webnovel

CHAPTER 19: HIS BRIDE, HINTS, WHAT'S THE TRUTH?

Pagkalabas namin ni Maxson ay may mga nag-uusap na patungkol sa gaganaping kasal ni Captain Chen at ng mapapangasawa niya.

Napakagat naman ako sa labi.

Ikakasal siya na alam ng lahat. Samantalang si Mira...

"Argh, bakit ba ako naiinis?" Bulong ko.

"Hahaha Nyssa, mukhang nasisiraan ka na ng bait. At saka, sigurado ka ba na maglalakad lakad tayo ngayon? You're sick." Sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

"Tsk. Kelan ka pa naging concern sa akin? Isa pa, kakasabi ko lang na kapag natulog o nagpahinga pa ako ng madaming oras, baka lalo lang akong magkasakit." Sagot ko saka inunahan siya sa paglalakad. Hinabol niya naman ako at inakbayan.

"This is our last day. I want to enjoy it." Aniya

"Edi mag enjoy ka. I never told you that you should stick with me today." Masungit na sabi ko saka tinanggal ang braso niya sa balikat ko.

Natawa naman siya. Halos di na makita ang mata niya habang tumatawa.

"Ano bang nakakatawa?" Kunot noong tanong ko tsaka tinalikuran siya.

"I really like your personality, Mira. Paano mo nagagawang mag sungit habang putlang putla ka na? At oo hindi mo nga sinabi na I should accompany you pero ayoko din namang bumigay ang katawan mo dyan. Your parents will kill me."

Kinapitan niya ako sa braso saka inilapit ako sa kaniya at dinala sa kung saan saan. Pumunta kami sa mga stalls at kumain ng kung ano ano. Bumili din siya ng mga souvenirs at mga bagay na walang kwenta. Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod sa kaniya. Sa tuwing gagawa siya ng mga bagay na nakakahiya ay agad naman akong tatakas sa kaniya at mapapasabi na lamang ng... "Hindi ko po siya kilala."

Agad niya din akong nahahanap at pupunta na naman kami sa mga building na nakita niya. Sa totoo lang, nakakapagod pero minsan ko lang madatnan ang ganitong side ni Maxson.

Puro kabastusan at babae lang kasi ang kadalasan kong nakikita.

Nagulat ako ng bigla niyang ihagis sa akin ang kimono na agad bumagsak sa ulo ko. Magrereklamo na sana ako pero wala na siya at mukhang nasa loob na ng dressing room. Napangiti na lamang ang babaeng seller.

Tinignan ko ang kimono na hinagis niya sa akin. Maganda iyon at napaka tradisyonal. Kulay puti iyon na may itim sa laylayan ng sleeves, na may mga bulaklak na disenyo na kulay itim din.

"Gusto mo po bang isukat?" Tanong ng babae.

Napakurap ako at napatingin sa kadalasan kong suot. Isang dress na hapit na hapit sa akin. Kung makikita ako ng ibang tao, malamang medyo iba ang magiging impresyon nila sa akin. Sabi nga ni Maxson minsan, napaka sexy ko tignan palagi. Syempre noong sinabi niya iyon, nakatikim siya ng malakas na sipa sa alaga niya at malakas na... "Bastos!".

Alam ko na medyo revealing din minsan ang suot ko at sexy, pero hindi naman ibig sabihin noon ay nag wewelcome ako ng mga lalake para bastusin ako. Nasanay lang talaga ako na ganito ang suot ko.

Balik tayo sa kimono na hawak ko ngayon. Tingin ko, hindi na masama na mag try naman ako ng bagay na bago sa akin.

Tumayo ako at pumunta sa isang dressing room. Tinawag ko ang babae para tulungan akong magsuot ng kimono. Wala pang ilang minuto ay lumabas na kami at nakita ko din na nasa labas na din si Maxson na nakasuot ng kimono na kulay asul na may mga disenyo rin na mga bulaklak. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Bagay sayo!" Aniya.

"S-Salamat." Sagot ko lang.

Binayaran na ni Maxson ang mga suot namin at hindi ko alam kung bakit niya ako nilibre. Pero di bale na, mayaman naman siya.

Lumabas na kami at kung saan-saan na naman pumunta. Pumunta kami sa isang stall at nakita ang iba't ibang mga panali. May mga hair clips din na napakaganda ng mga disenyo. Napansin ko ang pulang tassel hair rope na nasa tabi at binili iyon.

"Woah! Maganda yan. Dali, ako maglalagay." Sambit ni Maxson na kinuha ang pulang tassel hair rope. Inayos niya ang buhok ko at ikinabit ang panali.

"Hindi mo sinabi na magaling ka pala sa ganito, Maxson." Sambit ko. Natawa naman siya.

"I used to tie my mom's hair. Isa na iyon sa bonding namin. Kaya natuto na din ako." Aniya

Muntik ko ng isipin na tagilid ka, Maxson. Pasensya na.

"A-Ah."

"Hoy, bat parang natatawa ka?" Tanong niya saka tinapos na ang pagtali sa buhok saka sinilip ang mukha ko. Dahil medyo malapit siya ay agad kong dinakma ang mukha niya at inilayo sa akin.

"Salamat." Sabi ko na lang.

Hinawakan niya ang mukha niya saka napabusangot pero ngumisi din siya at nagpatuloy ulit kami sa paglilibot. Natapos ang paglilibot namin, limang minuto bago mag alas dose ng tanghali. Habang naglalakad ay may dumaang carriage na kulay pula. Patungo iyon sa direksyon ng bahay ng Chen Clan. May mga kasama ding nasa parade. Napakunot ang noo ko sa mga suot nila at sa flag na hawak ng isa sa mga nakasakay sa kabayo.

Nanlaki ang mata ko.

That flag...

"Hong Clan." Sambit ko.

Napalingon ako sa tabi ko at nakita na nakatingin sa akin si Maxson. Yung ekspresyon na iyon... May nalaman ba siya na hindi ko nalaman?

Hinila niya na ako paalis at bumalik kami sa hotel. Nagpahinga na kami at tumambay muna sa living room kasama ang duchess. May kasama naman siyang dalawang lalaki. Yung isa ay iyong yumakap sa akin at iyong isa ay hindi ko kilala. Parehas silang nakatingin sa akin ng hindi ko maintindihan.

Tumango lamang ako.

"Mm, balita ko ay ikakasal na ang isa sa mga captain. Si Captain Zeid, tama?" Pangungumpirma ng duchess. Sa akin siya nakatingin kaya naman wala akong nagawa kundi magalang na sumagot.

"Iyon po ang balita ko. Nakita din namin kanina ang parade at mukhang iyon ang karwahe ng babaeng papakasalan niya. Galing sa Hong Clan." Sagot ko.

Napataas siya ng kilay saka ngumiti sa akin.

"Alam mo ang Hong Clan?"

Napangiti din ako.

"Nitong mga nakaraan na araw ko lang po nalaman. Sinabi sa akin ng kakilala kong lieutenant." Sagot ko naman. Pero hindi kasali doon na alam ko din ang tungkol sa flag nila.

"Kung ganoon, anong plano mo?" Tanong niya saka mahinhing humigop ng tea sa cup. Diretsa siyang nakatingin sa akin at hinihintay ang magiging sagot ko.

Napatitig ako sa kaniya ng ilang segundo. Pinoproseso ang sinabi niya sa utak ko. Saka ako ngumiti at tumingin sa labas.

"Anong ibig sabihin... ng tanong na yan?"

"Nakadepende sayo ang sagot at aksyon." Inilapag niya ang cup sa ibabaw ng platito at tumayo. "Kung wala kang aksyon na gagawin, hindi mo makukuha ang sagot na gusto mong marinig. Ngunit bukod pa doon... hindi mo siya maililigtas." May bahid ng mapanganib na awra ang mga salita ng duchess. Saka siya umalis. Sumunod naman ang dalawang kasama niya. Ang isa ay lumingon pa sa akin, pakiwari ko ay may gusto siyang gawin pero umiling na lamang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Duchess...

Tumayo na din ako at napansin na wala na si Maxson. Hindi ko na siya hinanap at dumiretso sa kwarto ko. Napansin ko naman ang sobre sa ibabaw ng mesa. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Kulay puti iyon at may pulang seal. Inilabas ko ang letter sa loob at binasa.

It's an invitation letter.

"Sa kasal nila..." Tinignan ko ang oras at napansin na magsisimula na sila sa seremonyas. Alas 12 kasi ang kasal nila.

Napatingin ako sa salamin at nakita ang sarili ko.

Ito na ang oras para kumpirmahin ang tungkol sa mga alaala. Pero... hindi lang iyon. Para bang may masamang mangyayare ngayon.

Naalala ko ang sinabi ng duchess.

Hindi ko siya maililigtas kung wala akong aksyon na gagawin. Kung sinabi niya iyon, maaaring nasa panganib si Captain Chen o malalagay siya sa panganib. Pero hindi lamang iyon. Kung may mangyayare man ngayong masama, maraming madadamay na iba.

Kinuha ko ang energy stone ko at tinawagan si Maxson. Sinagot niya naman iyon agad.

"Maxson, saan ka nagpunta?" Tanong ko.

"Kung saan ka papunta ngayon." Sagot niya na ikinakunot ng noo ko.

"Ibig mong sabihin, sa--"

"Oo. Marami din akong iniisip na bagay. Sabihin na nating mayroon kang napaka interesadong buhay, Nyssa. Tulad mo, curious din ako. Kaya naman... tutulungan kita." Sambit niya sa kabilang linya. Napakagat ako ng labi.

"Maxson, th--"

"Save that for later. I'll be your shadow, kaya naman dumiretso ka na doon at kumpirmahin o magtanong ka sa mga bagay na naguguluhan ka. Nyssa..."

Hindi ako sumagot at tumango lang kahit na hindi niya ko nakikita.

"Don't die." Aniya saka nawala na ang ilaw sa energy stone. Mahigpit ko namang hinawakan ang energy stone at determinadong tumingin sa sarili ko mula sa salamin.

I'll get an answer. This time.

"I won't die. Stupid." Sambit ko saka kinuha ang panyo at tinanggal ang lipstick ko. Inayos ko ang mukha ko at ang tali ko saka ang kimono ko.

Matapos iyon ay nagmadali akong lumabas at pumunta na sa direksyon ng bahay ng mga Chen.

Inilagay ko sa dibdib ko ang kamay ko.

Mira...

Siguiente capítulo