webnovel

CHAPTER 10: LEAD?

Lagot! Lagot! Lagot!

H-hindi ko naisip na sa lahat ng oras, kailangan naming asahan ang isa't isa!

Pero...

HINDI GANITO!!!!

"Kaito... Kapag sumilip ka, kahit na gusto mong makita ang kapatid mo, tatapusin ko ang buhay mo at ako na lang ang maghahanap sa kaniya." Banta ko sa kabilang banda. Nasa pagitan kasi namin ang malaking bato na mas mataas pa sa aming dalawa. (Kaya nga malaki diba?)

Nasa ilog kami ngayon para maligo. Dahil nga kanina ay may na encounter na naman kaming halimaw at medyo naging intense ang labanan (pagtakas na din) kaya kami naging ganoon kadumi.

Hindi na bale, basta nakalayo na din kami at ayon sa mapa, malapit na kami sa lugar kung saan nadispatch ang squad ni Eisha noon.

Balik nga sa sinabi ko kanina, naliligo kami sa ilog. Naisipan naming hindi masyadong lumayo sa isa't isa lalo pa't hindi ganoon kalakas ang team namin.

"Wag kang mag alala, Mira. Hindi naman ako madidissapoint kapag nakita ki-- Aray! Aray! T-teka--Biro lang!" Aniya sabay napahiyaw sa sakit dahil binato ko lang naman siya mula sa taas ng madaming bato.

"Wag na wag mong susubukan, Kaito." Banta ko ulit at nagpatuloy na sa pagligo. Matapos kong maligo ay kinuha ko na ang kimono ko at nagbihis sa loob ng tent ko kahit na medyo masikip.

Alas singko na kaya naman nagluto na ako ng makakain namin. Syempre gamit ang fire spell ay nagpa-apoy ako. Wag na kayo magtaka kung saan nanggaling ang kaldero o ano pa man.

Kapag may alam kang mga basic spells, pagkatapos pinaghalo halo mo iyon---teka parang alchemy, makakagawa ka ng mga bagay na kailangan mo. *insert wink*

Yung hinuli naman kaninang isda ni Kaito at mga kinuha kong mga gulay sa paligid ay iniluto namin---marunong akong mag harvest ano! Isa pa... Kahit naman hindi ako magaling makipaglaban, may mga natutunan ako sa clan namin. Isa na doon ang kasabihang... "Kapag nagigipit, umisip ng malupit" HAHAHAHA!

Pffttt--

Walang kinalaman sa ginagawa ko ngayon. Ah, di bale na.

"Mmmm~ mukhang masarap yang niluluto mo ah." Rinig ko kaagad na sabi ni Kaito.

"Try mo tikman yung pinapakuluan pa lang na tubig, Kaito. Baka lasang masarap. Nyahaha!" Natatawa kong sabi saka nilagay na ang mga gulay.

Natawa na lang siya saka umupo sa bato.

Tinignan ko siya, saktong nakatingin din siya sa akin. Kita ko ang pagpatak ng kaunting tubig mula sa buhok niyang basa. Tapos nakabukas pa ang kimono niya! T-teka... K-kahit pala ganito lang to si Kaito, hindi payat ang katawan niya. May abs-- WAAAHH! NO NO NO!

I'm a married woman and he's my friend.

"May problema ba?" Nakangising tanong ni Kaito kaya umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagluluto.

Habang nagluluto ay nagkekwentuhan lang kami ng mga bagay bagay, mga impormasyon na nakuha namin sa Hashi na hindi pa namin nasabi sa isa't isa. Nang matapos na ako ay kumain na din kami.

"Pwede ba akong magtanong sa personal mong buhay?" Tanong ko.

Napakurap naman siya at tumingin sa akin. Saka ngumiti ng malaki.

"Interesado ka na?"

"Oo. Marami akong hindi alam sayo. Isa pa, alam ko namang madami kang tinatago saken." Sagot ko saka sumubo ng pakain.

Napangiti siya at inilapag ang wala ng laman na bowl sa tabi.

"Anong gusto mong itanong?"

Napahinto naman ako sa pagkain at inilapag din ang bowl sa tabi.

"Tungkol sa..."

---

KINABUKASAN

Napahikab ako at napatingin kay Kaito na kalmado lang na naglalakad.

"Ilang minuto na lang at makakarating na tayo sa lugar na yon, humanda ka na, Mira." Aniya saka tumingin din sa akin.

"Oo.." Sagot ko lang at agad na umiwas ng tingin.

Kailangan na naming makarating ng mabilis... Maraming posibilidad ang nasa harap namin. Maaaring wala na doon ang mga bangkay dahil may kumuha na nun. (Kung sakali mang may purpose ang kalaban na kung ano, at kung ang kalaban ay tao.) may posibilidad din na nakain na ng mga halimaw ang bangkay. Pero kung...kung nakaligtas ang kapatid ni Kaito o ang iba pa, malaki ang posibilidad na umalis sila at maglakbay, yun ay kung may healer silang kasama.

Napakaraming posibilidad, ngunit ano nga ba talaga ang nangyare?

Sana lang talaga mahanap namin ang kapatid niya at ang iba pang mga survivor, kung meron man.

"Papasok dyan sa gubat ay ang pinuntahan nila Eisha. Sa mga nakuha kong impormasyon, nag imbestiga sila dahil noong mga nakalipas na buwan hanggang sa kasalukuyan, dumarami ang mga halimaw na galing sa gubat na ito. Kaya naman gusto ko na mag ingat tayo." Kaito, he grip the hilt of his katana and nodded.

Tumango din ako at alerto naman kaming pumasok sa gubat. Habang naglalakad ay nagdadasal ako na sana makita namin ang kapatid niya kung sakali man na bangkay na siya. Pero syempre ipinagdadasal ko din na hindi yun ang nangyare at sa mas safe siyang lugar ngayon.

Kaso...

May iba talaga akong pakiramdam dito.

Nakarating kami sa lugar na sinasabi ni Kaito. May mga dugo sa paligid at may mga sandata pa na naiwan. I scanned the surroundings and found a few dead bodies. Nangangamoy sila dahil nga sa ilang araw na silang patay.

Agad kaming kumilos para tignan ang mga mukha nila at napagtanto naman namin na wala nga doon ang kapatid niya.

"Ilibing na muna natin sila bago tayo magpatuloy sa paghahanap sa kapatid ko." Sambit ni Kaito.

Tumango na lamang ako. Matapos naming mailibing lahat ay nagdasal muna kami bago chineck ang iba pang parte na maaaring pagtaguan o puntahan ng kapatid niya. Sa pagkakaalam ko, tatlo na lang silang nakabalik. Ibig sabihin, sa tatlong iyon, kasama si Eisha. Ang nailibing namin ay anim na bangkay. Yung kapatid lang ni Kaito ang wala. Pwedeng buhay pa siya at pwede ring hindi na. Depende sa sitwasyon niya ngayon na hindi namin kaagad malalaman.

"Kaito..."

Nginitian niya ako ng hindi abot sa mata niya saka inakbayan ako.

"Ayos lang ako. Gusto mo bang magpahinga?"

Umiling ako at napabuntong hininga saka kinuha ang kamay ni Kaito.

"I'll help you, whatever happens."

He looked at me, his eyes feels like it's trying to say something but he's trying not to say it verbally.

"K-kaito?"

Umiwas siya ng tingin at ginulo ang buhok ko.

"Kung ganoon, tara na. May iba akong pakiramdam sa lugar na to." Aniya

Chineck namin ang paligid. Dahil nga matagal na noong nangyare ang pagatake sa grupo ni Eisha, hindi ko na mahanap ang spiritual energy ng ibang umalis sa lugar na ito o kahit na anong tirang energy man lang ng kapatid ni Kaito.

Napakamot ako dahil sa inis dahil hindi man lang ako makakita ng hint. Not until I saw a dry blood na papunta sa isang daan. Ang daan naman na iyon ay ang route papuntang Poz village.

"Kaito! Halika na muna dito."

Agad siyang lumapit at tinuro ko naman ang mga dugo.

"Hindi ko alam kung dugo nga yan ng kapatid mo o kalaban. Hindi rin naman kasi natin alam kung tao o halimaw ang kalaban. Pero di bale na, ang rason dito ay... may nakita akong mga temporary barrier papers. Sa punong iyon at iyon.. Isa lang ang ibig sabihin noon.." Tinignan ko si Kaito.

Sumeryoso naman ang mukha niya.

"Ibig sabihin, tao ang may ari ng dugong yan." Aniya

"Tama. Pero may isa pa... Kung talagang kalaban ang may ari ng dugo na yan, hindi siya maglalagay ng temporary barrier papers. Dahil hindi siya tatakas sa laban. Masyado ng mabigat ang casualties sa parte nina Eisha kaya hindi magdadalawang isip na tumakas ang isa sa kanila gamit ang papers na iyon. Pero may posibilidad pa rin. Ang sa akin lang... take every possible step... We just have to be extremely careful when traveling to Poz." Paliwanag ko.

"Naiintindihan ko."

Napakuyom siya habang nakatingin sa malayo...

Kaito... Mahahanap din natin ang kapatid mo.

---

"Captain-Commander, aalis na po kami." Paalam ni Captain Xu saka yumuko ng kaunti. Ganoon din ang ginawa ng iba pang captains.

Tatlong captain ang naatasan sa labas ng syudad. Yun ay sina Xu, Kiro at Zeid na hindi nagdalawang isip na tanggapin ang misyon.

Lumabas na sila at sumakay sa mga kabayo nila.

"Waaah gusto ko din sumama~" Sambit ni Eisha saka parang batang nagpapadyak ng paa.

"Eisha, alam mo na gusto kitang isama. Ngunit may misyon ka pa." Sambit ni Captain Xu saka napabuntong hininga.

Natawa naman si Lieutenant Ren at hinampas hampas ng mahina ang likod ni Eisha na agad namang nagreklamo.

"Ako na bahala dito kay Eisha, Captain Xu. Isa pa, joint mission ang mangyayare kaya naman mapopokus ko ang atensyon ko sa kaniya. Wala kang dapat ipagalala."

"A-Ano? At sino namang matutuwa sa atensyon mo Ren, huh? Captainnnn~" Nagpapa cute na sabi ni Eisha pero umiling lang si Captain Xu.

"Ren, ikaw na muna ang bahala sa squad." Zeid

Sumaludo naman si Ren at kumindat.

"No problem!"

"Aalis na kami." Sambit ni Captain Kiro at nauna na sa pagpapatakbo ng kabayo niya.

Umalis na sila at tinungo ang daan palabas ng syudad. Habang nasa kabayo ay tumabi si Kiro kay Zeid.

"Buo na ba ang desisyon mo?" Tanong ni Captain Kiro. Diretso ang tingin niya sa daan pero ang tenga niya ay na kay Zeid.

"Saan?"

"Hindi mo na ba talaga hahanapin si Mira?"

Hindi naman umimik si Zeid. Hindi niya sinagot ang tanong hanggang sa makarating sila sa Hashi village.

"Hindi."

Siguiente capítulo