Darah's
"Welcome to the Camp" masayang saad ni Niobi
Nilibot ko naman ang tingin ko, ang ganda, ang bahay na nilabasan namin ay nakatayo sa malapit na lake, hindi gawa sa semento ang bahay, gawa ito sa malalaking kahoy, ganun din ang ibang bahay na kalapit nito.
Nagsimula na kaming maglakad "Yung bahay na nilabasan niyo ay sa amin naka assigned, actually, depende kay Calia kung saan ka ilalagay, yung lake naman na yun" sabay turo niya
"It's Antiope's territory, I mean mas madalas dun si Antiope" napatingin naman kami kay Antiope
"What? I play with water okay" play?
"Oh! I forgot to tell you, Antiope can manipulate water, she can control it on her on will" nanlaki naman mata namin sa sinabi niya. Seryoso ba?
"Is she some sort like Poseidon?" Hindi makapaniwalang saad ni West.
Napatingin naman si Niobi kay Antiope, pero nanatiling tahimik si Antiope "Uhmm.....No! She's a descendant of Nerieds" Descendant of what?
"What does it mean?" Si West
"Actually, we don't know but Calia knows" Kahit naguguluhan kami ay pinili nalang namin na pagpatuloy ang paglilibot. Napansin ko naman yung ibang mga tao ay may hawak na mga espada at naglalaban.
"Bakit sila naggaganun?" Tanong ko "Ah, pagsasanay iyan, lahat ng nandito sa camp ay naggaganyan, pati din pag gamit ng baril, nagsasanay dito"
"Edi kayo din? Eh si Antiope lang ba ang may kapangyarihan dito?" tanong ko
"Uhmm...kasi karamihan sa mga tao dito sa camp ay mas nagkaron ng mga malalakas na katawan at senses, at kapag sinabi kong malalakas, yung malakas talaga, kakaunti lang talaga kami na may kapangyarihan" paliwanag ni Niobi
"Kami? You mean to say na may kapangyarihan ka din?" Hindi makapaniwalang saad ni West
Tumawa naman si Niobi "You should have seen your face.....it's priceless" saad niya na natatawa.
"Remember nung tumakbo kayo paglabas ng bahay niyo? And suddenly, parang magkaka storm...I made it" What? Pero it makes sense. Dahil nung nasa loob kami ng bahay nina Hans, nung time na yun ay hindi naman makulimlim pero nung lumabas na kami bigla ngang parang nagkakastorm at malalakas na alon.
"I can make storm, any kind of storm" dagdag pa nga. Nanatili naman kami na nakatingin sa kanya, trying to process what she said. Ito ba yung sinasabi ni Head Sister na power?
"Why don't you show 'em, Niobi" napalingon naman kami kay Antiope
Seryoso ba sya?
"I'll cover you" dagdag niya
Naglakad naman si Niobi palapit sa lake, sumunod naman kami sa kanya "I suggest you guys to stand back" umurong naman kami, baka madala pa kami eh, mahirap na.
Tinaas ni Niobi ang kamay nya sa ere at maya maya ay parang may umiikot na mabilis sa gitna ng lawa. Oh my Gosh! Malawak pa mandin itong lawa na ito.
"Oh my Gosh! What is that!?" Ani ni West
Lumaki na yung pag ikot at parang nagiging ipo ipo, nilibot ko naman paningin ko. Yung mga tao ay nakatingin lang samin at parang wala lang sa kanila yung ginagawa ni Niobi. Tumaas na yung ipo ipo at nababasa na din kami ng tubig, pagtingin ko naman kay Antiope ay may ginagawa siyang hand gesture.
"Rise" rinig kong salita ni Antiope, at may parang humarang na tubig palibot sa buong lake
"Wow" ang galing
Nagkaron na din ng sobrang kulimlim na ulap at parang nagkakaron ng mga thunderstorms "Scatter!" Sigaw ni Niobi at biglang bumagsak ng malakas yung tubig na naging ipo ipo, kung walang ginawang harang si Antiope ay paniguradong madadala kami ng tubig, bumalik na din sa maaraw ang kalangitan "It's amazing" bungad ni West nung lumapit samin yung dalawa.
"Thank you"
"Actually may mas nakakabilib pa samin dito, may isang babae dito na kayang kontrolin ang soul, I don't actually know how it works, pero sa pag kakaalam ko, lahat ng bagay na may kinalaman sa kaluluwa ay gamay niya"
Nagkatinginan naman kami ni West "She is in the blood line of Psyche" ani ni Antiope
Napakunot naman noo ko, I don't actually understand what are they are saying at parang ganun din naman si West "Psyche is the God of Soul" Antiope
"Sino naman 'yun?" Tanong ko. So parang witch? Ganun? Pero God nga eh "Ako"
"What the fvckin shit!" Usal ko sa pagkaka gulat "I'm sorry, nagulat lang talaga ako sayo"
"It's okay, narinig ko kasi na nag uusap kayo tungkol sa soul, kaya lumapit ako sa inyo. I'm Christine Silva, by the way" saad niya sabay lahad ng kamay at tinanggap ko naman yun.
Bigla naman siyang napasinghap at humigpit ang hawak sa kamay ko "You two encounter death, one of your comrades is cursed by death and others are killed by her too" tulala niyang saad. Bigla naman syang natauhan at humingi ng tawad samin "I'm sorry, but can I asked about that thing?"
"Christine can we do that later, tatapusin ko lang ilibot sila dito sa camp at dalhin sa bahay nila pagkatapos ay pede mo na silang makausap. You can come with us naman" tumango nalang si Christine.
Pinagpatuloy nalang namin ang paglilibot at hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Christine. Si Hans ba ang tinutukoy nya? Gosh! I miss him
"See you tomorrow. West and Darah, I'm going to fetch you guys so no need to go to my house, and may pagkain diyan sa loob. So, bye" saad niya at umalis na sila ni Antiope
Naiwan nalang naman kaming tatlo dito sa labas "Uhmm....so lets go inside" West
Pumasok na kami at naupo sa salas "I'm sorry to bother you. Pero kasi nakita ko si Alona" gulat naman akong napatingin sa kanya "Kilala mo si Alona?" tanong ni West
"We're both from Psyche's line" she said and she stared at me "She's the one who killed them" panimula ni West
"I'm sorry pero nakasanayan na niya iyon" What? Is that an excuse?
"Are you close with her? Are you somewhat a traitor here?" Si West
"No! That is very rude of you. For your information I was ONCE with them, pero umalis ako and Calia took me in here. I know Alona because we're from the same blood line" galit niyang saad pero pinipigilan niya ang sarili na magsalita pa.
Nagulat naman ako sa sinabi nya "Then pumapatay ka din gaya ni Alona?" West
"No, of course no! Nagsasanay pa ako dun nang tumakas ako. The Nerieds are impatient, they gathering Army by that book"
"Book? Must be that book na tinatakas mo West" baling ko kay West
"Excuse me! Hindi lang ako no! Tayong lahat!" Napasulyap naman ako kay Christine at mukang kumalma na "Then your cursed too?" Tanong ko sa kanya, actually I don't really understand how we acquired this cursed.
"No! I was captured by The Nerieds, nakita ko kasi si Alona nung gabi na laging may hawak na libro at I found out na ito yung nasa restricted area. I was about to tell the others ng makita ako ni Alona and yun hinila nya ako sa naghihintay na Nerieds sa dagat"
Dagat? Bakit parang laging sa dagat?
"Bakit? Sa tabing dagat ba kayo nakatira?" Tanong ko at tumango naman siya
"Alam ko kung anong iniisip mo. The Nerieds can't go to the land, they are living in the water, I mean in the ocean" paliwanag niya.
Eh?
"Their living in the Ocean? Sirena ba sila?" West
"No" simpleng saad ni Christine
"I don't understand" nalilito kong saad
"You don't have to understand it, but here's a thing Nerieds are the Daughter of the Oceanus and all I know is that their kingdom is in the deepest part of the ocean" natameme naman kami sa sinabi niya.
They are living under the water. That's insane!
"So, how we acquired the curse? Kasi yun talaga ang nasa isip ko ngayon" West stated
"Uhmm....by the book, you see as I've said earlier hindi nakakatagal sa lupa ang mga Nerieds so they created that book and through that they gathered army to kill Andromeda and her line, and that army is tayo but dahil nga niligtas tayo ni Calia which is the daughter of Andromeda and Perseus and they can't reach us here" natahimik naman kami ni West sa sinabi niya.
"But sino si Andromeda at Perseus? Actually, kakaunti lang ang naiintindihan ko. May parte parin na sobrang gulo" naguguluhan kong saad.
She heavesd a heavy sigh and she stood up, napatingin naman kami sa kanya "Maybe Madam Calia should explain it to you two. May mga bagay din kasi na hindi ko masagot sapagkat naghahanap din ako ng kasagutan. But I'm here to tell that the boy I see in you, he's in the underworld with Hades. Alona made him a sacrificed" napatayo naman kami sa gulat
"Sacrificed?"
"What do you mean by that?"
Kung totoo nga iyon, baka may paraan pa para mabuhay sya
"May paraan ba paramabuhay ulit siya?" Agad na tanong ni West
Kahit ako'y nagba baka sakali din kung may paraan pa at sana naman ay meron pa. Pero bumuntong hininga lang si Christine at umiwas ng tingin "Please, tell me na meron pang paraan" pagmamaka awa ni West
"It's Hades, once na nasa kanya na ang hiningi nya hindi na ito ibabalik pa" Christine
"Pero hindi naman niya hiningi si Hans, wala naman kaugnayan si Hans sa Hades na 'yan ah?!" Sigaw ni West at inalo ko naman siya.
"I'm sorry, I don't know too but there's a way para malaman kung bakit" napatingin naman kami sa kanya "I heard na babalik kayo sa bahay na pinanggalingan nyo, ipapaalam ko kay Madam Calia kung maari akong sumama sa inyo. Mahawakan ko lang ang isa sa pinaka sa gamit nya ay baka malaman ko kung may kaugnayan ba siya kay Hades o ginusto lang ni Alona na ibigay siya" tinitigan naman niya kami sandali at bumuntong hininga "Dinalaw na niya kayo at binalaan...Mauuna na ako" saad niya at hinatid namin sa may pinto.
Bago sya makalabas ay pinigilan ko siya "S-salamat" saad ko, tumango lang naman siya at tuluyan ng umalis "Kung alam ko lang na mangyayari ito, edi sana hindi ko na pinakelman yun" wala sa sariling saad ni West
Nilock ko naman yung pinto at naglakad pa salas "Kahit anong gawin mo, mangyayari at mangyayari parin ito. Hindi lang naman ikaw ang naka kuha sa librong iyon" nakatulala kong saad. I'm trying to absorb all things that happened in this past days. Napaka absurd hindi makatotohanan pero totoo. Hindi ko na tuloy alam kung nanaginip lang ba ako o ano.
Tinitigan lang naman ako ni West at bumuntong hininga "I'll be going to our room" saad niya at umalis na. Nung minsan lang na sinabi ng head sister ang tungkol sa libro, naeexcite pa ako pero ngayon kinahaharap na namin iyon, parang gusto ko nalang bumalik sa umpisa na bagong salta pa kami sa bahay ng mga sister.
"Darah change your damit, may damit na nakalagay sa closet na nandito sa kwarto" sigaw ni West sakin. Tumayo na ako at tumungo sa kwarto. I need to rest, paniguradong bagong bagay na naman malalaman namin bukas at sana makayanan namin 'yun.