webnovel

Chapter 20

Mag-isa si Kale sa kanyang apartment at kagigising lamang niya buhat nang umuwi agad siya at 'di na pumasok dahil sa nakakabuwisit na usapan nila sa office ni Dean Morgan tungkol sa kanyang scholarship at ang isyu sa pagitan nila ni Henderson.

Bumalik lang siya sa kanyang ulirat nang maamoy niyang nasusunog na ang nilulutong noodles kaya dali-dali niyang pinatay ang kalan at naghanda na para kumain ng hapunan.

Habang kumakain ay iniisip ni Kale kung ano ang kanyang mga gagawin dahil suspended siya ng isang araw. Kaso tinatamad akong kumilos, aniya sa sarili. Masyadong nakakastress ang mga nangyayari. 'Di rin naman ako papasok sa bar ngayon dahil nagpaalam akong may pupuntahan pero alibi ko lang 'yon.

Nang matapos siyang kumain ay iniligpit na niya ang pinagkainan at naligo na. Nagbihis lang siya ng isang itim na sando at shorts.

May pinapa-review pala sa 'kin si Montoya. Isa rin 'yong prof na 'yon. Tuwing nakikita ko siya ay parang may nararamdaman akong kakaiba. Ang labo kasi niya, puwede naman akong mag-review sa library ba't doon pa sa klase niya.

Nagbuklat muna si Kale ng isang libro at isang page ng kanyang note. Lagi akong late kaya hindi ako nakakapagsulat saka nakakatamad. Masakit sa kamay.

Makalipas ang kalahating oras na kunwaring pagbabasa at pagsusulat niya ng ilang formulas sa Calculus ay natapos na siyang mag-review.

Pagtingin niya sa wall clock ay alas-otso pa lang ng gabi. Maaga pa at wala siyang magawa. Wala rin siyang selpon dahil itinapon niya ang ginagamit niya noon. Ayaw ni Kale ng may nakakahawak ng kanyang selpon kaya kung meron man ay idinidispatsa niya ito. De keypad 'yon.

Napagdesisyunan niyang manood ng movie. Nagluto muna siya ng isang bowl ng fries at nanguha ng tatlong bote ng beer saka naglagay ng ice sa baso. Matapos niyang maihanda ang mga ito ay pumunta na siya sa sala at binuksan ang tv. Resident Evil ang napili niyang panoorin.

Habang nanonood ay umiinom siya ng beer habang pinupulutan ang fries. Sa pagpatak ng alak sa kanyang labi ay nagbabadya na naman ang kanyang mga luha.

L?

Hm?

I can't wait for the day that you'll become Mrs. Grey. I love you so much.

We're too young for that, S but we will get there too, soon. I love you too.

Hindi namalayan ni Kale na naubos na ang tatlong bote ng beer pati na ang fries. Tapos na rin ang movie na kanyang pinapanood. Wala sa sariling pinatay niya ang tv. Tumayong nanlalabo pa ang kanyang mga mata saka dumiretso sa kusina para iligpit ang pinagkainan. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa beer o sa aking luha o baka parehas.

Nagmuni-muni muna siya sa sala dahil siya ay busog at parang tinakasan ng lakas.

I really missed you, S.

Ala-una na ng madaling araw nang siya ay pumasok sa kanyang kuwarto at humiga na. Kasabay nito ay ang pagkuha niya ng kanyang Walkman saka ipinasak ang earphones at tuluyan nang natulog.

***

Alas-siete na ng umaga nang si Kale ay magising. Napasarap ang tulog ko dahil napuyat ako kagabi buhat ng kasama ko ang tropa sa bar at dahil suspended ako ay nag-celebrate kami. Nagmadali na siyang kumilos. Nagbihis lang siya ng karaniwan niyang isinusuot na pamasok na black hoodie at track pants na tinernuhan niya ng black sneakers. Hindi na siya nag-abalang kumain pa. Saktong seven thirty ay nakaalis na siya.

Makalipas ang kalahating oras ay nakapasok na si Kale. Tumingin muna siya sa kanyang relo. Late uli ako, susulitin ko na lang. Habang naglalakad siya ay may naramdaman siyang sumusunod sa kanya kaya lumingon siya para alamin kung sino ngunit wala siyang nakita. Hindi na lamang niya pinansin ito kaya naglakad na ulit siya ngunit tila may sumusunod na naman sa kanya kaya mabilis siyang lumingon pero wala ulit siyang nakita. Kakaiba talaga ang university na ito. May mga tama at saltik talaga ang mga tao rito. Maliban sa 'kin.

Laking pasasalamat niya nang makarating siya sa kanilang room at nawala na rin ang sumusunod sa kanya. Pagpasok ni Kale sa room ay nakatingin sa kanya ang lahat pati ang kanilang propesor na si Ms. Garcia. Binati niya ito at umupo na. Limang minuto na lang ay matatapos na ang klase kaya nakatitig sa kanya nang masama si Ms. Garcia. Sorry prof, next time ulit.

Dumating na ang kanilang propesor para sa susunod na subject. Magdi-discuss lamang ito. Hindi nakikinig si Kale dahil inaantok siya. Nami-miss ko nang matulog sa library. Hay, isa't kalahating oras pa 'tong last subject namin sa umaga.

Makalipas ang isang oras ay tinapos ng kanilang propesor ang discussion dahil may announcement itong sasabihin. Walang kuwenta na naman siguro 'to.

"Okay class, listen. Nalalapit na ang intramurals natin kung saan maglalaban-laban na naman ang mga private universities at kabilang tayo doon. So, nire-require ko kayong lahat na sumali sa kahit na anong sports na gusto niyo. Idadagdag ko ito sa inyong performance. Is it clear?"

"Sir, paano po kapag nanalo or nag-champion sa sport na sinalihan, may additional grade po ba 'yon?"

"Speaking of that, kung sino man sa inyo ang manalo at mag-champion ay may additonal na grade at exempted na sa lahat ng exams at quizzes sa subject ko. So, good luck everyone."

Pagkatapos sabihin 'yon ng kanilang propesor ay umalis na ito. Ang mga kaklase naman ni Kale ay parang nasa palengke. Ang iingay at parang ngayon lang makakasali sa intrams. Puro tungkol sa intrams ang pinag-uusapan ng mga ito at kung anong sport ang sasalihan.

Siya naman ay tahimik lang sa kanyang upuan dahil wala siyang balak sumali. Wala itong pakialam sa mga ganitong bagay kaya 'di rin siya excited. Itutulog na lamang niya ito kaysa magpakahirap pa na sumali sa intrams.

Lumabas na si Kale sa kanilang room at dumiretso sa cafeteria. Lunch break na at agad na siyang pumila saka nag-order ng tuna sandwich at tubig. Matapos magbayad ay naghanap na siya ng mauupuan nang biglang may tumawag sa kanya.

"Kale!"

Lumingon naman siya at nakita niya ang tropa. Ibang tropa ito ni Kale dahil ito'y tropa nila ni bakla. Nang makita niya ang mga ito ay agad-agad siyang lumapit sa mga ito. Huli na nang mapagtanto ni Kale na katapat lang ng table nila ang mga bullies at ligtas siya dahil wala ang demonyitang amo ng mga ito.

Umupo na siya at inilapag ang mga binili.

"Kale! Kumusta ka na? Dito ka na rin pala nag-aaral! Magkakasama at buo na ulit tayo!" masayang bati sa kanya ni Allison.

"Ah, oo. Dito rin pala kayo nag-aaral, Ali. Na-miss ko kayo."

"Kale, bro! Na-miss kita!" at niyakap siya nang mahigpit ni Ian.

"Teka, bro. Hindi halata na na-miss mo ko ha. Bitiw na bro, 'di ako makahinga eh."

Nagkakilala kaming tatlo nina Ian at Allison dahil kay bakla. Madalas kasing tumambay si bakla sa bar at minsan ay isinama niya ang dalawa at ipinakilala ako. Doon nagsimula ang lahat.

"Sorry na bro! Tagal ka naming 'di nakita ni Ali eh."

"Hoy baks! Bakit ngayon ka lang ha?! Kanina pa kami ditey! At bakit 'yan lang ang lunch mo ha? Purita ka na naman! " sigaw sa kanya ni bakla kahit na katapat lang siya nito.

"Wow Junior ha, pasensiya na po kung pinaghintay kita, kamahalan. Saka masanay ka na sa lunch ko. Buti sana kung pakakainin mo kaming tatlo 'di ba guys?" pang-aasar ni Kale kay bakla. Ngumisi naman si Ian at Allison.

"Ewan ko sa 'yong shiboli bam bam. Kukultaban na talaga kita! Bibili lang ako ng maraming pagkain baka kasi gutumin ka at samain pa ako kay Pres!" Umirap muna ito bago umalis. Ano na naman kayang nangyayari sa baklang 'yon? Bumabait eh.

"Kale, kumusta naman ang Henderson? May nakita ka na bang chix?" tanong sa kanya ni Allison at kumapit sa kanyang braso. Magkatabi ang dalawa.

Alam lahat ng tropa ni Kale ang tungkol sa kanyang sexuality at open naman siya kung ano talaga siya. Ipinagpapasalamat niya na tanggap siya ng mga ito at mas naging clingy pa sa kanya.

Bago niya sagutin ang tanong ni Allison ay tumingin muna siya sa paligid at nagawi ang kanyang tingin sa mga bullies.

"I have no time for that, Ali," tipid niyang sagot. Mangungulit pa sana si Allison nang dumating na si bakla at inilapag ang mga in-order na pagkain.

Ang dami naman masyado. Aapat lang kami. Kaya ba naming ubusin ang mga ito? May large fries na ilang order, may mga dishes at kanin din na hindi ko alam kung ano ang tawag dahil ngayon ko lang nakita. Namili rin siya ng shake at milktea na large rin. Bubusugin niya ata kami, aniya sa kanyang isip nang makita ang mga biniling pagkain ni bakla.

"Oh baks, ito ang tinatawag na lunch! Kaya kumain ka diyan at damihan mo, kung hindi, mayayari ka talaga sa 'kin! Ubusin mo 'yang mga 'yan. Treat ko na rin 'to dahil magkakasama at buo na ulit tayo!" sigaw na naman ni bakla. 'Di naman ako bingi ah.

"Uy, salamat Peter! Ang bait-bait mo naman saka ang dami nito!" pambobola ni Ian.

"Kaya nga Johansen, libre mo na lang pala kami araw-araw ha!" segunda ni Allison.

"Hoy, kayong dalawang burgis, nautusan lang ako kaya namili ako ng ganyan karami! Wala ng susunod diyan! Kaya kumain na tayo at nagugutom na ako!"

"Baks, sagot mo na lunch ko araw-araw ha. Labyu baks! Ang sweet sweet mo naman!" panloloko ni Kale kay bakla.

"Tse! Lumafang ka na lang diyan!" maarteng tugon nito kay Kale saka umirap. Parang nakakaganda ang pag-irap ah, baks.

Masaya at sabay-sabay kumain ang magkakaibigan. Nagtatawanan silang apat dahil sa panloloko ni Ian kay bakla na kunwari ay sinusubuan. Si bakla naman ay todo subo rin at tila mukhang kinikilig. Samantalang si Ali naman ay ipinapatikim kay Kale ang lahat ng pagkain at sinusubuan din. Oh 'di ba, ang sweet sweet namin masyado.

Nakaramdam naman si Kale na parang may nakatingin sa kanila habang sinusubuan siya ni Allison. 'Di ko na kailangan pang lingunin kung sino ang mga 'yon dahil wala naman ng iba pang nangdidiskita sa 'kin dito sa cafeteria.

Susubuan pa ulit sana ni Allison si Kale nang biglang may tumawag sa kanya.

"A—Ate, I like you."

Siguiente capítulo