webnovel

Chapter 29

Now playing: Heartbreak Anniversary

Alice

Hindi ko alam kung ano ang naisipan ni Raven kung bakit kailangan eh ipasuot pa nitong muli sa akin ang school uniform namin noong high school.

Nakakainis lang kasi ang sikip sikip na nito sa akin. Ang init-init rin. Pero dahil mukhang masaya naman siya sa pinag gagawa niya kaya sige, pagbibigyan ko siya.

Mabuti nalang dahil hindi ko itinapon itong uniform na ito, at ginawa kong display sa loob ng kuwarto ko bilang alaala sa naging relasyon namin ni Raven noon.

Paglabas ko ng aking unit ay agad na natanggap ko rin ang text ni Raven, sinasabi nito na nasa parking lot na siya at naghihintay.

Hindi ko mapigilan ang kiligin, iniimagine ko kasi ang kanyang itsura dahil suot din nito ngayon ang kanyang uniform.

Pagdating ko sa parking lot ay agad naman na nakita ko itong naka sandal sa hood ng kanyang kotse habang naghihintay sa akin.

Awtomatiko akong natigilan at napanganga noong humarap siya sa akin. Para bang bigla kaming ibinalik sa panahon noong nasa high school pa lamang kami.

Ang sexy niya parin talaga sa kanyang uniform. Hindi ko mapigilan ang mapanganga habang pinagmamasdan siyang naglakad papalapit sa akin.

Isama mo na rin na inayos nito ang kanyang buhok katulad noong dati.

Tuluyan itong huminto sa aking harapan, bago ako pinasadahan ng tingin sa aking kabuohan.

Napalunok ako, parang gusto kong maiyak kasi agad kong naamoy sa kanya ang pabango na dating nitong ginagamit. Iyong pabango nito na paborito kong amuyin mula sa kanya.

"Ang ganda-ganda mo parin." Komento niya. "Actually, mas maganda ka ngayon." Dagdag pa nito.

Napangiti ako, ngunit nangingilid na ang mga luha sa aking mga mata habang nakatingin sa kanya.

"Are you that happy?" Pabiro na tanong nito kaya napatango ako at mabilis na pinunasan ang sariling luha.

"Nakikita ko ang dating Alice ngayon. Iyong Alice na matalino, top student at girlfriend ko..." Saad niya habang hindi parin inaalis ang mga mata sa akin.

"Girlfriend ko." Tatango-tango na dagdag pa niya.

"Tama! Girlfriend kita sa araw na ito." Natigilan ako.

"G-Girlfriend mo."

"Yes. Because today, magpapanggap tayo tulad ng dati. Girlfriend mo ako at girlfriend kita." Pagkatapos ay napa musyon na ito sa kanyang sasakyan.

Noon ko lamang napansin, na pati pala kotse na dinala nito ngayon ay ang kotse niya na ginagamit noong high school kami.

"Buhay parin itong kotse mo hanggang ngayon?" Hindi makapaniwala at namamangha na tanong ko.

Napangiti siya habang binubuhay ang makina.

"Ikaw lang naman ang nang iwan, pero itong kotse kong ito? Never niya akong iniwan." Pagbibiro niya ngunit dahil doon ay natigilan ako.

"Hey, I was just kidding. Masyado ka namang seryoso." Paliwanag niya pagkatapos ay sinimulan nang tahakin ang daan.

Napatikhim ako at pilit na lang na binalewala ang sinabi niya na para bang hindi ako apektado.

"So, any idea where we are going?" Tanong ko sa kanya habang iginagala ang tingin sa loob ng buong sasakyan.

Lihim na napapangiti ako sa aking sarili kasi kahit na konti, wala itong ipinagbago.

Ganoon na ganoon parin ang itsura maging ang loob at labas ng kanyang sasakyan.

"Where else but in our old school. Don't you want to go back there?"

Nanlalaki ang mga mata na napatingin ako sa kanya. Bigla kasi akong na excite sa sinabi niyang iyon. Matagal na panahon na rin na hindi ako nakabalik doon. Actually, simula noong grumaduate kami eh hindi na talaga ako nakabalik pa roon.

Natatakot kasi ako na baka magkasalubong kaming bigla ni Raven. O hindi kaya ay baka bumalik ang maraming naming alaala na ayaw ko ng balikan pa noon.

Pero ngayon, wala akong ibang nararamdaman kundi ang ma excite dahil magkasama naming babalikan ang dati naming eskwelahan, kung saan kami nagsimula at....natapos?

Oo, bakit ini-expect mo ba na kayo na ulit ngayon? Tuyo ng aking isipan.

"But first, we have to go through the place where we actually first met. Do you still remember what happened here?"

Pagkatapos ay inihinto nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada at napa nguso ito sa isang restaurant, na dati ay isa itong convenience store.

Hindi ko mapigilan ang mapakagat sa aking labi dahil hanggang ngayon pala, tandang-tanda parin ni Raven kahit maliliit na detalye sa relasyon namin.

"Of course, how can I forget the first time we met here. That's one of a million things I'll remember until I get older." Tugon ko sa kanya. Noon ko naman naalala na mayroon nga pala akong dapat na ibigay sa kanya.

Sandali na kinuha ko ito mula sa aking backpack atsaka agad na ibinigay na iyon ng tuluyan sa kanya.

"Sa tingin mo ba nakalimutan ko na rin ito?" Kagat labi na wika ko.

Awtomatiko rin na gumuhit ang ngiti sa kanyang labi na kinuha iyon mula sa akin.

"Dutch mill! Wow! Sobrang namiss ko ang lasa nito. Thank you, girlfriend ko." Malawak ang ngiti na pasasalamat niya na agad na ikina init ng tenga at mga pisngi ko.

"Psh!" Kunwari naman na irap ko sa kanya upang pigilan ang muling pag ngiti. "Siguro babaera ka parin hanggang ngayon, ano?" Biro ko.

Muling pinasibad na nito ang sasakyan habang kagat-kagat 'yong straw ng kanyang dutch kill.

If anything has changed in Raven, it's that she's more mature now. But her face, her gestures and smiles? It's still the same with the Raven I loved eight years ago. Something I am so thankful for.

"Never naman akong nambabae noong naging tayo ha." Depensa nito sa sarili. "Simula noong maging tayo, ikaw at ikaw lang ang babae sa mga mata at sa puso ko." Dagdag pa niya.

"Alam mo yan. Pero iniwan mo parin ako." Sabay nguso na wika nito habang ipinaparada na ang sasakyan sa garahe.

Hindi ko alam pero sa tuwing na pupunta kami sa ganitong usapan, kusang tumitiklop ang dila ko, nauubusan ako ng salita na gustong sabihin. Siguro dahil alam ko na ako naman talaga ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. Kasalanan ko ang lahat kung bakit kinailangan humantong kami sa ganito.

Pagkatapos ng ilang sandali ay tahimik kami na bumaba ng sasakyan. Many memories automatically came back to my mind the moment we set foot on campus again.

Everything flashed back to my mind over and over again. Hindi ko alam kung ganoon din ba si Raven.

Dahil basta ko na lamang naramdaman ang mainit na kamay nito na humawak sa kamay ko, pagkatapos ay hinila ako patungo sa Cafeteria. Pigil ang hininga na napayuko ako sandali para tignan ang aming mga kamay, na ngayon ay magka holding hands na.

Napapangiti ako na halos kulang nalang eh mapunit na ang aking labi.

Pagdating sa loob ng Cafeteria, agad na nakahanap kami ng aming pwesto. Mabuti nalang dahil kasisimula lamang ng lunch break.

Para akong siraulo na naupo sa harap ni Raven. Ganoon din ito, hindi ko napansin na naka ngiti rin pala siya. At noong magtama ang aming mga mata ay kapwa kinikilig kami na napatawa sa isa't isa.

Feeling bagets lang? Aniya ng aking isipan.

Nakakatuwa lang kasi, suot namin pareho ang aming uniform. Mukha parin pala kaming estudyante dahil sa ayos naming dalawa. Mukhang nagdadate na estudyante to be exact. Haha.

Kumain kami ng pananghalian roon, medyo na badtrip nga lang si Raven dahil nag iba na ang lasa ng pagkain kaysa sa dati. Ilang taon na rin kasi ang nakalipas, malamang sa malamang eh nagbago na rin sila ng Chef.

Pagkatapos kumain eh, muling nilibot namin ang University. Binalikan namin ang dati naming classroom, iyong library kung saan kami dati palaging nagrereview at pagkatapos ay gumagawa ng...ahem! You know, kababalaghan.

Binalikan din namin ang paborito nitong tambayan sa may likod ng gym at ang iba pang lugar dito sa University.

Ang saya lang na makabalik sa ganitong lugar pagkatapos ng napaka habang panahon. May bonus pa nga dahil magkasama kami ni Raven na bumalik rito. Hindi ko talaga mapigilan ang kiligin sa totoo lang.

Pabalik na kaming muli sa parking lot kung nasaan ang kanyang kotse, nang may biglang tumawag sa aming pangalan.

Sabay kaming natigilan at pagkatapos napalingon rito.

"MS. REYES!" Chorus na pagbanggit namin ni Raven sa kanyang pangalawan.

Malawak ang mga hakbang at ngiti na lumapit ito sa amin. Halata na ang medyo kulubot na balat nito, hindi kagayan noong mga estudyante pa lamang kami. Ngunit nananatili parin ang taglay nitong kagandahan na hanggang sa pagtanda niya yata eh hindi na mabubura pa.

Pansin ko rin ang singsing na suot nito sa kanyang kaliwang kamay. Nagpapatunay lamang iyon na siya ay panghabambuhay nang nakatali sa puso ng isang maswerteng babae na kanyang napiling pakasalan.

"Look who's here! My favorite love team and students. I can't believe you're still together." Naka ngiti na bungad nito sa amin.

"Ms. Reyes, you still hmmm...nevermind." Pabirong wika naman ni Raven dahilan upang mapataas naman ng kilay iyong isa.

"Correction, Raven. I'm MRS. REYES now." Proud na pinakita nito ang kanyang kamay kung saan mayroon nang suot na singsing.

Napatawa lamang ako sa kanilang dalawa. Sa klase kasi namin, silang dalawa lamang 'yong masasabi na kong super close talaga. Na halos mapagkakamalan na magkapatid.

"So what's the news about your love story? Are you married yet? Gosh! I thought you two broke up." Kinikilig at halata na gusto nitong magpakwento sa aming dalawa.

Ngunit wala naman talaga kaming dapat ikuwento dahil matagal naman na talaga kaming hiwalay ni Raven.

Handa na sana akong sagutin ang katanungan ni Ms. Reyes, or should I say Mrs. Reyes, noong maramdaman ko ang paghapit ni Raven sa aking balakang in front of her. Agad naman akong nanigas sa aking kinatatayuan.

"At sino naman ho ang may makakating labi na nagsabing nag break kami?" Tanong nito kay Mrs. Reyes. Dahilan upang ako ay magulat.

Ano bang pinaplano nito?

Tinignan ko siya ng 'what are you doing look' ngunit nginitian lamang ako ni Raven na tila ba kontrolado niya ang sitwasyon.

"So hindi kayo nag break?" Pag kukumpirma ni Mrs. Reyes.

"Yup!" With emphasise pa ng letter 'P' sa dulo. "Actually, we came back here because we wanted to go back to the memories when we were just starting out as a couple." Dagdag ni Raven. "We are also planning to get married this year."

"Awwww. That's so sweet!" Kumikinang ang mga mata na komento ni Mrs. Reyes bago ako hinawakan sa braso. "Ang sweet parin ng jowa mo kaya wag kang papayag na hindi matuloy ang kasal." Pabirong dagdag pa niya habang naka tingin sa akin dahilan upang mapatawa kami ni Raven.

Jusko! Napasubo tuloy ako. Ayoko sa lahat eh iyong nagsisinungaling eh. Kaso napapadalas yata ang pagsisinungaling ko ngayon simula sa mga kaibigan ko.

"From high-school lovers to lifetime partners. The wedding of a famous Attorney and an heir!" Saad nitong muli na para bang nag ddaydream. "Hayyyy! What a perfect couple." Dagdag pa niya.

"Pwede ko ba kayong mayakap? Sobrang namiss ko kayong dalawa, lalo na ang kakulitan mo, Raven."

Sabay naman na napatango kami ni Raven bago namin pinagitnaan si Mrs. Reyes atsaka ito niyakap.

Matapos kaming makapag paalam eh agad na muling bumiyahe na kami.

Takip silim na noong tuluyan kaming makarating sa Hotel kung saan naka check-in si Raven. Iyong Hotel kung saan niya ako dinala dahil sa sobra kong kalasingan.

Sandaling nagpaalam ito sa akin dahil may importanteng tawag na dumating. Hindi naman iyon nagtagal nang muli siyang bumalik na ngayon ay mayroon nang hawak-hawak na isang semi formal fitted blue dress.

"You can change your clothes and wear this." Utos nito sa akin ngunit naguguluhan lamang ang mga mata na tinignan ko ang hawak niya.

Napa ngiti siya.

"Our date isn't over yet, remember?" Paalala nito sa akin.

Awtomatiko naman na napa 'O' ang labi ko bago tuluyang kinuha mula sa kanya ang dress. Agad akong nagtungo sa banyo para makapag palit.

Suot ang dress na binigay ni Raven sa akin, ay ang garden ng Hotel ang sumunod naming pinuntahan.

And there, I admit that I was really surprised by what I saw.

It's a candle light dinner date.

There is an arranged table in the middle of the heart -shaped candles, a different kind of foods prepared on the top of the table, there are also scattered lanterns that provide light all around.

And a romantic music playing that makes the moment even more lovely.

Lumapit si Raven sa akin bago ako tinignan sa aking mga mata at sinabing..

"I just want to make up for the many years of not being with you, and not dating you because I didn't have a chance to do that." Paliwanag niya.

"I know it's just simple but believe me, Alice, it's all from my heart." Napalunok ito. Halata na kinakabahan siya sa mga sandaling ito.

Napatulala lamang ako sa mukha niya. Sobrang namimiss ko ang mga sandali namin ni Raven noon. Iyong mga simpleng pakulo niya, kagaya nito.

"Please, say something?"

Napakurap ako ng maraming beses.

"I-I uhmmm...I just have nothing to say. I'm so speechless at the moment, Raven. Y-You shouldn't be doing this. I, I must be the one making them for you because...because I was the one who--"

"Hey!" Pinutol agad nito ang gusto kong sabihin. Hinawakan niya ako sa aking magkabilaang pisngi. "Wala kang dapat gawin. It is enough for me that you have reached your dream. Okay?"

Sa ilang segundo na sinabi niya iyon, kitang-kita ko, ng dalawang mata ko, ang gumuhit na lungkot sa mga mata niya habang sinasabi iyon. Ngunit mabilis niya iyong naitago dahil sa muli na naman niyang pag ngiti. Kaya ipinagwalang bahala ko na lamang din ito.

Napatango ako hanggang sa marahan na iginaya na niya ako patungo sa lamesa at ipinaghila ng upuan.

Habang kumakain kami, hindi ko mapigilan ang mapalingon sa paligid. Wala akong napapansin na ibang tao kung hindi kami lamang na dalawa. Marahil nirentahan niya ang buong lugar, napagastos pa talaga siya para sa akin.

Napahinga ako ng malalim.

Noon naman tumayo si Raven, umikot sa lamesa patungo sa akin, hanggang sa likod ko, sandaling natigilan ito hanggang sa naramdaman ko na lamang na mayroon itong isinusuot na kwentas sa akin.

"Naaalala mo ba kung anong araw ngayon?" Biglang tanong nito habang ibinabalik sa dating ayos ang buhok ko, dahil tapos na niyang maikabit ang kwentas.

Muli siyang umikot sa kabila kung saan siya naka upo kanina bago ako tinignan aking mga mata.

"Today is supposed to be our anniversary. OUR ninth anniversary."

Napalunok ako bago napa inom ng wine dahil kung hindi, baka bigla na lamang akong mabilaukan.

Shit! Bakit hindi ko iyon naalala? Sa aming dalawa, ako ang aware pagdating sa petsa!

"That's the necklace I wanted to give you eight years ago. I would like to give you a gift because we finished high school together and...also for our upcoming first anniversary." Pahayag niya na muling dumudurog sa puso ko.

Kasi hindi ko alam. Wala akong alam na may binabalak pala siya noon pero ipinagtabuyan ko siya sa parehong araw na importante sa amin.

"But I didn't have a chance to do that either." Malungkot ang mga mata at ngiti ang iginawad nito. "I'm sorry it took so many years before I finally gave it to you. And I'm right, that necklace is for you. It looks good on you"

Nang matapos niyang sabihin iyon, kusa na lamang akong napaiyak. As in, iyong iyak talaga na akala mo eh may biglang nangyaring masama.

Ang tanga ko kang kasi. Ang tanga-tanga ko dahil nagawa ko siyang talikuran noon. Nagawa ko siyang iwanan. Kung saan okay naman ang relasyon namin, okay naman kami, masaya kami pareho at maayos ang takbo ng aming relasyon.

Ilang minuto rin ako bago tuluyang tumahan. Nakabalik na kami lahat-lahat sa kanyang kuwarto, pero heto parin ako, tulala sa kawalan dahil paulit-ulit akong inuusig ng aking konsensya.

Siguro nga kasal na kami ngayon o baka nga may sarili nang pamilya. Hindi na sana namin kinailangan pang magsinungaling sa harap ni Mrs. Reyes kanina.

Napahinga ako ng malalim.

Hindi na rin muna ako pinauwi ni Raven. Malalim na kasi ang gabi at pagod na rin kami pareho.

Kapwa kami nakahiga ngayon sa kanyang kama. Nakatalikod ako mula sa kanya, habang siya naman ay yakap ako mula sa likod. Nararamdaman ko rin marahan na paghaplos nito sa buhok at braso ko.

"In this world full of perfectionist, you are my mistake." Bulong na saad nito.

Naguguluhan na napaharap ako sa kanya. Hinawakan siya sa kanyang pisngi at sandali ko ring hinaplos ang kanyang labi, bago muling ibinalik ang aking paningin sa kanyang mga mata.

"I am your...mistake?"

"Yes, Alice." Sagot nito. "You were once my mistake. And so am I. But I have no regrets that I loved you. For me, you are my beautiful mistake that I do not want to correct."

Naguguluhan ako, hindi ko alam kung ano ba ang ibig nitong sabihin. Never siyang naging pagkakamali sa akin. Pero ako? Oo, tama siya. Naging pagkakamali ako para sa kanya dahil pinili niyang mahalin ako at dahil doon ay nawasak siya.

Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na nagawa pa dahil basta na lamang lumapat ang mga labi nito sa akin. Bagay na hindi naman na ako nag protesta pa, dahil alam kong isa rin iyon sa mga bagay na gusto kong gawin ngayong gabi, ngayong kasama ko siya.

Ang paulit-ulit kong isuko ang aking sarili, kahit na wala naman na akong karapatan pang gawin iyon para sa kanya.

Ibibigay ko, handa na ako. Nakahanda na akong muling ibigay ang lahat, sumugal at kung sakali man na ako'y matalo, tatanggapin ko iyon ng maluwag sa aking puso, muli ko lamang maramdaman at maangkin ang pag-ibig na minsan ko nang sinayang.

Siguiente capítulo