Chapter 17
- Arabella's POV -
"So, ganon nga po. At kaya po hindi nyo pa alam kasi, ayaw pa ni Kuya." Pagtatapos ko sa pagpapaliwanag sa kanila. Gulat parin sila habang ang apat naman ay komportable lang ang pagkakaupo sa may tabi ko.
"Ehh, sino naman ang tatlo na to?" Biglang tanong ni Dad habang nakatingin sa tatlo.
"I'm Chase Justin Romero. The Chef." Pagpapakilala nya.
"I'm Chandler James Romero. The handsome." Pagpapakilala naman ni kuya Chandler na ikinangiwi ko.
"Ikaw?" Tanong ni Tita Made.
"Po? Bestfriend lang po ako ni Billy." Sabi ni Ryan at nagtago sa likod ni Kuya.
"Na-check ka na ba ni Doc. Jameson?" Tanong sa akin ni kuya.
"Hmm." Nakangiti akong tumango sa kanya. Dahil may trush issue ata ang kuya ko ay chineck nya parin ako kahit sinasabi ko nang na-check na ako.
"May shift ka ba, kuya?" Tanong ko.
"Wala."
"Ehh, bakit nakaganyan ka?" Tanong ko pa ulit.
"Ganito na talaga yung suot ko noong susunduin kita kanina." Sabi nya tapos biglang humarap kay Ryan at pinatalikod ito. "Tigil-tigilan mo nga kakatingin sa kapatid ko." Sabi nya bigla kaya agad akong natawa.
"Hindi naman ako nakatingin kay Bell, ahh?" Reklamo nya.
"Si Bell lang ba ang kapatid kong nandito?" Tanong nya tapos hindi pa nakuntento. Binatukan nya pa si Ryan at ng humarap ay lumingon kay Heaven at Tita Made. "Sorry po, tita. Wag mo nyo nalang pong pansinin yan." Sabi nito kuya ng nakangiti tapos bigla din ulit sumiryoso.
"Manuel, aalis muna ako. Baka gising na si Martin." Sabi bigla ni Tita. "Pagaling ka, Bell." Nakangiting sabi nya tapos hinawakan ang balikat ko bago lumabas. Kami nalang tuloy ang naiwan doon.
"So, you're a doctor now?" Tanong ni Dad kay Kuya.
"Yeah. At first, I really want to become a businessman but I think being a doctor is easier." Mayabang nyang sabi.
"Ang yabang! Under naman." Sabi ko kaya sinamaan nya ako ng tingin.
"May girlfriend ka na?" Tanong ni Dad.
"Yeah." Nakangiting sabi ni Kuya. "She's wonderful. She can handle me." Nakangiti paring sabi ni Kuya tapos napansin nya din atang nakatingin lang sa kanya si Heaven. "You know, Bell already said to us that you're beautiful. But, it hits different when you're in front of me." Nakangiting sabi pa nya.
"Yeah! She really is beautiful! Ryan seems like he saw an angel." Sabi pa ni Kuya Chase.
"Bakit dinadamay mo pa ako? Ang sakit kaya ng batok ni Billy sa akin." Reklamo nanaman nya.
"Tumigil na nga kayo, nandito kaya si Dad." Natatawang sabi ko. Naupo si Kuya sa tabi ni Heaven at ngumiti.
"I'm so happy that I meet you now." Nakangiting sabi ni Kuya. "At first, I only searching for my only sister. But now, I have two beautiful sisters." Nakangiting sabi nya.
"And, cute brother." Dagdag ko. "Hindi mo pa kaya nakikita si Martin. Paniguradong panggigigilan mo yon. Kung kami nga, pinanggigigilan mo. Ayon pa kayang cute." Natatawang sabi ko.
"Ahm... Dad, I just want to ask." Biglang sabi ni Kuya.
"Are you planning to change Arabella's surname?"
"No, why?"
"Ahh. It's nothing." Nakangiting sabi ni kuya tapos lumingon sa akin. Makalipas ang ilang segondo ay nagpaalam si Dad na aalis muna at bibili ng pagkain. Sumama naman sa kanya yung tatlo kaya naiwan na kaming tatlo doon sa loob ng kwarto.
"How are you Bell?" Tanong sa akin ni Heaven.
"Ok na. Daplis lang naman to, ehh." Nakangiti kong sabi.
"Daplis lang, ha? Gusto mong dagdagan ko pa yan?" Masungit na sabi ni Kuya.
"Kuya naman?" Sabi ko at tinakpan ang sugat ko at bahagyang tumagilid.
- Heaven's POV -
Paglabas ko ay bigla kaming nagkasalubong ni Ryan. Ngumiti sya kaya ngumiti nalang din ako sa kanya.
"Uuwi ka na?" Tanong nya. Nakangiti naman akong tumango sa kanya.
"Yeah..." Nakangiti ko paring sagot.
"Let's go." Sabi nya tapos tango lang ang isinagot ko sa kanya.
"Matagal na ba kayong magkakilala ni Arabella?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.
"Hindi naman. Nauna lang akong makilala sya kasi nagkabanggaan kami noong pumunta ako sa school nyo. And, nakita ko pa syang binully nila Devin." Sabi nya kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Can I ask a favor?" Sabi ko sa kanya.
"What is it?"
"Pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit parang ayaw nila tayong paglapitin?"
"Ahh... Yon ba? It's a long story." Biglang nagbago ang aura nya at biglang naging tahimik.
"Hindi ko ba talaga pwedeng malaman?" Tanong ko pa sa kanya.
"It is not that. It's just... I really don't want to tell you why." Sabi nya at pilit na ngumiti sa akin.
"Ahh..." Mahinang sabi ko at parang nanghina. Hindi ko alam kung bakit parang naramdaman ko nanamang pparang trinaydor ako. Natahimik nalang kaming dalawa sa loob ng kotse nya habang nasa byahe kami.
"See you tomorrow." Sabi nya tapos pilit na ngumiti ulit.
"Ahm... Yeah." Sabi ko tapos pilit na ngumiti din sa kanya.
"Ohh, ngayon ka lang?" Tanong ni Mommy ng makapasok ako ng bahay.
"Kinausap pa po kasi ako nila."
"Ahm... Ok." Sabi ko tapos nagpaalam na ako sa kanya dahil inaantok na ako.
"Ohh. Ngayon ka lang?" Tanong ni Dad ng makasalubong nya ako.
"Nag-usap pa po kasi kami, dad." Sabi ko.
"Ahh... Sige, magpahinga ka na." Sabi nya tapos yumakap muna sa akin tapos pumasok na ako sa kwarto para mag-haft bath at matulog na.
- Devin's POV -
"So, tayo nalang talaga ang gagawa nito?" Tanong ni Reggie kinabukasan. Nasa school kami at wala kaming choice kung hindi ang gawin iyon.
"Oo nga." Sagot sa kanya ni Brigitte.
"I think, we need to have multiple tasks. Para mas mapabilis pa ang paggawa natin." Sabi naman ni Noah.
"Yeah. Noah is right." Sabat naman ni Levi.
"Let's go, guys. Tapusin na natin ang project na to agad." Sabi ko at tumayo na sa pagkakaupo ko.
"Oo nga." Sabi nila. Gumawa na kaming lahat at nang makalipas ang ilang oras ay natapos na namin lahat.
"Grabe, miss ko na agad si Bell. Iba talaga kapag sanay kang kasama yung tao, no?" Biglang sabi ni Brigitte ng papunta na kami ng parking lot.
"Oo nga. Sana gumaling na agad sya." Sabi naman ni Reggie.
"Puntahan kaya natin sya?" Biglang sabi ni Anna. Sumang-ayon naman kaming lahat sa kanya. Sabay-sabay kaming pumunta sa ospital at halata ang excitement sa mga babaeng kasama namin. At kay Reggie. Shempre ako din.
"Hi, Bell!!!" Mabilis nilang sabi ng makapasok kami. Naroon si Heaven at parang nag-uusap sila pero agad din syang umalis ng makapasok kaming lahat dito sa kwarto.
"Hi, Bell. How are you?" Tanong ni Noah sa kanya.
"Ok naman." Nakangiting sagot nya.
"Bell, sorry, ha? Wala kaming dalang pagkain or prutas. Galing pa kasi kami ng school dumiretso nalang kami dito." Sabi ni Brigitte.
"Naku, ok lang yun. Mabuti nga pinuntahan nyo ako dito, ehh." Sabi nya tapos nagyakap silang lima habang kaming tatlo ay pinapanood lang sila. Wala kasi si Kyle, hindi sya nakasama kasi sinamahan nyang mag-pa-check-up si Manang.
"Kelan ka na makakalabas, Bell?" Tanong nanaman ni Brigitte.
"Ahh, next week pa. Kailangan pa kasing gumaling ng sugat ko bago ako makalabas." Sagot ni Taguro.
"Namiss ka namin, Bell." Sabi ni Anna.
"Namiss ko din kayo." Nakangiting sabi nya.
"May iba pa kayang nakamiss sayo." Sabi bigla ni Reggie at mapanuksong tumingin sa akin.
"Huh? Sino?" Nakangiting tanong ni Bell.
"Ayy, hindi nya nagets?" Nakangiwing sabi ni Reggie.
"Ang ano ba?" Natatawang tanong ni Bell.
"Ano ba yan, ang slow naman ng kaibigan natin." Biglang sabat ni Brigitte.
"Naku, kayo talaga kung ano-ano sinasabi nyo dyan. Sige na, uuwi na kami, Bell. Para makapagpahinga ka." Sabi ni Anna.
"Ahh, Bell?" Bigla kong sabi.
"Hmm?" Nakangiti nyang tanong.
"Get well soon." Sabi ko tapos ngumiti sa kanya.
"Salamat." Nakangiti paring sabi nya.
"Oyy!!" Biglang umingay ang loob ng kwarto ni Taguro dahil biglang nang-asar ang mga kasama namin.
"Naku, tumigil na nga kayo." Sabi ni Bell tapos kumaway sa amin bago kami lumabas.
"Bye, Bell!!" Sigaw namin tapos sabay-sabay kaming umalis ng kwarto nya.
- Arabella's POV -
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nang tignan ko iyon ay si Heaven iyon at may dala itong pagkain.
"How are you?" Tanong nya.
"Ok na." Sabi ko tapos ngumiti.
"I want to say thank you. You almost d*e that time and I'm sorry because I didn't help you. It's just that I'm in shock that time---"
"You don't need to explain, Heaven." Sabi nya habang nakangiti. "Hindi mo naman kasalanan na may mga taong ganon. Tyaka, hindi mo naman ginusto yung nangyari kaya wag mo nang sisihin ang sarili mo." Nakangiting sabi ko. Ngumiti naman sya sa akin.
"By the way, how did you meet kuya Billy?" Biglang tanong nya.
"Ahh... Na-meet ko sya kasi hinahanap nila ako noon sa school natin. Sakto namang nagkita kami ni Ryan at pinakilala nya ako sa kanila. Tapos doon na nila ako tinanong." Sagot ko sa kanya.
"Ahh..." Tumatango-tangong sabi nya. "So, nauna mong nakilala si Ryan?" Tanong nya pa ulit.
"Ahh... Mga isang linggo muna bago ko nakilala sila kuya." Sagot ko ulit. Tumango-tango ulit sya sa akin. "May gusto ka ba kay Ryan?" Diretso kong tanong sa kanya. Halata namang nagulat sya sa akin.
"I... Don't... Know..." Mahinang sagot nya.
"Heaven, sinsabihan ko na si Kuya about dyan. Kahit sya, tutol din sya kay Ryan." Sabi ko na ikinalito nya.
"Why??" Naguguluhang tanong nya.
"Heaven, wala pang babaeng sineseryoso si Ryan. Babaero sya, hindi lumilipas ang isang linggo ng hindi sya nakakapagpalit ng girlfriend. Heaven, pinoprotektahan ka lang namin ni kuya kasi ayaw ka naming masaktan." Paliwanag nya.
"Pero---" hindi na sya nakasagot ng biglang bumukas ang pinto at dumating sila Brigitte. "Uuwi na ako." Sabi bya tapos lumabas na ng kwarto ko.
- To Be Continued -
(Sun, July 18, 2021)