webnovel

Era of Angels : War in Heaven

Sinasabing sa langit puno ng katahimikan. Ang mga anghel ng diyos ay parating Masaya. Sa buong paligid tawa ang iyong maririnig. Lahat masaya at walang iniaalalang problema. Ito ang gusto ng Diyos Ama. Ang maging masaya ang lahat.

Ang mga nilalang sa langit ay may iba-t ibang tungkulin. Ang mga ang anghel, ang mga mensahero ng diyos ang nag-uugnay sa tao at sa Diyos. Sila rin ang inatasan ng Diyos upang bantayan ang mga tao. Meron din mga Arkanghel. Sila ay bahagi sa konseho ng Diyos. Ang pinakamataas sa mga anghel. Ang pinuno sa kanila ay si Michael. Naroon din si Gabriel ang mensahero. Si Raphael ang magagamot at si Uriel ang liwanag ng tumatanglaw. Bukod sa kanilang apat may isa pang pinakamataas na anghel.

Si Lucifer. Isang kalahok sa konseho sa langit. Siya ay itinuturing bilang isang "Anak ng umaga" at "nasa kapangyarihan, sa harapan ng Diyos."

Nang ang plano ng kaligtasan ay iniharap sa konseho ng langit. Ipinaliwanag ng Diyos Ama na kailangan ng isang nilalang upang isakatuparan ang pagbabalik sa Kanya ng kanyang mga anak pagkatapos ng kanilang karanasan sa mundo. Lahat ng mga anak ng Diyos ay magkakaroon ng kasalanan habang sila ay nasa mundo. Nais ng Diyos ama na iligtas ang kanyang pinakamamahal na mga nilikha mula sa kasalanan. Ang Plano ng Diyos mula sa simula ay ang ipadala ang kanyang nag-iisang anak sa mundo upang tubusin ang mga tao mula sa kasalanan.

Hindi na gustuhan ni Lucifer ang naging plano ng Diyos Ama. Para sa kanya siya parin ang nararapat na ipadala sa lupa para iligtas ang mga tao. Lumikha siya ng ibang plano mula sa orihinal na plano ng Diyos ama. Nais niyang siya ang ipadala ng Diyos ama sa lupa at angkinin ang Papel ni Kristo bilang tagapagligtas.

Ipinangako ni Lucifer na kapag binigyan siya ng ganitong pagkakataon ng Diyos ama tinitiyak niyang maliligtas ang mga tao. Ngunit hindi siya pinagbigyan ng Diyos ama. Labis naman itong dimandam ni Lucifer.

"Bakit? Hindi ko pa ba napapatunayan ang aking sarili. Alam ng lahat ng mga anghel ang taglay kong talino at galing?" Inis na wika ni Lucifer sa harap ng kanyang mga kasamahang anghel.

"Bakit ka nagagalit, Lucifer? Isang malaking responsibilidad ang nais mong angkinin. Tiyak ka ba kaya mo?" Wika ng isang anghel.

"Bakit? Ito na lamang ba ang gusto mo? Ang maging sunod-sunoran? Ako hindi!" wika nito.

"Anong binabalak mo?" Tanong nito.

"Patutunayan ko sa Kanya ang taglay kong kapangyarihan."

Nag lunsad ng pag-aalsa si Lucifer laban sa Diyos. Kasama niya ang mg anghel na naniniwala sa kanyang mga pinaglalaban. Nais patunayan ni Lucifer na kaya niyang pilitin ang mga tao na sumunod sa mga utos o pwersahin sila na tanggapin siya bilang kanilang tagapagligtas. Naniniwala siya na mas karapat-dapat siya na hiranging tagapagligtas.

Sinalakay ni Lucifer sampu ng kanyang mga tauhan ang tahanan ng Diyos. Isang paghihimagsik ang inilunsad ni Lucifer. Dahil sa kanyang kagustuhang magkaroon nang malakas na kapangyarihan at angkinin ang isang bagay na hindi para sa kanya kaya naman siya at ang iba pang mga anghel na nasa panig niya ay naghimagsik.

Hindi naging madali ang ginawang paghihmagsik ni Lucifer dahil naroon ang hukbo ni Michael ang pinuno nang mga sundalong anghel at unang nagtatanggol sa kaayusan nang langit. Naganap nga ang digmaan sa pagitan ng mabubuting anghel na pinamumunuan ni Michael at mga anghel ni Lucifer. Ngunit kahit kailan ay hindi maaring magtagumpay ang masama laban sa kabutihan. Si Lucifer at mga kampon niya ay natalo at inihulog sa lupa at sa walang hanggang apoy. Kung saan habang buhay silang magdurusa.

Si Michael ang matapang na Anghel ay nilabanan si Lucifer. Naglaban ang kanilang mga kapangyarihan. Ngunit walang nagawa si Lucifer laban sa kapangyarihan ni Michael. Muling nabalik ang kapayapaan sa mundo dahil sa pagkatalo ni Lucifer at nang mga rebeldeng anghel.

Ngunit dahil sa pagkatalo ding iyon lalong naghangad si Lucifer hindi lang ang maging kanang kamay ng Diyos kundi ang angkinin ang mundo. Ang kanyang pagkatalo ang nagmistulang lakas nang loob ni Lucifer na lalong maghangad nang katapusan nang Diyos.

Dahil inihulog siya sa walang hanggang apoy. Doon muli niyang binuo ang kanyang mga balak sa mahabang panahon binuo niya ang kanyang mga plano at naghanda para sa muling pagtutuos nila nang Diyos. Pinalakas din niya ang kanyang mga tapat na alagad.

Ang sekreto sa likod ng digmaan sa langit.

Lingid sa kaalaman ng marami may mga naganap sa digmaang iyon na hindi naisulat sa kasaysayan. Iyon ay ang kwento ng anghel na si Achellion. Ang naging kanang kamay at matalik na kaibigan ni Lucifer. Isa si Achellion sa mga tapat na naglilingkod kay Lucifer at naniniwala na kaya ni Lucifer na gampanan ang tungkuling itinaliga nito sa Anak. Hindi siya kasing husay at talino o kasing espesyal tulad nina Lucifer ngunit isa siyang tapat na tauhan at kaibigan. Kasama si Lucifer, sinugod nila ang kaharian nang diyos at nag lunsad nang isang malawakang digmaan. Ngunit sa kabila nang dami nang kanilang hukbo, hindi nila nagapi ang hukbo nang mga Anghel nang Diyos. Sa digmaang iyon nakita ni Achellion ang lakas at kapangyarihan nang mga naniniwala sa Kanya. Nakita niya kung paano natalo ang hukbo nila. inihulog sa apoy nang impyerno ang mga rebeldeng anghel gayon din si Lucifer.

Nang mga sandaling iyon nakaramdam nang takot si Achellion. Ayaw niyang mahulog sa walang hanggang apoy. Kaya naman para matakasan ang malagim na katapusan, pinili ni Achellion na mahulog sa mundo nang mga mortal. Marami ding mga rebelding anghel ang tumakas at nagtungo sa mundo nang mga mortal.

Mas nanaisin pa nilang mabuhay na parang mga lagalag na kaluluwa kaysa mag dusa nang walang hanggang sa apoy nang impyerno.

Hindi alam ni Achellion kung saan siya pupunta. Habang panahon siyang naging ligaw na kaluluwa sa mundo nang mga tao. Nakikita niya ang mga tao na namamatay. Noon unang beses na naalala ni Achellion ang buhay niya bilang isang anghel. Kasama siya sa mga nagdarasal kapag may taong namamatay. Iyon ang isa mga mga tungkulin niya ang siguraduhin na magagabayan niya patungo sa liwanag ang mga kaluluwa. Ngunit ngayon, katulad na lamang siya nang mga ligaw na kaluluwa.

Ilang libong taon ang lumipas nanatili si Achellion sa mundo nang mga mortal bilang isang laglag na kaluluwa nakikita niya ang ibang fallen na angel na ginagamit ang kapangyarihan nila para kontrolin ang mga tao. Walang katapusang dusa at pag aaway ang nakikita niya. Ngunit wala siyang pakialam. Matagal na niyang kinalimutan kung ano siya at kung saan siya dapat pumunta.

Sa pagdaan nang mga taon umunlad ang pamumuhay nang mga tao. Nabago din ang ugali at gawi nang mga tao. Nawala ang mga dating kaugalian nang mga tao nagbago ang mga ugali at tila ba nagpadala na sila sa mga makabagong teknolohiya na meron sila ngayon. Talagang napakalaki nang pinagbago nang mundo. Noong una nagawa nilang ipapako sa Krus ang anak nang Diyos dahil sa kanilang kasakiman ngayon naman maging ang mga material na bagay ay sinasamba na nang mga ito.

Nagdaan ang panahon kahit ang mga bata na nakikita ni Achellion hindi na alam kung ang mga anghel na gaya niya ay nag eexist sa mundo. Wala silang ibang alam kundi ang mga makabagong teknolohiya at karangyaan sa buhay. Nang mga sandaling iyon naiisip niyang tama nga siguro si Lucifer. Ang mga mababang uri nang mga tao ay hindi nila dapat ipinagtatanggol. Puno nang kasalanan at kabuktotan.

Siguiente capítulo