webnovel

Devil 37: The Party 3

Cody Pov

Yown oh! Thanks ate jolly for giving me this opportunity to have my own POV. Harharhar😂

Jolly: Samantalahin mo na Cody Cute, nababaliw na sayo si Miss_Charot😂

Alright! Here it goes. Wait for me Miss_Charot😘

*****************************************

Napasunod nalang ang tingin ko kay Zee nang bigla itong umalis.

"San pupunta yun?" Takang tanong ko kay Drew. Hindi ko kasi masyadong narinig ang paalam ni Zee kanina.

"Trying to chase his girl." Sagot niya.

"His girl? Si Jack?"

"Tsh, sa taas ng pride ng lokong yun sa tingin mo maghahabol yun kay Jack?" Asik niya.

"You mean Angel? She's here? Akala ko ba may sakit sya?" Takang tanong ko.

"I thought so too." Sagot niya at uminom ng wine na niserve ng waiter samin.

Kumuha rin ako ng wine at nagsip ng kunti saka muling tumingin sa babaeng nakita kong kasama ni Shane kanina ngunit wala na sila sa kanilang pwesto.

"Dude, nakita mo ba yung kasama ni Shane kanina? Ang ganda nya diba?" Medyo kinikilig kong kwento.

"Who?" Takang tanong ni Drew.

"Yung girl na kasama ni Shane kanina." Ulit ko.

"Hindi ko nakita ang babaeng yun and I don't care about her." Asik niya.

What? Sungit talaga!

"I'm not saying na si Shane. Yung kasama nya ang tinatanong ko. Narinig mo lang si Shane nagagalit kana, yung totoo? May gusto ka ba sa kanya Mr. Perfect?" Pangungulit ko at ginaya pa ang version ni Shane kapag tinatawag syang Mr. Perfect.

Napasimangot si Drew at tiningnan ako ng masama.

"Gusto mong ilubog kita dyan?" Asik niya sakin na kinatawa ko.

"Dude naman, I'm just cheering you up! Gusto mo bang maglakad lakad? Tara magchic hunting tayo sayang ang gandang lalaki natin kung di natin gagamitin." Aya ko.

Bumalatay na naman ang pagkadisgusto nya sa sinabi ko.

Kahit kelan talaga ang sarap asarin ni Drew! Haha!

"Leave me alone Dy! And fyi, lalaki ka lang walang ganda!" Irap niya at muling uminom ng wine.

Natawa ako sa itsura nya.

"Dude, wag kana magselos. Alam mo namang sayo lang ako at-! Ouch! Aww!" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sinakal nya na naman ako sa braso nya.

"Dude naman yung buhok-!" Naputol ang sasabihin ko sana nang biglang may lumapit samin.

"Hi, can we sit here?" Rinig kong boses ni Shane. Nabitiwan naman ako ni Drew at umayos ng upo.

"I want to thank Shane for this one." Pang asar na bulong ko sa kanya saka lumingon kay Shane.

Ngunit napanganga ako nang magtama ang mga mata namin ng babaeng kasama nya.

Dugdug...dugdug...dugdug...

Ehh?? Bakit bigla yatang nag-alburuto ang dibdib ko?

Takang bulong ko sa isip ngunit hindi ko nalang ito pinansin at nakangiting tumayo upang batiin ang bagong dating.

"Hi Shane! Of course, please join us." Nakangiting bati ko kay Shane dahil mukhang walang balak si Drew na pansinin sila.

Baka nagkameron na naman ang loko kaya gumpy na naman. Haha!

"Thanks Mr. Gregory."

"Ay sus, drop the formality. Just call me Cody. O pwede ring Cutie." Pacute na turan ko.

Napataas ang kilay ni Shane sa sinabi ko.

"Okay na ang Cody." Aniya at tumingin sa kasama.

"By the way, she's my cousin Jichell Kim. She live in Korea kaya hindi sya masyadong marunong ng tagalog." Pakilala niya na kinalapad ng ngiti ko.

Jichell Kim. Ang cute ng name nya kasing cute nya.

"Hi, I'm Cody Sean Gregory but you can call me Cody or Sean or Cutie or yours if you want." Nakangiting bati ko kay Jichell saka naglahad ng kamay.

Tiningnan nya ako ng baba at taas na para bang kinikilala ako.

Wow! Parang nasesense ko si Jack sa kanya ngayon. Ganyang ganyan din kung makatingin si Jack eh. Mukhang kakainin ako ng buhay!😊

"Mannaseo bangabseubnida!" (Nice to meet you!) Aniya at bahagyang yumukod samin.

Ehh? Hanudaw??

"Ah.ha.ha. yeah, please have a sit." Hilaw na tawang sagot ko kahit di ko naintindihan ang sinabi nya saka napatingin kay Drew na noon ay di maipinta ang mukha ngunit bumati rin naman sa pinsan ni Shane ng bahagya.

Marahil dahil kaharap nya na naman si Shane.

Naglilihi pa yata ang loko.

"Is it okay with you if we sit here Mr. Perfect?" Tanong ni Shane kay Drew.

"I don't own this place Ms. Gravalez, so you can do whatever you want." Iritableng sagot ng menopausal kong friend.

"Ah, pasensya na kayo sa kanya. Ganyan talaga sya kapag first day nya." Natatawang hingi ko ng paumanhin. Natawa rin si Shane sa sinabi ko habang tiningnan naman ako ng masama ni Drew.

Nag offer ako ng drinks sa kanila at di pa man kami nagsisimula nang biglang dumating si Zero na animo'y hinabol ng aso.

Pawisan at namumula.

"O dude, where have you been?" Takang tanong ko sa kanya.

Hindi nya ko sinagot bagkus ay inagaw niya ang wine ko at walang sabing inubos ang laman nito.

"Ba't parang tumakbo ka? Sa itsura mo mukhang hinabol ka ng aso ah!" Natatawang komento ko.

"It's not a dog, it's devil." Seryosong sagot niya.

Ehh?? Devil? Si Jack?

Napailing nalang ako at pinakilala siya sa pinsan ni Shane na noon ay waring may hinanap.

Ilang sandali pa ang nakalipas nang dumating naman si Jack.

"Hey Sean!" Bati niya sakin na nakangisi saka bumaling kay Drew.

"Hello John?" Bati niya kay Drew.

John? Pfft! Ba't ba ang hilig magtawag ng ibang pangalan ni Jack?

"Hey." Tipid namang sagot ni Drew.

Grabe kahit pala bihisan ng magarang damit si Jack. Maangas pa rin siyang magsalita.

"Hi Jack. Ganda natin ah!" Masayang bati ko sa kanya.

Ang ganda talaga ni Jack ngayon muntik ko pa syang di makilala kanina kung di nya lang kasama sina Shane at James.

Napangisi lang siya sa sinabi ko at tumabi kay Zero na noon ay di mapakali at waring di makatingin kay Jack.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Hmmm...I smell something fishy! Ano kayang ginawa ng dalawang 'to?

"Zee, san ka galing?" Tanong ni Drew kay Zee.

"Just somewhere." Mabilis niyang sagot.

"Somewhere? Somewhere down the road?" Asar ko sa kanya.

"Don't start it Sean!" Asik sakin ni Zee.

Gulat na nagkatinginan kami ni Drew.

Zero never called me Sean.

"Sean? Jack, ikaw ba yan?" Bulong ko kay Zee habang nakangiti ng nakakaloko.

"Tss!" Rinig kong reak ni Jack saka bahagyang tumingin kay Zee.

Wari namang noon lang narealized ng loko ang sinabi nya. Gulat siyang napatingin sakin.

"I said Dy. Cody." Atubiling turan niya.

Haha! Namumula ang loko!

"Okay sabi mo eh. Baka nabingi lang kaming lahat?" Natatawang biro ko.

Inirapan nya lang ako.

Muli akong bumulong kay Zee nang maalala ang usapan namin.

"Hey Zee, did you apologized to her?" Ako.

"What apologized?" Takang tanong niya.

"Kay Jack. Diba kaya mo nga sya pinapunta dito? Teka, wag mong sabihing inaway mo na naman sya?" Bulong ko at pinandilatan sya ng mata.

Napaismid siya at di nakasagot.

Mukhang ganun na nga ang nangyari. Hayy, ang hirap talagang kausap ng lalaking 'to.

Napailing nalang ako sa kanya saka ibinaling ang tingin kina Shane at Jichell na hindi rin masyadong nagkikibuan.

Parang may mali sa dalawang 'to. Hindi ba sila close?

"Wae?" Biglang nagsalita si Jichell saka tumingin sakin.

Ehh? Ano daw? Weh?

"Wae geuleohge naleulbogoiss-eo?" (Why are you looking at me like that?)

What?

Anong isasagot ko?

Lord naman eh. Nagpadala ka nga ng magandang babae sa lupa, iba naman ang lenggwahe! Mahal nyo ba talaga ako?

Napakamot ako sa batok saka takang napatingin sa mga kasama ko para sana humingi ng tulong kung naintindihan nila ang sinabi nya ngunit waring may sariling mundo ang mga ito.

Nagbubulungan sina Drew at Zee habng nag uusap naman sina Shane at Jack.

Hilaw akong tumawa kay Jichell.

"Do you...speak english? Hehe." Tanong ko sa kanya.

"Yeah." Mabilis niyang sagot.

Hoohh! Yun naman pala eh!

Nabuhayan ako sa sinabi niya at saka medyo inisod ang upuan ko sa tabi nya.

"So, uh..until when you're going to stay here?" Excited na tanong ko sa kanya.

Tiningnan nya ako ng tuwid.

Ehh? Bakit pakiramdam ko kakainin nya ako anumang oras? Mas matindi pa syang makatingin kay Jack eh.

Medyo nakaramdam ako ng kaba sa kaharap ko lalo na ng ngumisi siya.

Medyo naglean siya sakin saka sumagot.

"Naega neol meog-eul ttaekkaji!" (Until I eat you). Nakangising sagot niya.

Nagkorean na naman sya. Pero bakit may pakiramdam ako na nakakatakot yung sinabi nya?

"Mullon nollagehaji anhseubnida. hajiman nae chingu jung hanaibnida. geuligo geuege songalag-eul daeji anhseubnida. jeongmal manh-i jug-eul geos-ibnida." (Don't scare him. He's one of my friend. And don't ever lay a finger on him or you'll be dead.) Natigilan kami sa sinabi ni Jack at napatingin ako sa kanya.

Wala siyang reaksyon. Ni hindi siya nakatingin samin. Ngunit alam kong siya ang sumagot sa sinabi ni Jichell.

Nang lumingon ako kay Jichell ay nagulat pa ako nang makitang waring nag iba ang reaksyon nito sa sinabi ni Jack.

"Geuleona swibge museowohaessda. hajiman chinjeolhago chinjeolhabnida. mullon bohohasibsio. sasil cheos beonjjae misyeon-ibnida. geuege nappeun il-i saeng-gyeossda." (He easily scared. He's nice and friendly. Protect him. And that is your first mission. If something bad happened to him. You'll pay for it.) Seryosong saad ni Jack saka tumingin kay Jichell.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. Ngunit may pakiramdam ako na waring may sinabi si Jack para mabahala ang itsura ni Jichell.

Ano kaya ang sinabi ni Jack? At bakit marunong din syang magkorean?

Nagulat pa ako nang biglang ngumiti sakin si Jichell at nanlaki pa ang mga mata ko nang bigla niyang pisilin ang magkabilang pisngi ko.

"You're so cute Cody! Sorry if I acted strange. I just had a bet with Shanix to act like Jack when we arrive here but since I met you I couldn't do it anymore. Guess I lost the bet." Aniyang matamis na ngumiti.

"What..?!" Naguguluhang tanong ko saka napatingin kay Shane at Jack.

Nakita kong naparoll eyes si Shane habang napangisi naman si Jack.

Bet? Shanix? What the..

"Wanna go around? C'mon tour me this place." At bago pa ako nakahuma ay hinila na niya ang kamay ko.

"What? Wait..ah!" Wala na akong nagawa at napatingin nalang sa dalawa kong kaibigan na waring namatanda din sa nasaksihan.

Oh my god! Did I just abducted by a beautiful girl?

Yeesss!! Hahha.

---

Siguiente capítulo