webnovel

CHAPTER 17 “JENNY”

"HELLO," si Jenny iyon na inabutan na ni Ara sa classroom nila.

Ngumiti siya saka ibinaba ang mga gamit sa desk ng kaniyang upuan. "Kumusta? Mukha yatang masaya ka?" tanong niya saka tinitigan ng makahulugan si Jenny.

Noon mabilis na namula ang mukha ni Jenny. "A-Ano?" agad na napuna ni Ara ang panginginig sa tinig ng dalaga, dahilan kaya lalo siyang nakaramdam ng amusement para rito.

"Saan naman kayo kumain ng lunch ni Jason?" ang makahulugan at nanunukso niyang tanong sa matalik na kaibigan.

Sa tanong na iyon agad na umilap ang magagandang mga mata ni Jenny. Pagkatapos ay muli nitong ibinaling ang paningin sa libro na nakita niyang kanina ay binabasa ng kaibigan niya.

"Ikaw ah, naglilihim kana!" pagpapatuloy niyang tukso kay Jenny saka sinundan ang tanong ng mahinang hagikhik.

"Tumigil ka ah, baka mamaya may makarinig sa'yo kung ano pa ang isipin," pananaway pa ni Jenny sa kanya habang nananatili ang matinding pamumula ng mukha nito.

Nakangiting pinakatitigan ni Ara ang kaibigan niya bago nagbuka ng bibig para magsalita. "Saan nga kayo kumain?" tanong niya kahit ang totoo bistado na niya ang totoong feelings ni Jenny para kay Jason dahil bilang babae hindi mahirap para sa kaniya ang mapansin iyon.

"Iyon lang ba? Eh di doon sa kinainan natin dati nung una ninyo akong isinabay," sagot ni Jenny habang nakatuon ang pansin nito sa bukas na libro sa kaniyang harapan.

Tumango-tango lang sa sinabing iyon ni Jenny si Ara. Ang totoo gusto pa sana niyang makipagkwentuhan rito, pero dahil nakita niya na busy na ang best friend niya sa pagbabasa ay minabuti nalang niya ang manahimik narin.

Ang diary niya ang napagtuunan niya ng pansin. Gusto na sana niyang magkwento doon ngayon pero dahil nga nasa klase pa sila ay minabuti niyang huwag nalang muna. Kunsabagay, lahat naman ng magandang nangyari ngayong araw ay hindi niya makakalimutan kahit ano pa ang mangyari kaya naman mas pinili niya na ipasok na sa loob ng kaniyang bag ang kaniyang diary.

"Alam ko masaya ka ngayon kasi kasama mo si Daniel," sukat sa narinig na sinabing iyon ni Jenny ay gulat na napasinghap si Ara.

"W-What?" pero hindi na niya natapos ang iba pa niyang gustong sabihin dahil pinutol iyong lahat ni Jenny.

"Huwag ka nang magkaila, pansin ko naman sa iyo eh," anito na tumawa pa ng mahina pagkatapos.

Nagsalubong ng husto ang magagandang kilay ni Ara. "Pansin mo?" ang hindi makapaniwalang tanong pa niya sa kaibigan.

Gusto niyang matawa sa sarili niya dahil kanina si Jenny ang pinapaamin niya tungkol sa kung ano ang posibleng nararamdaman nito para kay Jason. Pero ngayon tila ba iba na ang nangyayari.

Likas naman kasi sa kaibigan niyang ito ang pagiging mahiyain. At hindi iyon mahirap tukiyin dahil nasa obvious iyon sa aura ng mukha nito.

Ang totoo napakaganda kasi ni Jenny. Iyong tipong timeless beauty katulad nina Kristine Hermosa, Alice Dixon at Dawn Zulueta na mga kilalang aktres sa Pilipinas.

Napakasarap pagmasdan ng mukha nito. At bilang matalik na kaibigan rin ni Jason, para sa kanya walang ibang babae na pwedeng bumagay sa binata kundi si Jenny lang.

Kaya ngayon, parang hindi siya makapaniwala na napapansin pala siya ni Jenny. At ginulat siya nito sa katotohanan na iyon.

"Tahimik ako oo, pero dapat alam mo rin na mahilig akong mag-observe ng mga bagay-bagay sa paligid ko," anito sa karaniwan pero tono na may halong amusement.

Nanatiling nakatitig lang si Ara sa magandang mukha ng kaibigan niya kaya naman hindi na siya nagtaka nang muli itong magbuka ng bibig para magsalita.

"Ano? Aamin ka na ba? Don't worry, it will be our little secret. No one can know about it, even Jason," paniniyak pa nito na may kapilyahan siyang kinindatan pagkatapos.

Doon napabuntong hininga na nga ng tuluyan si Ara. Pagkatapos ay tumango.

"Sabi ko na nga ba eh," ang kinikilig na sabi pa ni Jenny sa tono na silang dalawa lang naman ang makakarinig.

"Ngayong alam mo na ang totoo, huwag mong kakalimutan iyong promise mo," paalala pa ni Ara kay Jenny.

Tumango lang si Jenny ng magkakasunod saka lalong lumapad ang pagkakangiti. "Promise!" anito pa.

"Gusto nga niya sabay kaming uuwi at papasok sa school palagi," sa kabilang banda, tiwala naman siya kay Jenny na hindi nito ipagsasabi ang sikreto niya.

"What did you say?" asked Jenny back.

Ara shrugs her shoulders then places her hand under her chin as she stares at the blackboard in front of them. She and Jenny choose to seat on the first row of the chair in their classrooms to hear their professors.

"To tell you the truth, I am torn between saying yes and declining his offer," the young lady admitted.

Jenny's beautiful and naturally lined dark eyebrows knit because of what she said?

"Seriously? Why is that?" Jenny asked her.

Ara sighs before she opened her mouth to speak. "Im not sure. But the discomfort has always been there every time he is near me. That is despite the fact that I want to be with him, always."

Eventually the young lady decided to admit to Jenny what she truly feels. At dahil narin sa ginawa niyang pag-amin, kahit paano at naramdaman niya ang paggaan ng maniyang pakiramdam.

"Hindi naman nangangailangan ng mahabang panahon ang pagmamahal, iyon ang paniniwala ko. Alam mo ba ang mga tao na talagang itinadhana para sa isa't-isa, sila iyong kahit kailan pa lang nagkita parang kilala na nila ang isa't-isa ng sobra? Naniniwala kasi ako sa soulmate kaya ganoon," ang mahaba at makahulugan na winika ni Jenny.

Natigilan si Ara sa narinig saka kusang pinakiramdaman ang sarili. Ganoon naman ang nararamdaman niya para kay Daniel, parang matagal na niya itong kakilala kahit noong umpisa ay inis na inis siya sa binata.

Siya man nalilito sa katotohanan na gusto niyang palaging kasama si Daniel pero ang kaba at discomfort ay palaging nasa paligid kanya. Parang permenente na iyon.

"Basta ang alam ko masaya ako kapag nakikita ko siya, kahit kinakabahan ako," pag-amin niya saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

Ngumiti sa kanya si Jenny. "Gwapo naman kasi talaga si Daniel kaya hindi na ako magtataka kung bakit nagustuhan mo siya. Kaya lang ganoon siguro talaga, gwapo man siya sa paningin mo o ng iba na may crush din sa kanya, para sa akin walang katulad si Jason," sa huling sinabi ng katabi ay mabilis na napalingon si Ara dito.

"So tama nga ako ng hinala!" aniyang napalakas ng kaunti ang tinig kaya mabilis siyang sinaway ni Jenny na nang mga sandaling iyon ay namumula na ang mukha sa labis na hiya.

"Huwag ka ngang maingay diyan!" saway sa kaniya ni Jenny sa tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay nito.

Hindi napigilan ni Ara ang matawa dahil sa ginawing iyon ng kaibigan niya.

"Oo na, hindi ko sasabihin kay Jason," aniyang muling amuse na napangiti nang alisin ni Jenny ang kamay nito sa bibig niya.

"Sinabi mo iyan ah, I'm counting on you," si Jenny sa na nasa tono at aura ng mukha ang sinabi.

Tumango si Ara. "Best friends tayo di ba?"

Nagkibit ng balikat si Jenny. "Right," sang-ayon nito sa sinabi niya.

"But to tell you frankly, bilang beest friend ni Jason, ikaw ang gusto ko para sa kanya. Kung gusto mo, willing akong gumawa ng paraan pa---,"

Hindi na siya pinatapos ni Jenny sa anumang gusto niyang sabihin dahil mukhang alam na nito ang mga susunod niyang sasabihin.

"Hindi na, kung kami talaga we will end up together," anito sa firm na tono na halatang siguradong-sigurado.

Noon siya humahangang tumitig sa napakagandang mukha ni Jenny. Alam niyang mas matanda ito ng isang taon sa kanya pero sa tono ng pananalita nito maging sa mga point of view nito sa buhay ay masasabi niyang matured ito kumpara sa ibang kasing edad nila.

"Pero kung sakaling magbago ang isip mo, sabihan mo lang ako. Okay?" aniya pa.

Totoo iyon sa loob niya, willing siyang maging bridge kina Jason at Jenny. Hindi naman imposible na magustuhan ng binata ang kaibigan niya dahil lahat nalang yata ng mga katangian na pwedeng magustuhan ng isang lalaki sa isang babae ay nandito na. Pero dahil ayaw ni Jenny, igagalang niya iyon.

"Thanks, pero mas maganda kung kusa niya akong magugustuhan, hindi dahil tinulungan mo siya na mapansin ako," sagot ni Jenny kaya hindi na siya muling nagsalita pa at sa halip ay ngumiti nalang rito.

Siguiente capítulo