webnovel

CHAPTER 30 "I'M OKAY"

KINABUKASAN ay pinilit ni Daniel na gawing normal ang takbo ng buhay niya. Sa susunod na linggo na ang dating ng Mama at kapatid niya galing ng New York. At katulad ng gustong mangyari ni Marielle, kukuha sila ng second opinion at sa pagkakataong ito ay kasama na ito at si Danica.

Katulad ng normal niyang ginagawa noon, sinundo niya si Ara sa pagpasok sa eskwela. Maganda ang bukas ng mukha nito nang mabungaran niyang naghihintay sa terrace ng bahay.

Sa ningning ng kislap ng mga mata ni Ara, alam niyang mahal na mahal siya nito. Walang duda iyon, ay iyon ang nagpapabigat ng husto sa dibdib niya. Kaya naman hindi na niya napigilan ang sariling yakapin ito ng mahigpit nang makasakay ito sa loob ng kotse.

Ramdam ni Daniel ang tila malaking tinik na nakabara ngayon sa lalamunan niya dahil sa pagpipigil niyang mapaiyak. Pero kailangan niyang maging matatag. Kung hindi, mapipilitan siyang aminin rito ang totoong kundisyon niya.

Oo, sinabi niya kahapon na iiwasan niya si Ara. Pero tama si Danica.

Bakit niya ide-deny sa sarili niya ang pagkakataon na maging tunay na masaya sa piling ng babaeng totoong minamahal niya nang dahil lang sa sakit niya?

Naisip rin niya na kailangan ni Ara na malaman ang totoo. Kailangan niyang ipagtapat rito ang lahat. Pero hindi pa iyon ngayong araw na ito. Kailangan lang niyang mag-ipon ng sapat na lakas ng loob para gawin iyon.

"Ano nga palang nangyari sa pagpapatingin mo?" ni Ara nang pakawalan niya ito mula sa mahigpit niyang pagkakayakap sa dalaga.

Nagkibit siya ng balikat saka na pinatakbo ang kotse. "Okay naman, binigyan na ako ng gamot," aniya sa pinasiglang tono.

"Eh bakit daw ang dami mong pasa? Saan daw nanggaling ang lahat ng iyon?" ang magkasunod na tanong ulit ni Ara na inasahan naman na talaga niya.

"Hindi naman daw seryoso, medical terms na hindi ko matandaan," pagsisinungaling niya saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa. "Don't worry, bago ako mamatay sisiguraduhin ko sa'yo na mapapakasalan kita," ginawa niyang tonong biro pero totoo iyon sa loob niya.

*****

"AYOKO ng ganyang biro ah," si Ara na nagbuntong hininga pa.

Hindi niya maunawaan pero talagang kinabahan siya at nag-alala para kay Daniel. At ngayong sinabi nito na okay lang ito, kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag at nakaramdam ng kapanatagan ng kalooban. Dahilan kaya nagagawa niyang ignorahin ang pag-aalalang nagsusumiksik parin sa kalooban niya.

"Hindi ako nagbibiro, talagang pakakasalan kita. Kasi mahal na mahal kita," ani Daniel na ginagap ang kamay niya saka iyon hinalikan.

Sa ginawing iyon ng binata ay mabilis na tila ba nahugasan ang pagkainis na nararamdaman ni Ara kaya naman sa huli ay hindi narin niya napigilan ang mapangiti.

"Mahal na mahal kasi kita eh, kaya ayokong isipin na someday magkakahiwalay tayo. Nasanay na kasi ako na kasama kita palagi. At kapag nawala ka, alam kong mahihirapan akong ibalik sa normal ang buhay ko," pagsasabi niya ng totoo saka nilingon ang nobyo nang nag-iinit ang sulok ng kaniyang mga mata.

Hindi nagsalita si Daniel at sa halip ay muli nitong itinaas ang kamay niyang hawak nito saka hinalikan.

"Promise me na hindi mo ako iiwan," ang muling isinatinig ni Ara saka hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Daniel na nasa kamay niya.

"Mananatili ako sa puso mo, sa ganoon paraan kahit anong mangyari hindi tayo magkakalayo," sagot ng binata saka siya sandaling nilingon bago ibinalik ang paningin sa daan.

Hindi na nagsalita pa si Ara matapos iyon.

Kung sinasabi ni Daniel na okay ito ay tama lang na paniwalaan niya ang kaniyang nobyo.

*****

KINABUKASAN ay walang pasok sa eskwelahan dahil legal holiday. Kaya naman nagkaroon sila ng time ni Daniel para makapamasyal sa mall at makapanood ng sine. Umalis rin kasi noon ang nanay at tatay niya kasama si Anthony na nag-attend sa kasal ng isang malapit na kaibigan ng kanilang magulang at abay ang kapatid nila. Sa probinsya pa iyon ng Batangas kaya ang bilin sa kaniya ng mga magulang niya ay baka sa susunod na araw na makaluwas ng Maynila ang mga ito.

Walang masyadong tao sa loob ng movie house nang pasukin nila iyon. Siguro dahil ilang linggo narin buhat nang maipalabas ang pelikula.

"Bakit dito mo gusto ang daming upuan dunsa medyo mababa?" tanong niya nang mapunang pinili ni Daniel ang pinakatago at itaas na bahagi ng balcony.

Tumawa lang ng mahina ang nobyo niya sa tanong na iyon. Pagkatapos ay inakbayan siya nito saka hinalikan sa ulo. "Para kapag hinalikan kita walang makakita sa'tin," bulong sa kaniya ni Daniel saka tila nanunukso pang banayad na kinagat ang dulo ng kaniyang tainga.

Marahas siyang napasinghap sa ginawing iyon ng kaniyang kasintahan. Pagkatapos ay kumakabog ang dibdib na nilingon si Daniel na nang mga sandaling iyon ay titig na titig pala sa kaniya.

"Ara," anas ng binata saka inilapit ang mukha sa kaniya.

Alam niyang hahalikan siya ng kaniyang nobyo kaya naman inasahan na niya ang lalong pagtutumindi ng kaba sa dibdib niya. At tuluyan na ngang naparalisa ang buong katawan niya nang ilapat na ni Daniel ang mga labi nito sa kaniya.

Hindi niya alam kung iyon ba ang tunay na pakay ng kaniyang nobyo kaya siya nito niyayang manood ng sine pero sa huli ay naisip niya na hindi narin naman iyon mahalaga. Dahil ang totoo gusto rin naman niyang maulit ang nangyari sa kanila ni Daniel sa bahay nito noong isang araw.

At sinungaling siya kung hindi niya aaminin na gusto niyang maranasan ang tuluyang maangkin nito.

Totoo iyon, nakahanda siyang ibigay ang sarili niya kay Daniel dahil mahal na mahal niya ito. Pero paano ba niya sasabihin sa binata na iyon ang talagang gusto niyang mangyari nang hindi siya nagmumukhang cheap o siya ang namimilit?

Nang maramdaman niyang bumaba ang mga halik ni Daniel sa kaniyang leeg ay sandaling na-blangko ang isipan ni Ara. Mabilis na tumataas ang temperatura ng kaniyang katawan dahil sa ginawa at maliliit na halik na tila ba itinatanim ng mga labi ng binata sa kaniyang balat. At lalo pang nagtumindi ang init na nararamdaman niya nang hawiin palikod ng kaniyang nobyo ang buhok niyang tumabing sa kaniyang balikat sa nakahantad sa off-shoulder blouse na kaniyang suot.

"Ara, kailangan kita ngayon sweetheart," si Daniel na tinitigan siya saka muling niyuko saka hinalikan sa kaniyang mga labi.

Hindi niya alam kung naramdaman ba ni Daniel ang pangangailangan at paghahangad rin niya para rito pero nang marinig ang sinabing iyon ng kaniyang nobyo ay walang pagdadalawang isip siya tumango saka ngumiti.

"Okay," aniya pa upang bigyang suporta ang kaniyang naging tugon.

Tanging iyon lang at hinila na siya patayo ni Daniel.

******

SA malaking kwarto ni Daniel sa bahay nito natagpuan ni Ara ang kaniyang sarili. Birthday raw kasi ng anak ni Aling Salyn kaya nagpaalam itong uuwi muna at sa kinabukasan na babalik.

"Gutom ka ba? Gusto mo bang kumain?" nang maupo siya sa gilid ng malaking kama ni Daniel ay iyon ang itinanong sa kaniya ng binata.

Magkakasunod siyang umiling. "O-Okay lang ako," paniniyak pa niya.

"Are you sure? Hindi naman kita pinipilit kasi kung hin---,"

Hindi na niya pinatapos pa si Daniel sa iba pang gusto nitong sabihin dahil siya na mismo ang gumawa ng first move para halikan ang binata.

Alam niyang iyon na ang simula ng totoong pagkatupok niya sa apoy ng pagmamahal niya para kay Daniel. Lalo na at silang dalawa lamang dito ngayon, malaya nilang maipadarama ang pagmamahal nila para sa isa't-isa ng walang pag-aalinlangan.

Siguiente capítulo