webnovel

DEREF CHAPTER THREE

Jairus POV

"Hoy kanina kapa ngingiti ngiti dyan malapit na naming isiping nababano kana." - covie.

"Ganyan talaga epekto kapag may nagugustuhan."- kyle.

"Nung oras ba tayo papasok bukas?"- raymond.

"Syempre maaga para masamahan natin si jairus sa building ng senior high."-Paolo.

"Pero balita ko madami daw maaangas don kaya kailangan ka naming samahan."- jhared.

"Wag na loko antayin nyo nalang ako sa canteen sa senior high para ayos." Sabi ko. Tumango tango naman sila at kung ano-ano pang pinag usapan namin at napagpasyahan na naming mag paalam sa isat isa.

"Anak nandyan gising kapa ba?"- si mama pala. Bumangon ako para pagbuksan ng pinto si mama.

"Ma bakit po?"Ako. At pinatuloy ko sya dito sa kwarto ko at naupo sya sa kama ko.

"May itatanong lang ako." Sabi ni mama. Kinabahan naman ako kase sinundo ko yung mga kapatid ko kanina e wala naman akong kasalanan shit baka nalaman na nila na ako yung sumigaw kanina sa school.

"A-ano po yun ma?" Kinakabahan kong tanong shit seryoso si mama.

"Sabi nila paolo may nililigawan kana daw." Totoo bayon?" Tanong ni mama loko talagang paolo nayon yari ka saken bukas.

"Ah ma o-opo." Ma wag po kayong mag alala diko po pababayaan yung pag aaral ko promise mamatay man si paolo. Sabi ko sabay taas ng kanang kamay natawa naman si mama.

"Kundi pa pala sinabi ni paolo dipa namin malalaman." By the way maganda ba sya gusto namin ng tatay mo na makilala sya." Sabi ni mama na kinangiti ko.

"Ma kapag sigurado napo ako tyaka ako magpapakilala ng babae sainyo." Paliwanag ko.

"Binata na talaga ang anak namin basta payo ko lang tumulad ka sa tatay mo madaming babae yan dati pero nung makita nya ko halos ipagtabuyan sila ng papa mo." Natatawang sabi ni mama. Nuks ampogi nagmana talaga ko. Lumabas na si mama pero niyakap nya muna ako. Naligo nako habang nag papatuyo ng buhok iniisip ko kung anong mga gagawin kong hakbang.

"Ano kaya yung facebook nya dito." Kausap ko sa sarili ko habang nag ii scroll andami naman kase kaso diko sya makita wala bang facebook yun makatulog na nga lang ibababa kona sana yung cp ko kaso may nahagip yung mata ko yon kapag dinapuan ka nga ng swerte agad akong nag request sa kanya habang iniintay kong I accept nya yon tinignan ko yung mga pictures nya wow talaga ang ganda.

*30 minutes*

*1 hour*

*2hours*

*3hours*

No response panes nakakaines wooo makatulog na nga lang.

"Ma,Pa aalis napo kami nila julienne at jasel." Paalam ko.

"Sige mga anak mag iingat kayo umuwi kaagad." Nakangiting sabi ni mama.

"Good luck sa liligawan halikan mo kaagad." Pinalo ni mama sa braso si papa pagkatapos nyang mag bilin.

"Tinuturuan mo yung bata e tutulad mo sayo." Hirit ni mama. Napapailing nalang kaming tatlong magkakapatid. At humalik na kami sa pisngi nila at sumakay na ng trycycle. Sinigurado ko munang nasa tapat na ng school sila jasel at julienne bago ako pumunta sa kabilang building.

"Salamat ho manong." Sabi ko at yun umalis na sya tadyakan ko sya anlagkit nung tingin nya e.

"Kuya mauna na kami." Sabi ni jasel.

"Kuya good luck." Sabi ni julienne sabay kindat saakin. I know julienne.

"Sige dating gawi antayin nyo ko." Sabi ko at tumango naman silang dalawa at nag lakad na paalis. Naglakad nadin ako papuntang kabilang building para puntahan si luvs/hazel.

Nagpalinga linga ako at huminto grabe anlake pala netong senior high building punyeta kanina pako naghahanap, San ko nga ba sya hahanapin bahala na. Nagpapalinga linga ako ahmm maganda sya, malawak at mukang miserable yung bawat mga room kaso sa katangahan ko diko na naiwasang may mabunggo.

"Hoy bata tatanga tanga ka tumingin ka sa dinadaanan mo." Yung nakabungguan ko pala tinignan ko sya at dahil mabait ako at ayoko ng away

"Pasensya na SUMA diko sinasadya sige mauna nako." Namula naman sa galit si suma hala kulay green sya diba napa mangha moko dun.

"Anong sabi mo ha ulitin mo nga ng makatikim ka sakin!" Gigil na sabi ni suma.

"Pasensya na di ako kumakain ng ahas tyaka nalang." Sabi ko sabay talikod ang kaso nakita kong tatalisudin ako nung isa inapakan ko kaagad yung paa nya woo ayun hiyaw sya. Tama papatulan ko to para mapalabas ko sa kaharian si prinsesa/luvs/hazel. *evil smile*.

Hazel POV

Nandito ako ngayon sa hagdan galing akong office dahil may pinasa akong project at pabalik na sana ko ng room ng may mga nagmamadaling estudyante na tumatakbo ayun walang mga pakielam sa nabubunggo.

"Bilis pare di natin maabutan yung nagsusuntukan don sa section c bilis." Sabi nung isa.

"Eto na nga e sabi pa daw anlupet nung dayo grade 9 lang daw yon kaaway yung grupo nila mambo." Sabi ni num.2

Si mambo mahilig talaga sa gulo yung magbabarkada nayon pati bata pinapatulan grade 9 pa ha eh grade 11 na kami tsk tsk.

Malapit na sana ako sa room ko ng may mahagip yung mata ko yung mga nag aaway sabi nasa section c bakit nakarating dito malapit canteen eh anlayo layo nun tumalikod nako bahala sila dyan.

"Huy yung boss ng d kengkoy's nakikipag away." Sabi nung isa kong kaklase.

"Patingin nga, puta anlupit manuntok ni jairus." Napantig yung tenga ko dahil sa sinabi ni jomar isa kong kaklase yung iba nag pupustahan pa. Pero wala don yung atensyon ko kundi sa sinabi nya.

"Patingin nga, puta anlupit manuntok ni jairus."

Kinabahan nako hay madaming jairus hindi sya yon ano naman gagawin nya dito hindi kaya...

Dali dali akong nakisingit sa mga nanonood ng live show kung sya ngayon bakit sya nakiki pag away?�Bakit sya nandito? Anong kailangan nya? Pero bago ko matuloy yung mga katanungan ko nagulat ako sa nakita ko.

Jairus POV

Lintik antitigas ng muka neto nakakapagod grabe tapos nako dun at kasalukuyan akong nakaupo sa tyan ni suma na tulog na tulog dahil sakin hay yung mga kampon nya naman nakahiga narin kawawa naman sila.

"Mr grozen!?" Narinig ko yung anghel at napangiti ako at dali-dali akong humarap sa kanya ng nakangiti si luvs/hazel.

"Uy luvs/hazel kanina pa kita hinahanap e andyan kalang pala." Hehe mukang masungit to ngayon.

"Bakit ka nakikipag away? Bat nandito ka?" Tanong ni luvs/hazel.

"Gusto kitang makita e hehe, yan ba sabi nya kase kanina kulang daw sya sa tulog kaya ayan binigyan ko sya ng pahinga." Sabi ko sabay turo kila suma at mga kampon nya.

"BOBO KABA! HA!? sigaw ni luvs/hazel sakin. Nako nagalit na. Nasapo nya nalang yung noo nya dahil umiling ako totoo naman ah hindi ako bobo diba?

" PUPUNTA KA DITO TAPOS MANGGUGULO KA! HA!? Galit na sigaw ni luvs/hazel.

"Teka sila yung nag umpi- hindi ko na na tuloy sasabihin ko dahil..

" UMALIS KANA BUMALIK KA NA SA ROOM MO PUPUNTA PUNTA KA DITO TAPOS MANGGUGULO KA LANG!" umiling iling ako kase mali sya, tumingin ako sa paligid ko shit andaming nanunuod paktay kailangan ng mag patalastas. Bago nya pa ulit ako masigawan kinuha kona yung bag ko at lumakad para umalis.�Pero huminto uli ako hindi pa tapos ang palabas.

"Bago mo sana ko sinisigawan sana alam mo yung nangyare." Sabi ko sabay lakad palayo. Ang humarang sa daan ko tatadyakan ko.

...

Hazel POV

"Bago mo sana ko sinisigawan sana alam mo yung nangyare."

"Bago mo sana ko sinisigawan sana alam mo yung nangyare."

"Bago mo sana ko sinisigawan sana alam mo yung nangyare."

Arrgggh nakakainis halos kanina ko pa naririnig yang huling sinabi nya sana nga inalam ko muna kainis naman bat ba ganto ako mag react.

Kinausap ako ni ma'am about dun sa nangyari kanina ayun nag paliwanag ako at ayon sa mga naging saksi si hindi si jairus ang nanggulo.

Mag so-sorry ako sa kanya mamaya, ay hindi tama lang yon, ay mag so- sorry hay ang gulo bahala na nga mamaya. Isa lang ang alam ko nasaktan ko sya.

Jairus POV

"Get one- oh Mr grozen your late again ow what happened to your face? Kelan kapa naging basagulero?" Ma'am.

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa pag upo naramdaman kong nakitingin silang lahat sakin lalo na yung d kengkoy's. Mukang alam naman nila na wala ko sa hulog kaya hindi nalang sila nagtanong pa.

"Bat nag kakaingay kayo tapos baba kayo sa pinapagawa ko?" Tanong ni ma'am wala naman ako sa sarili ko dahil sa mga nangyare kanina.

"Mr grozen nakikinig kaba?" Maam.

Hindi ako sumagot dahil iniisip ko parin yung kanina.

"MR GROZEN ANO NAALOG NABA YUNG UTAK MO SA SUNTOK AT WALA KANA SA KATINUAN?" galit na sigaw ni maam.

"No." Sagot ko nagtaka at lalo syang namula sa sinagot ko. Pero bago pa sya makapag salita tumunog na yung bell hudyat na time na nya.

"Good bye class." sabi ni maam sabay lakad paalis pero habang naglalakad nakatingin sya sakin pero ako naka tulala lang pano ko nakita? Sa peripheral vision.

Naramdaman ko namang lumalapit sakin yung d kengkoys. At umupo sila sa tabi ko.

"Anyare dyan?" - turo ni raymond sa pasa ko.

"Resbakan na naten." -jhared.

"Sabi namin sayo sama kami e sayang."- Paolo.

"Mukang may mas malala pang nangyare ah." - kyle.

"Mukang la epek yung sapak ako gagawa."- covie.

At kinwento ko na nga yung nangyare kanina at nakatulala lang sila.

"Bat ganyan ityura nyo?" Tanong ko sa kanila. Maya maya sabay sabay silang tumawa anong nakakatawa.

"Sasakalin ko kayo o sasabihin nyo sakin." Banta ko at sumeryoso nanaman sila.

"Pare bakla sila mambo bakit mo pinatulan." Nagtaka naman ako sa sinabi ni kyle.

"OO BAKLA!!!" Sabay sabay yung apat tyaka tumawa ng tumawa. Si suma bakla. Tss baklang suma.

"Wag kang maingay pare iilan ilan lang tayong nakakaalam non."- covie.

"Kaya sya nagyayabang para hindi sya mahalata."- jhared.

Tumango- tango naman ako sa sinabi nila. Bat parang antagal nung teacher? Wow jairus para kang nakikinig. Maya maya may kumatok sa pinto pero wala akong pakielam.

" Pumunta po tayo ng maayos sa quadrangle para sa onting announcement ng principal patungkol sa mga gagawin fun run."

Nag hiyawan naman kami oo kasama ako kase sobrang saya don as usual kaming d kengkoy's pinakamaingay.

Pumila na kaming lahat para sa announcement. Nag palinga linga Ako pero nahagip ng mata ko si luvs/hazel. Actually hindi ako galit sa kanya inis lang siguro malay ko ba pero ganto yata kapag inlove.

Nagulat ako kase bigla syang humarap sakin at ako naman syempre nahiya NAHIYA WOW MERON PALA KO NON.�Nag iwas nalang ako ng tingin. Baka diko mapigilan akyatin ko sya sa stage at itanan ko nayan jowk. Sige gawin mo yan ng wala ka ng mauwian.

At yun dumating na yung principal at kung ano anong pinaliwanag nya duon tungkol sa mga mangyayari kung hanggang saan at mga kailangan dalin.

Okay na sana kaso nagulat kami ng sabihin nya yung date shit lang antagal pa pero bakit ngayon ina-nounced nabano na.

Bumalik na kami sa room namin pagkatapos nag klase na ulit.

Uwian yan ang paborito ng lahat woo isa nako dun.

Magkakasama kaming anim at papunta kami sa building ng luvs ko i mean building ng senior high.

Nagaantay lang kami dito sa harap ng gate at sino paba aantayin ko yung gwardya nila syempre hindi si luvs yung naantay ko hehe.

"Jairus." Luvs/hazel . Yan na pala sya.�Kasama nya yung mga kaibigan nya.

Niyakap ko sya na ikinabigla nya. Hmm ambango ah shit sarap sa pakiramdam. Mmmm anlambot. Ano kaya to unan.

"Outch para san yon?" Tanong ko pano banaman kase sinampal ako.

" MANYAKIS, BASTOS." Sigaw nya hanudaw. At lumakad paalis sinundan ko naman sya kaagad.

"Pare masarap bang unanin yung dibdib ni hazel?" - paolo shit yun pala yung malambot namula naman Ako dahil don.

"Feel na feel pa nya e. Pasimple ampt*"- natatawa na sabi ni raymond.

Diko naman alam diba?

"Mga abno" sagot ko nagtatawanan parin sila habang nakasunod sakin.

"Tol una na kami enjoy your pillow ahm." Sabi ni covie loko talaga.

"Sige ingat kayo" sigaw ko sa kanila.

At tenenenen tenen kasama ko sya kaming dalawa nabasa mo

"KAMING DALAWAAAA!!!!!" Naramdaman kong binatukan ako ni luvs/hazel shit naisigaw ko pala.

"Ano nanamang sinisigaw sigaw mo dyan? Abnormal." Sabi ni luvs sabay talikod aba aba may utang ka sakin.

"Psst!!!"Pagsitsit ko sa kanya hindi sya lumilingon halatang naiirita syempre sa dakilang hayop ako diko sya tinatantanan hanggang sa sya'y humarap woooo magaling magaling.

"Ano nanaman ba?" Naiirita nyang tanong.

"May utang ka sakin." Sabi ko halatang nagtaka sya sa sinasabi ko *evile smile*.

"Ano naman yon kelan pa?" Sabi nya.

"Kanina pinahiya moko tas sinigawan moko sa harap ng madaming tao kaya bilang kapalit." bitin kong sabi humawak ako sa baba ko wari nagiisip. ting its a light bulb.

"Ano namang kapalit sinasabi mo?" Tanong nya. Wait kalang pamatay to men pamatay. Eto ang tinatawag kong pamatay na kapalit whooo.

"I accept mo ko sa facebook, IG, twitter, google at kahit sang account payan. At here." Inabot ko sa kanya yung cellphone kong panahon pa ni kopong kopong.

"Gagawin ko dito?" Tanong nya. Try mo kainin tas sabihin mo sakin kung masarap. Nako diko na sasabihin tinatamad ako next time, next time.

"Register your phone number in my kopong kopong cellphone basic." Sabay puppy eyes. Yown puppy eyes muka akong bakla.

Mukang nauto ko naman sya at nag tipa sya ng number tuwang tuwa Ako yehey mag pa-paload ako mamaya kay tanong pilar.

Iniabot nya sakin yon at aking taos pusong tinanggap yown syempre luvs ko yan e.

"Uuwi nako" paalam nya sabay lakad.

"Ingats luvs tatawagan kita mamaya." Sigaw ko habang ngiting ngiti.

Aba tignan mo nga naman oh sinong mag aakala na ang isang jairus grozen ay magkakaron ng number ni hazel hipolito woo ako yon AKO!!.

Tinignan ko yung number nya nagulat ako sa nakalagay. At agad na binasa.

911 ah yun lang pal- 911!!! Lintek ambulasya ata to e naisahan ako.

"HAZEL!!!" sobrang lakas kong sigaw bahala na yung butiki kung san kakapit.

Siguiente capítulo