webnovel

Bell's Ex is here too?

Chapter 22

- Arabella's POV -

Kakatapos ko lang magpalit ng damit ng biglang may magtext sa akin. Nang tignan ko ito ay galing ito kay Kuya at kay Sensui. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung bakit nagtext sa akin ang dalawang iyon.

'Bell, umalis na ako at alam kong hindi ka na bababa sa kwarto mo kaya hindi na ako nagpahatid sayo. Si Daddy nalang ang naghatid sa akin sa gate at kaya ako nagtext dahil gusto ko lang ipaalam sayo.'

"Kaya nga sya nagtext kasi umalis na sya. Bakit kailangan pa nyang sabihing nagtext para sa bihing umalis na sya?" Naguguluhang tanong ko sa sarili ko. Matapos kong basahin ang kay kuya ay ang kay Sensui naman ang binasa ko.

'Tulog ka na ba?'

'Tingin ko, miss na kita agad.'

'Kumain ka ng madami, ha? Wag kang magpapalipas ng gutom.'

'Bell, baka gusto mo namang sumagot? Hihintayin ko.'

'Sige, muhkang tulog ka na. Good night.'

Wala sa sariling napangiti ako dahil sa mga text nito sa akin. Hindi ko inaasahang ganito pala ka-sweet ang mukong na yon. Dahil naisip ko nanaman ang nangyari kanina ay bigla nabawasan ang ngiti ko.

'Mabuti nalang talaga, kasama namin si Daddy. Kasi, kahit ako, maikli lang ang pasensya ko pero hinahabaan ko lang dahil lolo't lola ko sila'

- Heaven's POV -

Nasa kalagitnaan ako ng pagtitig sa kisame ng biglang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nagpadala ng text sa akin. Agad kong tinignan iyon at nagbabakasakaling baka si Daddy iyon pero mali ako. Si Ryan pala ang nagtext.

'Ryan: Gising ka pa ba?'

'Heaven: Yeah.'

'Ryan: Pwede ka bang lumabas?'

Napakunot ang noo ko at agad akong tumayo. Tumingin ako sa bintana ng kwarto ko at nakita ko doon si Ryan na tutok na tutok sa cellphone nya. Agad akong tumayo at lumabas para kausapin sya. Paglabas ko ay nakangiti ito sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na, ahh?" Tanong ko sa kanya.

"I'm here because...." Bigla syang napatigil at parang hindi na alam kung anong isusunod sa salitang sinabi nya. "I miss you..."

'I miss you.'

'I miss you.'

'I miss you.'

'I miss you.'

'I miss you.'

Parang biglang nawala ang paligid ko at tumigil ang mundo. Pati ang paghinga at pagtibok ng puso ko ay tumigil din. Parang nakalimutan kong ng huminga ngayon dahil sa gulat.

"W-What?" Gulat kong tanong.

"Heaven, I don't care if you don't feel the same way but..." Tumigil sya at lumapit sa akin at tinawaan ang kamay ko. "I really like you, Heaven. I don't know if it's right but you're making me insane. You're... You're... You're my angel..." Malamin nyang sabi. Ako naman ay naluluha na pero naguguluhang parin.

"Ryan, I like you too." Matapat kong sabi.

"Really? Can I court you?" Gulat nyang tanong pero agad ko syang pinatigil.

"But, I'm sorry." Agad kong sabi. "Ryan, I don't think we're going to work in this situation. Like, um, you know. My family is not ok fo———"

"I understand." Nakangiting sabi nya. "Naiintindihan ko yung galit ng mommy. Kaya nya lang naman yon nagawa kasi ayaw nyang masira ang buhay mo."

"But still... I hurt my sister." Puno ng kaguluhan kong sabi. Alam kong hindi totoo iyon pero bakit parang inaamin ko pa ito ngayon.

"Heaven?" Biglang sulpot ni Mommy sa likod ko.

"Mom..." Mahinang sabi ko. "Ahm... Mom, don't worry. I'm just talking to my friend." Nakangiting kong sabi.

"Ohh, it's already late now. Pumasok ka na." Mataray nyang sabi tapos nauna nang pumasok sa akin. Humarap muna ako kay Ryan at kumaway bago ako naglakad papasok ng bahay at bumalik ng kwarto ko.

- Arabella's POV -

Nandito kami ngayon sa The Barb at nag-kwe-kwentuhan lang. Panay ang buntong-hininga ko dahil hindi parin ako makamove-on sa nangyari kagabi.

"Ang lalim naman ng buntong-hininga mo, sis? May problema nanaman ba?" Tanong sa akin ni Reggie.

"Ahh. Meron, ehh." Sagot ko tapos napakamot pa sa ulo ko. "May dumating kasi sa bahay kahapon. Akala ko nga aalis si Dad kasi ang daming bagahe pero———"

"O! M! G!? Wag mong sabihing..." Pinutol muna nya ang sinasabi nya at umaktong gulat na gulat. "...may babae ang Daddy mo?!"

"G*ga, hindi." Nakangiwi kong sabi. "Dumating yung Lola't lola namin kagabi. Nabalitaan daw kasi nila yung nangyaring pag-alis nila Tita Made sa bahay at saktong pauwi na din daw sila." Malungkot kong sabi.

"Grabe. Parang teleserye naman pala ang buhay mo, ehh." Sabat ni Brigitte na parang namomroblema pa.

"Sino nga pala si RJ?" Biglang tanong ni Anna. Agad akong napaharap sa kanya dahil sa gulat.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Dati mo kasing muhkang bibig yun, ehh. Tumigil lang noong ligawan ka na ni Devin." Nakangising sabi nya.

"Sino nga naman kasi yon, Bell?" Biglang sabat ni Reggie.

"Oo nga. Sino nga kasi yon?" Sabat naman ni Brigitte at nagpa-cute pa sa akin.

"Fine." Sabi ko tapos bumuntong-hininga. "Si RJ yung ex ko. Sya yung sinasabi ko sa inyong nang-iwan sa akin. Masaya na kayo?"

"Pero bakit naman ganon ang lagi mong sinasabi? Masama ba talaga syang tao?" Tanong ni Reggie.

"Baka naman may valid reason sya para iwan ka? Malay mo, about sa family nya?" Sabi naman ni Brigitte. Napatigil kami ng biglang tumunog ang phone nya. Agad naman nya itong sinagot. "Hello, ate? Hindi! Ano namang pakialam ko sa boyfriend mo?! Oo!" Lumingon ito sa akin at nagtanong. "Nagtext daw ba sayo ang kuya mo?"

"Hindi———"

"Hindi daw!" Malakas nyang sagot sa kausap sa telepono. "Oo.... Wag ka nang tumawag kung hindi naman importante, nakakairita ka... Edi, ikaw na may boyfriend!" Malakas nya ulit sabi tapos binaba na ang telepono.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Ayon. May date daw sila, pero hindi sinipot ng kuya mo. Hmm. Buti nga sa kanya." Nakangising sabi nito tapos umirap pa sa hangin. Maya-maya pa ay medyo natahimik na kami ng biglang....

"Hi, Bell..." May biglang nagsalita galing sa likod ko.

"OMG." Nanlalaki ang matang sabi ni Brigitte.

"Anong ginagawa nya dito?" Bulong naman ni Reggie. Inilingan lang sya ni Anna. Ako naman ay biglang nag-init ang ulo dahil sa pamilyar na boses.

"Ano ba, gusto mo ba talagang masuntok, RJ?!" Malakas at galit kong sabi.

"Ikaw si RJ?" Sabay-sabay na tanong nilang tatlo kaya napalingon ako sa kanila habang nagtataka.

"Oo, sya si RJ." Kunot-noo kong sagot.

"Ehh, si Romeo Sanchez yan, ehh." Sabi naman ni Reggie.

"Oo nga. Sya nga si RJ." Naguguluhan ko paring sabi.

"Sya ang captain ng Whites. Sila yung kalaban nating school sa interhigh. Sila yung nanalo last year." Sabat naman ni Brigitte. Lumingon ako kay Romeo at nagtanong.

"So, last year ka pa nandito?" Tanong ko naman sa kanya.

"Bell, let me explain." Sabi nya at isang tango lang ang isinagot ko. "Ganito kasi yun. Last year pa ako nakabalik, pero hindi pa ako nakakabisita sa Leyte kasi masyado akong busy sa basketball at sa studies ko. Bell, I'm sorry. Alam kong mali ko iyon, pero pinagsisisihan ko na———" Napatigil sya sa pagsasalita ng biglang tumunog ang telepono ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakitang si Kuya iyon.

"Hello?"

"Bell, Umuwi ka na. May pag-uusapan tayo ngayon."

"Ok———" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng biglang patayan na ako nito. Agad kong kinuha ang mga gamit ko at akmang aalis na ng may pumigil sa braso ko.

"Bell, saan ka pupunta? Hindi pa ako tapo———"

"Bitawan mo sya!!" Biglang may sumigaw at nang lingonin ko iyon ay si Devin pala iyon. Seryosong-seryoso ito at nang makalapit sya ay kinuha nya ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Romeo.

"Ano bang problema mo?" Tanong ni Romeo.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko."

"Bakit mo ba ako pinapakialaman? Ano bang koneksyon ko sa girlfriend ko?"

"Ex ka na. Ako na ang mahal nya." Proud na sabi ni Sensui. Napakunot naman ang noo ni Romeo at tumingin sa akin. Napabuntong-hininga ako at nauna nang umalis.

'Parang mga bata. Bahala kayo dyan.'

- To Be Continued -

(Thu, August 5, 2021)

Siguiente capítulo