil sa labis na gulat. Napaatras siya. Sa pag-atras niya nawalan siya nang balance dahil upang muntik na siyan mabuwal Mabuti na lamang at maagap si Dranred agad nitong nahawakan ang bewang nang dalaga upang alalayan ito.

"Seriously!?" hindi makapaniwalang wika ni Dranred.

"Huwag mo kasi akong ginugulat." Wika ni Aya at umayos sa pagkakatayo.

Hindi naman niya maintindinhan kung bakit ganito ang reaksyon nang katawan niya tuwing nasa harap siya nangbinata. Talagang lumalabas ang natural niyang pagiging clumsy sa harap nito.

"Hindi naman kita ginulat. Ikaw itong natalisod kahit wala namang tumatalisod." Ani Dranred. "Oh bakit?" tanong ni Dranred nang mapansin na biglang naging malungkot ang mukha nang dalaga.

"Iniisip ko lang kung, Ito na ba ang huli nating pagkikita." Wika ni Aya.

"Bakit naman? Aalis ka ba?" tumingin nang direcho si Aya sa binata.

"Wala na namang rason para magkita tayo. Wala na tayo doon sa magulong bayan. Kasma ko na ang pamilya ko. Parang normal na ulit ang lahat sa buhay ko."

"So, mas gusto mong nasa panganib ka parati para makikita mo ako." Ngumiting wika ni Dranred.

"Hindi naman sa ganoon. Siguro nasanay lang ako na parati kang nandiyan. Nasanay lang ako na may anghel dela guardia." Wika ni Aya.

"Well, I am not an Angel you know that for sure." Wika ni Dranred at humakbang palapit sa dalaga. "But there is one thing I know of."

Then he looked straight to her eyes. "If you need me, I will always be there to protect you. You can keep this as bonus wika nang binata at kinuha ang kamay ni Aya at pinagdikit ang kanilang hinliliit na parang pinky swear at at hintalaki. Kasabay ang paghalik nito. Hindi naman nakareact kaagad si Aya dahil sa labis na gulat.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong nang dalaga. Ngumiti si Dranred at tumingin sa dalaga.

"Kasasabi mo palang na nag-aalala ka na ito na ang huling pagkikita nati. Kaya heto, I am making a promise Plus a bunos."

"Anong bunos?" tanong nang dalaga.

"I can't tell you." Ngumiting wika nang binata at itinuro ang noo nang dalaga.

"Ewan ko saiyo." Pairap na wika nang dalaga. Ngumiti lang ang binata. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya. Hindi siya isang anghel na pwedeng maging bantay nang mga mortal ngunit pagdating sa dalaga. Pakiramdam niya kahit ang sarili niya kaya niyang ibigay para sa kaligtasan nito. Huwag naman sanang dumating ang panahon na ganoon nga ang mangyari. Habang nag-uusap naman ang dalawa nasa di kalayuan si Julianne at pinapanood sila. Iniisip nitong hindi dapat maging malapit si Achellion sa dalaga.

Sigurado ka bang ayaw mong samahan kitang bumili nang mga gamit mo?" Tanong ni Eugene sa kapatid. Dalawang aarw nalang papasok na si Aya sa bago niyang school bilang isang exchange student. Dahil sa mga nangyari sa kanila kaya kailangan niyang lumipat nang paaralan gusto rin nang lola niya na sa isang sikat na paaralan niya tapusin ang senior high school niya. Ngayon alam na rin nang buong bansa na siya ay apo nang isang sikat na business tycoon alam ni Aya na hindi na gaya nang dati ang buhay niya. Hindi na rin magiging tahimik.

"Sapalagay ko naman kaya ko ang sarili ko. Gusto ko namang maranasan na maging isang normal na dalaga gaya nang iba." Ngumiting wika ni Aya. Alam niyang baguhan siya sa lugar ngunit hindi naman pwedeng kasama niya ang kuya niya parati. May trabaho din itong dapat asikasuhin. Patapos na rin ang bakasyon nang mga ito at tiyak na marami silang bagong kaso. "Saka tinawagan ko si Alice, Magpapasama ako sa kanya." Wika pa ni Aya. Mabuti nalamang at ibinigay sa kanya ni Jenny ang contact number ni Alice. Hindi ito nakadalo sa party nila dahil sa trabaho nito.

Ang sabi din nang kaibigan ay tumigil na ito sa pag-aaral at nag hanap nan ang trabaho para buhayin ang sarili.

"Wala pa naman kaming ginagawa nang kuya mo kaya mas mabuting samahan ka na namin." Wika ni Julianne.

"Masyado niyo naman akong itinuturing na isang batang kailangang bantayan. Kaya ko naman ang sarili ko." Ngumiting wika ni Aya. "Isa pa lakad naming to ni Alice. Sabi niya ipapasyal niya ako."

"I get it! Girls day out" wika ni Julianne.

"Mismo." Ngumiting wika ni Aya.

"Mas mabuti pang ihatid na kita sa department store. Para hindi ka maligaw."wika ni Eugene at inakbayan ang kapatid saka inalalayan patungo sa kotse.

"Hindi ako maliligaw. Nag-usap na kami ni Alice na magkikita sa department Store." Ngumiti lang si Aya. Tahimik naman sumunod si Julianne sa magkapatid.

"Lee, ikaw nang bahala ditto kay Aya." Wika ni Eugene sa butler na nasa driver's seat. Ihahatid nito si Aya sa Mall bago ito pumunta sa hotel.

"Ako nang bahala." Wika nang binata.

"Ngayon kayo babalik sa trabaho niyo diba?" Tanong ni Aya sa kapatid bago sumakay sa kotse.

"Oo." Simpleng wika ni Eugene. Napaaga ang pagbalik nila dahil sa dami nang mga kasong kailangan nilang asikasuhin. Nalaman din nilang umalis ang kapitan nila para sa isang operasyon kahit nasa bakasyon ito kaya naisip nilang mas maagang bumalik sa trabaho.

Anong ginagawa niyo? Bakit kanina pa kayo nakatitig sa opisina ni Captain?" wika nang bagong dating na si Meggan. Napansin niyang nakatingin sina Ben at Julius at opisina nang Kapitan nila halos hindi pumipiyok ang dalawa.

"Hoy! Ano bang nangyayari isa inyong dalawa?" untak ni Meggan sa kasamahan. Taka namang napatingin si Julius sa dalaga.

"Hindi ka ba nagtataka?" tanong nito sa dalaga.

"Nagtataka? Sa ano?"

"INiisip ko ito kahit noong nasa bakasyon tayo naalala mo yung nangyari a mga rebelde na halos bali ang boto at na dislocate na panga ni Giovanni? Sa tingin mo kayang gawin iyon nang isang normal na tao?" Wika ni Julius.

"OO naisip ko rin yun, Saka yung sa railway? Paano niya naligtas si Aya nang ganoon ka bilis. Para siyang hangin kung kumilos." Dagdag ni Ben.

"Hindi ka ba nagtataka? May be he is not like us. May be he is-----" putol na wika ni Ben.

"Na ano? Isa siyang super human being? Perhaps an Alien?" agaw ni Meggan. Sabay naman napatingin sina Ben at Julius sa dalaga. Na animoy naniniwalang isa ngaang superior being ang binatang kapitan.

"Oh! Give me a break! Ang tatanda niyo na naniniwala pa kayo sa Alien." Nag walk out na wika ni Meggan.

"Pero pwede ring tama ka. Sinong normal na tao ang-----" putol na wika ni Julius.

"Ano bang pinagtatalunan niyo? Isang magaling na Sundalo si Kapitan. Nakalimutan niyo na bang miyembro siya nang FBI? Siyempre advance ang training nila doon. At tiyak ganoon din mag isip si Katipan." Wika ni Johnny na pumasok kasama si Rick. Inis namang napatingin si Julius sa binata.

"Bakit?" Tanong ni Johnny.

"Sinisira mo ang imagination namin." Ani Julius. Nagakibit balikat lang si Johnny. Ngunit kahit hindi nila sabihin.

"Para kayong mga bata." Natatawang wika ni Arielle.

Nawiwili si Aya sa paglilibot sa mall masya din siyang makama muli ang kaibigan. Marami silang pinag-usapan lalo na ang buhay ngayon ni Alice. Habang nag-uusap sila doon sila tumambay ni Aya malapit sa may pinto nang mall. Gusto lang niyang obserbahan ang mga taong pumapasok sa mall. Lalo na ang isang buong pamilya na masayang na mamasyal. Hindi niya naranasan na makapamasyal sa mall kasama ang magulang niya dahil sa maaga itong namatay. At nagkahiwalay sila nang kuya niya. Hindi rin naman niyang magawang makapamasyal noon dahil nasa iang probinsya sila at wala namang ibang pasyalan sa byan kundi ang hacienda.

Matapos mag libot sa mall na isipan ni Aya na puntahan ang kuya niya. Gusto niya itong makasamang mananghalian. Hindi naman siguro magagalit ang kapitan nila kung yayayain niyang kumain sa labas ang kuya niya. Hindi na sumama sa kanya si Alice dahil may trabaho pa ito. Hindi namna siya nagpumilit ayaw din naman niyang mawalan nang trabaho ang kaibigan niya ngayon nga lang niya ito nakitang masigla.

Naisipan niyang mag Taxi para mabilis na makapunta sa opisina at maabutan ang kuya niya. Hindi niya kabisado ang lugar Ngunit nagtaka na siya nang mapansing malayo na sila. Halos palabas na sila nang syudad.

"Teka sandali kuya mukhang mali yata tayo na dinadaanan." Wika ni Aya. Pero hindi siya pinakinggan ng ng driver patuloy parin siyang nag drive. Hindi na maganda ang pakiramdam niya sa taxi driver. Inilabas niya ang cellphone para tawagan ang kuya niya ngunit laking gulat niya na biglang inagaw ng driver ang cellphone niya.

"Anong ginagawa mo?" Asik ni Aya.

Hindi pa rin siya sinagot ng Driver. Maya-maya inihinto nito ang kotse. Saka may dalawang lalaki ang sumakay sa backseat.

"Teka ano 'to? Anong ginagawa niyo? Pababain niyo ako!" nag hihestirikal na wika ni Aya.

"Huwag kang maingay kung ayaw mong dito na matapos ang buhay mo." Wika ng isang lalaki sa kanan niya at tinutukan siya ng baril. Inutusan ng lalaki ang driver na paandarin na ang sasakyan.

Walang nagawa ang dalaga dahil sa armado ang mga lalaki at ano naman ang laban niya sa mga ito. Dinala si Aya ng mga lalaki sa isang Yate kung saan hinihintay sila ng isang matandang lalaki.

At kilala niya ang lalaking ito dahil parati niyang nakikita sa TV ang lalaki. Siya sa Sen. Manuel Villafuerte. Isa itong senador at anak nang kilalang business man na si Elmer. Ang drug lord na kamakailan lang ay hinuli nang grupo nang kuya ni Eugene. At noon nakaraang lingo ang abodago naman nito ang nahuli ni Dranred.

Ano naman ang kailangan sa kanya ng isang senador? Pero hindi naman iyon ang tanong ngayon.

"Pasesnya ka na Hija kung naging marahas kami sa iyo." Anang senador kay Aya at inutusan ang mga lalaki na bitiwan si Aya. "Siguro naman hindi ko na kailangan pang ipakilala ang sarili ko." Wika nito sa kanya.

"Ano po bang kailangan niyo sa akin?" Tanong ni Aya dito.

"Alam mo. Hindi ko sana gagawin ito kaso. Parating iniipit ng kuya mo ang pamilya ko. Lalo na ang anak ko. At ngayon hinuli pa nila si Elmer ng walang kahit na anong ebidisya. Bilang isang ama tungkulin ko na iligtas ang anak ko." Paliwanag nito.

"Gaya ng sabi niyo walang matibay na ebidensya para hulihin ang anak ninyo. Bakit kailangan niyo akong ipahuli. Alagad ng batas ang kuya ko at maging kayo mandin. Pwedeng mapag-usapan ang lahat." Ani Aya.

Bigla namang natawa ang senador sa sinabi niya.

"Hindi ko akalain na magaling mag-isip ang kapatid ni Lt. Heartfelia. Tama ka, kapwa kami alagad ng batas. Ngunit ang usaping ito ay kailangan ng batas. Kailangan mo lang ng kapangyarihan at pwede mo nang dektahan ang batas ayon sa gusto mo. Sa mundong ito kung sino man ang may hawak ng mas malaking kapangyarihan siya ang nagwawagi. Aanhin mo ang pagiging isang matuwid kung wala kang napakinabangan? Wala kang pagkain na mahahain sa hapag para sa pamilya mo." Paliwanag nito.

"Ananhin niyo naman ang kapangyarihan kung lahat ng tao galit sa inyo. Tutugisin nila kayo. Hindi lahat pwedeng mabili at ma dektahan ng pera. Hindi lahat ng tao may kaparehong pananaw gaya niyo. Reality hurts. Pero hindi po mas masakit na malaman na kaya lang maraming lumalapit sa inyo dahil sa kapangyarihan?" Ani Aya. Lalo namang natawa ang senador dahil sa pagkamangha sa dalaga. "Sa tingin ko po ang tao na ang alam lang ay ang bilhin ang lahat dahil sa pera ay isang nakakaawang tao." Dagdag pa ni Aya.

"Sa palagay mo ba nakakaawa ako? Nasa akin na ang lahat pera at kayamanan. Kapangyarihan. Ano ang nakakaawa sa isang taong nasa kanya na ang lahat." Wika nito.

"Masaya po ba kayo?" tanog ni Aya. Bigla namang bumakas sa mukha ng senador ang inis sa dalaga.

"Hindi ko kailagan ng opinion ng isang batang katulad mo. Matalino ka. Pero sasabihin ko sa iyo sa mundong ito hindi ka maaring iligtas ng mga tuwid mong pananaw. Gamitin mo ang talino para umangat." Anito sa dalaga. "Itali na ang isang ito. Kakailanganin pa natin ito laban kay Lt. Heartfelia." Wika nito sa mga tauhan nito.

"Anong gagawin niyo sa kuya ko?" Tanong ni Aya.

"Makikipagkasundo lang ako sa kuya mo. Tiyak naman siguro na matalino ang kuya mo. Hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa nag-iisa niyang kapatid." Anito bago umalis. Nag-aalala si Aya. Baka ibigay nang kuya niya ang gusto nang Senador para sa kaligtasan niya.

Tulong. Tulungan niyo Ako. Umiiyak na wika nang isip ni Aya. Habang abala sa pagbabasa sa bagong kasong hawak nila. bigla na lamang narinig ni Dranred ang boses ni Aya.

Gaya na lamang nang nasa kamay ito nang grupo ni Don Fausto. Parehong kaba ang nararamdaman niya.

"Bakit Captain?" tanong ni Eugene nang mapansin na biglang natahimik ang binatang kapitan. Taka namang napatingin si Dranred sa binata.

"Lt. How's your sister?" biglang tanong ni Dranred na ikinagulat nang lahat. Bakit naman nito itatanong kung ano ang kalagayan nang dalaga.

"Wala akong ibang ibig sabihin sa tanong ko. You don't have to answer." Maagap na wika Dranred.

"She is doing okay. Naghahanda na siya sa paglipat niya sa bago niyang paaralan." Wika ni Eugene. Ngunit hindi iyon ang sagot na gustong marinig ni Dranred. Alam niyang may masamang nangyari he can feel it.

"That's good to know then." Wika ni Dranred.

"Bakit mo naman biglang naitanong? Kung ano ang kalagayan ni Aya?" Tanong ni Julianne. Hindi nagugustuhan na nagtatanong ang binatang kapitan sa kalagayan ni Aya.

Isang package ang dumating sa opisina nila. walang nakakaalam kung kanino nang galing. Wala ding pangalan kung kanino nang galing ang box, nakaaddres lang iyong binatang si Eugene.

Lahat nag miyembro nang phoenix ay nasa harap nang isang mesa habang nakatingin sa maliit na box. Nasa mesa naman niya si Dranred at abala sa pagbabasa nang mga report.

"Galing ba sa girlfriend mo yan Lt?" tanong ni Meggan. Pabiro niya itong sinabi dahil nararamdaman niyang may tension sa paligid nila. alam naman nilang walang kasintahan ang binatang tinyente.

"Grabe, kakaiba talaga ang charm mo." napapailing na wika ni Julius. Lumapit si Eugene sa box at binuksan ito. Lahat sila nabigla nang makita ang laman nang kahon. Isang CD ang laman noon.

"CD? Bakit ka bibigyan nang CD nang girlfriend mo?" ani Ben. Hindi naman nagsalita si Eugene lumapit ito sa mesa niya at inilagay sa compter and disc. Ganoon na lamang ang gulat nang lahat nang makita ang video. Lalo na si Eugene. Ang mas nakakagulat dahil si Aya ang nasa video. Naka upo ito sa isang silya habang nakatali. May busal din ang mata at bibig nito. agad na ipinakita sa white screen ni Juri ang Video.

Nang makita ni Dranred ang video, bigla itong napatayo sa kinauupuan. Ito baa ng dahilan kung bakit narinig niya ang boses ni Aya na humihingi nang tulong.

"Ito ba ang dahilan kung bakit mo tinatanong kong kumusta si Aya?" tanong ni Julianne sa kapitan nila. Hindi naman siguro ito magtatanong nang walang dahilan lalo na sa isang taong hindi pa niya masyadong kilala. Anong klaseng tao ang Kapitan nila? Noong nakikipaglaban ito sa fallen angel.

Walang isang mortal na makakatagal nang ganoon sa isang labanan.

"Anong nangyayari? Bakit nandiyan si Aya?" tanong ni Meggan.

Sabay-sabay silang napalingon sa telepono na nasa mesa ni Juri nang bigla itong tumunog. Agad na inilagay ni Juri ang telepono sa loud speaker bago sagutin.

"LT. Heartfellia. Nagustuhan mo ba ang surpresa ko?" wika nang lalaki si Linya.

"Hayop ka! Sino ka? Anong kailangan mo sa kapatid ko." Bulalas ni Eugene.

"Ang bilis mo namang makalimot. Nakalimutan, Ako ang ama ni Elmer Villafuerte." Wika nang lalaki sa linya.

"Sen. Manuel Villafuerte?" gulat na wika ni MEggan at Julius.

"Pasensya kana Lt. Inanyayahan ko lang sandali ang kapatid mo. Kung gusto mo siyang muling Makita ng buo. Papayag ka sa palitan na ihahayag ko. Si Elmer kapalit ng kapatid mo." Wika nito.

"Nahihibang ka ba? Criminal ang anak mo bakit namin siya ibibigay?" Asik ni Julianne. Hindi siya papayag na makalaya ang krimina hinuli nila. ilang buwan din nilang sinundan si Elmer Villafuerte noong nasa Surveillance team pa sila.

"Kung ganoon. Ihanda niyo na rin ang sarili niyo sa pagkawala ni Aya. Nakakapanghinayang matalino ang batang ito. And I found out. Ngayon pa lamang kayo nagkakasama muli. Nakakalungkot namang maghihiwalay ulit kayo." Anang Senador.

"I guess you got the wrong person Senator. Hindi si Lt. Heartfelia ang humuli sa anak mo kundi ako." Ani Dranred na biglang nagsalita.

"And you are?" tanong nito sa binata.

"Capt. Dranred Bryant." Ani Dranred.

"Dranred Bryant! Oh! Ang anak ng isang sikat na si COmmision officer Bryant.. I hear great deals about you. Sa palagay ko tamang tao ang nasa kamay ko bilang isang matinding baraha. Ikaw ang leader ng grupong nagsagawa ng entrapment operation laban sa abogado ko. Hindi mo ba alam na malaking pera ang nawala sa akin dahil sa pakikialam mo. Ikaw at nang grupo mo!." Wika nit at bumaling kay Eugene. "Siguro naman Lt. Alam mo na ang dapat mong gawin. Mamili ka. Kaligtasan ng kapatid mo ang karangalan ng pangalan mo." Wika nito bago tapusin ang tawag. Kasunod noon ang isang text message na natanggap ni Eugene kung saan mag papalitan ng bihag.

Hindi ba tama ako isang magandang baraha ang hawak ng ama ko." Wika ni Elmer. Pinuntahan nila ito sa presinto kung saan nila ito dinala. Naiinis si Eugene na makita ang mukkha nang lalaki lalo na at naalala niyang nasa panganib ang kapatid dahil ditto. Hindi napigilan ni Eugene ang gigil niya. Dahil sa inis ni Eugene sinuntok niya ng suspek kasunod ang pagtutuk ng baril sa ulo nito. Nagulat sina Meggan sa ginawa ng tinyente. Ngayon lang nila nakitang nagwawala ang dating cool headed at kalmadong binata. Ito ang pangalawang beses na nakidnap si Aya. Natawa lang si Elmer sa ikinilos ng binata. Sargo ang dugo sa labi nito pero nagagawa pa nitong tumawa.

"Kapag pinatay mo ako. Sinisiguro ko sa iyo na katapusan na rin ng pinakamamahal mong kapatid." Ani Elmer.

"Aba talaga naman!" ani Julianne at binuhat ang lalaki sa pamamagitan ng paghawak sa kuwilyo ng damit nito.

"Stand down both of you!" inis na wika ni Dranred. "Let him go. Lt. Ramirez." Anito kay Julianne. Napatiim bagang si Julianne saka marahas na bintiwan si Elmer. Pabagsak itong napaupo sa upuan pero kahit na sa ginawa ni Julianne hindi parin na wawala ang ngiti nito sa labi.

"Stand down Lt." Mahinang wika ni Dranred kay Eugene at kinuha ang baril na hawak nito.

"Hindi ko akalain ginagamit niyo ang awtoridad para manakit nang sibilyan. Nakakatawa kayo." Wika ni Elmer at ngumiti.

"Ah!" Sigaw ni Eugene at sinuntok ang mesa na gulat ang lahat sa naging reaksyon ni Eugene. Tiyak na ngayon ay magulo na ang isip nito. nag pupuyos ang kalooban niya dahil sa galit ngunit wala siyang magawa sa ngayon. Maghihintay na lang ba siya na may mangyari sa kapatid niya? Naiintidihan ni Dranred ang nararamdamn ni Eugene ngunit walang magagawa ang init nang ulo nito. Kailangan agad niyang makaisip nang paraan para mailigtas ang dalaga.

"Meggan, Julius! Ihatid niyo sa main headquarters ang isang ito. Siguraduhing bantay sarado. Kung kailangan 10 sundalo ang magbantay gawin niyo." Utos ni Dranred na ikinagulat ng lahat.

"Dalhin sa main headquarters? Naririnig mo ba ang sarili mo? Buhay ni Aya ang nakasalalay dito! Tapos ihatid sa headquarters! Nag-iisip ka ba?" galit na bulalas ni Julianne.

"Captain sa palagay ko kailangan natin itong pag-isipang mabuti. Kawawa naman si Aya." Ani Ben.

"Hindi niyo ba narining ang utos ko. Dalhin na sa headquarters ang criminal na ito para maikulong! Thats an order!" tumaas ang boses na wika ni Dranred.

"Mukhang hindi mo yata naiintindihan ang sitwasyon Captain." Ani Elmer.

"Malinaw sa akin kung ano ang sitwasyon ngayon. Mr. Villafuerte. Pero hindi ko ibibigay sa ama mo ang gusto niya. Pero huwag kang mag-alala. Baka bukas magkasama na kayo ng ama mo. You won't miss him that much." Sakristong wika ni Dranred.

"Masyado kang bilib sa sarili mo Captain." Wika ni Elmer.

"Matagal ko nang alam." Ngumiting wika ni Dranred. "Julianne! Eugene sumunod kayo sa kin." Wika ni Dranred at nagpatiuna papasok sa opisina niya. "Julius! Ihatid niyo na ang isang ito. Kapag pumalpak kayo. Ako ang makakaharap niyo. Is that clear!" ani Dranred.

"Affirmative!" sabay na wika nina Meggan at Julius. Lahat ng mga naroon ay naguguluhan sa pinaplano ni Dranred. O kung may plano ba ito o nagyayabang lang.

Kasama sina Julianne, Ben, Rick at Johnny. Dinala ni Eugene si Elmer sa isang peir kung saan naghihintay ang ama nito. Sa isang barko ang magiging lugar ng palitan. Alas 10 ng gabi ang usapan ng palitan.

Sa ibaba ng barko nag hihintay na ang senador kasama ang mga tauhan nito at ang bighag na si Aya.

"Madali ka naman palang kausap Lt." Anito. "Alam ba ng kapitan niyo ang ginawa mo?" Tanong nito. "Wala na akong pakialam kung alam niya o hindi. Bakit ganyan anng itsura nang anak ko? anong ginawa niyo?" tanong nang senador nang makita ang anak na nasa wheelchair at ballot ang mukha na parang isang mummy.

"Pasensya na, masyado kasing matigas ang ulo nang anak mo. wala naman sa usapan ang dalhin ko siyang maayos. Pasalamat ka, ibabalik ko pa ang anak mo. tumupad na ako sa bahagi nang kasunduan." Wika ni Eugene. "Nasaan na ang kapatid ko?"

"Huwag kang mag-alala hindi naming sinaktan ang kapatid mo. Palakarin mo si Elmer papunta rito." Wika nito.

"Pakawalan mo muna si Aya." Ani Eugene. Natawa naman ang lalaki.

"Gaya ng dapat asahan magulang ka. Sige sabay na natin silang palakarin." Wika nito. Agad namang itinulak ni Eugene si Elmer para lumapit sa ama nito, gamit ang mga kamay pinaandar nito ang wheel chair. Nang magsalubong sina Aya at Elmer biglang napansin ni Aya ang balahibo na biglang bumagsak pero agad ding naglaho. Bigla siyang napahinto dahil doon. Nilingon ni Aya ang nakasalubong na binata. Bakit bigla na lamang siyang kinabahan? Nagulat naman sina Eugene sa paghinto ni Aya.

"Aya!" ani Eugene.

"Aya!" tawag ni Julianne. Bigla namang nagising si Aya sa tila pagkatulala at muling naglakad palapit sa kapatid. Nakalapit na siya sa kuya niya ganoon din si Elmer sa ama.

"Sa susunod muli tayong magkaroon ng kasunduan Lt. Matutulungan kitang umangat sa lipunan." Wika ng Senador.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo. I-tabi mo nalang para sa sarili mo." Ani Eugene.

"OH well! Paano tapos na ang transaksyon na ito. It was a pleasure doing business with you." Anito bago inakay ang anak pasakay sa barko na naroon na maghahatid sa anak palabas ng bansa.

Plano ng Senador na patagong ilabas ng bansa ang anak para mailayo ito mula sa mga kaso na ito. Nakaalis na ang barko.

"Okay ka lang ba Aya? You are not hurt anywhere. Are you?" nag-aalalang wika ni Eugene.

"Bakit mo siya ibinigay?" inis na wika ni Aya sa kapatid.

"Bakit hindi! Kaligtasan mo ang nakasalalay dito." Ani Eugene.

"Importante ba ang kaligtasan ko kesa sa isang criminal na nagdudulot ng gulo sa lipunan?" tanong ni Aya.

"Akala ko ba, gagawin mo ang lahat na para maging ligtas ang mamamayan. Hindi ko gustong maging ligats kung alam kung may ibang taong kailangang mag sakripisyo."

"Hindi natin kailangang pagtalunan ang bagay na ito." Ani Eugene at inakay ang kapatid palayo.

"Hindi mo ba sila huhulihin? Ganoon lang? Wala na lahat ng pinaghirapan mo dahil sa kin?" ani Aya. At itinaboy ang kamay nang kapatid.

"Mas gusto ko pang hinayaan mo na lang ako. Ayokong may masabing masama ang ibang tao tungkol sa kuya ko. Ayokong sumama ang tingin nila sa iyo." Bulalas ni Aya kasabay ang mga luha sa mata.

"Mamaya na tayo mag-usap. I'll Explain to you everything, But later. Sa ngayon umalis muna tayo ditto." Ani Eugene matapos yakapin ang kapatid niya.

"Mamaya? Ayoko. Mas gugustuhin ko pa na hinayaan mo ako na manatiling bihag nila kesa dungisan mo ang pangalan mo. Hindi ito gagawin ng kuya Eugene na kilala ko." Ani Aya.

"Anong gusto mong gawin ko Aya? Hayaan kang mamatay? Gaya ng mga magulang natin?" nagtaas ng boses na wika ni Eugene. "Tapos na ang usapang ito." Wika ni Eugene.

Natigilan si Aya dahil sa biglang pagtaasn ng boses ng kuya niya. "I won't hear anything from you young lady." Ani Eugene at nagpatiuna sa isang sasakyan. Napakagat labi si Aya. Alam niyang naging pangahas siya. Ngunit ayaw niyang maging masamang police ang kuya niya. ginalit ba niya ang kuya niya dahil sa pagiging childish niya SIguro tama nga si Dranred. Isa siyang troublemaker.

"Let's go." Wika ni Julianne at inakay si Aya at sumunod kay Eugene. Sumakay sila sa isang van kung saan naroon sina Rick. Nagulat si Aya dahil nakikita niya sa isang monitor Ang senador.

"Ano ito?" taking tanong ni Aya.

"Talagang Bilib na ako Kay Captain. Ang bilis mag-isip." Ani Johnny.

"Si Yabang?" Gulat na wika ni Aya.

"Alam mo kasi Aya. Hindi naman si Elmer ang kasama ng Senador. Kasi ngayon nakakulong ang suspect at binabantayan ng maraming sundalo. Ang lalaking kasama ng senador ngayon ay si Captain." Paliwanag ni Rick.

"Ano?! Pero bakit--" wika ni Aya na naputol.

"Iyan ay dahil sa talino at magaling na pagpaplano." Saad ni Ben. "Nagpanggap na si Elmer si kapitan, Hindi k aba nagtaka kung bakit ballot n ballot ang mukha ni Elmer? Gusto ko sanang sirain ang mukha niya, kaya lang baka mapaalis ako sa trabaho ko. dahil sa talino ni Kapitan nakaisip siya nang paraan para maloko ang Senador. Kanina akala ko wala siyang pakialam kahit na hawak ka ng senador." Dagdag pa nito.

"Baliw ba siya?!" biglang bulalas ni Aya. "Kapag nalaman ng mga taong iyon na hindi siya ang totoong Elmer. Tiyak na tapos siya." Dagdag ng dalaga.

"Huwag kang mag-alala. Handa naman kami sa kung ano man ang magiging resulta. Hindi naman isusubo ni Chief sa alanganin ang buhay niya." Ani Johnny.

"Do you think this will work?" tanong ni Aya.

"It has to work. Dahil kung hindi kapahamakan ang naghihintay kay Chief." Wika pa ni Johnny. Nang Makita niyang tila nangangamba ang dalaga. Agad niyang binawi ang mga sinabi niya.

"Well, magaling na kapitan si Chief. SIya ang nakaisip nang magandang planong ito so I am sure, magiging maayos din ang lahat." Wika ni Johnny sa Dalaga. Napailing na lang si Eugene habang nakatingin sa monitor. Kahit siya rin naman ay nag-aalala para sa kaptian nila. Umaasa na lamang sila na papalarin sila sa misyong ito.

Madaling araw na ng marating ng barkong sinasakyan ni Dranred at ng Senador ang south china sea. Patungo ang barko nila sa Singapore kung saan tatakas si Elmer patungo sa Europa. Ilang sandali pa napansin nila ang mga chopper ng Airforce ng nasa himpapawid at napapalibutan ang barko nila.

Siguiente capítulo