webnovel

Chapter 10

Pumunta sila sa harapan. Nandyan parin ang seryoso nilang mukha. Masyadong silang nakakaintimidate.

Tumayo kaming lahat at yumuko nang kaunti. Pagpapakita nang aming paggalang sa kanila. Walang nagsalita.

Tumikhim si Froinnickus. "Magandang umaga sa inyong lahat. Gaya nang nasabi ko noong una, malapit nang magaganap ang matinding pagsasanay. Ito ay para mas maging handa kayo sa inyong mga misyon. Pero bago ang misyon ay may pagsusulit muna kayo pagkatapos nang inyong pagsasanay," sabi nito. Nanatili kaming tahimik na nakikinig sa kaniya.

Matagal na naming hinihintay ang pagkakataong ito. Dahil simula palang ito na ang layunin nang Sridden. Ang paghandain ang mga estudyante.

Pinakilala ni Froinnickus ang mga bagong mukha doon. Mas mabigat na paghinga ang pinalabas nang mga tao dito.

"Ipakilala ko sa inyo ang apat na taong ito. Mga importante sila. Dahil makakatulong sila sa inyong pagsasanay," aniya.

Tinuro ni Froinnickus si Serene. "Ito si Serene," yumuko kami nang kaunti sa kanya...kay Serene. "Siya ang tagagamot sa mga magkakaroon nang galos o di kaya'y sugat sa inyong pagsasanay."

Pagkatapos niya sabihin iyon ay binaling niya ang atensyon sa tatlo. Yung tatlong nababalot nang kahiwagaan.

"Silang tatlo ay galing sa iba't ibang kaharian. Nandito sila para tumulong sa inyong pagsasanay. Siguro nagtatanomg kayo kung bakit sila. Ito ang sagot, sila ang nagbigay daan na magwagi sa trahedya dalawampung taon ang nakalipas. Kaya kinagagalak kong ipakilala sa inyo ang bago ninyong tagasanay. Si Aria Goihle," tinuro niya ang nagiisang babae sa kanilang tatlo. Ngumiti nang masinsinan ang babae. Pero kahit ganoon, nakakakilabot parin ito. "Ito naman si Caspian Deriosph," tinuro ni Froinnickus ang lalaking magara tingnan. Mukhang galing sa mayaman na pamilya.

Panghuli, tinuro ni Froinnickus ang lalaking walang bahid nang emosyon. "At siya ay si Jacques Nioleion," gaya kanina ay yumuko kami. Pagpapakita nang pagrespeto sa kanila.

Akala namin tapos na pero nagsalitang muli si Froinnickus. "Napakaswerte niyo dahil nakilala niyo na ang Enchanted Trio. At ikinagagalak ko na nandito kayo," tumingin si Froinnickus sa tatlo at yumuko din.

Sila pala yon! Ang narinig kong kausap ni ama bago siya namatay sa lason. Kaya pala pamilyar ang pagmumukha nila. Palagi sila sa kastilyo noong buhay pa ang ama at palagi nila akong kalaro.

Nawindang ang lahat at iba't ibang reaksyon ang nanggaling sa paligid. Kesyo daw nakilala na nila ang Enchanted Trio. Tskk... Wala bang ibang tao dito. At saka nagugutom na ako!

*****

Natapos ang umagahan at nandito kaming lahat sa malaking espasyo sa gitna nang paaralan. Marahil magoorient na para sa magaganap na pagsasanay sa aming lahat.

Tahimik kaming lahat, tila walang gustong magsalita. Pumasok na ang headmaster kasama ang apat na importanteng tao.

Pumunta sa harapan si Froinnickus. Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"Mabuti naman at kompleto na tayo, ngayon ang araw para malaman ang mga oras kung kailan ang pagsasanay."

"Headmaster!" tawag nang isang estudyante.

"Ano iyon?" tanong ni headmaster. Tiningnan din siya nang apat na importanteng tao.

Huminga siya nang malalim bago nagsalita, "Para saan po ba ang pagsasanay naming ito? Sa pagkaka-alam ko sa katapusan na ang mga pagsasanay na gagawin. Tila napa-aga yata."

Tumikhim si Froinnickus,"Kailangan niyo nang maghanda. Dahil sa taon na ito magaganap ang isang competisyon na sasalihan nang paaralan natin. Ang GOLD o Game Of Life and Death. Kaya napa-aga ang pagsasanay niyo."

Matapos sabihin ni Froinnickus ang mga salitang iyon ay iba't iba na ang nagsalita. Tila hindi mapaniwalaan ang sinabi ni Froinnickus.

Halos di mo na marinig ang mga sinasabi nila dahil magulo ito. Malalakas ang boses nila pero iba-iba naman ang sinasabi. Napailing ako. Bakit ba kasi sinali sa GOLD ni Froinnickus ang paaralan. Alam naman niyang hindi handa ang mga estudyante sa posibleng mangyari. Ang gulo!

"Tumahimik ang lahat!" lahat kami ay napatingin sa nagsalita. Napakalamig nang boses niya. Napapasunod nito ang mga tao. Tahimik kaming tumingin sa kaniya.

Seryoso ang mukha niya at tila hindi niya alam kung paano ngumiti. Si Jacques Nioleion. Muli siyang nagsalita, "Ang GOLD ay ang pinakaimportante na laro. Ngayong taon lamang sumali ang Ethiopa sa larong iyon kaya kayo ang magbibigay daan para ipakita sa buong mundo ang kaya niyo at ang galing niyo. Nasa inyo nakasalalay ang ngalan nang Ethiopa."

Nagtaas ako nang kamay. Tiningnan niya ako at tinanguan. Tumayo ako at kinompose ang sarili.

"Kung ganoon ang mangyayari, maraming buhay ang posibleng mawala. Sa tingin niyo anong maging kapalit nang buhay na iyon? Magiging karangalan ba ang pagkamatay nila? O mabalewala lang ito gaya nang pagkamatay nang heneral nang hari." hindi ko iniwas ang tingin sa harap.

Tinitigan ako nang mga kapwa ko estudyante. Tinitigan din ako nang dalawa niyang kasama, pati si Serene. Parang tinatanong nila sa sarili nila kung bakit ko natanong iyon at si Jacques pa. Mas lalo silang nagulat nang tumawa si Jacques sa harap. Ngumiti ako, ito ang Jacques na kilala ko. Ito ang Jacques na iniidolo ko at tinuring kong kapatid.

Tumigil na si Jacques sa kakatawa. At muling nagsalita. "Pasensya na, may naaalala lang akong tao na ganon din kung makapagtanong. Sa totoo lang hindi ko na alam kung nasaan ang batang iyon," hindi na seryoso ang ekspresyon niya kundi pangungulila.

"At sa tanong mo, Oo, may gantimpala ang mga mananalo at ang masasawi sa larong iyon ay manatiling bayani sa lugar nila at sa buong mundo. Hindi mabalewala ang pinaghirapan nila. Wala ka na bang ibang tanong?" puna niya. Umiling ako.

"Kung ganoon magsimula ang pagsasanay niyo mamayang ala una nang hapon. Magpahinga muna kayo at maghanda para mamaya. Sige pwede na kayong umalis," tumayo kaming lahat at marahang yumuko at umalis.

Bumalik ako sa silid ko at humiga. Pero hindi ako mapakali, tila may masamang mangyayari. Hindi ko alam kung ano ito pero hindi ako mapakali.

Kinuha ko ang isang cloak at lumabas. Lumingon lingon ako para tingna kung may tao ba pero wala naman kaya dumaan ako sa likod nang dormitoryo patungong gubat. Madalas kong nakikita ang gubat na ito sa tuwing binubuksan ko ang bintana sa aking silid. At madalas iba ang pakiramdam ko sa gubat na ito. Tila may malakas na enerhiya galing sa gubat na ito.

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa gubat. Naglalakad lang ako at patuloy parin sa paglalakad. Tanging tunog lamang nang mga patay na dahon na aking natatapakan ang aking naririnig.

Napahinto ako sa paglalakad nang may kaluskos akong narinig. Hindi ito pangkaraniwan. Liningon ko ang pinanggalingan nang kaluskos. Nagulat ako nang may lumabas ditong pusa. Ito yung pusa na nakita ko noong nandoon ako sa Astreuin. Napahinga ako nang maluwag.

"Meow," malakas na tinig ang pinalabas nang pusa. Tila may gusto itong iparating. "MEOW!" Lumingon ako sa likod ko at napaatras ako sa nakita ko. Isang lalaking nakaitim, pula ang mata nito at may pangil ito.

Ngumisi ako, pero sa totoo lang ayaw kong ipakita na takot ako. Nanlilisik ang mata sa tao sa harap ko....tao ba ito o hayop?

"Bakit ka nandito? Nasa teritoryo ka namin!" galit na sambit nang lalaki.

Kumunot ang noo ko,"Sa pagkaka-alam ko ang hari ang may-ari nang buong Ethiopa. At sa pagkaka-alam ko rin, nasa mundong ilalim kayo nakatira, bakit kayo nandito sa gubat na ito?"

Hindi parin nawala ang titig niya sa akin. "Tama ka, sa mundong ilalim nga ako nakatira. Ang mga katulad namin ay nandito sa gubat na ito para maghiganti," sambit niya.

"Maghiganti? Kanino?"

"Ipaghiganti namin ang pagkamatay nang hari. Nakita naming lahat ang pangyayari. Nakita namin ang mga pinaggagawa ni Savana.Hindi siya karapat dapat sa trono," sagot niya.

"Sa tingin mo ba, paghihiganti ang solusyon?"

"Sa ngayon, Oo. Pero hahanapin pa namin ang totoong anak nang hari para siya ang mamuno. Ang mga Lutherking lang at wala nang iba ang pwedeng mamuno sa Ethiopa. At ngayong alam mo na ang pakay namin, papatayin kita para walang makakapagsabi sa plano namin!" sabi niya.

Ngumisi ako, "Tss..kung papatayin mo ako alam kong pagsisihan mo ito."

Naghanda na siya para umatake sa akin, naghanda narin ako para sanggain ang ano mang atake ang pwede niyang gawin.

"Aaaaaaahhhh!" nagulat ako nang sumigaw siya at mabilis na naglaho. Nakita ko si Jacques na dala ang espada niya. Nakayuko ito at may bahid nang dugo ang espada nito.

Tiningnan niya ako. Binigyan ko siya nang bagot na ekspresyon. Pshh...

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit ka nandito sa gubat na ito ha! Alam mo bang maraming nagkalat na mga hayop na pwedeng pumatay sa iyo!" tinalikuran ko siya.

"Wag mo akong talikuran," malamig na tinig ang narinig ko.

Huminga ako nang malalim at tiningnan siya, "Bakit ka ba galit? Hindi kita tatay at hindi kita kapatid!"

Tinitigan niya ako,"Sa tingin mo ano ang posibleng mangyari kung mamatay ka? May malaki ka pang responsibilidad." Tinalikuran ko siyang muli.

"Nasa kamay mo ang kinabukasan nang Ethiopa, Dylan!" napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko iyon. Liningon ko siya. Ngumisi siya, yung ngisi na palagi niyang pinapakita sa akin sa tuwing pumupunta siya sa kastilyo. Kumunot ang noo ko.

"Hindi mo man lang ba ikumusta ang kuya mong gwapo?" haay...andito na naman tayo sa pagkahangin niya.

"Psshhh...kailan ka pa naging gwapo? Mas mabuti pa sigurong manatili ka sa walang ekspresyon mong mukha!"

"Hahaha! Ngayong nandito na ako mababantayan na kita. Ayaw kong mamatay ka rin sa lason gaya ni tito. At isa pa may bagong rules ang paaralan para sa inyong mga estudyante. Kaya mas maging maayos ang seguridad niyo," sambit niya. Umiling ako at umuna nang maglakad. Iniwan ko na siya doon.

Jacques, pasensya na. Ayaw kong may mangyaring masama sa lahat nang tao na alam kong malapit sa akin. Kaya  anong rules na maaari niyong isagawa hindi ako sigurado kung tutuparin ko ito.

Nagpatuloy lang ako sa paglakad. Nakasunod sa akin ang pusa. At bigla itong tumalon papunta sa braso ko at doon naupo.

Siguiente capítulo