webnovel

Devil 15: Natsu & Salamander

You and I will become one...

You will be the antidote of my future self...

And if I change and can't control anymore. Just call me by your heart and I will listen...

You have no right to leave this devil or die before me..

Because if you do...

No one will ever be alive on this planet..!

Said by someone I don't know. But I know she's a girl coz I can see her smooth hair floating in the water. I can't see her face. All I can see is her shining purple eyes that slowly seducing me to touch her face.

But I couldn't touch her. My hands only get through her face and body.

Who is she?

And when I'm about to ask her. I heard screaming and the sound of a gunshot up ahead the water.

That's when I notice that I'm under the water with this mysterious girl.

And when I'm about to swim she held my face and kissed me quick.

And the next thing I knew. She's swimming up ahead leaving me behind.

I tried to swim and follow her when something explode and hit me.

"Huhh!" Agad akong napabalikwas ng bangon habang habol ko ang aking hininga.

Ilang sandali akong natigilan at iginala ang paningin.

Una kong nabungaran ang puting kulay ng paligid.

What the hell happened to me?

Nasaan ako?

Akmang bababa sana ako ng kama nang makaramdam ako ng hilo kaya agad akong napahawak sa aking ulo.

Dun ko napansin na may dextrose sa braso ko.

What the...where the hell..

"Dude/Zee!"

Mabilis akong napalingon sa bumukas na pinto at pumasok roon sina Drew at Cody.

"Hey man, are you okay? Buhay ka na ba? Tangna, muntik na kaming mamatay dahil sayo alam mo ba?" Tungayaw ni Cody.

Agad naman syang binatukan ni Drew.

"Gusto mo akong pumatay sayo? Ang daldal mo talaga eh no?" Suway pa ni Drew sa kanya.

"Bakit ba? Nagtatanong lang naman ako eh." Reklamo ni Dy.

Hindi nalang sya pinansin ni Drew at lumapit sakin.

"Zee, kamusta ang pakiramdam mo?" Seryosong tanong niya.

Daig nya pa talaga ang daddy ko kung magtanong.

Bahagya akong napangiti saka sumagot.

"I'm fine. What happened?"

"Hindi mo alam? Muntik ka ng malunod dude, buti nalang at naagapan ka namin agad." Ani Cody na umupo sa tabi ko.

Takang napatingin naman ako sa kanila.

Muntik malunod? How? I know how to swim kaya paanong mangyayari iyon?

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.

"Remember na niyaya mo kaming mag pool party sa bahay nyo? Dahil nanalo ka sa race nyo ni Draco?" Panimula ni Cody.

Natigilan ako at inalala ng pangyayaring iyon.

"Oo, Natatandaan ko ang bagay na yun pero paano akong nalunod?"

"Yun nga din ang hindi namin malaman eh. Basta ka nalang nalaglag sa pool, akala pa nga namin nagdive ka lang pero putsa dude, ilang minuto na hindi ka parin umaahon." Kwento ni Cody.

"Really?" Di ko makapaniwalang tanong.

"Oo Zee, kaya nag alala na kami sayo at hinanap ka namin sa tubig. Pero kinailangan pa naming magsuot ng oxygen para lang makuha ka dahil nasa pinakailalim ka ng pool nagpunta. Mabuti nalang at dumating si Dean at sya ang kumuha sayo sa pinakailalim ng pool. At mabuti nalang at hindi pa huli ang lahat dahil naagapan ka kaagad." Ani Drew.

"What? You mean, nalunod talaga ako?" Gulat na bulalas ko.

Sabay pang napatango ang dalawa.

Pero bakit parang iba ang naalala kong nangyari? Bakit parang di naman talaga ako nalunod? Imagination ko lang ba yun o panaginip?

"Teka, kung nalunod ako, sinong nag CPR sakin?" Bulalas ko.

Natawa naman silang dalawa kaya medyo kinabahan ako.

Oh please not them!

"H'wag kang mag alala dude, yung pump ang nag CPR sayo dahil nandidiri si Dean na maglapat ang labi nyo. Haha!" Natatawang sabi ni Cody.

"Tsh! Mabuti nalang at di nya ginawa. Nakakadiri talaga yun." Nakaingos kong sagot.

"Pero mabuti nalang talaga at gising kana dahil isang linggo ka ring namiss ng mga girls sa school." Ani Drew.

"What? Isang linggo akong nandito?"

"Oo, isang linggo kang tulog. Dinaig mo pa nga si sleeping beauty eh. Haha!" Si Cody.

"Tsh! Bakit ang tagal ko naman yatang walang malay?"

"Aba malay! At saka alam mo bang nagsasalita ka pag tulog?" Ani Cody saka napangisi.

Kunot noong napatingin naman ako sa kanya.

"Anong sinasabi mo?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Oo dude, nagsasalita ka at tinatawag mo si Salamander. Haha!" Tawang tawa sabi nya.

Maging si Drew ay natawa narin.

Sinamaan ko naman sila ng tingin.

"Bakit ko naman tatawaging ang mayabang na Salamander na yun?" Inis na sabi ko nang maalala si Jack.

Isipin ko palang sya ay kinikilabutan na ako tapos babanggitin ko pa sa pagtulog ko? The heck!

"Funny but true. You always called her name at night. Maging sina ate Ehris at Dean ay nagtataka kung sino ang salamander na tinatawag mo. We can't tell them na si Jack yun kaya sinabi nalang namin na kalaban mo yun sa mobile legend." Ani Drew at bahagya pang natawa habang si Cody naman ay nanakit na ng tyan sa katatawa.

Sinimangutan ko sila at mapabuntong hininga.

"Haayst! Bakit ko naman tatawagin ang devil na yun? Siguro binabangungot ako dahil sya ang panaginip ko."

"Anong binabangungot. Nakangiti ka pa nga dyan eh! Haha! Alam mo dude kung hindi lang namin kilala si Jack, iisipin namin na inlove ka sa kanya."

Naluluha sa katatawang sabi pa ni Cody.

"The heck you talking about! Kahit sya nalang ang natitirang nilalang sa mundo never akong maiinlove sa salamander na yun no!" Sigaw ko sa kanya.

"Ooppss! H'wag kang magsalita ng tapos dude, at wag ka masyadong harsh kay Jack. Alalahanin mo sya ang dahilan kung bakit ka nanalo kay Draco at may utang na loob ka sa kanya."

Bahagya akong natigilan sa sinabi nya.

Shit! Oo nga pala! Haay, bakit ba kasi sa kanya pa ako humingi ng tulong.

"Haayst. Nasaan na ba ang doctor? Bakit kayong dalawa ng nandito? Gusto ko ng umuwi!" Inis na sigaw ko nalang sa kanila.

"Okay, chilax boss. Si Ate Crush talaga ang bantay mo kaso may sched sya ng operation ngayon kaya kami na muna ang nagvolunteer." Ani Cody.

"Eh si Heart, nasaan sya?" Takang tanong ko. She should be here. Sya ang kailangan ko at hindi ang dalawang 'to.

Nagkatinginan muna sila bago ako sinagot ni Drew.

"Kasama namin sya nung dinala ka dito pero hanggang ngayon di na sya bumalik pa. I think she's busy."

"What? Ano namang pinagkakaabalahan nya?" Lalo ako nakaramdam ng inis dahil sa sinabi ni Drew. Pakiramdam ko tuloy hindi ako mahalaga kay Heart.

"Are you feeling better?" Sabay sabay kaming napatingin sa bumukas na pinto.

Si kuya Eros.

He's wearing his lab gown with a stethoscope on his neck at seryosong nakatingin sakin.

"Yeah.." Awkward na sagot ko. Hindi kami close dahil palagi siyang seryoso. Minsan ko lang din siyang makita dahil nakabukod na siya ng bahay. He's been married for two years but he still doesn't have a child.

"Nurse, please check his vital signs." Utos niya sa kasama niyang nurse na namumulang nakatingin sakin.

Lumapit din samin si Kuya at masusing pinanood ang ginagawa ng nurse.

Tahimik lang kami at waring walang may gustong magsalita.

It's awkward!

Matapos ang pagcheck ng nurse ay agad na din itong umalis.

"Aayusin ko lang ang dischrage paper mo para makauwi ka na. Ibinigay ko na kay Erhis ang mga kailangan mong vitamins." Ani Kuya habang nakatingin sa logbook nya.

Hindi ako umimik. Tahimik lang din sina Drew at Cody sa tabi habang kunwaring nagkukulikot ng cellphone.

They're not close with kuya Eros too. Sabagay kung ako nga hindi kami close sila pa kaya.

Minsan pakiramdam ko hindi kami magkapatid dahil kahit nandito lang naman sya ay madalang ko syang makasama. But I admire him dahil hindi sya takot kay Madam. Sa aming magkakapatid sya lang ang parang laging may sariling mundo.

"Zeroin." Napaangat ako ng tingin sa kanya nang tawagin nya ako.

He's staring at me na para bang binabasa nya ako.

"Ayoko nang makikita ka pa sa ospital na 'to. Alagaan mo ang sarili mo at wag mong bibigyan ng sakit ng ulo sina mom and dad even Edward. He said that you always gets in trouble at school. They're not here to guide you. Erhis was busy too. But if you need anything. Just call me, okay?"

Hindi agad ako nakasagot. Ngayon nya lang ako kinausap ng ganito katagal.

"O-okay." Alanganing sagot ko pa.

He slowly pat my shoulder.

"I know growing up was not easy to handle. Napagdaanan ko din yan. Just take care yourself and try not to get involve in trouble again. You don't want to see the angry granny right?" Bahagya pa siyang natawa sa sinabi.

Hindi naman ako nakaimik sa kanya.

Hindi mag sink-in sa utak ko na kinakausap ako ng kapatid kong parang estranghero buong buhay ko.

This is the first time that he spoke to me. Akala ko nga dati galit sya sakin dahil kahit nung maliit ako ni hindi nya man lang ako nilalapitan or nakikipagkulitan like Edward and Erhis.

Kahit naman madalas kaming mag away ni Edward palagi nya parin akong kinukumusta at pinapayuhan unlike kuya Eros and kuya Eric. But atlest kuya Eric was always greet me when he comes home.

Kaya hindi ko alam kung anong irereak ko sa kanya.

"Okay, magpahinga ka nalang muna. Magpapasabi nalang ako kapag pwede ka ng umuwi." Aniya saka ako muling tinapik sa balikat at nagtungo sa pinto. Ngunit bago pa siya makalabas ay muli siyang lumingon sakin.

"By the way, I like Natsu and Salamander." Nakangiting wika niya saka tuluyang lumabas at sinara ang pinto.

What...?! Natsu and Salamander..!?

"Whoaa. I didn't expect that." Natatawang wika ni Cody.

"Me too." Segunda ni Drew. Takang napatingin naman ako sa kanila.

"What do you mean?"

"Yung Natsu at Salamander." Si Cody.

"But how did your brother knows your endearment with Jack?" Si Drew.

"Yeah, iniisip ko rin yun- wait what?? What endearment are you talking about Andrew?" Asik ko sa kanya.

Sabay pa silang natawa ni Cody at di ako pinansin.

****

Pagkalabas ko sa hospital na pag aari din ng pamilya namin ay sinamahan parin ako ng dalawang kumag na wala namang ginawa kundi ang asarin ako.

Pero hindi parin talaga mawala sa isip ko ang sinabi ni kuya Eros.

Paano nya kaya nalaman ang tungkol doon. And he even said that he likes Natsu and Salamander. Who told him about that? Hindi naman sina Cody dahil nagtataka din sila.

Naisip ko sina Shane at Jack. Pero paano naman nila makikilala ang kuya ko? Eh kung kami ngang pamilya nya malayo ang loob nya sa iba pa kaya.

It's monday today.

Nasa harap palang ako ng gate ng school ay naririnig ko na ang hiyawan ng mga estudyante sa loob lalo na ang mga babae.

"Kyaaaahhhh! He's here!!!"

"Oh my god, Zero is alive!!"

"Gosh! Baby I've been waiting for you!!"

"He's back! I miss him so much!!"

Napangisi nalang ako sa mga narinig ko habang naglalakad papasok ng academy.

"Hey girls!" Nakangiti pang bati ko sa kanila at kinindatan sila.

"Kyaaaaaaahhhhhh!!"

At lalo lang silang nagkagulo sa ginawa ko.

Napangiti nalang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Namataan ko sina Drew at Cody na nakatambay sa outpost.

"Hoohh! Kaya pala di magkamayaw ang mga girls. Kamusta bro? Okay ka na?" Nakangising bati ni Cody.

"I won't be here if I'm not."

"Yun oh! Magaling na nga. Pilosopo ka na eh!" Natatawang sabi nya pa at nakipag fist bump sakin. Natawa nalang din ako sa kanya saka binalingan si Drew na nakangiti din.

"Glad your back." Aniya at nakipag fist bump din sakin.

"Well, hindi ko kayang malungkot ang mga girls kapag di pa nila ako nakita eh."

"Yown! Lakas na naman ng hangin natin ah! Anong signal yan?" Pang aasar ni Cody.

"Shut up."

"Bago ka pumunta sa room dumaan ka muna kay Dean." Ani Drew.

"Yeah, he told me that. Haayst, hindi pa yata sya nakuntento sa sermon nya sakin nung nakauwi ako galing ospital." Natatawang sabi ko.

"Oo nga dude kaya goodluck sa teynga mo. Dapat siguro magbaon ka ng headset para safe." Suggestion ni Cody.

"Eh de lalo akong niratrat ng bibig nun." Sagot ko.

Sabay sabay pa kaming nagkatawanan ngunit agad akong natigilan nang makita si Jack na nakatayo sa hallway at waring may tinitingnan sa malayo. Seryoso ang mukha niya at parang maghahamon ng away.

Takang sinundan ko ang tinitingnan nya ngunit wala naman akong makita kundi ang mataas na building ng engineering department.

"Sinong tinitingnan mo?" Tanong ni Drew at sinundan ang tingin ko. Pati si Cody ay sumunod din ng tingin.

"What she staring there?" Tanong ko.

"Si Jack? Oo nga noh? Ano kayang tinitingnan nya? Ang seryoso ng mukha nya eh." Ani Cody.

"She seemed staring at something or someone?" Alanganing wika ni Drew.

Sino namang titingnan nya sa college building particularly sa engineering department? Ang weird nya talaga.

Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa iba.

Tss! Are you jealous?

Huh? Ano yun?

Agad akong napatingin sa paligid nang makarinig ng nagsalita. Ngunit wala namang malapit samin.

"Did you heard that guys?" Takang tanong ko sa dalawa.

Sabay pa silang napatingin sakin.

"Ang alin?" Tanong nila.

"That sound. Someone speaks just awhile ago."

"Huh? Wala naman ah." Litong sabi ni Cody.

"Not heard anything." Sagot naman ni Drew.

Natigilan ako. That's weird! I'm sure I heard someone talked.

"Baka guni guni mo lang." Ani Cody.

Napakamot nalang ako sa ulo at inisip na baka guni guni ko nga lang yun.

Nang muli kong tingnan si Jack ay wala na siya roon. Hinanap ko sya sa paligid ngunit wala na siya.

Haayst, saan naman nagpunta yun? Eh teka, ano bang pakialam ko sa kanya. Tsh! Bahala nga sya sa buhay nya.

"Nga pala dude. Di ka ba magpapasalamat kay Jack? You won against Draco at dahil yun sa kanya." Untag ni Cody.

"And you haven't returning her bike yet." Si Drew.

Bigla kong naalala ang gabing yun na hiniram ko sa kanya ang motor nya dahil automatic ito.

"Sus, hindi na siguro. Hindi ako magpapasalamat sa kanya. Tsaka hindi rin naman sya marunong nun eh. Kaya kwits lang kami. Isusuli ko nalang si Raegan." Nakasimangot na sagot ko.

"Tss, I heard that."

"Shit!" Gulat na bulalas ko at mabilis na nilingon ang taong nagsalita sa tabi ko ngunit ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang halos kalahating pulgada nalang ang layo ng mukha nya sakin. At halos maduling ako sa kinang ng kanyang purple eyes.

Dug dug..dug dug...

--

Siguiente capítulo