webnovel

CHAPTER 14: UNEXPECTED VISITORS

Nagsimula na nga ang hinihintay ng lahat. Sa bawat district sa Hiyosko at mga nayon sa labas ay mayroong malaking tila mga screen na gawa sa spiritual energy o magic spells. Kung saan ay maaaring manuod ang mga tao kahit na wala sila sa arena.

Ang mga espesyal na bisita ay naroroon na din at nakaupo na sa kanilang mga upuan. Habang ang mga captains at ibang lieutenants ay nakaupo na din sa mga upuan nila. Sa kabilang dako ay naroon ang mga magsusulit. Lahat sila ay naghahanda na para sa kanilang mga torno.

May dalawang rule lamang ang pagsusulit. Iyon ay ang huwag kang papatay at pasukuin mo lamang ang kalaban mo.

Maaaring pumili ang mga bisita ng isa o dalawang magsusulit na nagustuhan nila at walang magagawa ang mga captains kung hindi ay tanggapin ang mga iyon sa squads nila. Ang mga napili ng mga bisita ay may tiyansang pumili ng squad na gusto nilang pasukan. Ngunit kung matapos ang buwan o taon at hindi na-satisfy ang captains sa trabaho nila, may karapatan ang mga captains na ilipat sila sa mga squad kung saan sila mas babagay.

Ang mga napili naman ng mga captains ay otomatikong pasok sa squad. Ngunit tulad din ng mga napili ng mga bisita, hindi sila dapat makampante. Dahil maaari rin silang mailipat sa ibang squad. Pero wala pa namang nangyayareng ganoon sa mga nagdaang dekada.

"Hayyy pwede bang pass muna?" Tanong ni Captain Masashi saka humikab.

"Anong pass?" Tanong ni Captain Kiro saka tinignan siya.

"Pwede bang wag muna kaming pumili ng squad members ngayong taon? Wala akong nakikitang papasa sa akin." Aniya saka nangalumbaba.

"Captain Masashi, alam mo bang pakonti na lamang ang myembro ng squad 3? Napakatamad mo mag recruit, kahit na madami tayong aplikante na galing sa akademya, nakakalimutan mong aprobahan ang mga papeles nila. Pagkatapos malalaman ko na lang na may mga aplikante pala tayo matapos ang ilang buwan dahil sa sobrang dami mong files na dapat asikasuhin--" Hindi na natapos ang kakasalita ni Lieutenant Arla ng takpan ni Eisha ang bibig niya at hilahin palayo kay Captain Masashi.

Napailing na lamang ang ibang mga captain sa katamaran ni Masashi.

"Panahon na siguro para i-disband ang squad 3. Ano sa tingin mo Captain Masashi?" Nakangiting tanong ni Captain Xu. Ngiting halatang anumang oras ay may mangyayareng trahedya.

Pinagpawisan naman si Captain Masashi saka nagpeke ng tawa.

"Hayyy~ Mukhang madami yata akong irerecruit ngayon! Ha-ha-ha!" Captain Masashi, saka nagpokus na sa panunuod ng unang laban.

Napairap na lamang si Arla habang nakangisi si Ren, Eisha at Leigh.

Umabot ng isang oras ay paunti-unti ring sumisigla ang mga manunuod.

"Mukhang madaming magagaling ngayong taon ah." Puna ni Captain Xu saka tumingin kay Captain Kiro na napatango lamang.

"Mas magaling pa din si Lieutenant Arla." Sambit ni Captain Masashi na agad namang napalo ng pamaypay sa ulo ni Arla.

"May proper training ako, Captain. Wag mong ikumpara ang kakayahan ko sa kanila."

"Bahh ba't ba ang sungit mo?"

"Anong sabi mo--" Arla, agad siyang hinila ni Eisha sa malayo upang hindi niya mabatukan ang Captain niya. Napailing na lamang ang ibang captain at lieutenant.

"At ngayon nga ay tapos na ang laban, ang nanalo ay si...." MC

"Hindi ko gusto ang awra ng nanalong yan." Sambit ni Captain Kei saka napatingin sa Lieutenant niya na agad namang tumango bilang pagsang ayon din sa litanya niya.

"Parang pamilyar. Kaso... nakamaskara. Hindi ko makita ng maa--" Hindi natapos ni Eisha ang sasabihin niya ng humangin at matanggal ang maskara ng lalaki.

"Yo." bati pa ng lalaki saka inangat ang kamay sa pwesto ng mga captains at lieutenant.

"Janzen.." Halatang may galit sa boses ni Captain Zeid pero nagawa niya pa ding kumalma.

Ang tungkol sa nangyare noon sa Poz ay nanatiling pribado. Kaya naman ang kumikilos lang ay ang mga inatasan sa squad 7. Ang squad 7 ang kadalasang naaatasan sa mga kumplikadong case tulad ng kay Kaito at Janzen. Dahil nga may koneksyon sila sa pagkamatay ni Mira, napagtanto ng squad captains na maaaring konektado din sila sa ibang bagay tulad ng sulat noon kay Mira at maaari ding konektado sila sa mga halimaw na nanggugulo noon sa mga nayon. Marami pa silang hindi alam kaya naman kaunti lamang ang nakakaalam na wanted sina Janzen at Kaizon. Tanging squad 7 lamang ang kumikilos sa anino.

"Kung nandito si Janzen, baka nandito din si Kaito." Sambit ni Captain Kiro saka tumingin tingin sa paligid. Napatingin naman siya sa pwesto ng mga bisita na hindi kalayuan sa kanila at nakita ang lalakeng kadarating lang. Nasa tabi na siya ng isa sa mga duchess. Ang duchess ng Vrandairo. Ngumisi siya at yumuko kay Captain Kiro bilang pagbati.

"Kaito." Bulalas niya na nagpalingon sa ibang captains. Napadako din ang tingin nila sa tinitignan ni Kiro saka nanlaki ang mata.

"Tawagan ang team A squad 7--" Sambit ni Captain Peira. Ang squad 7 captain.

Itinaas naman ni Zeid ang kamay niya para pahintuin si Captain Peira.

"Wag tayo gumawa ng gulo sa ngayon. We can capture them after this exam. Isa pa, this will be a bit difficult due to... tsk I guess they're both connected to the duchess of Vrandairo." Sambit ni Zeid na nagpabuntong hininga kay Captain Peira.

"Maghihintay tayo, kung ganoon." Captain Peira.

"Pero kailangan nating maging alerto. Kung nandito sila ay wala silang ihahatid na magandang balita." Seryosong sabi ni Captain Masashi na ngayon ay nakatutok na ang tingin sa bagong maglalaban.

"Lalaban kami kung kailangan." Sambit ni Ren.

Hindi na sumagot ang iba at naging mas alerto. Hindi man nila pinapahalata ngunit lahat sila ay nagbabantay sa kilos ng dalawa.

Ilang labanan pa ang nangyare at natapos na din sa wakas. Nagtipon-tipon ang lahat ng magkakasama sa mga squads at nagbigay ng instructions ang mga captains kung kelan sila dapat lumipat sa Hiyosko o kaya ay kung kelan sila dapat magsimulang magtrabaho sa squad. Ang mga lieutenants naman ay binabati ang mga bagong myembro ng squads ngunit tulad ng sinabi sa kanila ng mga captain nila, hindi nila dapat ilayo ang attention kay Janzen at Kaito.

Ang mga bisita naman ay mayroong dalawang araw upang mag stay sa Hiyosko. Lahat sila ay nasa iisang hotel lamang at may mga myembro ng squad 4 ang nakabantay sa hotel na iyon.

"Sire, Gusto mo bang bumalik na kaagad sa White City? Ipapahanda ko kaagad ang karwahe para sayo." Sambit ng babae na nakasuot ng mahabang dress na hanggang binti niya at hapit sa katawan na talaga namang nagpalabas ng magandang kurba niya.

Ngumiti naman ang lalake at pinagmasdan siya. Halata sa mata nito na gusto niya ang nakikita niya.

"Gusto ko pang mag enjoy dito. Isa pa... hindi ba't sabi mo, nandito ang pamilya mo? Bakit hindi mo sila bisitahin?" Tanong ng lalake saka tumayo at lumapit sa babae. Hinawakan niya ang bewang ng babae na hindi man lang umatras o kumurap.

"Gusto mong bisitahin ko sila?" Pag kumpira ng babae saka itinaas ang kilay.

"Ayaw mo ba?"

Ngumisi naman ang babae saka umatras na.

"Kung ganoon... Oras na pala para bisitahin ko sila." Tinignan niya ang lalake sa mata saka ngumiti. "Maglilibot muna ako. Maiwan na muna kita, sire. May babaeng gustong bumisita sayo." Dagdag pa ng babae saka lumabas na sa kwarto. May babae naman na naghihintay sa labas. Nakasuot ito ng dress na hanggang sa ibaba lamang ng pwet niya at hapit na hapit dito ang suot niya. May mga porseras ito at mahabang hikaw na talaga namang bumagay dito. Mapula ang labi nito at nakangiti ito ng malaki sa kaniya.

"You may go inside." She winked towards the woman before she went off.

Naglalakad naman papunta sa daan ang mga captains, papunta sa kung saang lugar nila gusto. Sina Captain Zeid, Masashi, Xu, Lieutenant Eisha at Ren ay naglalakad papunta sa quarter ng Captain-Commander upang mag report ng tungkol kay Janzen at Kaito.

Nang paliko sila ay may bigla na lamang sumigaw kaya naman napatingin sila sa pinanggagalingan noon. May batang babae at dalaga na hawak hawak ng isang malaking halimaw.

"Paano nakapasok yan?!" Nagtatakang tanong ni Lieutenant Ren na agad namang hinugot ang espada.

Nagkagulo na ang lahat at tumakbo palayo sa halimaw. Habang ang dalawang lieutenant ay tumakbo palapit sa halimaw upang patayin iyon.

Naghihiyaw sa sakit ang mga nasa kamay ng halimaw dahil na rin sa pagpiga nito sa mga katawan nila.

"Ren!" Sigaw ni Eisha kaya naman tumango si Lieutenant Ren at agad na umatake sa ilalim. Habang si Lieutenant Eisha naman ay tumalon paitaas.

Naabot ng mga espada nila ang katawan ng halimaw ngunit napadaing na lamang sila dahil sa matigas nitong katawan. Lumayo sila kaagad.

"Matigas ang katawan niya! Mukhang mataas na level ang halimaw to." Sambit ni Eisha.

"AHHHH!" Malakas na tili ng dalawang nahuli ng halimaw.

Agad namang kumilos ang mga captain upang umatake sa halimaw. Sabay sabay silang umatake habang iniiwasan na matamaan ang mga hawak ng halimaw. Nagawa nilang sugatan ang halimaw na dahilan upang pigain nito lalo ang mga hawak nitong tao.

"Captain!" Sigaw ni Lieutenant Ren kaya naman mabilis na tumakbo si Captain Zeid sa halimaw. Ngunit bago pa man niya matamaan ang halimaw ay may kung anong dumaan sa itaas ng halimaw na dahilan ng pagkahati nito sa dalawa.

Napahinto si Captain Zeid at napatingin sa taong yun. Nang bumagsak ang halimaw ay lumitaw ang pigura ng isang tao. Hawak nito ang espadang may dugo ng halimaw at direkta itong nakatingin sa kaniya.

"Pasensya na sa biglaang pangingialam ko sa laban. Kayo na ang bahala sa dalawang sugatan." Aniya saka tila rumampa pa paalis.

Nanlalaki naman ang mata ni Captain Zeid habang nakatingin sa palayong tao na iyon.

"Ha--"

HATAKE... MIRA.. Sigaw ng isip niya.

Siguiente capítulo