webnovel

Chapter 3

LAURA'S Point of View

Head ng Ob-Gyne mismo ang nag check-up up sa akin, si Dr. Vivian Ramos. Gusto sana sumunod ni Syd sa loob pero exclusive for woman lang ang area na iyon kaya pinagstay lang siya sa upuan sa tapat ng table. Mabuti na lang at ganon ang nangyari dahil kung sasamahan pa niya ako ay sobrang kahihiyan na ang aabutin ko.

Sa loob ng OB Room, pinahubad sa akin ni Dok ang pang ibabang suot at pinahiga sa single bed. Pagkahiga ko, inilagay ko ang kumot pantakip sa maselang parte ng katawan. Pina-pwesto niya ako at pinabuka ang dalawang hita. May tinutok itong ilaw doon. Ofcourse, hindi ko alam kung bakit ganun. Wala naman akong experience sa ganitong bagay. Nag gloves ito at sinimulan na ang proseso.

"Open wide your legs. Bumaba ka ng konti pa dito sa dulo ng bed." utos ni dok. "Now! Hingang malalim." sabi nito.

"Awww…" Napa sigaw ako pero pinilit kong pigilan mapalakas iyon. "Dok, masakit, dahan-dahan naman po!" mahinang sabi ko.

"Laura, namamaga at namumula ang p*erta mo dahil sa excessive intercourse." Tinanggal niya ang kamay sa maselang bahagi ng katawan ko at pinatay ang ilaw.

"We're done!" Sabi nito habang tinatanggal ang gloves sa kamay nito. "Suot mo na yung pants mo, I'll wait you outside." Iniwan ako ni dok at hinawi pabukas ang kurtina ng kwarto.

Habang sinusuot ang underwear at pantalon ko ay naiilang pa rin ako. First time ko itong ginawa. "Bakit kailangan pang ipasok ang kamay? Ansakit kaya!" Halos nag bubutil-butil na ang pawis ko sa noo, paano ba naman kasi ay ninenerbiyos ako. Kung hindi dahil sa lalaking iyon ay hindi naman ako magkakaganito.

Paghawi ko sa kurtina ay nandoon na si Syd sa upuan habang naka dekwatro pa. Nakakainis ang lalaking ito at kailangan pa talaga niya maki-isyoso.

Paglabas namin hinawi ko ang kanyang kamay sa aking bewang. Hindi lang ako nag-react kaagad sa ginawa niya dahil nahihiya ako sa doktor. Ayoko ng gumawa pa ng drama o makipag-talo pa sa kanya. Matalim ko siyang tinitigan, dahil napapaisip ako sa sinabi ng doktor. "Anong mga toys iyon? Ginamitan ba talaga niya ako noon? Paano?" Ilan lang naman yan sa tanong sa aking isip. "Pambihirang lalake ito! May hobby pa palang siyang ganito?!" Hindi ako makapaniwala na sa desente at propesiyonal nitong pananamit ay matinatago rin pala itong masamang gawain.

Lumingon ako patalikod kay Syd. Inirapan ko pa ito at niyakap ang aking dibdib habang pababa sa ground floor.

"Hindi ko babayaran ang mga ginastos mo ha! Tutal ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito ngayon! Sabihin mo nga sa akin, ano ba talaga ang ginawa mo? Ano ba yung ine-explain ng doktor na 'yon?" galit kong sabi sa kanya. Kinuha ko ang gamot na binili nito, "Hindi ko din babayaran 'to!" yukong sabi ko sabay lagay ng gamot sa bag ko. "I need to go, may tutor pa ko! Sobrang late na late na ko. Thanks and goodbye!" talikod kong paalis.

"We're not done yet!" sigaw ni Syd sa akin habang paalis.

Binilisan ko ang takbo habang lumilingon-lingon sa lalaking ito na sumusunod sa akin.

"Huwag mo kong susundan, kung hindi, sisigaw ako dito!" Mabilis akong lumakad para hindi niya ako abutan. Masyado na akong pinepeste ng lalaking ito. Bakit ayaw pa niya ko tantanan. Nakakainis na siya.

"Let's talk first!" sigaw nito habang sinusundan pa din ako.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa! Ito na ang huli na maki-kita kita. Mag re-resign na rin ako sa pagtuturo kay Erl." Sabi ko habang dire-diretsong naglalakad.

"Why? Sa susunod na buwan na ang exam ni Erl. Hindi mo pwedeng gawin 'to!"

Napahinto ako sa paglalakad ng mahawakan niya ang kamay ko. 'Di niya 'yon binitawan hangga't hindi ako nakikipag-usap ng maayos.

"Sir, please! Pwede bang tigilan mo muna ko? Kahit ngayon lang? Kailangan ko na talaga puntahan ang estudyante ko. At hindi mo mababago ang desisyon ko na mag quit bilang tutor ni Erl." Piglas ng kamay ko habang nagsasalita.

"I'll pay you more, huwag ka lang mag quit!" diretsong sabi nito.

Napahinto ako dahil sa magandang offer niya. Napatitig pa ako sa kanya at medyo kinalma ko ang aking sarili.

"Magkano?" seryosong tanong ko.

"Name your price."

"Deal! Mag-usap tayo bukas. Aalis na ako, bye!" paalam ko dito sabay lakad papunta sa taxi bay. Mabuti na lang at may taxi na nag-aabang. Bago sumakay ay lumingon ako. Nakita ko na nakapamulsa ito habang tinitignan ako. Inalis ko ang tingin ko sa kanya. Ewan ko ba naman, nakakailang pa rin na siya pa talaga ang lalaking makakasama ko ng buong mag-damag. Pero kung mag-usap kami parang kaswal lang.

Almost 2-hour na akong late sa estudyante ko pero minabuti ko pa rin na balikan ito at turuan. Dahil sa abala at atrasado ko ay hindi ko na pinabayad ang araw na ito. Isa't kalahating oras ng matapos ko itong turuan. Madilim na ng makalabas ako sa bahay. Dahil wala na akong gagawin ay napabuntong hininga naman ako na isipin na uuwi na naman ako sa impyernong dorm na 'yon.

Habang nasa bus pauwi sa dorm ay kinakalma ko ang aking sarili. Nagdadasal ako na sana hindi ko makita ang babaeng 'yon kahit pa alam kong imposible ang hinihiling ko. Isa lang ang kwarto namin, isa lang ang pintuan at isa lang ang ginagalawan. Maliit na ang mundo namin dalawa kaya dapat makagawa na ako ng paraan na makalayo na sa babaeng haliparot na 'yon.

Pabukas pa lang ako ng pintuan ay narinig ko na umaalingaw-ngaw ang boses ni Mandy. Kumakanta pa ito na parang walang nagawang kasalanan sa ibang tao. Nakakabwisit dahil feel na feel talaga niyang kumanta. Naiilang pa nga akong pumasok pero bakit ako mahihiya? Wala naman akong ginawa sa kanya.

Kita ang pagkagulat sa mukha nito ng makita ako. Nilakaran ko ito ng parang hangin at dumiretso sa lamesa kung saan nakalagay ang aking mga gamit. Ibinaba ko ang dala kong bag at libro. Wala rin akong panahon na kausapin pa ito o makipag-plastikan na okay kaming dalawa. Binaling ko ang sarili ko sa aking ginagawa, kahit pa narinig ko na nagsalita ito.

"Hi Laura, how's your day? Let's talk!" maangas na sabi nito habang nakangiti.

"Wala akong time makipag-usap sa isang katulad mo." Sabi ko habang nakayuko at inaayos ang mga books ko.

"Come on, Laura! Alam mo wag ka nag magpaka-impokrita. Gusto mo ba talaga malaman ang totoo kung ano ang relasiyon namin ni Gabby?" ngising sabi nito.

Alam ko naman na nang bwi-bwisit lang ito pero na curious kasi ako sa sasabihin niya tungkol sa relasiyon nila ng ex ko. Matalim ko itong tinitigan. Napa-isip ako, "Bakit ko pa pag-aaksayahan na makinig sa sasabihin niya kung alam ko naman magsi-sinungaling lang siya, 'di ba?!" Tumayo ako sa upuan at aalis na lang sana ako pero pinigilan ako ni Mandy. Hinatak niya ang kamay ko.

"Mahal ako ni Gabby!" diretso at walang pag-aalinlangan nitong sabi. "Yung mga bagay na hindi mo naibigay sa kanya, ako ang nag-puno. Kaya hindi mo siya masisisi kung maghanap siya ng iba! Alam mo kasi, ang mga lalaki, mas pinipili nila yung babaeng makakapag-bigay ng mga pangangailangan nila katulad na lang ng nakita mo na ginagawa namin."

Hinawi ko ang kamay nito na nakahawak sa aking braso. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na sampalin ito. Alam kong napalakas iyon dahil naramdaman ko ang pagkamanhid ng palad ko. Siguro ay ganun na nga kakapal ang mukha nito at pati sampal ko natanggap pa nito. Napahawak ito sa kanyang pisngi na sinampal ko. Sumabog na ako at hindi ko na din napigilan ang sarili ko na magsalita.

"Talaga ba? Kaya pala nagmamakaawa si Gabby sa akin na ayusin ang relasyon namin dahil ikaw ang mahal niya? Tignan mo nga sarili mo?! Hindi ang katulad mong babae ang se-seryosohin niya. Maniwala ka sa akin! Nakaka-awa ka nga lang at nagpakababa ka masyado para sa lalaking may mahal ng iba." Inirapan ko ito bago nagsalita muli. "Since makapal naman ang mukha mo na mag stay pa dito sa dorm, ako na ang aalis. Nakakatakot kasi na tumira pa dito, lalo na kung may aahas na tutklaw sayo habang natutulog."

Tinalikuran ko ito at dumiretso sa closet upang i-empake ang mga gamit ko.

"Dapat lang, dahil hindi ako aalis dito! Manigas ka!" Pasigaw na sagot ni Mandy. Malakas na sinara ang pintuan.

Pagka walk-out nito ay napangiti ako. Napabulong sa aking sarili. "Dapat kahapon ko pa ginawa 'yan sa'yo! Kulang ang isa, pero sa isang sampal lahat nasabi ko na sa pagmumukha mo."

Ilang oras din ako nag-empake. Kinahon ko na rin ang mga ibang gamit at tinabi sa ilalim ng kama. Mga importanteng gamit ko lang ang dinala ko. Mag-sstay na lang muna ako sa apartment ni Alice. Mabuti na lang at nasabi nito sa akin na uuwi siya sa Batangas.

SYD'S Point of View

Hindi ako mapakali kaya naman pumayag na si Dra. Ramos na mag stay ako sa upuan. Gustohin ko man bigyan ito ng privacy ay hindi ko maiwasang mag-alala. Nagulat pa ako ng marinig ko ang pag "Ouch" ni Laura. Tinignan lang ako ni dra paglabas sa maliit na kwarto.

"I'm sorry dok, worried lang ako kaya hindi ako mapakali." ngising sabi ko kay dok kahit naiilang ako.

"It's okay, Mr. Walton. Tapos ko na rin naman siya i-examine. Nagbibihis na 'yon, hintayin na lang natin siya."

Napatingin ako sa kurtina na hinawi ni Laura. Kita ko sa mata nito ang pagkagulat at pagkahiya. Tinitigan ko lang ito at hinintay umupo. Ayaw ko na rin magsalita at napaka-awkward ng sitwasiyon namin ngayon. Bumaling lang ang atensiyon ko sa doktor ng magsalita ito.

"Seat down, Laura!" yaya ng doktor sa kanya pagka-kita sa kanyang palabas sa kwarto.

She properly seat-down beside me, pero iniiwasan ako nitong tignan. Maybe because nahihiya pa rin ito. Talagang inosente siya sa ganitong bagay. Kailangan kong masigurado na maayos lang siya dahil ako ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon sa ospital. Hindi ito nagsasalita kaya naman ako na ang nagtanong kay dok.

"Doc, what treatment she needs?" pag-uusisang tanong ko.

Nagtama ang mga mata namin. Halos pandilatan ako nito ng mata na para bang may gustong sabihin. Hindi ko makuha ang pinupunto ng mata niya pero 'di ko na pinansin pa iyon. Nagulat na lang ako ng ilapit niya ang kamay niya sa hita ko.

"Ouch!" gulat kong sabi dahil sa pagkurot ni Laura sa hita ko.

Napatingin sa akin si dok kaya naman agad akong nagsalita.

"I'm sorry dok, nakagat ko lang dila ko." sabi ko.

Kinuha ko ang kamay ni Laura at inipit iyon sa mga daliri ko. Pinipiglas niya ang kamay niya pero mas mahigpit ko iyon hinahawakan. Natigil lang ang pagkukulitan namin ng mag-salita na si dok at inexplain na dapat gawin.

"I will prescribe an ointment and antibiotics. Inumin mo ito tatlong beses sa isang araw. Bago ka uminom ng gamot, kumain ka muna. Bawal muna ang intercourse hangga't hindi pa magaling ang sugat. Next time, maghinay-hinay kayong dalawa para hindi na mangyari ang ganitong insidente. Kung maari ay huwag na huwag kayong gagamit na kahit anong laruan na pwedeng makasugat sa kanyang private part. Naiintindihan mo ba, Mr. Walton?" paliwanag at kompirma ni dok.

"Yes dok, salamat po!" tugon ko.

"Ito ang reseta," inabot sa akin ni dok ang maliit na papel. "Available yan sa kahit saang drugstore."

"Thank you dok. We'll go now." paalam ko.

Nauna akong tumayo at kinamayan si doktor.

"Let's go?" yaya ko kay Laura.

Ngumiti ito kay dok bago lumabas kasama ko. Habang palabas ay inalalayan ko pa ito sa bewang dahil sa hirap na pag-lakad nito. Imbes na magpasalamat ay tinampal pa nito ang kamay ko, pero hindi ko pa rin inalis iyon.

Nagtataka ako kung ano na naman ba ang problema nito sa akin. Pilit nitong tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa bewang niya. Tinanggal ko na iyon dahil baka hindi ito komportable. Sinundan ko lang ito pababa sa ground floor.

ALICE Point of View

Gabi na at may kumakatok pa sa pintuan ko. Nagtataka ako dahil wala naman akong bisita na hinihintay. Baka mamaya yung land lady na naman namin ang kumakatok."Naku naman!"

"Sandali lang," sabi ko habang papalapit sa pintuan upang buksan iyon.

Nanlaki ang mata ko ng si Laura ang sumalubong sa akin. May dala itong gamit.

"Frennie! Anong nangyari? Bakit may dala kang maleta?" pagaa-lalang tanong ko sa kanya.

Kinuha ko ang gamit nito at pinaupo muna sa sofa. Doon ay hindi ko na napigilan umiyak ng bumuhos ang luha sa mata nito. Wala itong sinasabing problema sa akin pero naisip ko na baka nag-away sila ni Gabby.

Hinimas ko ang likuran nito at maya-maya lang ay tumahan na.

"Kumain ka na ba? Ano bang nangyari? Nag-away ba kayo ni Gabby? Sabihin mo at ngayon mismo susugurin ko ang lalaking iyon!" matapang na sabi ko.

"Niloko niya ako Alice." hikbing tugon nito.

"Paanong niliko? kwento mo nga lahat ng nangyari." Iritang sagot ko dahil sa kabwisitan sa lalaking iyon. Hindi ko pa nakitang umiyak ng ganito si Laura bukod sa isang tao, ang nanay niya.

Nang kumalma ito ay ikinuwento nito lahat ang nangyari.

"Ang kapal ng mga mukha nila! Napaka-walang kwenta pa lang lalaki ni Gabby! Kung alam ko lang ay hindi na kita kinumbinsi na sagutin mo siya. At ang malanding babae na 'yan. Itinuring pa naman natin kaibigan, ahas pala!"

Ilang oras kong pinakinggan ang mga saloobin nito. Ang huli ko na sinabi sa kanya ay, mag move-on at kalimutan na niya ang walang kwentang lalaki na 'yon. Bago matulog ay nagpasalamat pa ito dahil sa pagiging tapat kong kaibigan sa kanya. Taon na din ang pagkakaibigan namin dalawa, kaya alam ko kung paano sila nagsimula. Hindi ko lang ine-expect na mahina pala ito sa mga babaeng katulad ni Mandy. Bagay nga silang dalawa.

Kinabukasan pag-pasok namin sa unibersidad ay kalat na kalat ang balita tungkol sa nangyari kay Gabby at Mandy. Narinig namin na pinag-uusapan ito ng ilang estudyante at titser. Dahil magkaiba kami ng Master Degree ni Laura ay magkahiwalay ang building na pinapasukan namin. Bago kami mag-kahiwalay ay pinaalalahanan ko na ito.

"Matapang kang babae Laura, alam kong kaya mo nang i-handle ang dalawang ahas na 'yan."

Tumango lang ito sa akin at ginantihan ko ito ng ngiti bago bitawan ang kamay.

May usapan na kami ni Laura na sa labas ng gate magkikita. Ilang minuto na akong naghihintay at hindi pa ito bumababa kaya naman naisip ko na sunduin na ito sa kanyang klase.

Pag-akyat ko doon ay bumungad sa akin ang pagbubu-nganga ni Mandy. Ang kapal ng mukha at siya pa talaga ang maygana manugod kay Laura. Narinig ko ang mga pinag-sasabi nito.

"Laura, kailangan mo ba talaga ipagkalat ang nangyari sa amin? Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin na kami na ni Gabby? Hindi mo ko kailangan siraan para makaganti sa akin." hingal at pasigaw na sabi nito kay Laura.

Papalapit na ako at pasugod ng marinig kong nagsalita si Laura.

"Wala ka na ba talagang kahihiyan sa sarili mo? Pati ba naman dito sa eskwelahan susugurin mo ko? Mas matapang na pala ang mang-aagaw ngayon kesa sa original? Wala akong alam sa mga sinasabi mo. Gusto ko na ng tahimik na buhay at ayoko nang ma-involve pa sa inyo ni Gabby. Sayong sayo na siya, hindi ako makikipag-agawan sa ganon klaseng lalake. He doesn't deserve me! Mas bagay kayong dalawa."

Akmang susugurin ni Mandy si Laura, mabuti na lang at malapit na ako kaya naawat ko pa ito. Tinulak ko ito palayo kay Laura. Wala akong pakiaalam kung natumba siya.

"Ang kapal ng mukha mong ahas ka! Isa pang sugurin at balakin na saktan si Laura, ako na ang bubugbog sa'yo!" Binaling ko ang tingin ko kay Laura, "Frennie, tara na!"

Nagkatinginan at nagkangitian kaming dalawa ni Laura. Kinuha ko ang braso nito at niyakap. Niyaya ko na itong bumaba para makauwi na.

"Thank you!" sambit nito. "Buti na lang at umawat ka dahil mabubugbog ko talaga ang babaeng iyon kapag kinanti niya ako."

"Alam ko naman 'yun! Kaya nga pinigilan kita, hahaha."

"Tara na! May tuturuan pa ako," masayang sabi nito.

"Okay!" tipid na magiliw na tugon ko.

Matapang si Laura at kaya niya ang sarili niya. 'Di ako nag-aalala, dahil alam ko na kaya niyang ipagtanggol ang sarili. Ang mahalaga ay karamay niya ako sa oras na kailangan niya ng kaibigan, lalo pa sa panahon na ito.

Siguiente capítulo