Nakaikot na sila ng upo sa damuhan. may mga tama na sila ng alak maliban lang kay Xam na juice ang iniinom.
"So, Ano nga nangyari? bakit kayo umalis" si Emerald na nakasandal na ang ulo sa balikat ni Luke.
Naniningkit na ang mga mata nito sa kalasingan
"I got accident months before we migrate" she tell to them the whole story except the main reason why she got accident as Jay's wished.
Nagugulat ang mga kaibigan nya sa mga salitang lumabas sa mga bibig nya. ang mga hindi naman nakakakilala sa kanila ng mga panahong yun ay nakikinig sa kinikwento ni Xam.
"Really!?" Gulat na tanong ni Clau habang nakakunot ang mga noo at makahulugang tumingin kay Xym.
" Bakit di man lang namin na laman na ganon na pala ang naangyari sayo?" Si Vaness. Nakasandal na rin ito sa balikat ni Gino habang nakatingin kay Xam.
She did not answered. Napalingon sya kay Gino ng magsalita ito bigla.
"Is he one of the reason?" tanong ni Gino. Seryoso na ang mga titig nito kay Xam ngayon.
She just shrugged and chose not to comment
"Who's he?" Bryan speaked
"Her ex--" sagot ni Emerald.
" By the way, Kamusta naman sa U.S?" Putol ni Clau sa sasabihin ni Em. May alanganing ngiti ito sa labi.
"We're fine there" sagot ni Xym bago uminom sa hawak na baso. "We do really fine" tumatango tango pa ito. More like convincing himself than others.
"It's good for the both of you" sagot ni Clau bago ito biglang tumayo "I'll just get some food" paalam nito sabay lakad ng mabilis akala mo ay may humahabol dito.
"Tapos? Anong nangyari bakit ganyan pa rin kalagayan mo?" nagaalangang wika ni Vianca "Sorry, no offense ha? I'm just curious"
"It's okay" she smiled slightly "Until now... I still don't have a donor"
"it must be hard for you to be in that situation" Si Vein. he has empathy in his voice.
He's already in his limit earlier but he still manage to listened to her story.
"Yeah...it's really hard at first" she shrugged "but I coped with it after months" she smiled "I already accepted my situation but I still hope that someday someone will be my donor" she has that positive view since she was little. "At isa pa nandyan naman ang pamilya ko para damayan at samahan ako sa madilim na yugto ng buhay ko."
That touched their hearts. Kahit ano talagang pagdaanan natin, pamilya pa rin ang laging nandyan para suportahan tayo sa pagbangon sa panibagong yugto ng buhay natin.
"It's good for you" Si Luke.
"Ang mahalaga ay nakauwi na kayo." umayos na ng pagkakaupo si Vianca "Let's bond more." masayang wika nito. "Cheersss"
Sabay-sabay nilang itinaas ang mga baso.
"Chheeers"
Maligayang sigaw nilang lahat saka sabay sabay na ininom ang laman ng baso hangang sa wala ng laman ang mga baso nila saka nagsi tawanan. Nagkanya kanya sila ng tayo at takbuhan pa-dive sa pool.
Hindi namam nakisali si Vein sa kabaliwan ng mga kaibigan nya. Naiwan syang katabi si Xam na umiinom ng Juice at may kinakaing Malaking Vcut.
"Xam?" Bigla nyang tawag dito sa gitna ng katahimikan nilang dalawa.
"Hmm?"She hummed while chewing some chips.
"Do you believe in Love at First Sight?"wala sa sariling tanong nya habang nakatingin sa mga kaibigang nagkakasayahan sa pool.
"I don't know"she shrugged "but Love is Love...there's no time and how in terms of love.Why?" Kalmadong sagot nito saka sumubo ulit ng chips.
"Just wondering"Napalingon sya dito"But do you already experienced it?"
"I don't know"she shrugged "I think not yet"
"Really? How about with your ex?"
That shocked her. Hindi kaagad sya nakasagot. Nahalata naman iyon ni Vein.
"Ow! I'm sorry. I didn't mean it" natataranta nitong sagot. "Sorry. Don't answer it if your not okay with it" Nagpakawala sya ng pilit na tawa para maibsan ang hiya nya.
"No, It's okay. You just shocked me"tumawa sya ng mahina" Actually, my ex and I know each other since I can't remember. Kaya sa tingin ko, hindi ko pa talaga na e-experience ang Love at First sight" pagkwekwento nya.
"Sorry for being nosy" tumawa sya ng mahina. At iniba ang usapan "By the way. Nasaan na ba ung kapatid mo? kanina pa yun wala ah." tanong nya ng mapansing walang Xym sa paligid.
"Di ba nandito pa yun kanina?"
"Kaya nga eh" lumingon-lumingon pa si Vein para mahanap si Xym
"Vein! Xam!" Tawag sa kanya ni Emerald na nasa gilid ng pool habang nakalubog sa pool. "Tara na dito! Bilis!" aya nito sa kanila
"Tara" aya ni Vein sa kanya.
"Ayoko kayo na lang" tangi nya
Hinawakan nito ang wrist nya "Tara na."Batak nito sa kanya patayi "Ako bahala sayo. Wala ka bang tiwala sa'kin?"
"Wow ha!" she chuckled " parang ang tagal na nating magkakilala kung mag kapag salita ah. Kakakilala ko lang sayo kanina, oy!"
Tinawanan lang iyon ni Vein
"Tara na kasi. Hindi naman kita pababayaan eh" pangungulit pa nito sa kanya "Saka pag pinabayaan kita. baka mapatay ako ng mga yun" tukoy nya sa mga kaibigan nila.
Tiningnan sya ng masama ni Xam. Natatawa naman sya. Buti na lang at hindi sya nakikita nito.
"Fine"
Tumayo na ito mag-isa saka nya nilapitan para alalayan ito. Good thing may dalang pamalit si Xam kaya pwede syang magbasa. Naka short at spagetti strap na sya ngayon.
"Be careful" alalay ni Vein kay Xam ng Malapit na sila sa hagdan ng pool.
Nauna syang bumaba sa unang baitang bago inalalayan si Xam pababa rin ng bawat steps. Xam shivered when she felt the cold water
"Wait lang" nasa last step na sila ngayon. Tumalikod sya saka kinuha ang mga kamay ni Xam at pinakapit ito sa mga balikat nya. He is topless now. "Hold tight" bilin nya bago lumangoy papunta sa gitna.
Xam and Vein are oblivious to their Friends' stares. They're enjoyed swimming too much. All the time they laugh to their own doings.
"Sobrang close na agad nila ah" Si Luke.
Nasa gilid na silang lahat habang pinagmamasdan ang dalawang naghaharutan sa gitna ng pool.
"Kaya nga eh" Via said before drink some wine.
"Parang matagal na silang mag kakilala kung magharutan" Gino chuckled. naka sandal ang dalawang kamay nito sa may bandang likod.
"Hindi naman kasi mahirap makasundo si Xam. Ganyan din sya noon sakin. Nung bago pa kami ni Gino" Si Vaness.
"Ganyan na talaga sya kahit nung College kami" Si Emerald
"Para paraan ang loko" makahulugan nitong wika ni Ralph bago tumawa ng nakakaloko.
Napatingin naman sa kanya ang mga kasama.
"Bakit?" Luke
"Basta" sagot nito
"Ha?" si Vianca
"May alam ka ba na hindi namin alam?" pinaningkitan sya ng mata ni Gino
"Ikaw, Ralph ah? marunong ka na mag secret" si Emerald na para bang nagtatampo talaga sa kanya.
Tumayo na ito ng hindi sinasagot ang curiousity ng mga kaibigan "kuha lang ako ng drinks"
Nagkatinginan si Emerald at Vianca sa isa't isa
"Anong topak nun?" Naguguluhang tanong ni Vianca
"Malay ko rin" Emerald shrugged.
Humarap na lang ulit sila sa dalawang naglalaro sa gitna ng pool.
Mas lalong lumalalim ang gabi. It's already dawn when they're done. Ang iba ay may tama na ulit ng alak. Luke is carrying her cousin in his arm while Emerald is with Ralph. Bryan has passed out.
"Tara na, guys. tama na yan. pare-parehas na tayong lasing" anunsyo ni Luke
Dito na sila matutulog ngayon. Bukas ng umaga ay uuwi rin sila kaagad.
"Yung kapatid mo. Hindi na bumalik mula kaninang nawala" bulong ni Vein Kay Xam.
Nakabalot kay Xam ang towel ni Vein. Na kay Xym kasi ang dala nilang towel.
"Hayaan mo na. Baka nauna na yun sa kwarto namin" Bulong pabalik sa kanya ni Xym.
"Saan ang kwarto nila Xam, Gino?" tanong ni Vein kay Gino.
"Second floor, Right side sa dulo" Sagot nito habang buhat-Buhat sa bisig si Vaness.
"Tara na. Ako na ang maghahatid sayo" bulong ni Vein kay Xam. "Saka nga pala Gino" hinarap ni Vein si Gino ulit "Kung may gising ka pang kasam-bahay. Papuntahin mo naman dun sa kwarto nila Xam para matulungan syang makapagpalit"
Tumango ito " Sige. ako bahala"
"Thanks"
Inakbayan nya si Xam para maguide ito ng maayos.
"Let's go" Baling nya dito
Tango lang ang sinagot ni Xam
"Mauna na kami" Paalam nya sa mga kaibigan na inaasikaso pa ang mga nagpass out na.
Naglakad na sila papasok ng kabahayan.
"Do you have number?" basag ni Vein sa katahimikan.
"I don't have. Nakikigamit lang ako kay Xym. Wala naman ako pagagamitan nun"
"Ganon ba? How can i contact you then?"
"Sa bahay o kaya kay Xym"
"Lagi ka lang nasa bahay nyo?"
"Hindi naman. Madalas umaalis kami ni Xym. Naggagala o kaya nagoout of town. Para daw hindi ako maboryo sa bahay" She shrugged. "Naghihiking minsan"
"Ahhh..."natango-tangong sabi nya " eh di pwede pala kita isama minsan. I love nature. Pag nakaoff ako naghihiking din ako minsan o kaya nag-iscuba diving "
"Oo naman."there is a hint of excitemwnt "We're friends now"
Ouch!Friend. but it's okay. it will change soon. sa isip isip nya.
Nasa tapat na sila ng hagdanan.
"Be careful" inalalayan nya ito hangang sa makarating sila sa pinaka huling step.
"By the way, Hindi ba busy ang mga pilot? Eh di lagi kang wala"
"Almost the time but i still manage to have my own way"
"Kilan ang next flight mo?"
"The day after tomorrow. to Maldives"
"Wow!" punong puno ng pagkamangha ang mukha ni Xam "Really!? Alam mo ba matagal ko nang gustong pumunta dun"
Natawa naman sya sa reaksyon nito.
"Next time, I will bring you with me there. Pipili ako ng mahabang layover"
"Yay...I'm really excited"
"Mukhang nagkakatuwaan kayo ah" napalingon sila parehas sa pinanggalingan ng boses
"Xym, andyan ka na pala. Kanina ka pa namin hinahanap eh." Si Vein. "San ka galing?"
"Dyan lang sa tabi-tabi" sagot nito.
Kinuha na ni Xym si Xam sa pagkakaakbay ni Vein.
"si Clau? Nakita mo ba?"
"Nasa Kwarto nyo na magpinsan. Sumama daw ang pakiramdam kanina"
"Ahh...Ganun ba? Sige mauna na ako" paalam nito "Xam, Mauna na ako. Good night" baling nito sa dalaga
Nangunot naman ang noo ni Xym sa nasaksihan.
Aba! nawala lang ako saglit ah. Tapos ganto na sila kaclose? Sa isip isip ni Xym.
"Good night" sagot ni Xam.
Naglakad na ito papunta sa kabilang pasilyo. Sila naman ay naglakad na rin pabalik sa kwarto nila.
"Anong meron? Ang bilis nyo naman atang magkasundo?" tanong ni Xym kau Xam habang naglalakad sila sa pasilyo.
"Huh?" nagtatakang sagot ni Xam.
"Ano ka kong meron?"
"Saan?
"Sa inyo nung Vein na yun"
"Ahhh..." akala naman ni Xam kung ano na "Wala. Bakit masama bang makipagkaibigan na ngayon?"
"Hindi naman. Eh bakit ganun ngiti nun?" nagtatakang tanong ni Xym." mula tenga hanggang kabilang tenga"
She shrugged "Don't know"
"Ba't basa ka? akala ko ba hindi ka magswiswimming?"
"Alangan naman po kasing tumunganga ako dun mag-isa"she said with sarcasm in her voice "Habang sila nagkakasiyahan kasi yung magaling kong kapatid ay iniwan ako ng hindi man lang nagpapaalam. Just great. Right, Xym?" pinagdiinan pa nya ang pangalan nito.
"Sorry na nga po eh" pekeng pagsuko nito.
Inismiran nya ito "Ewan ko sayo" sabi nya habang nakahalukipkip ang mga kamay sa loob ng towel ni Vein.
Xym guide her until they reach their room.
"Dito ka muna at ihahanda ko ang paliguan at pamalit mo" pinaupo sya nito sa malapit na sofa "Kaninong towel yang gamit mo?" Tanong nito habang may kinukuha sa bag nila.
"Hala!"Kinapa nya ang towel na nasa balikat nya "nakalimutan kong ibalik. Ano gagamitin nun?" Bulong pa nya.
"So, kanino nga yan? para alam ko kung kanino ibabalik mamaya."
"Kay Vein."Sagot nya"Pinahiram nya, kasi naman dala mo yung towel natin. Di ka naman pala magbabasa ulit" Tingnan nya ito ng masama na para bang nakikita nya ito.
"Aayusin ko na yung Pagpapaliguan mo" pag iiba nito sa usapan.
Napabuntong hininga na lang si Xam. Mayamaya ay may biglang kumatok.
"Ma'am?" si Manang Lita, kasambahay dito.
"Pasok po" sagot nya.
Narinig nyang bumukas at sara ang pinto.
"Ma'am--"
"Manang?"si Xym na kalalabas lang ng Bathroom "Naparito ho kayo?"
"Pinapunta po ako ni Sir Gino. para daw po tulungan si Ma'am Xamier. Kaya lang nandyan na po pala kayo kaya aalis na po ako"magiliw na paalam nito
"Sige po,Manang. Pahinga na po kayo. Ako na po bahala kay Xam."
"Sige po,Sir"Humarap ito kay Xam "Good night po, Ma'am" Humarap naman ito sa kanya saka umuko ng kaunti "Sir"
"Sige, Manang. Good night din po"
Tumalikod na ito sa kanila saka naglakad palabas ng kwarto.
Lumapit si Xym kay Xam pagkalabas na pagkalabas ni Manang Lita "Ayos na yung bath tub. Nandun na lahat ng kailangan mo"
He guide her until She able to get in to the bathtub.
"tawagin mo na lang ako pag tapos ka na." bilin nito bago isinara ang pinto ng bathroom
Tumango lang sya. Nang maisara ni Xym ang pinto, Isa-isa na nyang hinubad ang suot at ang towel na nasa balikat ay itinabi nya sa nakapang space kung saan hindi ito mababasa.
Inilubog nya ang sarili sa tubig at sinimulang maligo. Nasa kalagitnaan sya ng pagbababad ng may maalala.
'Ano kaya itsura nya' yun ang nasa isip nya hangang sa matapos siya makapagbihis at makatulog na.
To be Continue
' Happiness is about how we felt about something and not about specific reason'