Nakatulala akong nakatitig saking papel, wala ako sa sarili kong diwa. Kanina pa ako inaantok at kanina pa ako nagugutom. Humikab ako at nilaban ang antok, panay siko naman ni Jazzy saking tagiliran.
"Exam na natin bukas Marilou, makinig ka sa dini'discuss ni maam." yugyog niya sakin. Lumingon ako sa kanya na sobrang pagod.
"Kanina pa ako inaantok, gusto ko ng umuwi." sagot ko. Nilakihan niya ako ng mata.
"Girl kunting tiis nalang at matatapos na si maam," sagot niya na naman. Napairap ako at padabog na sumandal saking upoan.
"Ms Charleston and Mendez!? are you listening to my class?" natarantang umayos si Jazzy ng bumulyaw samin ang teacher. Umirap ako at umiwas ng tingin, at isa pa wala akong kinatatakotan dito sa University.
"I'm sorry maam," paumanhin ni Jazzy, nanatiling nakatitig sakin si maam. Napabuntong hininga ako bago sya tingnan na nakangiting pilit.
"You can continue, maam." sagot ko bago umiwas ng tingin. Ramdam ko ang galit niya at napagdesyonang magpatuloy sa kanyang klase.
Laking pasalamat ko dahil natapos narin, dali-dali akong tumayo at lumingon saking dalawang kaibigan.
"Girls kailangan ko ng umalis," usisa ko at pinigilan ako ng dalawa.
"Saan ka pupunta? Akala ko ba ay sabay tayong kakain." si Jilheart, napangiwi ako at dali-daling nag-ayos.
"Kayo nalang muna sa ngayon, may gagawin pa kasi ako. Sorry girls," dali-dali akong lumabas ng room ng walang pag alinlangan. Kanina ko pa gustong matulog at hindi ko na talaga kaya.
Napahinto ako bigla, dahan-dahan akong lumingon sa office ni Lolo. Sumilay ang ngiti saking labi at dahan-dahang lumapit sa kanyang opisina. Dahan-dahan kong binuksan ang door knob at laking tuwa ko wala si Lolo, siguro ay nasa meeting iyon kaya minabuti kong pumasok nalang.
Napalingon ako sa mahabang sofa ni Lolo. Dali-dali akong humiga mula roon at kalaunan ay nakatulog ng walang kahirap-hirap. Sobrang haba ng tulog ko, ginawa kong unan ang magkabila kong kamay at mahimbing na natutulog. Sobrang pasalamat ko sa antok ko dahil nawala ang problema ko at sakit saking dibdib. Nakalimutan ko saglit ang aking hinanakit at isip.
"Kanina pa sya dyan, pagpasok ko ay nakahilata na dyan. Hayaan na natin baka pagod." narinig ko ang boses ni Lolo, daha-dahan kong binuksan ang aking mata at bumungad sakin si daddy ang aking stepmom at si Lolo.
Mabilis akong bumangon at napaupo ng maayos.
"Anak, why are you sleeping here?" lumapit sakin si daddy. Hinawakan niya ang noo ko pati ang aking leeg. "Wala ka namang sakit, napagod ka ba sa klase mo ngayon?" dugtong niya pa. Umiling ako bilang sagot.
"Namamayat ka rin, Marilou. Sobrang lalim ng mata mo." mabilis akong napalingon sa sambit ng aking stepmom. Napahimas ako saking pisnge, lumiit nga lalo ang aking pisnge.
"Yan na nga ang sinasabi ko, sobrang stressed na nang apo ko. Ano ba talaga ang balak ni Clifford? Pati pangangatawan mo ay nadamay." galit na wika ni Lolo. Padabog syang umupo sa kanyang swivel chair. "Anong gusto mong mangyari apo? Kaya kong gawin." nanlaki ang mata ko sa saad niya. Umiling ako ng ilang ulit.
"Lo okay lang po ako, tsaka napag-usapan narin namin yan ni Clifford. Malaki ang tiwala ko sa kanya Lo, please huwag na nating pag-usapan yan." napabuntong hininga si Lolo na nakatitig sakin. Nagkatinginan silang lahat.
"Okay, but siguradohin mong okay ka, Marilou. Dahil alam mo kong pano ako magalit." sambit niya ulit at ngayon ay may ngiti na sa kanyang labi.
"W-wait, mukhang mali tayo ng iniisip." sambit ng aking stepmom at lumapit ito sakin. Hinayaan ko syang tumabi sakin inabot niya ang aking kamay at hinawakan ang aking palapulsohan. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya, nag-abot ang aming mga mata. Dahah-dahan lumapad ang ngiti ng aking stepmom.
"I know it, hindi ako sure about this but, Marilou. Hindi ka ba buntis?" sa tanong niya ay nalaglag ang aking panga. Napalunok ako ng iilang laway sabay ng pag yes ni daddy.
"Yes, sa wakas may apo na ako." biglaan akong niyakap ni daddy ng mahigpit. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon.
"Mom buntis ako?" tanong ko sa kanya ngunit ngumiti lang aking stepmon.
"Kailan ka dinatdan?" sa tanong niyang iyon ay natahimik ako. Dahan-dahan akong napayuko at inaalala ang lahat, napapikit ako ulit. Mag dadalawang buwan na pala akong hindi nireregla.
"Para makasigurado tayo, kailangan mong mag patingin sa doctor, apo." napalingon ako kay Lolo, nakagat ko ang aking labi ng biglang naalala ang sinabi sakin ni Clifford kanina. Dali-dali kong tinignan ang aking relo sabay ng paglaki ng aking mata.
Mabilis akong napatayo.
"Shit!!!!! kailangan ko ng umalis," wika ko at mabilis na lumapit sa pintoan, agaran ko silang nilingon na ngayon ay walang ekspresyon. "Dad, mom, Lo. Babalitaan ko kayo agad kong buntis talaga ako, kayo ang unang makakaalam, pangako." isa-isang silang napangiti sa narinig. Kumaway ako at mabilis na naglakad palabas ng University.
Mag aalas dos na at paniguradong kanina pa ako hihintay ni Clfford. Dali-dali akonh tumungo sa parking area, natigilan ako dahil wala ang kotse ni Clifford, napahawak ako saking dibdib.
"Maam Marilou?" napalingon ako saking giliran. Hingal na palapit sakin si Cholo, lumapit sya saking pawis. "Maam kanina ko pa po kayo hinihintay, kailangan na po nating umalis para maabotan si Dr. Canoy." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Akala ko ba ay si Clifford ang sasama sakin, nasan sya?" tanong kong galit, napayuko si Mang Cholo.
"Maam ang totoo po ay, nasa hospital si sir ang sabi niya sakin ay susunod lang daw sya satin." sobrang sikip ng dibdib ko sa narinig. Napapikit ako, ang sabi ng aking isipan ay mas mahalaga si Zei kesa sakin. Bagsak ang magkabila kong balikat, gustohin ko mang umayaw sa araw na ito ngunit kailangan ko rin malaman kong ano ba talaga ang dinaramdam ko ngayon.
Napagdesyonan kong sumama kay Mang Cholo. Nang makarating kami sa isang malawak na hospital ay bigla akong natahimik, bakit yong taong gusto kong makasama ay kasama pala ang iba.
"Maam nandito na po tayo," bumalik ang diwa ko. Nakabukas na pala ang pintoan saking gilid, inalalayan ako ni Mang Cholo.
Sumunod ako sa kanya dahil ang sabi niya sakin kilala niya ang ob gyne na kaibigan ni Clifford. Habang naglalakad kami sa hallway ay hindi ko mapigilang magtanong kay Cholo.
"Bakit hindi manlang sya tumawag sakin?" napahinto si Cholo sa tanong ko. Napakati sya sa kanyang batok bago ako tignan.
"Maam ayaw kong magsinungaling sayo, dahil sobrang bait nyo po sakin. Sa totoo lang maam, mas lumala na yata ang kondesyon ni maam Zei. Kanina po ay dali-daling umalis si sir dahil bigla po daw hindi gumana ang monitor niya sa puso at sa pagkakaalam ko ay nilalagyan na po sya ng Ventilator sa bibig." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Cholo. Napaatras ako ng dahan-dahan at napasandal sa pader. Dali-daling lumapit sakin si Cholo na natataranta. "Maam okay lang po ba kayo? Sorry maam sa nasabi ko." ikinaway ko ang aking kamay ng sinubukan niya akong hawakan.
Sa puntong ito ay naaawa ako kay Zei.
"Tumungo na tayo kay Dr. Canoy," saad ko at nagsimula ulit maglakad si Cholo. Nang makarating kami sa isang kwarto ay nagpa iwan si Cholo mula sa labas. Dahan-dahan kong binuksan ang pintoan na may pangalan niyang nakasabit.
Bumungad sakin si Dr. Canoy na dali-daling nagbihis, mukhang paalis na sya at laking pasalamat ko dahil naabotan ko pa sya.
"Yes maam what can I help you?" saad niya sakin at tuloyan akong pumasok sa loob ng opisina niya. Head to toe ko syang tinignan, at mukhang hindi sya ang inaasahan ko. Buong akala ko ay isa syang babae, ngunit isa pala syang bakla. Mula sa kilos, pananamit at galaw niya ay napaghahalatang may tinatago. Taas kilay ko syang tinignan, biglaan syang napatakip sa kanyang bibig na para bang gulat na gulat. "Oh my gosh... You are Mrs. Edelbario? I am sorry maam, I didn't notice your face." usisa niya bago lumapit sakin at dali-daling inabot ang aking kamay. "I am Dr. Loyd, kaibigan ako ng hubby mo at buti nalang ay naabotan mo pa ako. Come here!" hinila niya ako ng mahina paupo sa upoan mula sa kanyang mesa. Dali-dali niyang ibinalik ang kanyang puting uniporme.
Naging tahimik ako dahil sa kanina pa ako kinakabahan.
"Bakit hindi mo kasama si Clifford? Buong akala ko ay kayong dalawa ang pupunta ngayon." bigla akong nag-iwas ng tingin sa tanong niya. Naramdaman kong nagsisisi sya sa tanong niya iyon. "I am sorry Mrs Edelbario, madaldal lang talaga ako."
"Its okay, just proceed with your duty." maldita kong sagot at ginawa niya rin ang kanyang trabaho. Lumapit sya sakin. Tinignan niya ang blood pressure ko, ang aking dila at mata. Hinahayaan ko lang sya at sobrang tahimik naming dalawa.
Pagkatapos non ay pinakinggan niya ang takbo ng aking puso, gamit ang Stethoscope, bumalik sya sa pagkakaupo at naging seryoso ang kanyang mukha.
"Sobrang baba ng dugo mo, Mrs. Edelbario. Ang iyong mata at pangangatawan ay kulang sa tulog at bitamina, you need rest. And lastly, your heart is beating too fast, and you are palpitated widly. Ano-ano ba ang nararamdaman mo ngayon?" isa-isa niyang wika. Napahawak ako ng mahigpit saking kamay, kanina pa ako kinabahan ngunit wala manlang si Clifford sa tabi ko.
"Palagi akong inaantok at minsan nagsusuka ng hindi ko malaman ang dahilan. Hindi naman ako nagugutom." sagot ko, may kinuha sya mula sa ilalim ng kanyang drawer. Nanlaki ang mata ko sa nakita ng inilapag niya ito mula sa kanyang mesa.
"We need to make sure, go on huwag kang matakot, its normal." iminuwestra niya ang dalawang pregnancy test sa mesa. Dahan-dahan ko yong inabot at tumungo sa banyo.
Napa upo ako sa bowl ng ilang segundo. Napalunok ako ng ilang ulit hanggang sa maramdaman kong naiihi na ako. Agad ko iyong ginamit at hindi ko tinignan, ayaw kong mismo ako ang makakasaksi ng resulta kaya tinakpan ko iyon at dinala kay Dr. Canoy. Nagulat sya ng inilapag ko iyon sa mesa niya.
"Ayaw kong makita, sabihin mo nalang sakin but bigyan mo ako ng ilang minuto." napangiti si Dr. Canoy sa saad ko.
"Sure!" sagot niya at pinapanuod ko syang tingnan ang pregnancy test. Binigyan niya ako ng limang minuto. Panay inhale at exhale ko sa puntong ito. "Are you ready Mrs. Edelbario?" nakangiti niyang tanong sakin at dahan-dahan akong tumango. Napapikit ako, sabay ng kanyang pagsalita. "Its positive, buntis ka Mrs. Edelbario, congratulations." mabilis pa sa alas kwatro ang bukas ng aking mata. Dahan-dahan kong hinimas ang aking tyan.
"Doc, maari bang huwag mo munang isabi kay Clifford kasi surprise ko sana sa kanya." lumapad ang ngiti ni Dr. Canoy.
"Sure no problem, nextweek pa kasi ako makakabalik dito sa Pinas, dahil may appoiment ako sa ibang bansa. E ti'text ko nalang kayo pag nakabalik na ako." masayang wika niya.
Mag iisang buwan na pala akong buntis kaya pala medyo may bukol sa ibaba kong bahagi. Habang nasa byahe kami ay hindi parin ako makapaniwala, nagtanong sakin si Cholo at hindi ko iyon sinagot. Gusto ko ang unang makakaalam ay ang pamilya ko. Pero naisip ko si Clifford, naisip ko ang ama ng anak ko. Karapatan niyang malaman na nagdadalang tao ako.
Hindi ko namalayan na may luhang tumulo saking mata. Buo ang desisyon ko na sabihin kay Clifford kaya napagdesyonan kong tumungo sa hospital. Habang nasa hallway ay hindi ko maiwasang kabahan.
Napabuntong hininga ako, kahit ano man ang mangyari ay sya ang ama ng aking anak. Kahit paulit-ulit akong saktan ni Clifford alam kong hindi niya ako iiwan, at alam kong sa huli ako ang pipiliin niya. Wala akong pakialam kong ano man ang masaksihan ko sa pagbukas ng pinto ito.
Babawiin ko na ang asawa ko!
Mabilis kong itinulak ang pinto sabay ng paglaki ng aking mata. Nasaksihan ko ang paghahalikan ni Clifford at Zei, habang hawak-hawak ni Clifford ang magkabilang pisnge ni Zei.
"Clifford?" isa-isang tumulo ang luha ko, sabay silang napatingin sakin habang si Clifford ay sobrang gulat.
"Marilou?" marahan niyang itinulak si Zei, napailing ako ng ilang ulit at tumakbo paalis sa lugar na ito. Panay punas ko saking mga luha habang tumatakbo, napahawak ako saking tyan. Humagulgol ako ng iyak ng makarating ako sa parking area. Napatakip ako saking bibig, halos masuka ako hindi ko mapigilan.
Sobrang sakit!
"Marilou?" mabilis akong napalingon saking likuran. Tumambad sakin si Clifford. Mabilis akong lumapit sa kanya at sinampal sya ng malakas. Tumagilid ang kanyang mukha sa ginawa ko. Humagulgol ako ng iyak.
"Gago ka!!!!!! nag-antay ako sayo kanina buong akala ko ay susunduin mo ako. Putang'ina mo Clifford, napakasinungaling mong tao. Lagpas kana sa limitasyon, initindi kita. Hinayaan kita dahil sa putang'inang pagbabantay na yan." sigaw ko habang paulit-ulit syang itinutulak, napapaatras sya sa ginawa ko. "Napakagago nyong dalawa, mga manluluko...." sinampal ko ulit sya hinuli niya ang magkabila kong kamay, hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. "Bitawan mo ako!!! Bitawan mo ako!" tinutulak-tulak ko sya.
"Please, let me explain. Mali ang pagkakaintindi mo." natawa ako ng mahina sa sinabi niya. Itinulak ko sya ng malakas at sinuntok ulit ang dibdib niya. Panay punas ko saking luha.
"I dont care about your fucking explain of yours, nakakapagod narin Clifford. Ni kahit eksplenasyon ay hindi ko hiningi sayo yon, ilang ulit na kitang makita at mahuli sa kwarta na iyon. Ayaw ko na!" panahilamos ako habang umiiyak, sa puntong ito ay wala na akong balak sabihin sa kanya lahat-lahat.
"Marilou, makinig ka." inabot niya ang kamay ko ngunit hinawi ko lang iyon. "She forced me to kiss her and I didn't mean it." hinawi ko ulit ang kamay niya na paulit-ulit hinuhuli ang aking kamay. "Hayaan mo akong magpaliwanag, dahil hindi ko ginusto yon. Please believe me, please understand me. Fuck!" napamura sya at napahilamos sa kanyang mukha.
"Pagod na akong maniwala sayo, pagod na akong umitindi sa sitwasyon mo. Habang hindi ka pa umaalis sa hospital na yan, hinding-hindi tayo mag kakaintindihan." naging mahina ang boses ko, bigla akong napahawak saking tyan. Hindi deserved ng anak ko ang masaktan ng ganito. "Hindi natin alam kong kailan gagaling si Zei, hindi natin alam kong hanggang kailan mo sya aalagan at hanggang kailan ako mag tititiis. Tumatakbo ang oras at panahon Clifford, hindi mo manlang namamalayan na habang nag-aalaga ka ng iba, pawala ako ng pawala." panay hawi ko saking mga luha pagkatapos sabihin iyon. Dahan-dahan syang lumapit sakin at niyakap ako, hinayaan ko syang gawin iyon. Napapikit ako sa mainit niyang bisig.
"Tama ka ang gago ko, mas matanda ako sayo pero mas magaling kang mag-isip kesa sakin. " hinigpitan niya ang yakap sakin. Nagulat ako ng maramdaman kong may iilang botel ng luha ang bumagsak saking noo. "Sorry kong ako ang napangasawa mo, sorry kong napunta ka sa gagong ito. Wala na akong maisasagot dahil nasaktan kitax at hindi ko alam kong pano aayosin ito." mas lalong dumami ang luha niya na tumutulo saking noo.
Dahan-dahan ko syang itinulak, ayaw kong maawa sa kanya. Ayaw kong madala sa mga luha niya at buo na ang desisyon ko.
"Pakawalan muna ako, ipapaubaya na kita." sa sinabi ko ay mas lalong napaiyak si Clifford. Kitang-kita sa mata niya ang pagod at hirap ngunit umiwas lang ako ng tingin. Ilang segundo kaming natahimik, tama nga ako at hindi niya ako kayang pigilan.
Saktong may dumating na taxi at dali-dali akong pumasok sa loob. Lumingon ako mula sa kanyang direksyon at nanatili syang nakatayo mula sa gitna.
Maybe I made the right decision, I hope im happy with what I did. Itatago ko ang anak ko, at aalis ako sa lugar na ito.
Someone Point of View
Titig na titig ako sa kanya at pinagmamasdan ang maaliwalas niyang mukha. Kahit sang anggulo ay kuhang-kuha niya ang itsura ni mommy, lalo na ang taglay na kagandahan. Dahan-dahan akong lumapit kay Zei na ngayon ay naglalagay ng lipstick sa kanyang labi.
"Hindi mo dapat ginawa iyon," wika ko na ikinalingon niya. She smiled from the edge of her lips. "Okay na ang lahat Zei, bakit kailangan mo pang gawin ito? Are you not scared?" dugtong ko at mabilis syang tumawa ng mahina. Ibinaba niya ang kulay pale na lipstick upang magmukha syang ka putla-putla.
"You can go back to Canada and leave me here, ate. And beside nag e'enjoy ako sa ginagawa ko. Hindi ako natatakot dahil alam kong mabait at madaling mag patawad si Clifford. Magaling ako ate, at alam mo yon." salaysay niya at dahan-dahang bumaba sa kama. Inayos niya ang kanyang sarili at tumungo sa banyo. Bago pa niya buksan ang pintoan ay lumingon sya muli sakin na nakangiti.
"I could commit suicide with the person I love, kaya kong mag patay-patayan maangkin lang sya muli, ate." huli niyang sabi bago sya tuluyang pumasok sa banyo.
Dahan-dahan akong napaupo sa kama niya, napahilot ako saking noo. Hanggang kailan ko kakayanin ang lahat ng ito. Mahal ko ang kapatid ko at hindi ko kayang iwan sya nang nagkakaganito.
Zeiya, please stop all this!