webnovel

Chapter 10: Pag-aalala

LUNA'S POV

Mahinang pagyugyog ang gumising sa'kin.

"Aliya."

"May pasok ka pa, 'di ba? Pinapagising ka sa'kin ni Jedda." Hindi ko na nakita si Je sa tabi ko.

"Nasa'n na siya?"

"Umalis na kanina pa, pupuntahan daw 'yong mama niya kasi nasa bayan."

"Ahh."

"Mabuti pa bumangon ka na diyan baka ma-late ka pa."

"Okay, salamat." Lumabas na si Aliya ng kwarto. Napaunat pa ako sa kama bago tuluyang bumangon at lumabas. Kumuha ako ng tubig saka naupo sa katapat ni Aliya.

"Wala ka ng klase?" Tanong ko sa kaniya na nagsi-cellphone lang naman.

"Wala na." Sagot niya na hindi ako tinitingnan.

" 'Yong anak nga pala ni Aling Emilda, bakit namatay?" Doon siya napatingin sa akin pero sandali lang at binalik din ang atensyon sa cellphone.

"Sa pagkakaalam ko naaksidente yata?"

"Naaksidente?"

"Oo. Three years na ang nakakalipas nang mamatay si Linda sa isang aksidente. Nine years old pa lang siya noong mamatay, kaisa-isang anak kaya ayon hindi matanggap ni Aling Emilda nagpakamatay din. Diyan lang siya namatay sa may bas-" Napatingin kami sa tumunog kong cellphone na nasa bag. Pinatong ko nga lang pala dito kanina sa bangko ang bag ko.

"Tinatawagan ka na yata ni Je."

"Siguro nga. Wait, lang." Kinuha ko ang phone sa bag at sinagot ang tawag nga ni Je.

"Je."

{ "Nasa'n ka na?" }

"Sa dorm pa, ikaw?"

{ "Nasa mini dito ka na dumaan." }

"Okay." Binaba ko na ang tawag at binalik na ang cellphone sa bag.

"Ano daw?"

"Nasa school na daw siya." Binalik ko na 'yong baso matapos akong uminom.

"Alis na ako."

"Sige." Kinuha ko na ang bag ko at umalis.

Sa may Educ Building na ako dumaan para mas mabilis. Maya-maya napahinto ako dahil pakiramdam ko may sumusunod sa'kin kanina pa. Napalingon ako at tiningnan ang paligid pero wala naman akong nakita. Alam ko na kung sino 'to. Dahan-dahan akong naglakad at pinakiramdaman 'yong sumusunod sa'kin. Napangiti ako ng ma-feel ko na nasa likod ko na siya.

"AZINE!"

"Ay Diyos kong mahabagin." Natampal ko ang bibig ko ng hindi si Azine ang mabungaran ko.

"Sorry po, ma'am." Paghingi ko ng paumanhin sa nagulat pang teacher ng educ yata.

"Akala ko po kasi kayo 'yong s-sumusunod sa'kin. Sorry, po."

Umalis na rin ito. Napakamot na lang ako sa ulo at naglakad na ulit. Napakunot naman ang noo ko mga ilang hakbang pa lang dahil nakarinig naman ako ng mahinang pagtawa.

"Sino ba talaga 'tong sumusunod sa'kin? Humanda ka kapag nahuli kita." Mahinang sabi ko dahil naiinis na talaga ako. Sinubukan ko ulit tingnan pero wala akong nakita. Dahil malapit na ako sa may cr ng building ng Educ naisip kong magtago muna doon para mahuli ko kung sino ito. Binilisan ko na ang paglalakad. Saktong wala namang gumagamit kaya pumasok ako sa cubicle na nasa dulo. Meron lang kasing tatlong cubicle ang cr na 'to. Naramdaman ko kaagad ang presensiya niya na palakad-lakad  lang. Napangiti ako at dahan-dahang binuksan ang pinto. Isang batang babae ang nabungaran ko at sa pagkakatanda ko siya 'yong bata na sinundan ko kanina kaya muntik na akong masagasaan. Sakto namang nakatalikod ito sa'kin kaya naisip kong gulatin na lang.

"HULI KA!" Nagulat siya sa ginawa ko kaya bigla siyang naglaho.

"Lumabas ka na alam kong nandito ka pa." Mga ilang saglit pa at sumulpot na lang siya sa harap ko pero ang itsura niya ay nakakatakot. Dumudugo ang ulo niya tapos 'yong suot niyang damit ay may kunting bahid din ng dugo. Hindi naman ako nagpakita ng takot sa kaniya kahit medyo nanlalata na 'tong tuhod ko sa halip pinagmasdan ko lang siya. Nagbago na siya ng itsura at naging parang normal na.

"Hindi ka natatakot sa'kin?" Nagtatakang tanong niya. Umiling lang ako.

"Bakit mo ako sinusundan, ha?"

"Hindi kaya kita sinusundan." Bibong sagot nito.

"Talaga? Eh, ano pala ang ginagawa mo dito kung hindi mo ako sinusundan? Sa pagkakaalala ko kasi do'n kita nakita sa may kalsada sa bayan."

"Oo na sinusundan nga kita."

"At bakit?"

"Kasi... Tingin ko late ka na sa klase mo."

"Oo nga pala." Palakad na sana ako pero binalingan ko ulit siya.

"Bakit niyo alam ang schedule ko?" Napailing na lang ako at umalis na. Paglabas ko si Princess naman ang biglang sumulpot sa harap ko.

"Princess." Nagulat ako nang bigla niya na lang akong yakapin kaya nayakap ko na lang din siya pabalik.

"Ayos ka lang ba? Ano'ng problema?" Para kasing tense siya at takot. Tiningnan ko ang paligid at may ilang estudyante palang narito at nakatingin sa'kin.

" 'Wag tayo ditong mag-usap." Kumubli lang kami sa medyo walang estudyante.

"Mabuti na lang... Mabuti na lang ayos ka rin ate."

"Ha?" Hindi ko kasi ma-gets ang sinasabi niya.

"Nalaman ko na muntik ka na raw mamatay kanina dahil sa isang kaluluwa."

"Paano mo nalaman 'yan?"

"Maraming kaluluwa ang sumusunod sa'yo ng palihim at sila ang nagsabi sa'kin. Ate, hindi ka pwedeng mamatay dahil ikaw lang ang pag-asa namin."

"Hindi naman niya ako gustong patayin pinaglaruan niya lang ako."

"Ibig sabihin hindi mo alam ate?"

"Ang alin?"

"Ah...w-wala. Ate Luna, please, mag-iingat ka na sa susunod. Tutulungan mo pa kami, 'di ba?"

"Oo naman."

"Aasahan kita, ate." Tinanguan ko na lang siya kahit hindi ko gets ang sinabi niya kanina. Naglaho na si Princess.

Nasa may mini na ako nang makita ko naman si Azine 'di kalayuan. Nakatayo siya sa dulo ng nilalakaran kong pathway at matamang nakatingin sa'kin. May ilang dumaraan pero nalalampasan lang siya ng mga ito.

"Ano'ng problema niya?" Mahinang sabi ko sa sarili ko. Hindi kasi maipinta ang mukha niya. Ilang hakbang pa at isang dipa na lang yata ng unano ang agwat naming dalawa. Sinalubong ko ang mga tingin ni Azine. Ang weird ng mga multo ngayon ah.

"Sumunod ka sa'kin." Hindi muna ako kumilos at tiningnan lang siya. Napansin niya yata na hindi ko siya sinundan kaya napabaling ulit siya sa'kin.

"Sumunod ka sabi." Wala na akong nagawa kung hindi ang sundan siya. Dinala niya ako sa likod ng Research Prod kaharap ng lumang cashier's office. May mini garden kasi dito sa likod at saktong wala namang tambay dito ngayon. Nilapitan ko si Azine na nakatayo lang at nakamasid sa'kin. Parang pinagsakluban pa rin ng langit at lupa ang mukha niya.

"Ano'ng problema mo? May nangyari din ba sa'yo kaya ganyan 'yang mukha mo? Si Maxine ba ang problema? Tara, sasamahan kita sa kaniya ngayon din." Hinila ko siya sa braso pero hindi siya nagpadala sa'kin sa halip nakatayo pa rin siya at nakatingin sa'kin.

"Hindi siya ang problema? Kung gano'n siguro...may gusto kang ipasabi sa kaniya? Sabihin mo na sa'kin kasi malili-late na a-" Natigilan ako sa pagsasalita no'ng hilahin niya ako papalapit sa kaniya at yakapin ng mahigpit. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa ginawa niya. Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagyakap ni Azine dahil feeling ko nag-stop ang paligid. 'Yong orasan ko sa phone parang sandaling huminto sa paggalaw. Feeling ko kami lang dalawa ni Azine ang nasa mundo. Bigla ko na namang naramdaman ang pagtibok ng puso ko. Pakiwari ko nga kung buhay lang itong kayakap ko ngayon, eh baka naramdaman niya ang pagtibok sa sobrang lakas. Ilang beses ko na 'tong naramdaman sa kaniya...at hindi ko maipaliwanag kung ano 'to. Pakiramdam ko ligtas ako kapag kasama siya kaya lang...kaya lang k-kaluluwa na lang siya kaya bakit ko 'to nararamdaman? Isa na lang siyang kaluluwa. Kaluluwa. Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at medyo napalayo ako.

"I'm sorry." Hinging paumanhin niya.

"A-Ayos lang. Ano ba talagang problema?"

"Pwede ba sa susunod mag-iingat ka naman? Huy, Maria Luna Del Mundo, hindi ka immortal baka nakakalimutan mo. At saka pwede ba 'wag mo na akong itataboy dahil sa susunod kahit sabihin mong umalis ako hindi ko gagawin. Huy, pinapaalalahanan lang kita ha, hindi lahat ng multo ay mabait kasi 'yong iba pwede kang saktan. Ayst! Ang tigas pa naman ng ulo mo." Nagulat ako sa mga sinabi niya at ngayon galit na siya ha. Napamaang na lang ako.

"Huy, huy, huy, huy, ka din. Maka-huy na naman 'to isang beses mo lang sinabi pangalan ko ah tapos huy na lahat. Ano ba talagang problema mo at para kang inaapoy sa galit diyan? Nakakainis ka rin eh. Bahala ka nga sa buhay mo diyan." Tinalikuran ko na siya at nag-walk out na.

"HUY!"

"Huy mo mukha mo." Sigaw ko sa kaniya na hindi siya nililingon.

"Nakakainis 'tong multo na 'to."

AZINE'S POV

Hinabol ko na lang siya ng tingin.

"I'm happy that she's safe. Bakit ganito ang nararamdaman ko?" Hinipo ko ang dibdib ko na wala namang tibok. Medyo nalungkot ako sa isiping patay na nga pala ako. Nakaramdam ako ng takot at pag-aalala no'ng malaman ko na may nangyaring masama kay Luna pero ngayong ligtas siya mas masaya ako. Ipinilig ko na lang ang anumang sumasagi sa isip ko.

"Kailangan ko pa nga palang i-cheer si Max." Pagkasulpot ko dito sa field hinanap kaagad ng mata ko si Maxine. May volleyball game kasi sila ngayon. Nakita ko siya kasama ang mga kaibigan niya. Wala akong ibang magawa kung hindi ang pagmasdan lang siya. She's really beautiful and sexy kasi nakasuot lang siya ng sports bra at maiksing jersey na short.

"Mahal ko si Maxine. Mahal ko si Max-"

"Luna." Napalingon agad ako at hinanap si Luna pero hindi ko naman siya nakita.

"Ylona, wait. Lona." Napatingin ako sa dalawang babae na classmates yata ni Max dahil nakasuot din sila ng pang-game. Nilingon niya 'yong tumatawag sa kaniya. Bigla akong nainis sa tumawag dito sa isang babae kaya lumapit ako sa kanila.

"Ayusin mo naman 'yang sinasabi mo, miss. Ylona naman pala ang pangalan nito tapos Luna ang sasabihin mo diyan. May kilala akong Luna, okay kaya akala ko siya ang tinatawag mo. Nakakainis! Hayyy!" Iniwan ko na sila.

"Ylona. Nakakairita ang pangalan niya mas maganda pa rin ang Luna." Tiningnan ko si Maxine.

"Go, Maxine! Whoa! Galingan mo." Nahinto ako sa pagchi-cheer nang makita ko ang nakakairitang lalaki na 'yon na kumukulit kay Luna. Lumapit siya kay Max at kinausap ito.

"HUY, LALAKING EWAN!" Nilapitan ko na sila.

"Thanks, Arif."

"Max, 'wag mo nga siyang kausapin." Hinarap ko si Arif raw.

"Ikaw, tigilan mo si Maxine ha baka akala mo makukuha mo rin siya. 'Wag mo na ring kakausapin si Luna ha."

"Alam kong kayo na ang mananalo. Good luck, Max!"

"Salamat."

"Teka, 'yang ngiti mo sa lalaking 'to parang ngiti rin ni Luna. Don't tell me... Ikaw..." Sinubukan kong itulak si Arif pero lumampas lang ako sa kaniya.

"Humanap ka ng ibang mapapagtripan."

LUNA'S POV

"May sagot ka sa number 5, Luna?" Kakalabas lang namin sa classroom. Masasama ang awra ng mga kaklase ko dahil sa surprise quiz namin kay Sir Sadian. Istrikto pa mandin magpa-quiz.

"Meron naman pero hindi ko alam kung tama."

"Hay. Alam mo nakakainis talaga 'yang si sir Sadian, ano? Tapos magrireklamo kapag mababa ang nakuha nating grade sa kaniya." Sa Crim Lab kami galing kaya dito na kami dumaan sa may papuntang Mini. Napatingin ako sa may gawi ng walang tubig na swimming pool at napansin ko ang isang bata na nakaupo sa gilid habang nakababa ang paa. Nakilala ko kaagad ang damit niya, siya 'yong bibong bata na sumusunod sa'kin kanina. Napahinto muna ako sa paglalakad.

"Je, may pupuntahan ka pa ba?"

"Dito sa school wala na pero dadaan pa ako sa bahay ni tita kasi nando'n si mama naghihintay sa'kin. Sabay na raw kasi kaming umuwi eh."

"Sige mauna ka na may kakausapin lang ako."

"Sige. Bye!"

"Bye, ingat. Pakamusta mo na lang ako kay tita ha."

"Oo." Hinatid ko lang ng tingin si Jedda at lumapit na sa bata.

"Hi!" Napatingin siya sa'kin. Napansin ko na malungkot ang mukha niya.

"Hello." Pinilit niyang ngumiti kahit halata namang nawala 'yong sigla sa mukha nito. Naupo na lang ako sa tabi niya. Inilawit ko rin sa pool ang paa ko.

"Ayos ka lang?" Tiningnan niya ako saka muling ibinaling ang mukha sa ibaba ng pool.

"Sorry, ate."

"Bakit ka nagso-sorry? Ahm...dahil ba sa pagsunod mo sa'kin? Hindi naman ako galit eh ayos lang."

"Hindi dahil do'n."

"Eh, saan?" Tiningnan niya na ako.

"Kasi muntik ka ng mamatay kanina dahil sa'kin." Naalala ko 'yong aksidente sana kanina.

" 'Yon ba? Wala na 'yon sa'kin ang mahalaga ligtas ako."

"Ang totoo kasi ate dapat namatay ka kanina pero dahil may tumulong sa'yo kaya nabago ang kapalaran mo. Nakatakda dapat na kunin ako ng Grim Ripper dahil mapapatay kita."

"Ha?" Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko wala lang 'yong nangyari kanina pero 'yon pala dapat mamamatay ako. Kaya pala alalang-alala sa'kin sina Princess at Azine.

"Hindi mo ba nakuha, ate?"

"Nakuha ko naman naguguluhan lang ako. Bakit mo ginawa 'yon?"

"Kasi, galit ako sa mga may third eye."

"Bakit?"

"May isang lalaki noon na nakakakita sa'kin, meron din siyang third eye kagaya mo. Humingi ako ng tulong sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Simula no'n sinumpa ko na papatayin ko ang taong makita ko na may third eye."

"Kaya mo ako binalak na patayin?"

"Oo, akala ko kasi kagaya ka niya."

"Paano ba kita matutulungan?" Tiningnan niya ako.

"Tutulungan mo pa rin ako?"

"Oo naman."

"Si Luna ba 'yon?" Tanong ni Marlyn kay Liezel habang nakatanaw kay Luna. Tinanaw na rin nito ang tinutukoy ng kaklase.

"Oo siya nga. Ano'ng ginagawa niya do'n mag-isa?" Pagkokompirma din nito.

"Mukhang may kinakausap siya."

"Baka multo na naman."

"Baka nga. Tara na."

"Wait. Eh, 'di ba pinapatawag siya ni sir Andrew?"

"Oo nga pala. 'Lika lapitan natin."

LUNA'S POV

"Luna." Napatingin ako sa tumawag sa'kin. Bigla namang naglaho 'yong bata.

"Marlyn, Liezel." Napatayo ako at hinarap sila.

"Mabuti hindi ka pa umuuwi kasi pinapatawag ka ni sir Andrew." Sabi ni Marlyn sa'kin.

"Ah. Sige, pupuntahan ko na siya. Kayo uuwi na ba?"

"Hindi pa may hinihintay pa kami eh."

"Sige. Mauna na ako ha."

"Okay." Tinanaw nang dalawa ang papalayong si Luna.

"Alam mo mahirap din kapag may third eye, 'di ba? Iniisip ko pa lang parang kinikilabutan na ako sa mga multo. Mabuti nakakayanan ni Luna." Natatakot pang sabi ni Liezel sa kasama.

"Tama ka. Tapos palagi pa siyang napagkakamalang baliw. Feeling ko naman masaya 'yong gano'n."

"Ehhh. Ikaw na lang. Punta na nga lang tayo sa court baka naglalaro si Arif." Nagsimula ng maglakad ang dalawa.

"Sigurado nando'n si Max kung naglalaro si Arif."

"Syempre, kailangan niyang suportahan si Arif."

Pinuntahan ko na si Sir Andrew sa faculty. Nakita ko naman siya na nakaupo sa may table niya kaya lumapit na ako.

"Good afternoon, sir."

"Oh, Luna, andyan ka na pala. Maupo ka muna." Naupo ako sa bangko na nasa harap ng table niya.

"Bakit niyo nga po pala ako gustong maka-usap sir?"

"Eh, kasi 'di ba may win-win pa kayong laro sa Friday?"

"Opo."

"Naisip ko kasi instead na kayong magkaklase ang maglaban-laban bakit hindi na lang from other department ang makalaban niyo, ''di ba?"

"Ang ibig niyo po bang sabihin sir 'yong mga winner ng ibang department ang lalabanan nang mga winner ng klase namin?"

"Gano'n na nga. Hindi ba mas maganda, mas nakaka-challenge? Tingin mo, Luna? Kasi kayo na lang ang natitirang maglalaro sa friday plus 'yong isa pa palang department."

"Kung sa'kin po maganda naman po 'yang naisip niyo kasi mas magsiseryoso ang mga players sa paglalaro tapos gaganahan pa sila."

"Tama ka. At dahil grade niyo ang nakasalalay sa game for sure magiging masaya ang laro na 'to." Sumang-ayon naman ako sa ideya ni sir Andrew.

"So, settled na tayo do'n, ibang department ang makakalaban niyo?"

"Pwede po ba sir na tanungin ko rin muna ang mga kaklase ko tapos inform ko na lang po kayo kung papayag sila o hindi?"

"Sige, bukas sabihin mo kaagad sa'kin. In case na pumayag sila gamitin niyo 'yong extra time niyo bukas para mag-practice."

"Sige po. Eh, Sir Andrew, ano'ng course po ba ang makakalaban namin kung sakali?"

"Hmm... Tourism."

"Tourism po?" Gulat ko pang ulit kay sir Andrew.

"Yeah, Tourism ang makakalaban niyo. Win-win na lang din kasi sila kaya nga naisip ko na do'n ko kayo ilaban. Na-mentioned ko na rin sa kanila ang tungkol dito kanina at pumayag naman sila."

"Okay po sir." Paglabas ko ng faculty hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni sir Andrew. Makakalaban namin ang Tourism eh balita ko nasa course na 'yon ang mga volleyball players. At saka hindi naman siguro makakalaban ng team namin si Max, 'di ba? HAYYY! Ayoko na sa idea'ng 'to. Napahinto ako sa paglalakad nang magawi ang paningin ko sa may pinagkamatayan ni sir Carlito. Pinuntahan ko muna sandali ang lugar. Bawal pa ring lapitan ang lugar dahil may nakaharang tapos ipinatigil na rin muna ang construction nitong building. Napahinga na lang ako ng malalim at umalis na rin.

__________________________________________________

Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙

Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.

Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.

MARAMING SALAMAT! ☺️

Siguiente capítulo