webnovel

Chapter 45: Azine's hint and Luna's investigation

AZINE'S POV

Lumitaw ako sa silid kung saan nagkaklase sina Arif. Sandali lang akong tumayo hindi kalayuan sa kaniya at pinagmasdan ito ng diretso. Tama ang hinala ko sa kaniya, hindi nga siya normal na tao lang. Hindi pa ako lubos na nakasisiguro pero nararamdaman ko na siya na yata ang matagal ko ng hinahanap. Kitang-kita ko ang nangyari kanina at kung paano naguluhan si Luna. Kailangan kong makausap ang kaluluwang 'yon.

Biglang napatingin sa may gawi ko si Arif. Tiningnan lang din niya ako ng diretso na para bang nakikita niya ako. Wala sa aming dalawa ang bumitaw sa tinginan na 'yon.

Sino ka ba talaga, Arif?

Nangunot ang noo ko nang bigla siyang mapangisi. Napatingin ako sa likuran at ang nagsasalitang propesor lamang naman ang naro'n.

Ako ba'ng tinatawanan niya?

Nawala na ang ngisi sa pisngi niya at naging seryoso na ulit ito. Hindi na rin siya nakatingin sa akin.

Kapag nalaman ko kung ano ang tinatago mo humanda ka sa akin, Arif.

Naglaho na ako at bumalik sa paraiso. Nakita ko sina Sky at Cloud na nag-uusap sa isang tabi. Nilapitan ko sila.

"Musta, pinuntahan mo na naman si Luna, ano?" Hindi agad ako sumagot at naupo muna.

"May nangyari ba?" interesadong tanong ni Cloud. Napatingin ako sa dalawa.

"Kanina nakita ko si Arif... at ang isa pang Arif."

"Huh?" si Sky.

"Ano?" si Cloud.

Napatayo si Sky at tumayo sa harapan ko.

"Ano'ng ibig mong sabihin ipaliwanag mo nga, bro?"

"May isang buhay na Arif at may isang kaluluwa. Nakita ko mismo silang dalawa at hindi ako maaaring magkamali."

"May isang buhay at may isang kaluluwa, ano'ng ibig sabihin no'n?" naguguluhang tanong ni Cloud.

"Hindi ko rin alam kasi kahit ako hindi ko maipaliwanag ang nangyayari." Umalis na si Sky sa tabi ko at naupo ulit.

"Hindi kaya... Hindi ako sigurado pero siya na kaya ang pinapahanap ni San Pedro?" hinuha ni Cloud.

"'Yan din ang tumatakbo sa isip ko kanina nang makita ko sila."

"Kung gano'n kailangan nating siguraduhin kung si Arif na nga 'yon." si Sky.

Kung siya nga kailangan niyang lumayo kay Luna.

LUNA'S POV

Kanina pa ako palibot-libot sa buong campus pero hindi ko pa rin makita si Arif. Palagay ko pinagtataguan niya ako o baka talagang wala lang siya dito. Nasa may na SBM ako nang makita ko si Maxine na nakatayo sa may harap ng hallway nila. Nilapitan ko siya tutal ay wala naman itong kasama ngayon.

"Luna, what are you doing here?"

"Wala may hinahanap lang kasi ako eh."

"Sino baka lang kilala ko para matulungan kita."

"Uhm... Max, si... si Arif ba may-may kakambal?" Kusang nangunot ang noo niya.

"Twin? Arif and I were friends since we're kids and sa pagkakaalam ko wala siyang twin eh. Bakit mo nga pala naitanong kung may kakambal si Arif?"

Wala siyang kakambal.

"Akala ko lang." Nawala na ang pangungunot ng noo niya at bahagya pa nga siyang natawa.

"Ginulat mo ako sa tanong na 'yan, Luna." Sinabayan ko na lang ng ngiti ang pagtawa niya.

Nang mapabaling ako sa may gawi ng gate nakita ko siya na nakatayo doon habang diretsong nakatingin sa... may pwesto namin? Sa akin ba o kay Maxine?

"M-Maxine."

"Bakit?"

"Nasa may gate si... si Arif, di ba?" Napatingin na rin siya sa tinitingnan ko.

"Si Arif wala naman ah."

Siya na ang hinahanap ko.

Pahakbang pa lang sana ako para lapitan siya nang bigla naman itong maglaho agad. Napatanaw na lang ako sa kinatatayuan niya kanina.

"Luna." Nagulat pa ako sa biglang pagtawag ni Maxine. Nakalimutan ko na narito nga pala siya.

"Okay ka lang?"

"O-Oo. Kasi parang may makita lang akong ano... Maxine, kailangan ko na munang umalis may gagawin pa kasi ako eh."

"Sige, see you around." Iniwan ko na siya doon at halatang naguguluhan din ito sa ikinilos ko.

Nagtuloy ako sa boarding house diretso sa kwarto ko. Nilibot ko ng tingin ang buong silid.

Nasaan siya ngayon? Kailangan ko siyang makausap. Napapikit ako at bumulong.

"Princess. Princess, kailangan kita ngayon. Magpakita ka sa akin ngayon na, please! Princess. Princess. Prin-"

"Luna." Agad akong napatingin sa aking likuran.

"Princess!"

"May nangyari ba, Luna?"

"Princess, kailangan ko ang tulong mo."

"Ano'ng maitutulong ko sa'yo?"

"Kasi may nakikita akong kaluluwa na... na kamukhang-kamukha ni Arif Zamora. Baka lang makita mo siya sabihin mo magpakita siya sa akin kasi may kailangan akong itanong sa kaniya." Nangunot din ang noo ni Princess.

"Si Arif kaluluwa? Hindi kita maunawaan, ano'ng ibig mong sabihin, Luna?"

"K-Kasi may isang buhay na Arif at kailan lang ay may nakita akong isa pang Arif na kaluluwa naman. Kaya nga kailangan ko siyang makausap para maitanong ko sa kaniya kung ano ang koneksyon niya kay Arif Zamora. Makikita at makakausap mo kaya siya, Princess?"

"Uhm... sige, susubukan ko siyang hanapin."

"Maraming salamat. Teka, hina-hunting ka pa rin ba ni Shaina." Natigilan si Princess at naupo sa bangko sa may salamin.

"Ilang linggo na siyang hindi nagpaparamdam sa akin."

"Eh, di mabuti naman pala kung gano'n." Nag-aalala siyang napatingin sa akin.

"'Yan nga ang ikinakatakot ko Luna eh."

"Bakit?"

"Kasi alam kong hindi basta-basta aalis si Shaina hanggat hindi siya nakakaganti sa akin. Anupa't sinundan niya ako hanggang kamatayan kung walang mangyayari sa paghihiganti niya." Napaisip ako sa sinabi ni Princess.

"Tama ka nga. Kung gano'n magtago ka na lang muna hanggat hindi ko nahahanapan ng sagot ang nangyayari sa'yo. Kailan ko rin palang makausap si Shaina." Napatayo si Princess at lumapit sa akin.

"Luna, kailangan mo ring mag-ingat sa kaniya. Posible na baka ikaw ay pagbalingan din niya ng galit. Hindi natin alam ang tumatakbo sa isip ni Shaina. Kung napagbalakan ka niyang saktan dati hindi imposibleng maulit muli 'yon sa mga susunod na araw." Parang kinabahan ako sa sinabi ni Princess.

Bumalik na ako sa school kasi may isa pa akong subject. Hindi na ako nakapasok sa isang subject kanina dahil sa kakahanap kay Arif. Gustong-gusto ko na talagang malaman kung ano ant nangyayari.

"Ano'ng nangyari sa lakad mo nakita mo 'yong kaluluwa?" agad na tanong ni Jedda nang makaupo ako sa tabi niya.

"Nakita ko siya pero naglaho din agad."

"Na naman? Paano mo siya makakausap kung gano'n?"

"Ewan ko din eh. Je, parang ayaw niya akong makausap kasi palagi siyang naglalaho agad kapag lalapitan ko siya. Nakatanaw lang siya mula sa malayo at nakatingin kay..." Napatingin ako kay Je na nakangunot-noo.

"Kay Maxine."

"Kay Maxine?" Napatango ako. May namuong ideya sa aking isulipan pero hindi ako sigurado.

"Kung si Maxine ang pakay niya dito sa lupa ibig sabihin kay Maxine siya madalas magpapakita, Luna."

"Pero bakit si Maxine?" naguguluhanan pa ring tanong ko.

"Kung siya talaga si Arif baka kasi dahil bestfriend sila? Baka dahil si Maxine ang super close niya dati? O baka may gusto siyang sabihin kay Maxine?"

"Pero bakit ayaw niya akong kausapin gano'ng alam naman niya na nakikita ko siya? Ako ang makakatulong sa kaniya pero bakit hindi siya humihingi ng tulong sa akin?"

"Hay naku! Tama na muna ang mga hinuha natin kasi baka tayo naman ang madala sa mental institution niyan." Napabuntong-hininga na lang ako. Ang gulo!

DORM. Kumakain na kami ng hapunan pero lutang pa rin ako. Hindi mawaglit sa isip ko ang mga nangyayari. Napahinto muna ako sa pagkain at tiningnan sila na walang imikan habang kumain.

"Gaano ba ka-close sina Maxine at Arif?" Pare-pareho silang napatingin sa akin.

"Sobra pa sa super, bakla." si Paulo. Nagsikain na sila. Maya-maya nagtanong ulit ako.

"Posible kayang buhay ang isang tao habang gumagala ang kaniyang kaluluwa?" Pareho silang napatingin sa akin at nahinto na rin sa pagkain. Kasalukuyang pasubo pa lang si Paulo ng pagkain nang magtanong ako kaya ibinaba niya na lang 'yon.

"Kung coma patient siya posible na gumala ang kaluluwa ng isang tao," sagot ni Aliya. Napatingin ako sa kaniya. Nursing kasi ang kinukuha niya kaya medyo may alam siya.

"Pero kung sinasabi mo na buhay na buhay ang isang tao nakakausap mo siya, nakakatayo at nakakalakad tapos may kaluluwa siyang gumagala eh 'yon ang imposible," pagpapatuloy niya.

"Oo nga sobrang imposible talaga no'n," sabat ni Elay.

"Tama." si Chendy. "Kung humiwalay ang kaluluwa ng isang tao sa kaniyang katawan in a common sense wala siyang consciousness no'n." Tama si Chendy. Pero bakit si Arif buhay na buhay at nakakausap ko pa? Wala naman siyang kakambal.

"B-Bakit ba tayo napunta sa usapan na 'to? Kumain na nga lang muna tayo, guys." sabat ni Paulo.

Kinagabihan hindi ako pinatulog ng aking pag-iisip. Napabangon muna ako at naupo paharap sa may bulaklak. Medyo kumalma naman ako sa tulong nito. Mahimbing na ang tulog ni Paulo.

"Kausapin ko kaya si Arif bukas? Sa kaniya na ako mismo magtatanong baka kilala niya kung sino ang kaluluwang 'yon na kamukhang-kamukha niya." Napailing ako sa ideyang 'yon. Baka lang magmukha akong tanga sa kaniya.

"Ano'ng gagawin ko? Si Lolo!" Muntik ko ng makalimutan si Lolo.

"Baka siya ang makatulong sa akin."

"Ako ba ang hinahanap mo, apo?" Napabaling ako kay Lolo na sumulpot bigla dito sa tabi ko. Napatayo ako at hinarap siya.

"Mabuti ho at narinig niyo ako, Lolo. Kailangan ko ho ang tulong ninyo kasi may nangyayari po na hindi ko maipaliwanag kung ano." Naupo siya sa kinauupuan ko kanina.

"Ipagpatuloy mo ang 'yong sinasabi, apo."

"Kasi ho si Arif Zamora nakita ko po ang kaluluwa niya. Hindi ko po maipaliwanag kung bakit gano'n kaya po naisip ko kayong tanungin." Napaisip din si Lolo sa sinabi ko.

"Iyan ay hindi na sakop ng aking kaalaman, Luna. Hindi ko alam na may mga ganiyang kaso pala na nangyayari sa mundo." Napaupo ako sa gilid ng kama paharap kay Lolo. Mukhang mahihirapan akong malaman kaagad ang katotohanan.

"Kung sinasabi mong gumagala ang kaluluwa ni Arif Zamora samantalang siya naman ay malakas at nabubuhay pa," napatingin ako kay Lolo at naghintay sa sasabihin nito.

"Hindi kaya... ang Arif Zamora na 'yan ay... may dalawang pagkatao?"

"Posible po ba 'yon, Lolo? 'Yong isang tao may dalawang katauhan? Ang ibig niyo ho bang sabihin si Arif may... may dalawang kaluluwa?" naguguluhan kong tanong.

"Hindi rin ako sigurado, apo. Ang mainam ay pag-aralan mong mabuti ang nangyayari at saka mo malalaman ang sagot bandang huli. Alam kong hindi magtatagal at makukuha mo rin ang hinahanap mong kasagutan, Luna."

Nagising ako sa boses ni Paulo.

"Bakla, mali-late ka na nga bumangon ka na diyan." Nakabihis na siya at nag-aayos na lang ng sarili sa harap ng salamin. Napainat na lang ako sa aking higaan. Parang hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ko na lang siya sinagot.

"Uy, Luna, gising na may pasok ka pa, di ba?" Naramdaman kong lumapit siya sa akin.

"Masama ba pakiramdam mo?" Sinuri niya ako. Dinampian pa nito ng palad ang aking noo.

"Ang init mo, bakla, may lagnat ka."

"P-Papasok na lang ako mamaya kapag gumanda ang pakiramdam ko." Nanghihina kong sagot sa kaniya.

"Ano'ng papasok ka diyan magpahinga ka na lang muna dito, okay? Tatawagan ko na lang si Jedda para ipaalam sa kaniya na may sakit ka at ng masabi niya rin sa mga prof niyo. Dito ka lang kuhanan lang kita ng pagkain at gamot." Lumabas na siya ng kwarto. Bakit naman ngayon pa ako nagkasakit kung kailan marami kong kailangang gawin? Naipikit ko na lang ang mga mata ko.

Ilang minuto ang lumipas muling bumalik si Paulo sa kwarto ko dala ang tray ng pagkain at gamot. Ibinaba niya muna sa table at saka ako nilapitan.

"Bakla, kain ka muna para makainom ka na ng gamot." Tinulungan niya akong makasandal sa may uluhan ng kama. Napaubo naman ako. Hinang-hina ang aking katawan.

"Mabuti na lang may nabili ako'ng lugaw sa labas. Kumain ka na at mainit-init pa 'to." Hinipan pa niya ang lugaw na nasa kutsara at saka isinubo sa akin. Caring kasi talaga 'tong si Paulo eh. Matapos kong maubos ang lugaw inabot niya sa akin ang tubig at gamot.

"Inumin mo na 'tong gamot mo." Ininom ko na agad 'yon at saka ibinalik sa kaniya.

"Dalhin ko lang muna 'to sa labas." Patayo pa lang siya nang magsalita ako kaya napaupo ulit si Paulo at napaharap sa akin.

"Huwag mo ng mabanggit kay mama na may sakit ako, ah, baka mag-alala lang 'yon sa akin."

"Sure ka ba na hindi ko sasabihin sa kaniya? Baka naman ako ang pagalitan ni tita Yvonne."

"Mabilis lang naman 'tong mawawala eh magpapahinga na lang ako."

"Okay sige. Bakla, kailangan ko ng umalis kasi may pasok pa ako eh. Ibibilin na lang kita kay ate Jasmine at sa iba pa nating boardmates, okay?"

"Sige."

"Pahinga ka lang dito, huh? Kapag wala na akong class uuwi ako agad."

"Sige, pasok ka na." Tinulungan niya akong makahiga ulit at saka siya lumabas na. Natulog na lang ako ulit.

Muli akong nagising dahil sa katok sa pinto.

"Pasok, bukas 'yan." Nanghihina pa ang boses ko. Ayaw na ayaw ko talaga kapag nagkakasakit ako kasi hindi ko kaya ang pagkahilo. Pagbukas nang pinto nabungaran ko si Ate Jasmine na kasama si Arif.

"Luna, binisita ka nitong kaibigan mo raw." Sinikap kong bumangon at agad namang lumapit sa akin si Arif matapos ibaba ang mga dala sa table para tulungan ako. Tinulungan niya akong makasandal sa uluhan.

"Ano'ng ginagawa mo dito, Arif?"

"Nabalitan ko kasi na may sakit ka kaya naisip ko na puntahan ka dito."

"Maiwan ko na muna kayong dalawa dito. Luna, ipatawag mo lang ako kung may kailangan ka."

"Salamat, Ate Jasmine."

"Sige." Napatingin pa siya kay Arif bago tuluyang lumabas.

"Uhm... are you hungry? Nagdala ako ng pagkain at prutas para mapadali ang paggaling mo."

"Medyo busog pa ako eh mamaya na lang siguro." Mukhang maaga pa naman para sa tanghalian kasi hindi pa ako nakakaramdam ng gutom.

"Gano'n ba?" Hinila niya ang bangko na nasa may gilid at inilapat malapit sa akin saka siya naupo doon.

"Luna, sana tinawagan mo ako wala palang nag-aalaga sa'yo dito."

"Marami ko namang mga kasama dito. Salamat nga pala sa pag-aalala."

"Wala lang 'yon." Dinampian niya ng palad ang noo ko.

"Medyo mataas pa rin ang lagnat mo, nakainom ka na ba ng gamot?"

"Pinainom na ako ni Paulo kanina." Napatango-tango siya at saka pinagmasdan ako. Muli kong naisip na naman 'yong tungkol sa kaniya.

Tanungin ko na kaya siya ngayon?

"Arif..." naiilang ko pang banggit sa pangalan niya.

"Yes? Do you need anything? May gusto ka bang kainin ibibili kita just say it." Bahagya akong napangiti.

"A-Ano... may itatanong lang sana ako sa'yo eh."

"What would you like to ask, Luna?"

"Uhm..."

Ano'ng itatanong ko sa kaniya? Kung bakit gumagala ang kaluluwa niya? Mali! Kung may dalawa ba siyang kaluluwa? Mali din. Anoo?

"Namatayan ka ba ng kapatid na lalaki dati?" ang tanging tanong na lumabas sa bibig ko. Nangunot ang noo niya.

"Ako lang ang nag-iisang anak na lalaki ng parents namin. Wala na akong ibang kapatid maliban kay Ara."

"Sigurado ka ba? Kakambal, wala ka bang kakambal?" Mas nangunot ang noo niya at saka napailing.

"Wala akong kakambal eh. Bakit mo nga pala naitanong?"

"Huh?" Parang bigla rin siyang na-curious kaya napaubo na lang ako kahit fake lang. Baka mabuking niya pa ako eh.

"Are you okay?" Napatayo siya at napalapit sa akin. Marahan niyang tinapik-tapik ang likod ko.

"O-Okay lang ako."

"Wait, ikukuha lang kita ng tubig." Agad-agad siyang lumabas ng kwarto. Napahinto naman na ako sa pag-ubo.

Wala siyang kakambal. Wala siyang ibang kapatid na lalaki. Sino 'yon?

Bumalik agad siya at saka lumapit sa akin at pinainom ako ng tubig.

"Salamat."

"Okay ka na ba?" Napatango ako. Ibinaba niya ang baso sa table saka ako muling hinarap.

"Mabuti na lang pala at nagpunta ako dito kung hindi walang mag-aalaga sa'yo." Nginitian ko lang siya at tiningnan. Nagkasakit na siguro ako sa kakaisip kung sino talaga si Arif.

AZINE'S POV

"Payagan niyo na ako." Kanina pa ako nagpupumilit na magpakita kay Luna pero pinipigilan naman ako nitong dalawa.

"Kumalma ka lang, Azine." si Cloud. Kanina pa ako nagsisente dahil sa Arif na 'yon. Sinasamantala niya na wala ako kaya siya nakakalapit kay Luna. Ang lakas ng loob niyang bumisita kay Luna. Pasalampak akong naupo.

"'Yan na ba 'yong tinatawag na selos?" pang-aasar ni Sky. Oo na selos na selos na talaga ako. Ako dapat 'yong nando'n at nag-aalaga sa girlfriend ko hindi ang Arif na 'yon.

"Si Sky talaga, oh. Huwag mo ng gatungan ang apoy mamaya niyan hindi natin 'to mapigilan eh."

"Peace. May naisip ako."

"Baka palpak na naman 'yan ah." si Sky.

"Hindi, ano! Ganito, ako na lang ang bababa at magpapakita kay Luna para naman mabawas-bawasan ang pagsiselos mo diyan. Paaalisin ko ang Arif na 'yon do'n, okay ba?" sumang-ayon naman kaming dalawa.

"Mabuti pa nga. Ingatan mo 'yang mga sasabihin mo, Sky."

"Opo, boss!" Saka siya naglaho.

SKY'S POV

Bumaba na ako at dito sumulpot sa kwarto ni Luna. Nakita naman niya ako agad. Kasalukuyang wala si Arif dito.

"Sky? Ano'ng ginagawa mo dito? May susunduin ka ba dito? Sino?" Napabangon siya bigla.

"Relax ka lang, Luna. Hindi naman ako naka-uniform eh." Nakasibilyan lang ako ng suot ngayon. Worried na worried talaga siya eh. Napahinga naman siya ng malaya at napahiga. Nilapitan ko siya at sandaling naupo sa bangko na narito.

"Kumusta pala pakiramdam mo?"

"Ayos naman nagpapagaling lang."

"Mabuti naman pala." Napabangon siya at napasandal.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Nailibot niya ang paningin sa buong silid. Mukhang hinahanap niya kung may kasama ako. Sorry, Luna hindi ka pa pwedeng makita ni Azine ngayon.

"Binisita lang kita kasi nabalitaan ko na may sakit ka." tipid siyang ngumiti.

Teka, hindi ba niya kukumustahin si Azine? Kawawang Azine.

"Umuwi na ba si Arif?"

"Paano mo nalamang narito si Arif?" nagtataka niyang tanong.

"Huh? Uhh... N-Nasi-sense ko lang siya. Wala ba siya dito akala ko naman narito siya."

"Nasa labas siya ipinagbabalat ako ng prutas."

"Ahh! Tama pala ang hula ko." Sandali siyang natahimik at maya-maya ay nagsalita muli.

"K-Kumusta na pala si... si Azine?" Akala ko hindi na niya itatanong eh.

"Si Azine, okay naman siya." Parang bigla siyang nalungkot pero maya-maya ngumiti ng bahagya.

"Mabuti kung gano'n."

"Luna, galit ka ba kay Azine?"

"Wala naman akong dahilan para magalit sa kaniya eh. Masaya ako para sa kaniya at para sa kanila ni Maxine. Sky, pwede ba akong humingi ng pabor sa'yo?" Ramdam ko ang lungkot sa puso niya kahit gano'n ang mga sinasabi ni Luna.

"Ano 'yon?"

"Pwede ba'ng sabihin mo sa akin kapag naging tao na ulit si Azine? Malaman ko lang na naging tao na siya ay masaya na ako." Swerte talaga ni Azine at nakahanap siya ng isang Luna.

"Oo naman."

"At pakisabi sa kaniya na kapag naging tao na siya... sana 'wag na siyang magpapakita sa akin. Ituturing ko na lang na isang panaginip ang lahat simula ng makilala ko siya."

Bigla akong nalungkot. Akala ko happy ending na.

__________________________________________________

Akala ko rin happy ending eh. Ba't gano'n, Luna? Are you breaking up with Azine? Ayst! Love is really complicated.

💙💙💙

Siguiente capítulo