"Alice, kailan ka ba kasi mag-a-apply ulit ng trabaho? Mahigit isang taon ka na kayang tambay. Gusto mo bang maging unemployed habambuhay?"
Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Louisse. "I was waiting for a call lang naman kasi, siszt. Alam mo namang sobrang dami na ng mga companies na in-apply-an ko before. Until now, wala pa ring response. Walang tumawag kahit isa for interview. Okay lang din 'yong pagtambay ko. Natulungan ko naman si Nanay sa karinderya niya."
"Yeah, I know. Pero iba pa rin 'yong may work ka na talaga, 'di ba?"
"Oo naman. Malaki 'yong kita, eh. Kaysa naman sa karinderya namin. Maliit lang at ang dami pa naming kailangang bayaran."
"Try again, siszt. Gaya ng mga games na nasa mga phones natin, mag-game over man, puwede pa ring mag-try again until mag-succeed. Never give up, siszt. Baka this time, suwertehin ka na. Apply ka na ulit."
Grabe talaga 'yong motivation and encouragement nitong kaibigan kong bruha.
I took a deep breath. Panahon na rin siguro.
"Okay. I will apply for a job. This time, sa company na ng crush ko," I confidently declared to my friend, Louisse. Nasa tapat ko siya nakaupo. We were having lunch at McDonald's kasi.
"Wait. You mean, sa company rin na pinagtatrabahuan ko ngayon?" she asked, smiling widely.
"Yes, sa company kung saan ang crush kong si Theo Collins ay CEO mismo," sagot ko sabay kagat ng chicken. Bigla yata akong nabuhayan ng loob nang maisip ko siya.
"OMG! Talaga, siszt?! Sure na 'yan?! Final na?!" sambit niya dahilan para mapalingon sa amin 'yong mga taong nasa loob dahil sa lakas ng boses niya.
Sinaway ko siya. "Bruha, 'wag ka ngang sumigaw riyan. Baka palabasin tayo sa taas ng boses mo."
Nag-peace sign naman siya sa mga tao saka inabot 'yong balikat ko para lang hampasin ako.
"Ouch!" I yelped, glaring at her pero ngumisi lang siya nang pagkalapad-lapad.
"Kasi naman, eh! Finally, lagi ko nang makikita 'yang pangit mong mukha. Bruha ka," sabi niya saka humalakhak.
Inirapan ko siya. "Hindi ikaw 'yong gusto kong makita lagi roon," buwelta ko sa kaniya. "And hindi pa nga ako na-hire, grabe ka maka-react d'yan," dagdag ko pa.
"Whatever." She rolled her eyes. Ngumisi ulit siya at parang kinikilig. "Oh, my gosh! Nai-imagine ko na 'yong mangyayari kapag nagkita na kayo ni Sir Theo sa company niya. Siszt, kinikilig ako sa inyo!"
"Aray!" Bruhang 'to! Kaya ayoko kapag kinikilig ang Louisse na 'to, eh. Bugbog sarado talaga ako nang bonggang-bongga. Hinampas na naman ako sa balikat. This time, mas malakas. Anak ng kabayo! Ba't ba ganito ang bruhang 'to? Kung hindi hampas ang inaabot ko sa kaniya, batok, sundot sa tagiliran, hila ng buhok naman ang gagawin sa 'kin.
"Sorry, siszt! Masanay ka na kasi sa 'kin!" She laughed again. Hindi na ako nagsalita pa pero dumaldal pa siya. "Final na talaga 'yan, ha? Baka niloloko mo lang ako, eh!"
"Oo nga. Final na," I assured. Lagi ko kasing sinasabi sa kaniya noon na ayokong mag-apply sa company na pinagtatrabahuan niya kasi nando'n si Theo. Marami na kasing naging secretary si Theo. For sure, may nangyari sa kaniya at sa mga naging secretary niya. Mga magaganda at sexy pa ang type niya. At natatakot ako na kapag naging empleyado ako roon, madalas kong makikita si Theo at baka masaktan lang ako kapag nakita ko siyang may kasamang ibang babae. Pero ngayon, okay lang. Basta't magkaka-work lang ako.
"So, kailan ka mag-a-apply?"
"Tomorrow."
"Wow! Desperadang palaka ka na talaga, siszt!" banat niya sabay tawa. "Do your best talaga. Ang dami pa namang nag-a-apply. You know na. Ang guwapo ng CEO, eh. Ang dami mong karibal, siszt. Pero laban lang. Ako'ng bahala sa 'yo. I'm sure matatalbugan mo ang mga rivals mo." She winked at me.
"Gosh. Kinikilabutan ako sa 'yo. Mga kalokohan mo talaga."
"Basta, tell me kung ikaw na 'yong i-interview-hin, ha?" nakangising saad niya.
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Mag-a-apply pa nga lang, eh. At saka, 'di pa sure kung i-interview-hin ba agad. Baka nga hindi pa rin ako makakatanggap ng call for an interview sa company na 'yan, eh. Baka mga magaganda't sexy lang ang maha-hire d'yan."
"Grabe ka naman. Ano'ng akala mo sa sarili mo? Ang ganda mo kaya. Mas maganda ka pa nga sa 'kin, eh. Ang sexy mo pa. Hindi mo lang ina-appreciate ang self mo. At saka, susmaryusep! Ang hina talaga ng fighting spirit mo. Cheer up, siszt! Nahawa ka sa kadaldalan ko pero 'di ka nahawaan ng fighting spirit ko. Grabe!" Umiling siya na parang 'di makapaniwala.
"Fine. Kukuha ako ng fighting spirit sa 'yo. I can do this. Matatanggap ako."
"Iyan nga! Basta, sabihan mo 'ko, ha?"
"Bakit ba? Ano ba'ng gagawin mo?"
"Sisilip ako." Humagikhik ang bruha. Napabuntong-hininga hininga na lang ako. Ewan ko sa Louisse na 'to. Loka-loka. Sisilip lang naman 'yan kasi gusto niya makita kami ni Theo. Never pa kasi kami nagkausap. Number one fan yata namin ni Theo itong Louisse na 'to.
Natapos na kaming kumain. Nag-usap muna kami saglit saka ko siya hinatid sa tapat ng building ng company. Sumisilip pa ako sa loob mula rito sa labas baka sakaling makita ko si Theo. But I failed. Wala akong nakitang Theo Collins kahit anino man lang.
Napapitlag ako nang maramdaman ko na naman ang hampas ni Louisse sa balikat ko.
"Nakarami ka na, ah! 'Pag ako nakaganti, humanda ka," reklamo ko.
"Aysus! Hinahanap mo lang si Sir Theo, eh!" hirit niya sa 'kin. "Hayun siya, oh!" Iniharap niya ako sa direksiyon kung nasaan si Theo.
My eyes widened nang makita kong papalapit siya sa amin. Naka-formal suit siya. Kasama niya ang isang lalaking driver niya yata. Mukhang nagmamadali sila dahil ang bilis nilang maglakad.
"Gusto mong itulak kita papunta sa kaniya?" bulong ni Louisse na halatang kanina pa nagpipigil ng kilig.
Alam ko kung ano'ng klase siyang kaibigan kaya pumunta ako agad sa likuran niya. Mahirap na, totohanin pa niya 'yong sinabi niya. Mapahiya pa ako sa lalaking matagal ko nang hinahangaan.
"Hello, Sir!" narinig kong bati ni Louisse kay Sir Theo nang mapadaan na sila sa amin.
Pero hindi siya pinansin ni Theo na halos ikahagalpak ko ng tawa pero pinipigilan ko lang. Nang makapasok na si Sir Theo sa kotse pati 'yong driver at umalis na 'yong kotse, tinawanan ko na si Louisse. Hindi ko na napigilan pa. "Ayaw ni Sir Theo sa 'yo, siszt! Hindi ka pinansin."
She rolled her eyes. "Tawang-tawa, ah? Happy ka, siszt? Eh, ikaw? Pinansin ka ba?"
"Not now, but soon," I told her. Pinipigilan kong kumawala 'yong ngiti ko. Pero I failed nang sundutin niya ako sa tagiliran dahilan para matawa ako lalo.
Lumayo ako sa kaniya. "Kainis ka talaga! Pumasok ka na nga! Malapit na mag-ala una! Ma-late ka pa, ako pa sisihin mong bruha ka!"
Tinuro niya ako gamit ang hintuturo at gitnang daliri niya saka nilipat ito sa tapat ng mga mata niya. "I'm watching you," sabi niya sabay tawa na parang boses ng lalaking kontrabida sa isang fantasy na palabas.
I shook my head in disbelief. May saltik talaga 'tong best friend ko. Kahit ganiyan siya, mahal ko siya. She has been my close friend and best friend mula noong first year high school kami. I was a loner that time and she was the first girl who talked to me. We were not seatmates that time pero nakipagpalit siya ng upuan sa babaeng katabi ko noon. So, hayun. Magkatabi na kaming dalawa. Nasa may pinakagilid ako nakaupo kaya isa lang ang katabi ko. Doon na nagsimula 'yong friendship namin. Mas tumibay pa ang friendship namin dahil classmates and seatmates kami palagi. Pareho pa kami ng course na kinuha which was BSBA, Major in Marketing Management.
Hindi naman talaga ako palakausap noon pero nahawa ako sa kadaldalan niya. And I didn't regret it. Louisse was a blessing and is still a blessing sa buhay ko. Para ko na siyang kapatid.
"Uhm, Miss?"
Natauhan ako mula sa mga iniisip ko when I heard a man's voice sa tabi ko. I was spacing out na pala habang sinusundan ko ng tingin ang kaibigan ko.
I faced the man and halos malaglag ang panga ko nang makita ko siya. How could this man look so pogi? Sobrang tangkad din niya. Malalalag na yata ang panty ko. Good thing napahawak ako sa bandang hita ko.
"Hello?" I heard him speak again kaya sumagot na ako.
"Y-yes?"
"If it's fine with you, can you check my back if there's a dirt? Please?" he said, smiling.
Anak ng kabayo! Why not? Sa guwapo niyang 'to, 'di ba? I nodded quickly. Tumalikod agad siya. In fairness, ang broad ng shoulders niya. Bakat din 'yong muscles niya sa magkabilang braso na nakatago sa sleeves niyang kulay white. Ang booty pa niya. Kahit nakatalikod, ang pogi pa rin. Nasaan ang hustisya? Ba't ang unfair ng mundo?
"May dumi ba?" rinig kong sabi niya.
Saka ko lang naalala na dumi pala ang titignan ko, hindi 'yong kung anu-anong bagay na lumilipad sa utak ko sa kakatitig sa kaniyang likuran.
Tumikhim ako bago sumagot. "Meron, pero konti lang. Pagpagan ko ba, Sir?"
"Yes, please."
Pinagpagan ko agad 'yong dumi. Kitang-kita kasi dahil white 'yong long sleeves na suot niya. Nawala rin naman dahil hindi naman basa 'yong dumi.
"Okay na, Sir. Wala na 'yong dumi," sabi ko pagkatapos.
He turned around to face me. "Thank you, Miss...?" sabi niya at ngumiti. Pero parang hinihintay yata niyang dugtungan ko ng pangalan ko 'yong sinabi niya.
"Alicia," saad ko. "Alicia Salaveria," I added, smiling. Wait. Ba't ko sinabi 'yong last name ko? Baka kung anu-ano ang isipin niya.
"Thank you, Miss Alicia. I'll go ahead." He beamed.
Matapos kong tumango, nagulat ako nang kindatan niya ako saka siya nagmadaling umalis. Sinundan ko siya ng tingin. To my surprise, sa building ng CFIL siya pumasok. D'yan din siya nagwo-work? Magkakilala kaya sila ni Louisse?
Pero ba't niya tinanong ang pangalan ko? And ano 'yong kindat na 'yon? Napailing na lang ako. I decided na umuwi na lang para makapaghanda ako para bukas. Bukas pa naman ako mag-a-apply pero ngayon pa lang, kinakabahan na ako.