webnovel

XIV. EXPAÍDEFSI

West's

I found everything really weird! The moment I opened my eyes, it's all wierd! Hawak hawak ko ang batok ko ng lumapit ako kila Darah. Nang mapansin ako ni Darah ay nag aalala siyang lumapit sa akin "Where have you been? Anong nangyari sayo?" Saad niya at hinawakan pa ako sa braso ko.

They all looked at me, sa lakas ng boses niya ay mapapansin talaga ako nila Niobi. Nang hindi ko siya nasagot ay nagsalita ulit siya "Something weird happened here!" hesterika niya. Napakunot ang noo ko, weird?

"What? What happened!?" Saad ko at tiningnan silang lahat, they sat on the ground. "We were supposed to fight with each other but strangely, yes, were fighting in our dreams!" Si Antiope na natingin sa kawalan. What? I looked at them confused! "You mean like, you guys are in one dream? Then dun kayo naglalaban?" I said in confusion "How is that possible!?" Untag ko pa "I know right!" Saad ni Darah

Tumayo sila Niobi, Christine at Dimitrov, naglakad sila paalis kaya tinawag namin sila. "Where are you going?" Sigaw ni Antiope sa kanila. Tumigil silang dalawa at tumingin sa amin. "Continue the battle, we're going to talk Calia!" Saad ni Niobi, binaling niya ang tingin kila Manilyn at tumango sila. Sinundan lang namin sila ng tingin hanggang sa mawala na sila sa paningin namin.

Bumaling ako sa kanila, nagsilapitan sila sa amin. "I still don't get what happened!" Usal ko "Hindi mo talaga maiintindihan! Kami nga hindi din namin maintindihan!" Usal ni Antiope. Nangunot ang noo ko sa sinabi nya "Look! I'm serious!?" Saad ko at but she just make face "Guys! Will you stop acting like a kid!" Iritang saad ni Manilyn at namewang sa amin.

"I didn't do anything!" Asar kong saad. She hissed signing me stop saying anything. Napairap nalang ako sa kawalan. I hate Antiope! Napansin ko na malayo ang tingin ni Nagy at mukang malalim ang iniisip. "My gosh! Nahihilo ako kaiisip!" Si Darah at napahawak pa sa sentido niya.

Halos lahat naman kami ay naguguluhan sa nangyari. Biglang bumaling sa akin si Antiope "I clearly saw you kanina na kasama ka namin pero nung nagsimula na ang laban..." she stopped and looked at me like I did something. Kinabahan ako sa inasal niya. "Where were you?" Naka tingin na silang lahat sa akin ngayon at naghihintay ng sagot.

"I....." hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Even I, didn't know what to say. "Yeah, oo nga! Bigla ka nawala?" Si Darah. Napakamot ako sa ulo ko "I actually don't know, nagising na nga lang ako na sila Calia at Jane ang kaharap ko dun!" Saad ko at tinuro ang pinuntahan ko kanina. "What!?" Sabay sabay nilang usal at tumango ako.

Maya maya ay nagsalita si Nagy "Okay! This is so insane!" She looked at me "Alam ko na, tell us what happened, from the begginning to the end!" Dagdag niya "What? Simula nung umaga?" Naninigurado kong tanong "Yeah!" Pinanlakihan niya pa ako ng mata.

Umupo sila sa damuhan, hinila ako ni Darah sa kamay kaya napa upo na din ako

"Start!" Si Antiope, inirapan ko siya "Uhmm...If I recall, nagising ako ng maaga, well I usually do that but kanina it's different," tiningnan ko sila at tutok na tutok sila sa sinabi ko "I woke up, 3 AM, I think. I opened my eyes, and agad bumungad sa akin si Darah," napatingin sila kay Darah "She's standing in front of me and I don't know but she's looking at me like she's annoyed.." hindi ko natapos ang sinasabi ko ng sumingit si Darah "FYI! I'm really annoyed!" Saad niya at nakataas ang kilay na tumingin sa akin.

"Teka nga! Patapusin mo muna siya!" Si Manilyn "I don't know why were standing there, nagtalo pa nga kami, she's saying something na ginising ko siya then tumulala lang sa kanya at iniwan siya sa kwarto....I really didn't do it!" Saad ko. Naningkit ang mata ni Antiope sa akin "I knew it!" Napatingin sila sa kanya "Naka drugs talaga sila!" Saad niya at tumawa, inis naman siyang sinapok ni Darah "Pwede ba! Tumigil ka na!" Inirapan siya ni Darah at bumaling sa akin. "Yun ba talaga ang natatandaan mo?" Paninigurado niya, tumango ako "Walang halong biro? Hindi ka nantri-trip?" I looked at her in flat stare, tinikom naman niya bibig niya.

"Eh kasi naman...ginising mo ako, as in yung pinilit na magising agad, sisipain na sana kita kaso kilala kita eh, hindi mo naman ako gigisingin kung hindi importante sasabihin mo. So, 'yun pagkatapos mo akong gisingin, you really stared at me like an idiot, " sinamaan ko naman sya ng tingin "It's true! Tumulala ka lang sa akin ng ilang minuto tapos, tinanong kita, bigla ka nagalit tapos ayun tumulala ka ulit. Naasar talaga ko nun, you creep me out! Tapos tinanong kita ulit, you said wait me here tapos umalis ka sa kwarto, hindi kita sinundan agad kasi akala madali ka lang pero ilang minuto wala ka pa, kaya bumangon ako at pinuntahan ka dun sa kusina, tapos ayun! Tulala ka na naman!" Asar niyang saad.

Napakamot naman ako sa ulo dahil ang natatandaan ko lang naman ay yung nakatayo na kami ni Darah. Natahimik sila saglit, biglang pumalakpak ng dahan dahan si Antiope at iiling iling na nakatingin sa akin. "Wow! Are you mental!?" May pagka sarcastic na saad niya. Nangunot noo ko "What!?" Asar kong usal "Stop it, Antiope!" Si Nagy tapos bumaling sa akin "But seriously West, what happened? I mean, 'bat bigla kang nagkaganun?" Seryosong saad ni Nagy sa akin. I stayed silent dahil hindi ko naman alam sasabihin ko.

"Pero, you know what West, nung lumabas ako, hindi agad ako lumapit sayo," napatingin kami lahat kay Darah "Sa lamesa agad ako lumapit, akala ko kasi talaga nantri-trip ka, so 'yun lumapit ako sa lamesa and get my own coffee, tapos napansin ko may nakahanda na doong coffee and bread and I supposed iyo 'yun..." dagdag niya "Is that even helpful?" Sarcastic na saad ni Antiope.

"Hindi pa kasi ako tapos!" Iritang saad ni Darah at inirapan si Antiope "By judging the table kanina, mukang may binabasa si West, may libro ako dung nakita and tingnan ko 'yun pero wala naman nakasulat, as in lahat ng pages wala!" Saad ni Darah

I'm reading something? Napaisip ako, pero wala talagang napasok sa utak ko na ginawa ko ba 'yun kaninang umaga. "As in?" Di makapaniwalang saad ni Antiope "Then your really look like an idiot pala! I mean, if that's really what happened maybe someone played you" seryosong saad niya sa huli nyang sinabi "Played me? I don't get it!" Usal ko

Sumeryoso naman siya "Look, I think, someone really played with you. Ano bang pakiramdam mo kanina?" Napaisip naman ako "I feel like kagagaling ko lang sa pagtulog, pati kanina nung nakita ko sila Calia" nag iisip kong saad. Naningkit ang mata niya at nagsalita "Tsk! Walang natutulog ng nakatayo!" Biglang usal niya "I think I know the answer" saad ni Manilyn

Lahat kami ay tumingin sa kanya "Kakaunti lang ang may alam nito, Princess Andromeda is a God of Dream," agad niyang saad "Ano namang connect nun?" Nagtatakang usal ni Darah. Napatingin naman ako kay Antiope na malalim ang iniisip "It makes sense" biglang bulong ni Antiope "Look, West feel na kagagaling niya lang sa pagtulog and tayo kanina,we all thought na naglalaban na tayo for real, pero hindi!" Si Manilyn. I stayed silent. "Hindi ko maintindihan paliwanag niyo!" Biglang usal ni Darah

Bumuntong hininga sila "Heck! Andromeda did all of this! She can manipulate dreams! Yung nangyari kay West at sa atin kanina, it's all her worked!" Nagtitimping saad ni Manilyn

Napahawak ako sa ulo ko dahil nakaramdam ako ng biglang pagka antok.Why I suddenly feel sleepy? "What!" Di makapaniwalang saad ni Darah "That's what I'm thinking. I'm not really sure" saad ni Manilyn sa babang boses

Pinilit kong makinig sa pinag uusapan nila pero inaantok talaga ako! "How did she do that?" Si Darah. Hindi ko na kaya, inaantok na talaga ako! Naramdaman ko nalang na bumagsak ang katawan ko and everything went black.

Siguiente capítulo