webnovel

chapter 2

Patuloy pa din ako sa kabaliwan ko.

Ngayung kilala ko na kung sino yung babaeng

tinitibok nang puso. Epupush ko na talaga to.

Nag tatrabaho ako nun sa isang construction supply. Kami yung nag susupply ng mga bato at buhangin sa isang ginagawang establisyemento. At the same time namamasada ako pag gabi, sayang naman kasi yung oras kung di ko gagamitin.

"Oh Deb, may tumatawag." tawag sakin nang ate ko. May tumawag kasi, dali dali ko namang sinagot.

"Hello, goodmorning, sino po sila?" ganyan ako ka galang kung sumagot nang tawag. Kaya tawag na kayo.

"sinong nagsasabing poser ako?" sagot nang babaeng nasa kabilang linya. Dun pa lang nagkaroon na ako nang hint kung sinong tumatawag. Pero dihins ako basta bastang maniwala na siya nga yun. Isipin mo sa sikat nyang yun e mapapansin niya ako?

" ahhh, ikaw ba to, yung poser ni crush?" sagot ko naman. Syempre di yata tayo basta.x madadala sa mga ganun. Baka mamaya aasa pa ako 😂.

"sino ka nman para pagsabihan akong poser sa sarili kong pagka tao." yun yung sagot niya. Teka? Nagdadalawang isip na talaga ako kung siya ba talaga yun. As in LEGIT??!!

"so ikaw ba talaga si crush?" suplado kong tanung sa kanya.

"Oo nga ako nga! kulit mo rin e ano?" galit niya nang sabi.

" o cge, sabihin nating naniniwala na ako sayo. Ano nga uli yung pangalan mo?" pangungulit ko pa.

"AKO SI JULIE ANN NICOLE CHUA!" mala sigaw na sagot niya, sabay patay nang tawag.

Takte, ano ba to?

bat dumating to?

kung keylan pa nakalimutan ko na sana, saka pa dumating bigla.

Yun na lang yung nasabi ko sa isip ko.

Kung keylan kasi di na ako pde, tsaka pa siya dumating. May girlfriend na ako nung time na yun. Mas pinili ko nang manatili sa realidad.

Nakahanap na ako nang babaeng pagtutuonan ko nang pansin, tsaka pa siya dumating.

Siguiente capítulo