webnovel

KABANATA 5

Dali-dali akong pumasok sa bar na nakapahimulsa, wala ako sa sarili habang naglalakad. Hindi ko alam pero natatawa ako sa gabing ito. Hindi ko mapigilang ngumiti mag-isa, buong akala ko ay isang magandang bini-bini ang nirereto sakin ng aking magulang. What the heck? Iyon ba ang sinasabi ni Mr and Mrs Charleston? Iyon ba ang sinasabi nilang hindi ako magsisisi sa anak nila?

Disgusting! Ang babaeng iyon ay walang-wala sa listahan ko. Sa tingin ko ay sobrang low ng standard ng babaeng iyon. Marilou? Haha Lol pangalan palang ang panget na, lalo na siguro ang ugali. Sa nabasa ko kanina eh mukhang may pagka isip bata ang babaeng iyon, kaya siguro sakit sya sa ulo ng mommy at daddy niya.

Napailing ako ng ilang ulit bago natanaw ang dalawa sa sofa. Naningkit ang mata ni Robi ng makita niya akong nakangiti. Habang si Matteo naman ay walang imik na nakatitig sakin. Fuck, nakita nila akong nakangiti. Baliw ka Clifford, huwag mong sirain ang kagwapohan mo. Dali-dali akong lumapit sa dalawa habang sinalubong ako ni Robi na may ngiting pang-aasar.

"Are you okay?" natatawa niyang tanong. Napakati ako saking batok.

"Yes i am, why?" sarkastiko kong sagot. Sobrang lalim ng tingin sakin ni Robi. Bigla niyang inabot ang braso ko at tinapik iyon ng ilang ulit.

"dude, if theres something wrong about your life now, you can count on me or even Matteo. Huwag kang mahiyang magtanong!" biglang nanlaki ang mata ko sa saad ni Robi. Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko. Tawang-tawa si Robi sa reaksyon.

"Ano bang pinagsasabi mo? Tsk!" singhal ko bago nagsalin ng alak sa baso. Napatitig ako kay Matteo at nakatingin lang ito sa dagat ng dancefloor, tila wala sa sariling pag-iisip.

"Eh kanina ka pa nakangiti sa gitna, kanina ka pa namin tinatawag at mukhang wala ka sa sarili mong huwesyo." napalunok ako sa sinabi ni Robi. Dali-dali akong nagsalin ng alak. What the fuck, nakangiti ba talaga ako kanina?

"You crazy, dude." singhal ko ulit. Tumawa ako ng plastik at alam kong ramdam ko iyon. "Remember smile is the best thing to do in this wold." sagot ko nalang na may halong tawa. Nag taas ng kilay si Robi sa sinagot ko bago niya iminuwestra sakin si Matteo gamit ang kanyang kilay.

Sabay kaming napatingin kay Matteo na ngayon ay bumubuga ng usok galing sa sigarilyo. Ilang buwan na syang ganito simula nong sumuko sya kay Mary. Ibang-iba na ngayon si Matteo, namamayat, namumutla at bagsak na bagsak ang dalawang mata. He evidently lost a lot of weight, even his skin. Hindi namin alam kong may sakit ba si Matteo o sadyang napapabayaan niya lang ang kanyang sarili.

"dude marami pa dyang iba, huwag mong sirain ang buhay mo sa isang tao lang." sinamaan ko ng tingin si Robi sa sinabi niya. Siraulo talaga 'tong gago na to. Siniko ko agad si Robi.

"Sending prayers for you and im gonna sing you a healing song. Gago, huwag munang kausapin." pabulong kong sagot na may halong tawa. Dahil alam kong magagalit si Matteo sa sinabi ni Robi.

"Baka mabaliw yan pag hindi natin kausapin. Araw-araw nalang umiinom, halos ginagawang tubig ang alak. Naging routine niya ata ang pag-iinom sa bar mo eh." pagmamaktol ni Robi na pabulong. Nag samaan kami ng tingin.

Nagulat kami ng biglang umugong ang boses ni Matteo! Dahan-dahan syang lumingon samin. Isang mabangis na titig ang binigay niya samin. He change a lot!

"W-what?" mahinahon niyang sagot. Nagkatinginan kami ni Robi.

"Get up dude, look at yourself now. Hindi ka nanamin kilala Matteo. Were so worried about you!" mas lalong sumama ang tingin samin ni Matteo, kaliwa kanan ang titig niya saming dalawa ni Robi. Kilalang kilala namin si Matteo ayaw niyang pinagsasabihan lalo na tungkol kay Mary.

Lumunok ako ng alak bago sumambat.

"Robi is right, dude. Malaki na ang nawala sayo. Your business, even the people around you." sambit ko na ikinalingon niya sakin. Dahan-dahang syang umiwas ng tingin samin. Ramdam na ramdam namin mabigat niyang nararamdaman. Halos araw-araw na sya dito sa bar at wala na yatang balak pumasok sa office niya.

"Well said," una niyang salita. "Thank you to the both of you for putting your feelings into words. It is very hard at the beginning, you ask yourself why? Why did it happen to me? because of love, patience and support." mas lalo kaming natahimik sa sinabi niya. "Its part of fucking love right?" tanong niya samin na may galit. "Right.... Clifford and Robi? nagkatinginan kami ni Robi sa sinabi ni Matteo.

Siguro nga ay tama sya. Dahan-dahan syang tumayo bago nilunok ang huling bote ng alak. Nakangiti syang tumingin samin na tila may sakit sa kanyang titig.

"Sorry to say this, hindi nyo alam kong gano kasakit ang nararamdaman ko ngayon hanggat hindi nyo pa nararanasan ang mainlove sa iisang babae lang. Sa iisang babae lang!" huli niyang sabi bago kami tinalikuran. Iniwan kami ni Matteo na may mabigat na saloobin.

Agran kaming nagkatinginan ni Robi bago sya napakati sa kanyang batok.

"We fail, love is so powerful. Kahit sino ay kayang baliwin ng pag-ibig." saad niya bago uminom ng alak. Napaisip din ako sa sinabi ni Matteo, siguro ay darating at dadating ang panahon na may iisang babae ang magpaparamdam samin ng ligaya at sakit. What the hell, kailangan pa talagang masaktan? "Siguro nga eh baliw na tayong dalawa, dahil ni'wala tayong pakialam sa nararamdaman ng mga babaeng kinakama natin." natawa ako sa sinabi ni Robi. Hindi ko alam na ganito sya ka seryoso sa usapin namin. Gago talaga!

"I dont know dude," sambit ko bago uminom ng alak. "There's nothing wrong with you or even me. Hindi tayo baliw, If you're single, it's okay dude. Basta't walang karelasyon yang kinakama mo. Mas mabuti na 'yong wala tayong sinisirang relasyon. Siguradohin mo yong babaeng no boyfriend since sex," halakhak kong dugtong. Umugong ang tawa ko na ikinatahimik ni Robi.

"Gago," sambit niya bago kami sabay tumawa. Naging mahaba ang pag-uusap namin ni Robi, sinabi ko narin sa kanya ang tungkol kay Marilou at ang plano ng aming mga magulang.

Tawang-tawa ang gago at tila nasisiyahan sa narinig. Mukhang nangu-ngutya sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Hindi niya bukod inisip na hahantong ako sa isang arrange marriage na yan.

Isang oras din kaming nag-usap bago niya napagdesyonang sumulong sa dagat ng dancefloor. Bumubuga ako ng sigarilyo habang pinapanuod ang mga babaeng sumasayaw sa gitna. Pathetic! Kahit spark o pagkakagusto ay wala akong natitipohan sa mga babaeng iyon. Hindi ko alam kong bakit ganito katigas ang isang Clifford na katulad ko, ni kahit isang babae ay walang nagpapa amo sa akin. Never pa akong na inlove at never pa akong nagkakagusto. Habolin ako ng mga babae kaya siguro nasanay ako na Joy comes from with in. Masaya ako kong sino man ang dumadating sakin.

"Hally hayaan muna syang panoorin ako, he enjoying my company. I am doing what you do." mabilis akong lumingon sa isang sulok na may nagbabangayang dalawang babae.

Kumunot ang noo ko sa eksena. Hindi ko alam kong bakit nakaramdam ako ng pag-aapoy saking batok. Siguro ay dala ito ng alak sakin ngayon.

"Come on Hally, huwag kang masyadong anghel. Dahil una bago sa huli, basurera ka lang naman, right?" singhal ulit ng isang nakaitim na babae. Mabilisan ko silang nilingon ulit. Sumasayaw sya habang nakataas ang magkabilang kamay. Halos makita ang kanyang ibabang bahagi dahil sa maikli niyang suot.

Hindi ko alam kong bakit ako napatayo bigla sa kinauupoan ko ngayon. Nakaramdam ako ng galit, galit dahil ayaw na ayaw kong may nag-aaway sa bar ko. Sa nakikita kong eksena ay pinag-aagawan nila ang panget na payatot na iyon.

Dali-dali akong naglakad palapit sa kanila.

"Hayop ka Marilou," aakmang sasampalin sya ng babae ng mabilis ko syang hinila dahilan kong bakit sya nasubsob sa dibdib ko. Nanlaki ang mata ng dalawa! Head to toe kong tinignan ang mag jowa na tila hindi makapaniwala sa ginawa ko. Hindi ko alam kong matatawa ba ako o kailangan ko lang respitohin kong anong meron sa dalawang taong 'to. Siguro nga't tinatadhana ang bawat tao, dahil sa totoo lang eh bagay silang dalawa.

What im saying right now is unvilabable.

"I feel sorry for my girlfriend, she is already drunk." Malamig kong paumanhin sa dalawa habang nananatiling nakasubsob sakin ang babaeng hinila ko.

Halos lumuwal ang mata ng babaeng gusto syang sampalin kanina.

"Hey is not my fault," biglang suminghal sakin ang babaeng nakasubsob sa matigas kong dibdib. Hindi ko pa sya natitigan ng klaro dahil medyo nakainom narin ako. Hindi ko alam kong bakit bigla akong nandito sa eksenang ito. Sa sobrang sakit ng ulo ko ay bigla ko syang hinalikan sa noo na ikinagulat niya.

"Lasing kana babe, lets go!" bulong ko bago sya hinila palayo sa dalawa. What the fuck cliffod anong ginagawa mo? Hindi mo kilala ang babaeng hinila mo palayo.

Sumunod sya sakin ngunit nagpupumiglas.

"Hey let me go, who are you?" Sigaw niya at malakas na binawi ang kanyang braso. Natumba sya sa ginawang pagbitaw ko, nanlaki ang mata ko sa nakita. Alam na alam kong panty iyong nakita ko at hindi ako nag mamalikmata. Fuck, bakit mas na klaro ko yong panty kesa sa mukha ng babaeng ito. Sino nga ba to?

Nahihirapan syang tumayo kaya tinulongan ko agad sya. Inayos ko ang kanyang damit sa dulo para ibaba.

"Dont touch me, i dont even know you!" Singhal niya sakin ulit. Teka lang? Oo nga ba't sino ako? teka sino nga ba tong tinulongan ko? Inayos ko ang aking sarili bago sya tinignan ng maigi.

Wooooh! Bigla akong napaatras sa nakita. Sa puntong ito ay alam kong hindi na malabo ang mata ko. Bigla akong natawa sa kinatatayoan ko ngayon. Tawang-tawa ako at alam ko sa sarili ko na nagkamali ako kanina. Buong akala ko ay isip bata si Marilou, pero kong makapag suot ng maikling damit ay parang nag mamatured sya.

Napahawak ako saking ibabang labi at tinititigan sya ng maigi. Clifford bakit naninitig ka sa isip batang ito? Well, may rason ako. Gusto kong malaman sa madumi kong pag'iisip kong pasok ba sya sa banga ko.

"I just can't believe that you are my future wife!" Bagsak boses kong natatawa. Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Napailing sya habang nakapikit at tila matutumba ulit. Tinakpan niya ang magkabila niyang tenga bago ako sinigawan.

"What did you say?" Sigaw niya.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatitig sa pustora niya. Napailing ako bago napahilot saking sentudu. Hindi sya pasok sa standard ko, ayaw na ayaw ko masyadong expose na suot.

Sobrang bilis ng pangyayari.

Bigla nalang may bumangga sa kanyang likuran rason kong bakit napalapit sya sakin. Nahawakan niya ang magkabila kong dibdib na tila hindi makagalaw. Sa puntong ito ay nakahawak ang magkabila kong palad sa maumbok niyang pwet.

Biglaang nanigas yong akin. Hell no! Bakit tumayo 'yong akin ng walang paalam? Fuck! Sa sobrang tigas, ay naging matigas ang boses niya.

"Ahhhh!" Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig niya. Napapikit ako, naging agresibo ang mga cell ko sa katawan. Sa pagkakataong ito ay gusto ko nalang magpatawa kahit alam kong awang-awa na 'yong akin.

"Shshshshs!" Bulong ko rason kong bakit lumaki ang mata niya sa mabango kong hangin mula sa bibig. "How hard is it?" malambot kong tanong habang naglalakbay ang magkabila kong palad sa likod niya.

Sobrang titig niya sakin na halos ayaw magsalita. Sa sobrang titig niya sakin ay ang pag unti-unting pagpikit ng kanyang mga mata. Nahimatay sya na ikinasalo ko agad. Napatitig ako sa magulo niyang mukha, dahil sa make up niyang nagkalat sa kanyang mata.

Hindi ikaw ang tipo ko, pero pinatayo mo ang balahibo ko. Hindi ikaw ang gusto ko pero napalusot mo ako. Hindi ikaw ang standard ko pero pinatayo mo ang dinadala ko!

Fuck Marilou! Isip bata ka na nga, ang badoy mo pa.

Nice to meet you Marilou, sobrang liit ng mundo at dito pa talaga sa bar ko? Naniniwala na talaga ako sa Joy comes from within.

Siguiente capítulo