webnovel

DEREF CHAPTER SIXTEEN

Jairus POV

Andito ako ngayon sa parking lot nag aantay sa kanya kaagad kong kinuha ang phone ko at tinignan ang oras.

Dalawang oras na pala.

Dalawang oras na kong naka tanga dito habang nag aantay sa kanya.

Ayokong umalis dahil baka pumunta dito ang mga gustong pumatay sa kanila.

Hindi ko alam kung bakit gusto ko silang tulungan sa kinakaharap nilang problema kahit hindi ko sila ka ano-ano.

Siguro dahil narin sa nangyari sa pamilya ko kaya gusto ko silang tulungan.

Dahil sobrang hirap ng may makalas o malagas isa man sa pamilya nyo.

Dahil alam ko yung pakiramdam kung ga'no kasakit at kung ga'no kahirap.

Dahil hindi lang isa ang nawala kundi lahat ng pinaka importante sa buhay ko.

"Joree andyan na pala yung hoodlum." Napatingin ako sa nagsalita at yung mayabang lang pala. Magkakasama silang apat at may kasama silang isang hindi pamilyar na ityura sa'kin.

"Dylan nag sisimula ka nanaman." Sabi nung brianna yes kilala ko sya dahil nag pakilala sya sa'kin.

"Si brianna pare magagalit yan." Natatawang sabi nung isa nilang kasama.

"Para kang tanga caleb." Sabi ni brianna dun sa caleb.

Dylan

Caleb

Tsk.tsk

Huminto sila ng makarating sa harapan ko.

"Joree who's that?" Tanong nung hindi pamilyar sa'kin.

"His my body guard kinuha sya ni mama." Sabi ni joree.

Maya maya lumapit sa'kin yung manager nya at inaaral mula ulo hanggang paa.

"Pwede syang maging artista." Nanlaki yung mga mata nila dahil dun.

"Oo pwedeng pwede yung pulubi yung role nya." Natatawang sabi nung dylan.

"Pwede ding magnanakaw role nya." Sabi nung caleb.

"No, dahil pwede ko syang gawing action star dahil sa angas nyang pumorma." Kung kanina malaki na yung mata nila ngayon muka na silang mga tarsier.

"Gusto mo ba?" Tanong nung manager.

"Hindi ako intiresado." Napanganga sya dahil sa sinabi ko.

"Yan ang mga gusto ko matatapang buo ang loob kung sumagot. Pero mukang nabigla ata kita kaya pag isipan mo here's my calling card kapag nagbago ang desisyon mo tawagan mo lang ako." Abot nya sa'kin nung calling card at nag lakad paalis.

Tinignan ko yung calling card.

At kumuha ako ng lighter sa bulsa ko at kaagad kong sinilaban yun.

"Choosy pa ah." Sabi ni joree.

"Mayabang talaga." Dylan.

"Baka ayaw makita sa tv kase huhulihin sya ng mga pulis." Caleb.

"Wag mo na lang silang pansinin nauntog kase yan nung mailabas sila nung baby sila." Sabi ni brianna.

"Pansin ko nga." Nag init naman yung ulo nung dalawa at kung ano ano nang pinagsasabi.

Sumakay na sila sa kani-kanilang kotse at nagpasyahang mag si-alis.

"Sumakay kana." Sabi ko kay joree na nakatayo lang.

"Mag tataxi ako." Pagmamatigas nya.

"Parking lot to walang taxi dito." Sabi ko.

"KASALANAN MO KASE YUN, BAT BA ANG MALAS KO KAPAG IKAW YUNG KASAMA KO?!" Sigaw nya sa'kin.

"Sumakay kana." Pag uulit ko.

"AYOKO NGA SINABING MAG TA-TAXI AKO NAIIRITA KO SAYO AMBAHO BAHO MO." Sigaw nya uli sa'kin.

Kaagad kong inamoy yung sarili ko at...

"Hindi naman ah." Sabi ko sa kanya umacting naman syang nasusuka.

"HINDI KA TALAGA NAG KAKAMALI MAMAYA HINDI PA KO MAKAKAIN NG MAAYOS SAYO." Sigaw nya.

Ako ba talaga hinahamon nito.

"Balita ko may ni-rape dito sa parking lot eh nabalitaan mo ba yun?" Tanong ko.

"Hoy walang nababalitang ganyan madalas ako dito." Sabi nya. Malamang patyamba ko lang yun.

Tinignan ko lang kung lulusot.

"Mauna nako kita na lang tayo sa bahay." Nagulat sya ng paandarin ko ang motor ko at sinimulang layasan sya.

Kung ayaw wag pilitin hindi ako yung tipo na nangungulit ng nangungulit nadala nako matagal na.

Joree's POV

"HOY WALA KA TALAGANG KWENTANG HOODLUM KA PAG NAGKITA TAYO SA BAHAY PAPATAYIN KITA!!!" Sigaw ko habang unti-unti syang nawawala sa paningin ko.

Wala syang kwentang body guard dahil iniwan nya ko.

Actually kasalanan ko din bakit kase tumanggi pa'ko e kanina naman dun ako sumakay.

No. No. No erase. erase tama lang yun dahil mapapahamak ako kapag dun ako sumakay.

Anong gagawin ko sinong pu-pwedeng magsundo sa'kin si dylan may family dinner, sila si caleb may party syang pupuntahan, si brianna may lakad din yun.

Arghh nakakainis ka.

Nagpapadyak ako dahil sa inis.

Naglakad ako pero hindi pa ko nakakalayo may nakita na akong taxi na palapit sa'kin.

Ang suwerte ko nga talaga.

Minamalas lang kapag kasama sya.

Kaagad akong kumaway dun sa taxi at nakita kong lumapit sya sa'kin.

Kaagad kong binuksan ang pintuan at pumasok ako dun.

Nakita ko si kuya na nanginginig na parang natatae.

"Manong ayos lang kayo?" Tanong ko tumango naman sya at sinabi ko ang address ng bahay namin.

Hindi nagsalita si manong nang tignan ko sya nanginginig parin sya.

Problema kaya nito.

Makalipas ang labinlimang minuto nakarating na kami sa bahay.

"Ere po ang bayad manong." Nagtaka ako ng umiling sya at kaagad pinaandar yung sasakyan nya.

Pag kapasok ko palang ng gate nag init na ang ulo ko dahil nakita ko ang bulok nyang motor na nakaparada.

Lumapit ako dun at walang sabi-sabi kong tinadyakan yun ng hindi pako makuntento tinadyakan ko uli napaatras ako ng matumba yun.

Hala hindi na gagana yan buti nga.

"Mom." Sabi ko at humalik sa pisngi nya.

"Andito kana pala how's your day?" Tanong ni mom sa'kin.

"As always kaseng panget nung hoodlum kong body guard." Sabi ko na ikinatawa nya lang.

"Mom alam mo bang iniwan nya ako sa parking lot nakakainis mom." Pag susumbong ko.

"Anak tumawag sya ng taxi para sayo kaya wag kana magalit." Sabi ni mom. Wait tumawag ng taxi kaya ba may napadpad na taxi dun?

"Sinabi nya sayo mom?" Tanong ko at tumango naman si mom.

"Diba jai?" Nagulat ako ng sabihin ni mom yun at kaagad akong tumingin sa tinitignan nya at napatalon ako sa gulat ng makita syang prenteng nakaupo dun sa sofa.

"KELAN KA PA NAKA UPO DYAN?!" Sigaw ko sa kanya. Ibinaba nya yung shade nyang pag ka itim-itim at tumingin sa'kin.

"Kanina pa nag uusap kase kami ng mama mo." Sabi nya.

Napangiti ako ng dahil sa nakita ko.

"Wag mo na ituloy yan hindi ako tatamaan nyan." Shit hindi ko na naituloy ang pagbato ko sa kanya sana ng pillow na nasa sofa pa'no nya nalaman yun?

"Isa siguro yan sa mga technique ng mga hari ng hoodlum ang makapag basa ng iniisip ng ibang tao." Wari namamangha kong sabi.

"Maiwan ko muna kayong dalawa ng makapag bonding kayo." Natatawang sabi ni mom at naglakad paalis.

"HOY KUNG AKALA MONG MAG PAPASALAMAT AKO DAHIL SA PAG TAWAG MO NG TAXI PWES NAG KAKAMALI KA!" Sigaw ko sa kanya at naglakad paalis.

Tawag tawag pa sya.

"KING OF HOODLUM!!!" Pahabol kong sigaw.

Jairus POV

Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga sa kama ko.

Shit nakaka antok naman maka tulog na nga muna.

Ipipikit ko na sana yung mata ko...

Kaso napabalingkwas ako ng bangon ng may kumatok.

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa'kin ang naka ngiting si manang.

"Iho pinapatawag tayo ni sir." Sabi ni manang.

"Sige po susunod ako." Sabi ko at ng naglakad na sya paalis kaagad kong sinara yung pinto at kaagad nag palit ng damit.

Nang matapos ako lumabas na ako at pumunta sa dining table kung sa'n naririnig ko sila.

"Jai, pinatawag kita kay manang para sabay-sabay na tayong mag hapunan." Sabi ni miss keilla.

Binigyan ko lang si miss keilla ng isang tango at naupo nako bali kaharap ko si joree at katabi ko si manang at magkatabi naman silang mag asawa.

"Jai right?" Tanong nung asawa ni miss keilla tinignan ko sya ng diretso at tumango.

"Yes sir?" Tanong ko.

"Salamat sa pag ligtas sa asawa ko." Nagulat silang lahat dahil sa sinabi ni sir.

"Pa, bakit may nangyari po ba kay mama?!" Nagaalalang tanong ni joree.

"Anak ayos lang ako dahil niligtas ako ni jai." Sabi ni miss keilla napatingin naman sa'kin si joree.

"M-mom ni-niligtas ka-ka po n-nya?" Pautal-utal nyang tanong.

"Yes anak kaya ko sya kinuha na gwardya mo dahil sa nag tangka sa'kin." Sabi ni miss keilla.

"Mom kailangan na nating humingi ng tulong sa mga pulis!" Sigaw ni joree.

"Miss keilla hindi sa nakikielam ako pero pwede ko po bang malaman kung may alam po kayo kung sino po ang pu-pwedeng gumawa nito?" Nabigla naman sila dahil sa tanong ko.

"Wala, dahil wala naman kaming nakaka away." Sabi ni miss keilla.

"Hoy hindi ka imbestigador kaya wag kang umasta dyan." Biglang sabi ni joree tsk.

"Joree anak baka nakakalimutan mong sya ang nag ligtas sa mama mo." May diin na sabi ni sir kay joree na napatahimik na lang.

"Hangga't kaya kong protektahan gagawin ko lalong lalo na ang anak nyo." Seryoso kong sabi na ikinangiti nilang tatlo pwera kay joree na naka tulala.

"Salamat kung ganun pero ang mga magulang mo alam naming mag aalala sila sayo." Napatingin sila sa'kin ng maibagsak ko ang kutsarang hawak ko.

Joree POV

Nagulat kami ng maibagsak nya yung kutsarang hawak nya.

Hindi sya gumagalaw at nakatitig lang sa mga pagkain nya.

Kung malamig ang ekspresyon nya palagi mas malamig lalo ngayon.

"Jai may problema ba?" Nag aalalang tanong ni mom.

Hindi sya sumagot at tumayo nalang basta.

"May kailangan pa po akong gawin." Bigla nyang sabi at nag lakad paalis.

Sinusundan ko sya ng tingin hanggang sa hindi ko na sya makita.

"Hayaan muna natin sya mukang may problema sya sa pamilya nya." Sabi ni dad.

Siguro nga may problema sya sa pamilya nya.

Hindi ko maiwasang ma curious kung bakit ganun ang inasta nya ng mabanggit ang salitang 'pamilya'.

...

Nahiga ako sa kama ko at hindi ko maiwasang maisip ang nangyari kanina.

Nakakagulat lang dahil ngayon ko lang nalamang niligtas ng hari ng mga hoodlum ang mom ko.

At dahil curious ako sa pagkatao nya...

Kinuha ko ang phone ko at kinalikot iyon.

Sinearch ko ang pangalan nya kaso napahinto ako dahil hindi ko alam yung apelyido nya.

Shit.

Nang makatapak sya dito sa bahay namin hindi nya sinabi kung anong apelyido nya tanging 'jai' lang.

Hindi kaya...

Hindi kaya may binabalak syang masama sa'min.

Bahala na wag nya lang kaming sasaktan papatayin ko talaga sya.

Binalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko.

Kung sino sinong jai ang lumalabas sa mga sinearch ko kaso hindi ko sya makita.

Facebook. wala

Twitter. Wala

Instagram. Wala

Hindi ko sya makita pramis.

Tao ba talaga yun?

Nakakainis, tama si brianna wala syang account na kahit ano.

Napa misteryoso naman nya masyado nakakainis.

Pa'no ko malalaman yung info. Nya kung niisa wala akong makita.

Kamuntik ko ng ibalibag yung phone ko dahil sa inis.

Bat ko ba inaalam kung sino sya, pakielam ko ba?!

Syempre, abat malay ko ba kung may gawin sya sa family ko.

Bahala na nga makatulog na lang nag kaka wrinkles nako at eye bags nako.

...

Jairus POV

Nagising ako sinag ng araw na tumatama sa muka ko napamulat ako ng mata ko dahil dun at bumangon na kaagad.

Hindi ako ginising ni alarm papalitan na kita mamaya mag antay ka.

Napasarap tulog ko hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog.

Kaagad akong nag push ups, every morning ko tong ginagawa pampagising ng katawan.

Nang mapagod ako nag pahinga muna ako.

Pinahinga ko ang pagod kong katawan at mga mata ko dahil maliligo ako.

Nang maipahinga ko Ito kaagad akong kumuha ng damit at nag punta sa banyo para maligo.

Habang naliligo ako may mga kaluskos akong narinig sa labas.

Hindi ko pinatay yung shower at kaagad nag punas ng katawan ko at nag bihis.

"May kailangan ka?" Pang gugulat ko sa pumasok sa kwarto ko.

"Anak ng hoodlum na titilatilansik! Ano ba bat ka nang gugulat?" Naiirita nyang sagot.

"Ampanget mo pala magulat." Sabi ko na ikina usok ng ilong nya pero bago pa sya maka pag salita ng kung ano-ano inunahan ko na sya.

"May kailangan ka ba at pumasok ka dito?" Tanong ko.

"Oo dahil may lakad tayo buti nalang at naligo kana bilisan mo at malalate ako." Sabi nya at naglakad paalis.

San na naman kaya kami pupunta nag bihis kaagad ako bago pa uminit yung takuri.

Ano pa bang isusuot ko kundi ang pang 'hoodlum' ko daw na ityura.

Abnormal talaga ano naman ngayon kung naka pantalon at naka itim na t shirt ako at pinatungan ko ng coat na itim.

Kinuha ko ang salamin ko at lumabas na.

Siguiente capítulo