webnovel

Nang Maging Crush Ako Ni Crush: Ang Sumpa Ng Unang Butiki

CHAPTER NINE

Naabutan na lamang nila na naka-posas na si Joseph at may ilang mga Babae na nakapalibot rito na galit na pinaghahampas ito.

JOSEPH

Kinchay.

*tawag nito nang masilayan ang papalapit na si Kinchay.

Yan po Sir, girlfriend ko po yan. Hindi ko po magagawang manamantala dahil may girlfriend ako.

*pagpupumiglas nito sa hawak ng Pulisya habang pinagpapalo siya ng mga galit na Babae.

Baby, sabihin mo sa kanila na I'm a good Boy.

*sabi nito kay Kinchay na tila ba isa nga itong anghel sa lupa.

KINCHAY

Hindi kita kilala.

*tanggi nito at harap sa Pulisya.

HORHE

Sino ka ba?

*tanong nito at akbay nito kay Kinchay na nagulat sa ginawa ni Horhe.

Hindi po siya kilala ng Girlfriend ko,ipasok niyo na po siya.

*at dahil sa galit ni Joseph ay nagawa nitong makawala at nasipa nito ng ilang maka-ulit ang hindi handang si Horhe---naawat naman ng Pulisya ang gulo.

KINCHAY

Sino ka ba para manakit ng tao, Lalaki ka lang.

*at saka sampal nito.

JOSEPH

Mahal mo ako diba? Dont do this to me,please. Help me!!!

*yun ang mga katagang huling narinig ni Kinchay mula sa ex-boyfriend na si Joseph bago ito ipinasok sa kotse ng Pulisya at nang maka-alis na ay saka bumigay si Kinchay sa panghihina dahil sa takot,kaba at galit na nasalo naman kaagad ni Horhe.

HORHE

Ayos ka lang?

*tanong nito kahit siya ay kailangan ding kamustahin.

KINCHAY

Ako nga dapat mag-tanong niyan sa'yo.

HORHE

Ayos lang ako.

*sambit nito.

Mabuti at nakulong na yung mokong na yun.

KINCHAY

Pa'no? Anong nangyari? Nagsumbong ka ba?

*sunod-sunod na tanong nito kay Horhe.

BUTTERFLY

Kasi yung Ex-boyfriend mo pumunta sa café ko at nagwala,hinahanap ka kaya sinabi kong irereklamo ko siya at maya-maya may babaeng dumating na galit na galit at sinundan pa ng ibang galit na galit rin na mga babae hanggang sa hinabol na namin siya at ayun nagka-hulihan na.

*sulpot ni Butterfly na umiinom pa ng kape sa kalye na biglaang paliwanag kung ano anh nangyari.

Bakit nga pala kayo nandito?

*may pagdududa at panghuhusga ang tingin nito sa dalawa.

Hmmm... Tsk tsk tsk tsk tsk...

*sambit nito habang pailing-iling at iniikutan nito ng lakad ang dalawa na tila sinusuri ang mga ito ng may pagdududa.

Kayo na ba at kung makalinggis kayo sa isa't isa diyan ay parang mag-asawa...ay este sawa kayo?

*biglang kumalas si Kinchay mula sa mga braso ni Horhe na kanina ay sumalo sa kanya.

KINCHAY

Hi...hi...hindi no.

HORHE

Hindi, hindi... Oo, tama hindi.

*natataranta nitong sabi.

BUTTERFLY

Okay, edi hindi.

KINCHAY

Aksidente yun, nanghina ako.

HORHE

Tama,nanghina siya kaya sinalo ko siya.

BUTTERFLY

Tapos 'di mo na binitawan Horhe at ikaw naman Kinchay hindi ka na bumitaw.

KINCHAY at HORHE

Hindi.

*sabay na sagot ng dalawa.

BUTTERFLY

Bahala na nga kayo diyan,mabuti pa at pagbentahan ko ng kape at tsaa 'tong mga Babae na mga ito para ma-relax sila at kumita ako.

*at saka nito iniwan ang dalawa na ngayon ay napatingin sa isa't isa na ilang at inalok ang kape na nasa kanyang thermos sa mga Babaeng naroroon.

KINCHAY

Ehem...ah..sa...salamat.

*basag nito sa nakakailang na sandali.

Uuwi na ako.

HORHE

Ihahatid na kita.

KINCHAY

Alam mo ba kung saan talaga ako nakatira?

*umiling si Horhe.

Mabuti at huwag mo nang alamin.

*at nagsimula itong pumara ng sasakyan.

HORHE

Aray, aray... Aray ko.

*inda nito.

KINCHAY

Oh bakit? Ayos ka lang? Anong masakit?

HORHE

Haay nakakainis, nag-alala ka pa tuloy.

KINCHAY

Sinong nagsabing nag-aalala ako? Ayaw ko lang mawalan ng tyu-tyuturan.

*sambit nito.

Saan ba masakit?

HORHE

Dito.

*sabay turo nito sa kanyang labi.

Ah dito pala.

*sabay lipat ng turo sa tagiliran.

KINCHAY

Saan ba talaga?

HORHE

Di...dito.

*nahihiya nitong sambit at turo muli sa kanyang labi.

Eh ikaw?

KINCHAY

Ha?

HORHE

Ayos ka lang ba?

*may pagtataka sa mukha ni Kinchay dahil sa tanong na narinig mula kay Horhe.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib mo,rinig na rinig ko. Kaya okay ka lang ba?

KINCHAY

Hoy!

*isang sampal ang dumampi sa mukha ni Horhe.

HORHE

Ba't mo ako sinampal?

*tanong nito habang nakatingala sa napatayong si Kinchay matapos nitong biglaang tampalin si Horhe.

KINCHAY

Sorry, nabigla lang ako.

*at napahawak ito sa mukha ni Horhe na puno ng pag-aalala.

Ayos ka lang?

HORHE

Ngayon,ayos na sa'kin kahit ilang beses pa akong mabubog at masampal.

KINCHAY

Ewan ko sa'yo.

HORHE

Sobrang sakit talaga,pati ng katawan ko.

KINCHAY

Iuuwi na kita sa inyo.

HORHE

Huwag! Siguradong nandun si Mapa.

KINCHAY

Mabuti nga yun para magamot ng maayos ni Mapa yung sugat mo.

HORHE

Ay parang wala pala dun si Mapa tapos yung kapatid ko na si Darcy 'di marunong yun mang-gamot.

KINCHAY

Eh sa Hospital na lang.

HORHE

Takot ako sa Hospital.

KINCHAY

Ilang taon ka na ba ha at hanggang ngayon takot ka pa rin sa Hospital?

*tanong nito na may pang-aasar.

Saan mo gustong gamutin?

HORHE

Sa bahay mo.

KINCHAY

Alam mo ba kung ano ang matatanggap mo pag pumunta ka sa bahay? Hindi lang mga pasa baka nga malibing ka kaagad.

*malungkot ang mukha ni Horhe.

HORHE

Dali na...

KINCHAY

Tigilan mo yan.

HORHE

Pleaseeee...

*kinuha ni Kinchay ang cellphone niya at nag type ng ilang sandali at ibinigay ito kay Horhe pagkatapos.

KINCHAY

Basahin mo at fill-apan mo.

HORHE

Ako si...

*ilang segundong pagtigil nito.

KINCHAY

Pangalan mo.

HORHE

Ako si Horhe Catacutan na nais tumuloy sa bahay ni Kinchay ay nangangakong 'di siya mumultuhin.

*basa nito at saka ito pinirmahan.

KINCHAY

Baliw ka na talaga.

HORHE

Halika na,alis na tayo.

KINCHAY

Halika na ihahatid na kita.

HORHE

Halika na sa bahay mo.

KINCHAY

Ang tigas ng ulo mo.

*hindi tumatayo si Horhe at ang mukha nito ay naguguhitan ng pagmamakaawa.

Bilisan mo na diyan,gagamutin na kita sa bahay.

*masayang tumayo si Horhe nang marinig ang sinabi ni Kimchay.

AFTER A WHILE

INT. KINCHAY's HOUSE-NIGHT

Pagkapasok pa lamang ng bahay ni Kinchay ay pinatay nito ang ilaw bago pinapasok si Horhe.

HORHE

Malaki sana ang bahay niyo kaso madilim,nagtitipid ba kayo sa kuryente?

KINCHAY

Shhh... Huwag kang maingay baka mahuli tayo.

*pabulong na suway nito.

Halika doon na lang tayo sa kabila dumaan.

*at maya-maya ay nakatingala at itaas ng bintana si Horhe at naroroon nakaapak sa sementadong palapag si Kinchay at binubuksan ang bintana ng kwarto.

HORHE

Akyat bahay ka yata talaga.

KINCHAY

Bilis,umakyat ka na.

*isang hagdanan ang ibinaba nito at nang maka-akyat na ng tuluyan si Horhe ay inakyat ito muli.

HORHE

Aray...

*inda nito.

KINCHAY

Ayos ka lang?

HORHE

May pintuan naman kasi bakit dito pa tayo dumaan? Bahay mo ba talaga 'tong pintuhan natin o nilolooban natin 'to?

*maya-maya ay binuksan ni Kinchay ang ilaw ng kanyang kwarto at bumungad kay Horhe ang dingding nito na may litrato ni Kinchay.

KINCHAY

Naniniwala ka ng kwarto at bahay ko 'to.

*tumango lang ng may pagka-mangha si Horhe.

Halika at gagamutin na kita.

*biglang naghubad ng damit si Horhe na ikinagulat ni Kinchay dahilan upang mapatalikod ito.

A...a...anong ginagawa mo?

HORHE

Sabi mo gagamutin mo ako,gamutin mo na ako.

*napabaling ng dahan-dahan si Kinchay at nakita nga niya ang sugat ni Horhe sa likuran nito.

KINCHAY

Masakit ba?

*may pag- aalalang tanong nito.

HORHE

Medyo.

*dahan-dahan na idinampi ni Kinchay ang bulak na may gamot sa sugat ni Horhe na ininda ni Horhe.

HORHE

Aray...ah...shhh...ahhh ang sakit.

*inda nito at naramdaman na lamang nito ang medyo malamig na ihip ng hangin mula sa bibig ni Kinchay.

KINCHAY

Tiisin mo, madali na lang 'to.

*matapos nito ay kinuha nito ang tela na pambalot,ipinatong ang dulo nito sa sugat ni Horhe at nirolyo sa katawan nito paikot ngunit paatras-abante ito na ginagawa na dahil sa pagaalangan at hiya sapagkat tila niyayakap niya si Horhe sa ginagawa niya kaya kinuha ni Horhe ang gasa dahilan upang ang mahawakan niya ay ang kamay ni Kinchay na kaagad naman bumitaw.

HORHE

Ako na,kaya ko na 'to.

*natapos na nito ang pag-bondage ng kanyang sugat.

Paano ba 'to i-lock?

*nagtungo sa harapan ni Horhe si Kinchay at gamit ang butterfly design na pin ay ni-lock nito ang bondage ng sugat ni Horhe. Kasabay ng tunog ng lock nagkatinginan ang dalawa nagkasalubong ang hininga at pintig ng puso nila Kinchay at Horhe.

Pwede ba akong matulog dito?

*tanong na nagbigay ng panibagong ingay sa kwarto ni Kinchay na kanina ay nalilibutan lamang ng ingay ng hinga at pintig ng dalawang pusong kinakabahan.

KINCHAY

Haay! Akala ko ba gagamutin ko lang ang sugat mo.

HORHE

Gabi na masyado eh...

*turo nito sa orasan at tumayo at umupo pagkatapos sa sahig.

Dito ako matutulog,promise parang wala rin ako dito.

*para itong bata na nanghihikayat.

Hindi din ako humihilik.

*pagkatapos ay takip nito sa ilong at bibig gamit ang kanyang kamay.

KINCHAY

500 pesos per night.

HORHE

Okay.

*sabay tayo nito at higa sa higaan ni Kinchay.

KINCHAY

Hoy! Ba't ka nandyan.

HORHE

Alangan na sa sahig mo patutulugin ang guest mo, at saka 500 rin yun ah.

*sabay dukot nito ng bulsa at labas ng paper bill na ibinuka pa at pinitik-pitik pa sa harapan ng mukha ni Kinchay.

Ito ang 1000 pesos and keep the change.

*sabay higa nito at na-mraso upang ma-relax.

Ay oo nga pala,ayaw ko ng maraming unan kaya sa'yo na lang ang mga 'to.

*sabay bigay ng ilang mga unan.

Good night, pakipatay na lang ng ilaw.

*at higa nito.

-----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. POLICE STATION-NIGHT

Pumarada at nakarating na ang sasakyan na lulan ng ex-boyfriend ni Kinchay na si Joseph,unang bumaba ang mga ka-pulisan at pag bukas nila ng pintuan upang ilipat na ng selda si Joseph ay laking gulat ng mga ito sa nakita.

PULIS 1

Hala?! Nasaan na yun?

*laking gulat nito at napasilip din ang kasamahan na Pulis.

PULIS 2

Oo nga Pare, nasaan na?

*napakamot na lamang ang mga ito na ang makita sa loob ng kotse ay ang isang butiki at hindi si Joseph.

Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! (huni ng butiki)

PULIS 1

Ano ba naman yan Pare binabahayan na ng butiki ang Police Mobile natin.

*at sabay bugaw nito sa butiki na nasa loob palabas na mabilis na takbo nito patungo sa dingding ng istasyon ng Pulis.

PULIS 2

May gagawin ba tayo?

PULIS 1

7:30 pa lang, papasok pa lang tayo.

*sabay sara ng pinto at pasok ng dalawa,ilang sandali lang pagkatapos nilang pumasok ay isang kamay ang dumakma sa butiki na kanina ay binugaw nila, at isang pitik nito ng kamay ay biglang umandar ng pagkabilis-bilis ng oras na kanina ay huminto ng 7:30.

----------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT.KINCHAY's ROOM-NIGHT

Hindi makatulog si Kinchay dahil sa lamig na nararamdaman sapagkat balot lamang ang katawan niya ng maliit na tapis sa malamig na gabi at pilit din nitong pinagkakasya ang sarili sa sofa na hinihigaan,samantalang si Horhe ay komportableng malalim ang tulog. Si Kinchay ay panay ang kislot dahil sa hindi maayos na higaan at panay rin ang kanyang buntong hininga habang pikit-pikit ang mata na nagbabakasakaling dalawin siya ng antok, maya-maya ay naramdaman nito ang init na kanina pang hinahanap ng katawan kaya napadilat ito at kita niya si Horhe na kinukumutan siya at ilang saglit pa ay binuhat siya nito at dinala siya sa kama. Sa oras na ito siya ang nasa kama at si Horhe ang nasa sofa.

HORHE

Hay naku! Mukhang lugi yata ako sa binayad ko.

KINCHAY

Nilipat mo ako dito eh, at saka 'di naman ako nagpalipat dito.

HORHE

Hindi ka nga nagsabi pero yung lungs mo nagsabi,panay ang buntong hininga mo at akala ko nga inaatake ka na dito kanina.

KINCHAY

May...may...may space pa naman dito.

*pagkarinig nito ay saka dali-daling lumipat roon si Horhe at higa,maya-maya ay napalingon ito kay Kinchay.

Anong tinitingin-tingin mo diyan?

HORHE

May sakit ka ba sa puso at ang lakas lagi ng tibok ng puso mo? O malakas lang tibok niyan ngayon kasi kasama mo ako?

KINCHAY

Stressful emotions , such as anxiety, anger, and fear, can cause a person's heart rate to increase. When the body experiences stress, the adrenal glands release epinephrine, or adrenaline.

*napanganga na lamang si Horhe sa mga sinabi ni Kinchay.

HORHE

Itulog na nga lang natin 'tong gabi na 'to.

*at kasabay ng tahimik na gabi ay ang tahimik na pagtulog ng dalawa na magkasama.

-----------------------------------------------------------------

NEXT DAY

EXT. JUANCHO's HOUSE-DAY

Nakatingin lamang sa labas ng bahay si Darcy kumos-kumos ang kamay dahil sa kaba at maya-maya ay may bumukas ang pinto ng bahay nito.

EMILY

Oh nandito ka na pala?

*bati nito.

DARCY

Magandang umaga.

*ngiting bati nito.

EMILY

Pasok ka.

*at bumukas nga ang malaking gate ng bahay ni Juancho at tuluyan na ngang tumuloy si Darcy sa loob.

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. JUANCHO's HOUSE-DAY

Nahihiyang nakatayo si Darcy at nilibot ng mata ang dati na naman na nakitang bahay ni Juancho at lalo itong nahiya ng makita na nakatingin sa kanya si Juancho.

DOÑA YSABEL

Kamusta Darcy?

DARCY

Ayos naman po ako.

*sabay lapit nito sa Lola ni Juancho at mano.

DOÑA YSABEL

Upo na tayong lahat para makapag simula na tayo.

*yaya nito.

No.

*ang katiting na salita na ito ang nagpatigil sa lahat na naroroon.

Darcy, sit beside Juancho.

*at maya-maya ay bago pa man makaupo si Darcy sa tabi ni Juancho ay hinigit siya ni Dax na kakarating pa lang at isinuot sa kanya ang headset na kanina ay suot nito.

DAX

I thinks it's so in-appropriate na paupuin natin si Darcy sa tabi ni Juancho lalo na alam nating lahat ang mangyayari rito ngayon.

*'di dinig ni Darcy ang sinasabi ni Dax pero ramdam niya ang tensyon.

Sit beside me.

*sa pagkakataong ito ay rinig niya ang sinabi ni Dax sapagkat tinanggal na nito ang headset na sinuot sa kanya kanina.

SECRETARY BETTY

Kailangan po kayo sa taas ngayon.

*bulong nito kay Doña Ysabel.

DOÑA YSABEL

Enjoy, kailangan ko lang muna pumunta sa taas at may kailangan akong asikasuhin.

*tumayo ito at umakyat sa taas katulad ng sinabi.

DAX

Ayos ka lang ba?

*nang mapansin ang hindi mapakali na kanina pa kuyakoy ng kuyakoy na si Darcy.

DARCY

Naiihi na ka kasi ako.

*bulong nito kay Dax.

DAX

Sa dulo may C.R. dun.

*sambit nito at turo sa direksyon gamit ang nguso nito sabay ngiti nito habang nakatikom ang bibig.

DARCY

Salamat.

*saka ito tumayo at nagtungo sa C.R.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. KINCHAY's ROOM-DAY

May mga katok na hindi dinig ni isa man sa kanila ang nagtatangkang gumising ng maaga kaya isang susi at pihit sa doorknob ang nagbukas ng saradong pinto ni Kinchay na saktong nagpamuklat ng mata nito na nanlaki bigla sa gulat.

KINCHAY

Lola??!!

DOŃA YSABEL

Mabuti at naisipan mo ring umuwi dito.

KINCHAY

Na-miss ko po kayo eh.

*yakap nito sa kanyang Lola.

DOÑA YSABEL

Sino yan?

*tanong nito na malumanay ngunit gulat ang pagmumukha nang makita ang nag-unat na Lalaki.

KINCHAY

Kapatid po ni Darcy.

*sabay palo nito kay Horhe na naguunat pa rin na nagising kaagad ang diwa na tila nakapapak ng kapeng walang tubig ng makita ang mga tao sa paligid.

HORHE

Magandang umaga po.

*bangon nito at sabay bati.

Wala pong nangyari,nakitulog lang po ako.

DOÑA YSABEL

Hindi ko tinatanong pero mabuti sinabi mo at naliwanagan ako.

*sabay talikod nito at akmang aalis na kwarto ni Kinchay.

Sabayan mo na kami sa baba.

*yaya nito at sabay alis na ng tuluyan sa kwarto ni Kinchay.

HORHE

Ba't nandito yung Lola ng mokong na yun? Haayyy naku naman! Kapatid ka ng mokong na yun??!!

KINCHAY

Kambal kami.

*nanlumo si Horhe sa narinig at kinuha nito ang hagdanan na naroroon.

Saan ka pupunta?

*tanong nito.

HORHE

Uuwi na muna, nakakahiya sa kakambal mo.

KINCHAY

Ba't ngayon ka lang nahiya? dahil ba sa nalaman mong magka-kambal kami?

*tumango si Horhe.

Good luck sa'yo.

HORHE

Yung kapatid ko.

*biglaang sambit nito ng maka-isip ng isang ideya.

KINCHAY

Subukan mong gamitin ang kaibigan kong si Darcy at hindi na lang si Juancho ang makaka-away mo.

*kinuha ni Kinchay ang hagdanang hawak pa rin ni Horhe at itinabi ito.

Halika na nga, bumaba na tayo.

*at saka baba nito.

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

Nanlaki ang mga mata ni Kinchay nang makita na tila buo ang pamilya nila,binati nito si Dax at Juancho ngunit hindi nito pinansin si Emily.

HORHE

Hello? Ang ganda ng bahay mo ah.

*tumango lamang ito bilang tugon at tinignan si Kinchay at binalik ang tingin kay Horhe.

Hala!!!

*napatalikod ito ng makita ang papalapit na si Darcy.

KINCHAY

Nandito ka rin pala.

*sabay yakap nito sa kaibigan.

Halika, tabi tayo.

*yaya nito sa kinauupuan.

DARCY

Eeehh??!!

*hawak nito kay Horhe na nakatalikod at sabay hinarap ito.

Ho---Horhe? Ba't ka nandito?

DOÑA YSABEL

Natulog siya rito kasama si Kinchay. Magka-kilala pala kayo.

JUANCHO, DARCY at DAX

Ano??!!

DOÑA YSABEL

Ano ba kayo, hindi ito ang oras para pag-usapan yan.

*napakalma nito ng sandali ang galit na tatlo.

Tungkol 'to sa kasal.

*napalitan ng kaba ang emosyon ni Darcy sa narinig.

EMILY

Obviously,kasal ko and ni Juancho.

*pag-singit nito.

KINCHAY

Hindi ka tinatanong.

EMILY

Sino pa ba? Ako lang naman ang Babae dito na pwedeng ikasal kay Juancho.

*sabay irap nito kay Darcy.

KINCHAY

Homophobic ang put*

*bulong nito na nanlilisik ang mata na nakatingin kay Emily.

JUANCHO

Totoo, I will marry you.

*naluluha ngunit pinipigilan ito ni Darcy na nakayuko at ilang saglit ay napatayo sa narinig mula kay Juancho.

DARCY

Co...congratulations sa inyong dalawa. a...a...aalis na muna po ako...

JUANCHO

Im an actor I can let the people feel everything is real even it's not.

*napatigil sa sinabi ni Juancho ang aalis na sanang si Darcy.

Sino ba kasi nagsabi sayong totoo ang lahat ng ito?

DARCY

Kasi...kasi yun yung nararamdaman ko.

*at saka ito tuluyan ng umalis na sinundan naman ni Dax.

HORHE

Hay!

*buntong hininga nito at saka nito sinundan ang kapatid at sinundan din naman ni Kinchay.

AFTER A WHILE

Tumayo mula sa pagkakaupo si Juancho samantalang si Doña Ysabel ay nakikiramdam lamang sa pwedeng mangyari.

JUANCHO

Sorry.

*tatakbo na sana ito upang habulin si Darcy pero niyakap siya ni Emily.

EMILY

I love you at alam kong mahal mo pa rin ako.

*patuloy na sambit nito.

Pwede tayong magsimula muli.

JUANCHO

Sorry Emily.

*tinanggal nito ang mga braso ng Babae na nakalinggis sa kanya.

EMILY

Dahil ba kay Darcy?

*nakatingin na tanong nito na nagsisimula ng magalit.

Una kang naging akin!!!

*paglabas nito sa galit.

At dahil sa Bakla na yun!!! Iiwanan mo ako.

*kumunot ang noo ni Juancho sa narinig na ito habang hinahayaan nitong paghahampasin siya ni Emily.

Bakit pa sa Bakla na yun!!! Sagutin mo ako!!! Ako na lang ulit! Ako na lang!

JUANCHO

Emily!

*madiin na tawag nito sa pangalan ng Babae na nagpahimasmas rito.

Yung panunugod ng mga fans sa bahay ni Darcy hinayaan ko pero sumusobra ka na ngayon.

EMILY

Oo, ako nga may gawa nun at kaya kong gawin ulit yun.

JUANCHO

Bakit? Tama na!

EMILY

Pag nawala siya sa'kin ka na ulit kaya ko yun ginawa at saka alam ko ring hindi totoo ang relationship niyo. I'm helping you to get out from the situation.

*naiirita na si Juancho sa naririnig.

You're a good person at alam kong hindi ka lang maka-ayaw sa kanya.

JUANCHO

I'm in-love with him. Sa simula pa lang plinano ko na lahat.

EMILY

Ha? Ano bang sinasabi mo? Mali 'tong ginagawa mo.

JUANCHO

Lumayo ka na sa'kin at lalo na kay Darcy.

*at saka ito tumalikod upang umalis ngunit bumaling muli sa kinaroroonan ni Emily.

Pero nagpapasalamat ako kasi dahil sa'yo nagka-lakas ako ng loob na ipaglaban siya at ipagtapat ang nararamdaman ko.

*at tuluyan na ngang umalis.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

Naabutan ni Kinchay si Horhe na hinahanap ang kapatid na tumakbo nang masaktan sa narinig kanina mula kay Juancho.

KINCHAY

Horhe!

*tawag nito ng makita ang kaninang sinundan.

HORHE

Ano yun Kinchay? Ano yung nangyari sa loob?

*tanong nito na masama ang loob.

Kapatid mo yung mokong na yun at matatanggap ko yun pero yung saktan ulit ng kapatid mo yung kapatid ko! yun ang 'di ko matatanggap.

KINCHAY

Siguradong may dahilan si Juancho kung bakit niya ginawa ito ngayon.

*pagpapakalma nitong sabi kay Horhe.

HORHE

Pinagtatanggol mo siya kasi kapatid mo siya at ganun din ang gagawin ko sa kapatid ko.

KINCHAY

Hindi.

*madiin na sambit nito.

Ako rin, ayokong mapunta si Darcy sa kapatid ko dahil sa nagawa niya dati pero alam kong mahal siya ni Juancho. Yung araw na nangyari sa college ball kinausap niya ako na alagaan si Darcy,pinuntahan niya si Mapa mo para mag-sorry, at ngayon, kailangan siya ni Juancho kaya sinasaktan siya ngayon.

HORHE

Anong...anong ibig mong sabihin?

*nagtatakang tanong nito sa narinig na huling sinabi.

KINCHAY

Matagal na alam ni Darcy na hindi si Juancho ang magtatanggal ng sumpa at ganun din si Juancho pero hindi magawa ni Darcy gawin kasama si Dax yung dapat gawin para matanggal ang sumpa kasi si Juancho talaga ang gusto ni Darcy.

*nanlumo sa narinig si Horhe na kaagad naman na inalalayan ni Kinchay.

Mas gusto ni Darcy na mamatay dahil sa sumpa.

HORHE

Anong gagawin ko?

*nanlulumo nitong tanong sa sarili.

Anong pwede kong gawin Kinchay para maligtas si Darcy.

*umiling si Kinchay bilang tugon.

AFTER A WHILE

Nakita ni Kinchay si Emily sa 'di kalayuan na tila may hinahanap at hinahabol at nang makarating ito sa kinaroroonan nila ay hinarang niya ito.

KINCHAY

Saan ka pupunta?

EMILY

It's none of your business.

*at tinangka nitong takasan ang panghaharang sa kanya ni Kinchay.

Kilala mo ba kung sino ako?

*iritable na nitong tanong nang hindi siya maka-alis sa panghaharang ni Kinchay.

KINCHAY

Bakit?! Hindi mo ba kilala ang sarili mo?

*irap nito.

Okay, ikaw ay ex,nakaraan,past tense.

*may mga diin na sabi nito kay Emily.

O ngayon kilala mo na sarili mo.

EMILY

Magsama kayo ng Baklang Pandak na si Darcy.

KINCHAY

Sino ngayon ang hinahabol? Ikaw ba?

EMILY

Whatever!!!

*itinaas nito ang isang dibdib na tila nagpapaingit...

KINCHAY

Whenever!!!

*hindi ito nagpahuli itinaas nito ang dalawang dibdib at napadabog na lamang na umalis si Emily.

EMILY

This is non-sense!!!

*huling kataga nito na tinawanan lamang ni Kinchay at pag-lingon nito ay nakita nito na nakatakip ang mga mata ni Horhe.

KINCHAY

Anong ginagawa mo diyan?

*inalis nito ang kamay na nakatakip sa mga mata ngunit nakapikit pa rin ito at ilang saglit ay idinilat ang isang mata.

Ano bang ginagawa mo?

HORHE

Ganun ba mag-away ang mga Babae?

*ilang na tanong nito habang ilang na ginaya ang eksenang nakita na ginawa nila Kinchay at Emily sa kanilang dibdib.

KINCHAY

Huwag ka na ngang magtanong.

*at alis nito.

HORHE

Hay! Ba't ko ba nararanasan ang mga 'to?

*daing nito sa sarili at saka sinundan si Kinchay.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

Pinigilan ni Dax ang pagtakbo palayo ni Darcy. Hawak nito ang kamay nito at puno ng lungkot nitong tinawag ang pangalan nito.

DAX

Darcy.

*napaakap kaagad si Darcy kay Dax at napa-iyak.

DARCY

Bakit ganun? kahit na wala ng tibok ang puso ko siya pa rin ang hinahanap ko,kahit na hindi siya ang itinakda sa'kin na magtatanggal ng sumpa tumitibok ang puso ko ng dahil kanya. Bakit?! Bakit?!

DAX

Kasi siya ang laman ng isip at puso mo simula pa lang.

*napakalas sa pagkaka-akap kay Dax si Darcy.

Alam mong nang naririnig ko ang tibok ng puso mo at bawat emosyon na nararamdaman nito ay gumagawa ng tunog, nasabi ko na lahat ng tunog na naririnig ko na ginagawa ng puso mo pero alam mo ba kung anong tunog ang ginagawa ng puso mo kapag in-love ka o kinikilig?

*tahimik si Darcy habang nakikinig.

Pangalan ni Juancho, tinatawag siya ng puso mo, tibok ng puso ko ang pumipintig sa dibdib mo pero siya ang hinahanap mo, siya ang naalala ng puso mo.

*sabi nito na pinipigilan ang iyak.

Katulad ng sinabi ko lahat nagbabago pero may mga bagay na hindi talaga para atin at ikaw ang isa sa mga yun at yun ang hindi na nagbago.

DARCY

Dax.

DAX

Hoy, huwag mo akong kaawan.

DARCY

Eehh??!!

*napakapit si Darcy sa kanyang dibdib at tila itinatago ito mula kay Dax.

Binabasa mo na naman ang tibok ng puso ko ng walang permiso ko.

*napatawa si Dax sa narinig.

DAX

Napasaya mo ako at sapat na yun. Ngayon, ang lagi ko na lang papakinggan ay yung tibok ng puso mo kapag masaya ka at 'di na yung panghuhusga ng iba.

*at tapon nito sa headset nito na nasa leeg niya kanina pa.

Ikaw? gawin mo rin ang magpapasaya sa'yo.

*napalingon ang dalawa lalo na si Darcy nang marinig ang pangalan niya.

JUANCHO

Darcy!!!

*hingal itong tumakbo papalapit kay Darcy at niyakap ito.

Mahal kita,sobrang mahal kita.

DARCY

Totoo na ba yan?

JUANCHO

Lahat ng yun, lahat lahat ng pagseselos ko at panlalandi sa'yo totoong totoo.

DARCY

Pero paano 'to?

*hawak nito sa kanyang dibdib.

Hindi ka na ba natatakot na...

*hindi hinayaan ni Juancho na tapusin ang balak sabihin ni Darcy.

JUANCHO

Isa na lang ang kinatatakutan kong mangyari ngayon at sa mga susunod na oras at yun ay ang hindi ka mahalin at siyempre mahalin ng katulad mo.

*nakangiti nitong sabi.

Crush mo pa rin ba ako?

*umiling si Darcy na ikinakunot ng noo ni Juancho.

DARCY

Hindi na, mahal na kita.

*isang halik ang ibinigay ni Juancho.

Is this our sixth kiss?

*umiling si Juancho at nagsalita.

JUANCHO

It's our first kiss as a couple.

*sambit nito

I mean, if... if...if  you wanna be my boyfriend, syem...syempre na saiyo ang desis...

*hindi na nito naituloy ang sasabihin ng dumampi ang labi ni Darcy sa labi niya.

DARCY

Second kiss as a couple.

*sambit nito pagkatapos ng halik na ipinadama kay Juancho at saka halik muli ni Juancho kay Darcy at sambit.

JUANCHO

And this is our third kiss at mag-expect kang magbibilang ka ng maraming halik galing sa'kin now that you are my boyfriend.

*napangiti sa kilig si Darcy.

Mamahalin kita at pahahalagahan bawat minuto ng aking aking oras at bawat araw ng aking buhay.

DAX

Bagay kayo.

*napaakap si Juancho kay Darcy na tila ba binabakuran niya ito mula kay Dax.

Hindi ko siya aagawin sa'yo basta alagaan mo siya.

JUANCHO

Hindi mo na kailangan pang sabihin yan.

DAX

Tandaan mo naririnig ko ang tibok ng puso niya kaya kapag umiyak siya ng dahil sa'yo malalaman ko.

*ngiti nito at alis.

Siguro ang pagkasawi ko sa pag-ibig ang paraan ng Diyos para mapatawad mo ako Kuya.

*sabi nito habang naglalakad palayo sa dalawa.

JUANCHO

Hoy! Sinong nagsabing pwede mo na akong tawaging Kuya?

------------------------------------------------------------------------

NEXT DAY

INT. AMORE CAFÉ-DAY

Masayang umiinom ng kape at kumakain ng strawberry chocolate cake sila Juancho at Darcy,nag- eenjoy na pinagmamasdan nito ang mga kakaibang pusong disenyo ng café.

JUANCHO

Maganda dito. Paano mo nalaman yung lugar na'to?

DARCY

Si Kinchay,kakilala niya yung may-ari, ang alam ko nakilala niya yung may-ari nung pinarenta niya yung kwarto niya dati sa taas ng building na'to.

*tumatango lamang si Juancho ngunit ang isip at diwa nito ay nakatuon lamang kay Darcy.

JUANCHO

Baby ko...

*malambing na tawag ni Juancho sa kanya na nagpaalala naman ng isang pangyayari kay Darcy.

SEVERAL YEARS AGO

COLLEGE YEARS

Pasipat-sipat na tinatanya ni Darcy ang tiyempo ng pagpasok ng gate ng University ni Juancho at nang makita ang tamang oras ay lumabas ito kaagad sa poste na tinataguan at dahilan upang kunyari ay nabunggo niya aksidente si Juancho.

DARCY

Eeehh?? Juancho? Dito ka rin mag-aaral? Baka tinadhana talaga tayo.

JUANCHO

Narinig kong tinanong mo si Kinchay kung saan ako mag-aaral kaya inaasahan na kita rito.

DARCY

Pero counted pa rin na tinadhana tayo kasi nakapasa ako sa entrance exam.

JUANCHO

Walang entrance exam dito.

DARCY

Kita mo na swerte ako dahil walang entrance exam kaya nakapasok ako,baby.

*nanlaki ang mata ni Juancho sa narinig at nataranta sa hiya si Darcy nang matanto ang lumabas na mga salita sa bibig niya kanina at saka ito umalis.

JUANCHO

Baby ko.

*ang muling pagtawag ni Juancho sa kanya ng Baby ang nagbalik kay Darcy sa kasalukuyan.

DARCY

Buni...

*napakunot ng noo si Juancho sa tawag sa kanya ni Darcy.

JUANCHO

Ano ba yan? Bakit buni pa rin ang tawag mo sa'kin?

*pinipigilan ni Darcy ang pagtawa sa parang batang pagtatampo ni Juancho.

Oh...

*bigay ni Juancho sa kumpol ng mga papel.

DARCY

Ano na naman ba ito?

JUANCHO

Pirmahan mo.

*mula sa malayo naroon si Dax at tinitignan sina Darcy at Juancho.

DAX

Gusto kita laging makita, gusto kong malaman kung ayos ka lang.

*masaya at may halong lungkot na buntong hininga nito.

Mabuti at ayos ka.

*at alis nito ng tuluyan.

JUANCHO

Ayos ka lang ba?

*tanong nito nang mapansing tila malayo ang iniisip ni Darcy habang hawak ang dibdib.

DARCY

Oo naman.

*kapa nito sa dibdib at ngiti.

JUANCHO

Pakasal na tayo.

DARCY

Are you sure?

*naluluha nitong tanong kay Juancho  habang nakahawak ito sa kanyang dibdib. Kinuha ni Juancho ang kamay ni Darcy at kinapa nito ang dibdib ng iniibig.

JUANCHO

I wanted you to be my husband.

*ramdam na ramdam ni Darcy ang sinsiridad ni Juancho ng mga oras na iyon.

DARCY

Are you really sure about this?

JUANCHO

Will you marry me?

*tanong muli nito habang dinadama ang mukha ng iniibig.

I really wanna be your husband.

*dumating si Butterfly dala ang isang tasa ng kape at inilapag ito sa harapan ni Darcy bago nagsalita.

BUTTERFLY

Kasal? Sino? Kayo?

*tumango si Darcy na ikinangiti ni Juancho.

Magkano ba budget niyo?

JUANCHO

Kahit magkano,ang importante makasal kami.

BUTTERFLY

Ayos!

*masaya na sigaw nito sa pagbubunyi.

DARCY

Wait, di ako nag order nito.

*sambit nito habang hawak ang tasa ng kape na kanina ay nilapag sa harap niya ni Butterfly.

BUTTERFLY

On the house.

*sabay kindat nito at tingin sa orasan na nakasabit sa gitna ng coffee shop.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. KINCHAY's ROOM-DAY

Nakahiga lamang si Kinchay sa kanyang kama at nakatingin sa kanyang cellphone at halatang kinakabahan ito at ilang sandali ay nagsimula itong tipahin ang pindutan ng kanyang cellphone.

KINCHAY

Kamusta?

*isang text message ang ipinadala ni Kinchay at naghintay ng sandali ngunit wala itong natanggap na sagot at maya-maya ay bumukas ang kanyang pintuan at unang nakita nito ay si Horhe.

Horhe??!! Ba't ka nandito?

*gulat na napabangon ito.

DOÑA YSABEL

Inimbitahan ko siya para mamanhikan.

*sagot nito sa tanong na para kay Horhe na ikinagulat ni Kinchay na dahilan upang kaladkarin ito ni Kinchay at palihim na kausapin.

KINCHAY

Alam mo ba yung salitang pamamanhikan?

*tumango si Horhe at sumagot.

HORHE

Alam ko.

KINCHAY

Alam mo pala ba't ka nandito?

HORHE

Tayo na ba?

KINCHAY

Hindi!

HORHE

Kaya wala ka dapat katakutan.

*at iniwan pagkatapos si Kinchay.

KINCHAY

Sinong nagsabing natatakot ako.

*sigaw nito at naranta ng biglang makita ang pagbalik ni Horhe.

HORHE

Hindi ka natatakot? Edi tayo na para totoo na 'tong pamamanhikan na 'to.

KINCHAY

Bakit ka nga kasi nandito?

*pag-iba ng pinag-uusapan nito.

HORHE

Marami ka nang naging karelasyon di ba?

*nagtataka man ay sinagot pa rin ni Kinchay ang tanong ni Horhe.

KINCHAY

Oo,bakit?

HORHE

Kaya you're my first at ako ang last mo.

KINCHAY

Ha??!! Ayoko nga sa'yo.

HORHE

Ayoko din naman sa'yo dati pero...

*nahihiya ito tumigil sa sasabihin at ilang sandali ay tinuloy din ang sasabihin.

Nga...nga...ngayon gustong-gusto kita kaya pwede ding mangyari rin sayo yung nangyari sa akin.

KINCHAY

Bakit? bakit mo ako nagustuhan? dahil sa nudes ko no?

HORHE

36 B ang gusto kong size ng dibdib kaya huwag kang assuming na yung nudes mo ang nagustuhan ko sa'yo.

*at saka iniwan nito ng tuluyan si Kinchay na naglakad na rin patungo sa kanyang kwarto.

DOÑA YSABEL

Oh?! Aalis ka na?

*pansin nito kay Horhe ng madaanan nito si Doña Ysabel sa salas.

HORHE

Ayoko po sa apo niyo.

*at saka umalis na ng tuluyan na umiiyak.

KINCHAY

Umiiyak ka ba?

*tanong nito kay Horhe na kanya pang hinabol--- nakatakip ang mga mata nito kaya 'di nito malaman kung umiiyak ba si Horhe.

HORHE

Gusto kita 'di dahil sa nudes mo. Kung ayaw mo sa'kin eh 'di ayaw mo na talaga, 'di mo kailangan husgahan yung dahilan kung bakit kita nagustuhan.

*napangiti si Kinchay sa narinig.

KINCHAY

Bakit mo ba ako nagustuhan?

HORHE

Kasi gusto lang kita,hindi ko alam kung ano yung rason pero kapag kasama kita masaya ako at gusto ko lagi kang masaya.

KINCHAY

C8H11NO2 is dopamine, C10H12N2O is seratonin and C43H66N12O12S2 is oxytocin at pagnagsama-sama lahat ng binanggit ko yun ang nararamdaman mo at yun din yung nararamdaman ko.

HORHE

Nagsasalita ka na naman ng salita ng Alien.

*isang halik ang ibinigay ni Kinchay kay Horhe sa pisngi---nanlaki ang mga mata nito sa nangyari.

KINCHAY

C8H11NO2 plus C10H12N2O plus C43H66N12O12S2 equals love, ang slow mo talaga.

*walang reaksyon na nakita si Kinchay mula kay Horhe.

Mabilis akong nakakakuha ng Boyfriend pero ita-try ko na ikaw ang maging huli ko kaya kung kaya mo akong hintayin pa at mag pasensya, hayaan mo akong mahalin ka rin.

*kumunot ang noo ni Horhe at dahan-dahan na tumalikod at naglakad palayo kay Kinchay.

Sige na nga aaminin ko ng gusto na rin kita dati pa kaso lang kailangan kitang itaboy kasi may problema pa ako kay Joseph na kailangan ayusin.

HORHE

Masaya ako na nakatulong sa'yo at sorry kung nagpunta pa ako dito para sakyan yung kunwari-kunwarian na pamamanhikan na hiling ng Lola mo.

*at patuloy sa paglalakad nito paalis.

KINCHAY

Gusto kita.

*sabay harang nito sa papalayo ng si Horhe ngunit tila 'di nito nakikita si Kinchay at nagpatuloy sa paglalakad.

Gusto kita!

*mas malakas na sigaw nito pero 'di pa rin ito pinansin ni Horhe at pinagpatuloy nito ang paglalakad.

Gustong-gusto kita!!!

*pero wala pa ring ubra.

Gustong-gusto kita ng sobra!!!

*pero walang epekto.

Naririnig mo ako, ang sabi ko gusto kita.

*pero katulad ng kanina ay ganoon din ang sagot ni Horhe at yun ay paglalakad palayo sa naghahabol na si Kinchay.

Hoyyy!!! Gusto kita! Bobo!

*kahit ang insulto na ito ay 'di pa rin pinatulan ni Horhe.

I love you.

*napahinto si Horhe sa narinig at napalingon na dahilan upang at ma-excite si Kinchay sa nakitang reaksyon mula kay Horhe.

HORHE

I love you too...

*tumakbo ito papunta kay Kinchay at niyakap ito.

KINCHAY

Pero...

HORHE

Pero ano?

*tanong nito.

KINCHAY

Kailangan mo pa rin mag bayad pag tyinutyu-turan kita.

HORHE

Aral na naman! Ayoko nga...

*at saka ito tumakbo pabalik sa bahay na hinabol naman ni Kinchay.

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. AMORE CAFÉ- DAY

Mag-isang nagkakape si Darcy at nakatingin sa labas na tila may hinihintay at maya-maya pa ay may umupo sa bakanteng upuan na nasa kanyang kinauupuan.

DARCY

Ba't ang tagal mo?

KINCHAY

Maaga ka lang.

DARCY

May bago kang jowa no?

KINCHAY

Hala siya! Judgemental.

DARCY

Wala namang problema kung magka-jowa ka basta huwag lang yung kapatid ko.

KINCHAY

Ha?

DARCY

Huli ka balbon!!!

KINCHAY

Totoo ba yung sinabi mo?

DARCY

Ano ka ba? Siyempre ayos ako na kayo na ng kapatid ko.

KINCHAY

Family!

DARCY

Family!

KINCHAY at DARCY

Family!

KINCHAY

Bakit ka nga pala napapunta rito?

DARCY

Hindi naman malaking problema kasi ganito...

*naputol ang usapan nila ng sumulpot si Butterfly na dala ang isang tasa ng kape at inilatag ito sa kanilang mesa.

BUTTERFLY

Nag-eenjoy ka ba?

*tanong nito habang nakatingin sa orasan ng coffee shop at kasabay nito ang pang tango ni Darcy bilang tugon sa tanong sa kanya at inom sa kape na nasa kanyang tasa.

Mabuti naman.

*sabi nito habang marahang tapik nito sa balikat ni Darcy at ngiti at bago umalis ay ngun

KINCHAY

Sige na ,ituloy mo yung kwento mo.

DARCY

Hindi ko matawag-tawag na baby si Juancho.

*nahihiya at nag-aalalang kwento ni Darcy.

KINCHAY

Ano??!!

*gulat na tanong nito at sabay tawa ng malakas.

DARCY

Ano ba?!

*naiinis nitong sambit sa kantyaw ng kaibigan.

Sabi ko na nga ba eh tatawanan mo lang ako eh.

*nagtatampong sabi nito.

KINCHAY

Naiilang kang tawagin si Juancho ng Baby? Mag jowa na kayo legit tapos mahihiya ka pa,eh dati nga hindi ka nahihiyang tawagin siyang Bab...

*nagtakip ng tenga si Darcy bago pa matapos ni Kinchay ang sasabihin at hinawakan ni Kinchay ang mga kamay ni Darcy na nakatakip sa mga tenga nito at  tinanggal ito.

Fiancé mo na siya kaya may karapatan ka ng tawagin siyang Baby, Mahal at kung ano-ano pang ka kornihan na endearment sa mundo.

*pagpapalakas ng loob nitong sambit kay Darcy.

EMILY

I am not sure about that, huwag ka masyadong pakapante,ang manok na nakatali madaling nadadali.

*napatingin sila kung saan ito nagmula.

KINCHAY

Ikaw na naman??!!

*iritable nitong gulat ng makita si Emily.

EMILY

Yes, the only one.

KINCHAY

Thank goodness you're only one kasi kung marami ka baka baliw na lahat ng tao sa mundo.

DARCY

Ano ka ba? huwag mo ng patulan.

KINCHAY

Patulan mo na para madala.

*bulong nito sa kaibigan na si Darcy habang iginiya nito sa direksyon nito ang basong may tubig.

DARCY

Hindi pwede,Babae pa rin siya.

*bulong din nito bilang tugon.

KINCHAY

Lalaki,Babae,Bakla o Tomboy,kapag mali pinapatulan. Tulog utak ng babaeng yan kaya dapat maalog para magising.

*sulsol nito sa kaibigan na si Darcy.

DARCY

Halika,umalis na lang tayo.

*tumayo si Darcy at aalis na sana ng makarinig ito ng ikina-init ng ulo nito.

EMILY

Tama,umalis ka kasi ang Bakla sa kanal nababagay.

*kukunin sana ni Kinchay ang basog na may tubig pero nagulat ito ng nawala ito sa kaninang pinaglagyan at nakita na lamang niya na basa na si Emily at hawak ni Darcy ang baso.

DARCY

Pantay-pantay tayo lahat,tao tayo lahat. One of these days pag nawala na tayo,it's either we will be cremated or buried six feet below the ground. Doon lang tayo nagkakaiba at sana maintindihan mo yan.

*at saka bago umalis binigyan ni Darcy ng pamunas si Emily samantalang kinuha ni Kinchay yung panyo na ibinigay nito tapos sinampal si Emily.

KINCHAY

Bumili ka ng sariling panyo.

*sabay iwan nito kay Emily na basang-basa.

EMILY

Nakakairita!!!

BUTTERFLY

Tsk tsk tsk tsk tsk! Hay naku!

*iiling-iling na daing nito habang papalapit kay Emily habang may hawak na tsaa.

Inumin mo 'to at nang ma-relax ka.

*kaagad naman itong ininom ni Emily.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. JUANCHO's HOUSE-DAY

Tila pilit na nakangiti si Horhe sa harapan ni Juancho na walang reaksyon.

JUANCHO

Ehem! Ba't ka nandito?!!

HORHE

Dinadalaw ka...po.

*sagot nito na may pahabol pa na pag-galang.

Pagluluto kita ng tinola, sabi ni Kinchay gusto mo daw yun...po.

JUANCHO

Wala akong gana kumain ng tinola, ang gusto ko Bulalo.

*kumukulo ang loob ni Horhe sa asta ni Juancho pero pinipigilan niya ito.

At di lang basta Bulalo, dapat yung malambot tapos malasa.

*nakangiti na tumango si Horhe ngunit umuusok na talaga ito sa galit na kanyang pinipigilan.

HORHE

Siyempre po,kung Bulalo ang gusto mo yun ang iluluto ko.

JUANCHO

Bakit si Kinchay ang gusto mo?

HORHE

Ha??!! Ay ang ibig ko pong sabihin ano po yun?

*mula sa walang modong tanong ay napalitan ito ng marespetong pagtatanong.

JUANCHO

Kung 'di mo kayang masagot ang tanong ko iwan mo ang kapatid ko.

*hindi na nakapag timpi si Horhe at inilabas na ang inis nito.

HORHE

Kung gusto mong iwan ko ang kapatid mo, iwan mo ang kapatid ko.

JUANCHO

Ikakasal na kami at saka love ako ng kapatid mo, hindi niya kaya na wala ako.

HORHE

Kasal! Sa imagination mo! saka sa pagkaka-alam ko ikaw ang unang nagka-crush kay Darcy.

JUANCHO

Seryoso ka ba talaga na gusto mo ang kapatid ko o gumaganti ka lang sa'kin dahil nasaktan ko kapatid mo dati?

HORHE

Seryoso ako kay Kinchay.

JUANCHO

So talagang seryoso ka??!!

HORHE

Kung 'di ako seryoso 'di ako nandito ngayon para ipagluto ka.

*sabay ngiti nitong pilit.

JUANCHO

Hindi pa rin ako payag na maging Boyfriend ka ng kapatid ko.

HORHE

Ayaw mo niyan, sa'yo ang kapatid ko at akin ang kapatid mo.

*alok ng pakikipag kamay nito pero 'di nito tinanggap ang offer nito.

JUANCHO

Bilisan mo na pagluto mo na ako ng Bulalo.

*at dali-dali nitong sinunod si Juancho.

At saka pagkatapos mo diyan, maglinis ka ng buong bahay.

*dagdag nito sa pinagagawa kay Horhe na kinukuha ang boto ng kakambal ni Kinchay.

-----------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. CATACUTAN RESIDENCE-NIGHT

Gabi na ng makabalik ng bahay si Horhe at pagod na pagod ito at kaagad na napansin nito ang kapatid na si Darcy na naka-upo sa salas.

HORHE

Tulungan mo naman ako...

*pagmamaka-awa nito habang naka yapos ito sa braso ng kapatid na gulat sa nangyayari.

Sobrang higpit ni Juancho, mabuti pa yung Lola ni Kinchay boto siya sa'kin para sa Apo niya.

*sumbong nito.

DARCY

Ano ngayon ang gusto mong gawin ko?

HORHE

Kumbinsehin mo siya na payagan na maging kami.

DARCY

Ita-try ko. Ikaw kasi ang sama-sama mo sa kanya.

HORHE

Pino-protektahan lang naman kita sa... Hala!!!

*hindi na nito natapos ang sasabihin ng gulat nitong hinawakan ang kamay ng kapatid na si Darcy ng makita ang singsing na suot ni Darcy.

Ba't suot mo na naman yang singsing na yan?

*ngiti lang ang isinagot ni Darcy.

Totoo nga,ikakasal ka sa kanya.

*panlulumo nito.

Ba't ka pumayag kaagad?

*pagmamaktol nito.

DARCY

Ayaw mo 'yan ako sa kanya sayo si Kinchay.

*ngisi nito matapos sambitin ang mga sinabi.

HORHE

Magka-iba naman kasi ang sitwasyon natin.

DARCY

Panong naging magka-iba aber, Gusto mo si Kinchay at ako, gusto ko si Juancho.

*hindi nagsalita ang kapatid niya bagkus hinawakan na lamang ni Horhe ang dibdib ng kapatid na nagpalungkot rito.

HORHE

Alam niya ba na kaunti na lang natitirang oras mo?

*malungkot na tanong nito habang tinitignan at himas ang pusong nakaukit sa palad ni Darcy na unti unting nabubura na tanda na kaunti na nga lang talaga ang natitirang oras niya upang matalo ang sumpa.