webnovel

Chapter 25: One kiss for one wrong answer?

LUNA'S POV

Pag-akyat ko sa taas lahat ng mga ka-dorm ko na narito sa salas ay nakatingin sa akin. Nangunot ang noo ko. Napatingin ako sa gilid at nakita ko sina Elay, Chendy, Aliya at Paulo na nakatingin din sa akin. Nginitian ko lang sila'ng lahat at naiilang na naglakad papalapit kay na Paulo. Naupo agad ako sa tabi ni Aliya.

"Ano'ng nangyayari bakit nakatingin sila'ng lahat sa akin?" Napailing si Aliya.

"Oh."

Napamulagat ako ng iharap sa akin ni Aliya ang cellphone niya. Kinuha ko agad ang cellphone at tiningnan ang mga naka-post.

Lahat ng nangyari kanina ay nasa page na ng school. May video pa no'ng  away nina Arif saka mga taga-ESTI. May picture kami ni Arif na inaabutan ko siya ng mineral water tapos meron din no'ng hinawakan niya ako sa braso at lumapit siya sa akin. Nakuhanan din 'yong hinila ako ni Arif malapit sa kaniya.

I'm dead!

Naisubsob ko na lang ang mukha ko sa mesa.

"Kumusta maging artista? Masaya ba?" Pang-aasar ni Paulo. Napaangat ako ng mukha.

"Sino ba kasi ang kumukuha ng mga pictures na 'to?" Iniabot ko na kay Aliya ang phone niya.

"Baka nakakalimutan mo'ng may course tayo'ng Bachelor of Arts in Communication. Mga reporters kuno." si Paulo pa rin.

"Ano ba kasi ang ginagawa niyo sa Plaza kanina?" Usisa naman ni Elay.

"Nag-aya si Je na gumala." wala'ng gana ko'ng sagot.

May nakita ako'ng pagkain sa mesa kaya nagsimula na ako'ng kumain ng mawala naman ang stress ko.

"Kayo na naman ni Arif Zamora ang nasa headline ng balita. Ano'ng pakiramdam na ma-link sa popular na si Arif Zamora, Luna?" Nakangisi pa'ng tanong ni Chendy.

"Para ako'ng nasa impyerno." turan ko sa gitna ng pagkain. Tinawanan na lang nila ako.

"Alam mo ba'ng maraming naiinggit sa 'yo dahil sa nangyari kanina? Imagine mo 'yon para kayo'ng nasa drama ni Arif. Nakakakilig ang loveteam niyo, bakla." Masasapok ko na 'tong si Paulo eh. 

"Pero pansin ko lang bagay naman kayo'ng dalawa ni Arif, eh." Napangiwi ako sa sinabi ni Aliya.

"Tama na nga ang pang-aasar niyo wala kami'ng koneksyon ni Arif, okay? Nagkataon lang 'yong nangyari kanina." Pagpapaliwanag ko.

"Usap-usapan nga na baka kayo na raw ni papa Arif." Tinawanan ko ang sinabi ni Paulo.

"IMPOSIBLE, OKAY?" Inabot ko ang tubig at uminom.

"Tss! Tanggi pa." Bigla ako'ng nasamiran dahil sa pagsulpot ni Azine sa tabi ko at naupo.

"Ayan, naalala ka yata ni Arif, Luna." Kantyaw pa rin nitong katabi ko na si Aliya. Tinanggal niya ang bag ko at hinagod ang aking likod.

"Hindi kaya marami na ang galit sa 'yo ngayon dahil sa sweetness niyo kanina ni Arif?" si Elay.

Nakabawi na rin naman ako sa pagka-ubo.

"Dahan-dahan naman, Luna. Ahunin ko lang niluluto ko para makakain na tayo." Napatayo na si Paulo.

Maaga yata'ng nakauwi si Paulo kaya maaga rin siya'ng nakapagluto. Anyway, gabi-gabi na rin naman.

"Namumula ka na sa kilig, oh." Hindi ko pinansin si Azine at kumain lang ako.

"Luna, may isa'ng tanong lang ako sa 'yo, huh." Si Chendy. Napatingin ako sa kaniya.

"Ano 'yon."

"Nanliligaw na ba sa 'yo si Arif?"

Natigilan kami pare-pareho sa tanong ni Chendy. Napatingin sila sa akin pati si Paulo na ibinaba muna ang kinuhang luto.

Narinig ko'ng napa-smirk si Azine.

"Hindi ka agad nakaimik ibig sabihin ba niyan... yes?" si Chendy ulit.

"H-Hindi! Hindi siya nanliligaw sa akin, okay? Ano ba 'yang mga iniisip niyo. Kumain na nga lang tayo."

"'Wag mo nga'ng iwasan ang mga tanong nila. Tss!" Napatingin ako saglit kay Azine at sinamaan siya ng tingin.

Pinuno ko na lang ng pagkain ang bibig ko.

"One of these days for sure magko-confess na sa 'yo si Arif." Sabat ni Aliya.

"Feeling ko din," si Paulo na naglagay na ng ulam sa mangkok.

"Naririnig ko na nga 'yong sasabihin ni Arif eh. Luna, I like you! Can you be my girlfriend?" dagdag ni Paulo. Umaktong kinikilig ang mga ito.

"Tumawa ka na rin kaya halata namang kinikilig ka na eh." Pang-aasar ni Azine.

"Tigilan mo 'ko." bulong ko sa kaniya ng hindi siya tinitingnan. Napangisi lang naman ito.

MAXINE'S POV

Naitapon ko ang cellphone ko matapos ko'ng makita ang naka-post sa page ng school. Lately, hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Ayaw ko'ng may pinapansing iba si Arif. At bakit kay Luna pa?

Naiinis ko'ng hinagilap ang tumilapon ko'ng cellphone nang mag-ring ito. Si Reanne. Wala'ng gana ko'ng sinagot ang tawag niya.

"Why?"

{ "Max, may bad news ako for you. I-visit mo 'yong page ng school natin and look for yourself..." pinutol ko na agad ang tawag niya at

"Bwisit!" Kinalma ko na lang ang sarili ko.

What's wrong with me? No! I only love him. I only love Nizu. No one else.

AZINE'S POV

Nakaupo pa rin ako dito at tinatanaw si Luna na naghuhugas ng mga pinggan. Hindi niya ako pinapansin.

Pero kanina pa ako naiinis. Kung buhay lang ako hindi magkaka-chance ang Arif Zamora na 'yon na hawakan si Luna. Mangarap siya. Alam ko namang may gusto siya kay Luna. Naglaho ako at sumulpot sa tabi ni Luna. Nagulat pa siya dahil sakto siya'ng napaharap sa akin at maglalagay sana ng pinggan sa may cabinet.

"Bakit andito ka pa rin?" Pabulong na sabi niya. May mga tao pa kasi dito.

"Bilisan mo na kasi diyan."

"At bakit naman?"

"May itatanong pa ako sa 'yo, di ba?" Napangisi ako no'ng nakita ko na nag-blush siya.

Sa akin lang siya nag-blush. Tinalikuran niya ako at sa kabila dumaan.

"Bakit kasi ikaw ang pinaghuhugas nila?" demanda ko sa kaniya ng makabalik siya dito sa harap ng sink.

Hindi na niya ako pinansin hanggang sa natapos na siya. Nag-toothbrush lang si Luna at naghilamos. Matapos ay pinuntahan niya ang mga barkada sa kabilang table. Nanonood lang naman kasi ang mga ito sa laptop nila.

"Hindi pa ba kayo matutulog?"

"Luna, ang aga-aga pa oh." Sabi nitong si Elay yata.

Lumipat si Luna sa tabi ni Paulo.

"Lumayo ka nga sa kaniya, Luna." Tiningnan ako ng masama ni Luna. Inismiran ko lang siya.

"Paulo,"

"Bakit?" Abala din naman ito sa pagla-laptop kaya ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Tara na sa kwarto."

"Tss! Hindi ko gusto 'yong sentence mo." sabi ko.

"TUMIGIL KA NGA!"

Nagulat kami pare-pareho sa biglang pagsigaw ni Luna. Napatingin sa kaniya ang lahat ng nandito.

"Ha-ha! Okay ba? Pina-practice ko lang 'yong linya ko kasi may drama kami bukas." Napailing na lang ako at natawa.

"Luna, doon ka na sa kwarto mag-practice kasi maha-highblood ako sa 'yo eh." Natawa ko sa sinabi ni Paulo. Sinamaan ako ng tingin ni Luna.

Napatayo na siya at kinuha ang bag saka nag-walkout sa kwarto niya. Naglaho na agad ako at sinundan siya. Ngayon ay nasa likod niya na ako at naabutan ko siya'ng nila-lock ang pinto.

"Ano'ng sense ng pagla-lock mo ng pinto kung kaya ko namang lumusot sa pader?" Binalingan ako ni Luna. Masama pa rin ang timpla niya.

"Hinihintay ka na ng mga susunduin mo." singhal niya sa akin.

"Off ko ngayon eh."

Hindi siya natawa sa halip inismiran na naman niya ako. Nagpunta siya sa may study table at naupo sa harap ng bulaklak. Kinalma niya ang sarili do'n.  Lumapit naman ako at naupo sa may kama katapat niya.

"Are you ready?" Napatingin siya sa akin.

"Alis na!" Napangiti ako.

"Just answer my question..."

Napatayo siya at paalis na sana pero naglaho agad ako at sa tabi niya na lumitaw. Hawak ko na siya sa braso at naiharap ko kaagad siya sa akin.

"Hindi mo ako matatakbuhan, okay?" Sabi ko sa kaniya at inilapit na ang mukha ko.

"A-Azine, ano ba'ng ginagawa mo?"

Napangiti ako at sandaling pinagmasdan ang buong mukha niya. Tinitigan ko si Luna.  

"Nakalimutan mo agad? I told you, one kiss for your wrong answer."

"Hindi mo na ako mauuto."

Tinulak niya ako at sinubukang hilahin ang braso niya na hawak ko pero nagkamali yata siya ng move. Hindi ko siya binitawan at sa halip ay sa kama ko siya hinila. Napahiga siya samantalang ako ay nakaibabaw sa kaniya. Mas malapit na kami sa isa't isa ngayon. Napangisi ako sa itsura niya.

"Mas maganda ka'ng tingnan ngayon." Sweet ang pagkakasabi ko kaya halos mamula na siya at hindi makapagsalita.

Nagtataka rin ako kung bakit ko 'to nagagawa. Siguro special ako'ng multo.

"Pakawalan mo 'ko." Para'ng wala ng energy 'yong boses niya. Sa isip na lang ako natawa. Pero agad akong nagseryoso ng mukha.

"Okay, hindi na ako magtatanong, hahalikan na lang kita."

Nakatingin lang siya sa akin at gano'n din naman ako. Binaba ko ang tingin sa labi niya. How I wish buhay ako ngayon.

"Azine," Napatingin ako kay Luna.

"Aalis ka na ba kaya ka nagkakaganyan? Iiwan mo na ba ako?" Buong suyo ko siya'ng tiningnan.

"Alam mo ba kung bakit ako nagkakaganito?" Napailing siya.

"Luna... manhid ka ba? Nagkakaganito ako dahil nagsiselos ako sa Arif Zamora na 'yon. I'm jealous! Naiinis ako kapag hinahawakan ka niya. Naiinis ako kapag kinakausap mo siya. Naiinis ako kapag nakakarinig ako ng usapan tungkol sa inyong dalawa. Naiinis ako kapag tinutukso ka ng mga kaibigan mo sa kaniya kasi baka ma-fall ka sa lalaki'ng 'yon. Hindi mo ba nararamdaman, Luna?" Natahimik si Luna sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sa akin. Maya-maya natawa siya. Nasa ganoon pa rin kami'ng posisyon.

Pinagtatawanan ba niya ang confession ko? Tss!

"Kapag hindi ka tumigil hahalikan kita." Napatigil siya nang mas ilapit ko ang aking mukha.

"May itatanong ako kaya dapat masagot mo ng tama dahil kung hindi alam mo na ang consequences." Hindi na siya umimik kaya nagpatuloy na ako.

"Can you be my girlfriend?" Biglang nasinok si Luna pero hindi nagbago ang expression ng mukha ko.

"Can you be my girlfriend, Luna?" She's really blushing.

"M-May girlfriend ka na..."

Hindi ko na siya pinatapos dahil masuyo ko na siya'ng hinalikan. Wala ako'ng ibang gustong marinig pa. I kissed her wholeheartedly. Parang ayoko ng matapos ang mga sandaling ito na hinahalikan ko si Luna. Sa kaniya ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam.

Pinutol ko na ang paghalik sa kaniya at pinagmasdan lang siya.

"You respond to my kiss, Luna, it means you're already my girlfriend." Nahiga ako sa tabi niya. Napatingin siya sa akin.

"May girlfriend ka na, Azine." Napabangon ako at napatingin kay Luna. Nginitian ko siya.

"Magpahinga ka na ako na ang bahala sa lahat, okay?" Napabangon na rin si Luna.

"Hindi ka na ba magpapalit?" Napatingin din siya sa suot niya.

"Naka-uniform pa pala ako." Nagpunta siya sa cabinet niya at kumuha ng masusuot.

"Magpapalit lang ako." Lumabas na siya ng kwarto.

Nagpunta ako sa may harap ng bulaklak at hinintay na lang si Luna.  Bumalik din naman siya kaagad.

"Bakit hindi ka pa umaalis?" Napatingin ako kay Luna na nakapang-tulog na.

"Babantayan kita'ng matulog."

"Bakit pa..."

"Matulog ka na."

Nangibit-balikat na lang si Luna at matapos itabi ang uniform ay sumampa na rin siya sa kama at nahiga. Naupo ako sa gilid niya.

"Matulog ka na babantayan kita." Napatango lang siya at pumikit na.

Umalis na ako ng makatulog na si Luna. Naisip ko namang puntahan si Max kaya naglaho na ako at sumulpot sa kwarto niya. She's already sleeping. Nakabalik na pala siya.

Naupo ako sa may gilid niya at pinagmasdan siya.

Sigh.

"I'm sorry, Max. Ikaw ang hinahanap ko kaya ako nagpunta dito pero iba'ng babae ang natagpuan ko. I'm really sorry."

LUNA'S POV

Sunod-sunod na pagyugyog ang gumising sa akin kinabukasan. Napaunat muna ako at saka tiningnan ang gumising sa akin.

"Luna, gising na may pasok ka pa. Nagluto na ako ng breakfast tumayo ka na diyan." si Paulo. Nakaligo at nakabihis na siya ng uniform.

"Ano'ng oras na ba?"

"7 na bakla."

"Huh?" Bigla ako'ng napabangon.

"Bakit ngayon mo lang ako ginising? 7: 30 pasok ko eh." Nagmamadali na ako'ng bumaba sa kama.

"Aba malay ko hindi naman ako manghuhula eh."

Lumabas na ako ng kwarto matapos kumuha ng tuwalya. Diretso agad ako sa banyo para maligo.

Tumatakbo na ako ngayon papunta sa classroom namin dahil late na late na ako. Nandito ako sa may tapat ng faculty office ng SBM kasi nandito sa may gilid ang classroom. Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko agad dahil hawak ko naman ang bag.

"Je."

{ "Luna, hindi ka papasok?" }

"Papunta na ako."

{ "'Wag ka ng pumasok mainit ulo ni Sir Barumbado masasabon ka lang." } Napahinto na ako sa pagtakbo.

"Talaga?"

{ "Oo. Mamasyal ka na lang muna sa campus." }

Napatawa pa siya. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ayoko kayang mapagalitan ni Sir Barumbado. Apelyido pa lang nakakatakot na.

"Sige."

{ "Sa susunod kasi agahan mo ng gising. Hiyang-hiya ako sa layo ng bahay mo eh, ano? Babush!" } Napanguso na lang ako at ibinalik ang cellphone sa bag ko.

"Ano na ang gagawin ko ngayon?" Nasapo ko ang tiyan ko ng biglang magreklamo.

"Gutom na ako."

Hindi ko na kasi nagawang kumain kanina. Patalikod na sana ako ng may magsalita.

"Feeling hungry?" Nilingon ko siya.

"Arif." Mag-isa lang siya ngayon. Lumapit si Arif sa akin.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Naiilang ko'ng tanong.

"Pabalik na sana ako sa building namin kaso nakita kita dito. Ikaw, ano'ng ginagawa mo dito?"

"Papasok sana eh kaso na-late ako. Ayoko'ng mabusaan kaya hindi na ako tumuloy." Napatawa kami pareho.

Naalala ko 'yong mga naka-post sa school page.

"Uhm... Arif, alam mo na ba na pinagpipyestahan tayo sa school page ngayon?"

"Ah, yeah, I've already saw it yesterday. Para nga tayo'ng artista eh."

"Oo nga eh kaya siguro baka... dapat hindi na muna tayo mag-usap?"

"Huh? Bakit namin?"

"Kasi baka mamaya naglalakad ako tapos may hihila na lang bigla sa buhok ko. Ayoko'ng mangyari 'yon."

"Ha-ha! Hindi naman mahalaga ang iniisip nila sa atin eh. We're just friends sila lang ang nag-iisip ng kung anu-ano."

"Eh, kasi hindi ka ba nag-aalala na-"

"Halika na nga. Ha-ha! Don't mind them, okay?" Bigla niya na lang ako'ng hinila.  "Arif!" Hindi ko  na mahila ang kamay ko sa kaniya kaya napasunod na lang ako.

Headline na naman 'to.

ARIF'S POV

Habang naglalakad kami papuntang canteen halos lahat ng paningin ay nasa amin ni Luna. Nakahawak pa rin ako sa kamay niya samantalang ito naman ay pilit inaalis kaso hindi ko binitumiwan. Nakatungo lang siya habang naglalakad kami.

May naririnig ako'ng bulungan from gilid-gilid pero hindi ko na lang pinansin.

Nang makarating kami sa canteen ay same reaction din ang natanggap namin sa mga students na kumakain dito. Natanaw ko sina Max at ang mga friends niya na kumakain sa kabilang side. Nginitian ko lang sila at iginiya si Luna sa kabilang side. Mukhang napansin niya rin sina Max.

"Maupo ka muna ako na ang bibili ng makakain natin."

"Aalis na ako." Pinigilan ko si Luna sa pag-alis at inupo siya sa bangko.

"Masamang magpalipas ng gutom, okay? Just sit here and don't mind them." Iniwan ko na siya do'n at nagpunta sa counter.

Maraming pila pero pinauna na nila ako.

"Uhm, 2 plates ng spaghetti, 2 clubhouse sandwich and 2 glass of orange juice, please."

[ Author's Note: Before anything else ang school canteen ng MSU ay hindi gano'n kalaki tapos 'yong mga foods ay mga ordinary lang like mga spaghetti, mga kakanin, sopas, pancit, may mga mga manok din with iba ibang luto-mga pang-ulam ba-tapos wala talagang clubhouse sandwich and juices na tinda mga softdrinks lang, bottled water, C2 ganyan. Pero syempre dito sa story ko nilagyan ko na ng iba pang pwedeng order-rin kasi sosyal ang ating bida.(^_^) Pwede naman mag-request dito. In the future papalakihin na siya at dadagdagan na ang nasa menu😂 Okay, exit na ako. ]

Kinuha ko na ang orders ko at dito na dumaan sa tapat ng table na occupied nina Max.

[ Author's Note: Sa right side ang entrance tapos sa left side ang exit kasi di ka na makakadaan sa right side dahil may pila do'n pero kung wala naman pwede. Sorry for interruption.😊 Exit na ako ulit. ]

Nakatingin sila sa akin kaya nginitian ko sila.

"Hi, girls!" Binati lang nila ako at saka nagpaalam at bumalik kay Luna.

"Kumain ka na." Tinanggal ni Luna 'yong bag na tumatabon sa mukha niya. Natawa na lang ako.

Umayos siya ng upo at nagsimula ng kumain.

"Bakit kasi ang famous mo eh." Natawa na lang ako.

MAXINE'S POV

Naibadlak ko ang fork na hawak ko. Wala na ako'ng ganang kumain after ko'ng makita sina Arif at Luna na magkasama. Napatingin ako sa mga kasama ko na hindi na rin kumakain.

"Magkasama na naman sila'ng dalawa. May relasyon na ba sila?" Si Reanne.

"Baka hindi lang umaamin si Luna sa 'tin pero ang totoo may secret relationship na sila ni Arif." naiinis na turan ni Michaela.

"Let's go." Nauna na ako'ng tumayo at umalis. Nagkatinginan kami ni Luna pero nag-fake smile na lang ako sa kaniya.

ARIF'S POV

Napatigil ako sa pagkain at napatingin kay Luna. She's busy eating. "May boyfriend ka na ba, Luna." Nasamid siya sa tanong ko.

"Inumin mo muna 'to." Kinuha niya kaagad sa akin ang juice at uminom.

Napatayo ako at kumuha ng tubig sa water dispenser. Bumalik agad ako sa may table namin at iniabot sa kaniya ang tubig.

"Here, drink some water."

"Thanks." Ininom niya naman agad. Hinagod ko na lang ang likod niya at saka naupo na no'ng medyo okay na siya.

"Okay ka na ba?"

"Oo, salamat." Napatingin siya sa may gilid niya kaya napatingin din ako.

Hmm...

______________________________________

Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙

Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.

Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.

MARAMING SALAMAT! ☺️

OTHER STORY:

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero Terror [ https://www.wattpad.com/story/210888996?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_writing ]

Siguiente capítulo