webnovel

Chickenball

Mahigit isang linggo na akong nagpapahinga at talagang naiinip na ako. Kung pwede nga lang na tumakas ako dito para makapamasyal pero talagang mahigpit si tita at Jewel kapag nasa trabaho si Jared, kasi kapag inaaya ko silang umalis ay panay tanggi at baka daw magalit si Jared.

Napag usapan namin na mag sstay na lang sya dito at hindi na aalis.

Sunday ngayon at walang pasok si Jared kaya pareho kaming nakahiga sa kama.

"Lumabas naman tayo." Paglalambing ko habang hinahawakan ko ang ilong nya.

"Baka mabigla ang katawan mo. Sa susunod na." Sagot naman nya.

Pwedeng pwede akong mabuhay ng ganito, si Jared na nakapikit habang ako naman ay nakatitig sa pagmumukha nya.

"Parang dito na nga ako magkakasakit. Lagi na lang ako nasa bahay. Jared, gusto ko naman mamasyal." Hinalik halikan ko pa ang labi nya baka sakaling pumayag.

"Stop that Elaisa." Umatras pa sya. Napasimangot ako kaya kaagad akong bumangon. "Saan ka pupunta?" Pahabol na tanong nya pero hindi ko sya pinansin.

Dumiretso ako sa kitchen, kakain na lang ako dahil nagugutom na si Baby.

"Ate ano 'yan?" Lumapit sa gilid ko si Jewel.

Napangiti ako. "Gagawa ako ng dynamite, nagugutom na si Baby."

"Talaga? Ate na-eexcite na ako. Gusto ko ng makita si Baby." Napapalakpak pa sya.

"Ako din. Gustong gusto ko na syang mayakap." Hinawakwakan ko pa ang tyan ko.

"Ako ate kapag nagkaanak ako, gusto ko babae para gagawin kong kikay!" Natawa kami pareho.

"Hep! Hep! Anong anak-anak Jewel? Bata ka pa." Tumigil kami ng marinig namin si Jared.

"Alam ko! Hindi pa naman ngayon, soon!" Umalis na si Jewel dahil daw baka sermonan pa sya ng kuya nya.

"Bakit mo naman ako iniwan kanina?" Naramdaman ko ang init ng hininga ni Jared sa leeg ko pati na rin ang pagyakap nya mula sa likod ko.

"Gusto ko ng mamasyal, Jared. Naiinip na ako dito." Hinarap ko na sya at para na akong maiiyak.

"Hey, don't cry. Punta muna tayo sa OB to check kung pwede ka na magtravel. Okay?" Hinaplos nya pa ang mukha ko. Tumango ako.

Sa wakas! I'm so excited!

----

Tuwang-tuwa ako noong nalaman na pwede na akong magtravel. Kaya ito kami ngayon ni Jared, nakasakay kami sa kotse nya at drive lang sya ng drive. Binuksan nya lang ang bintana to get some fresh air.

May nadaanan kaming street food. Natakam ako bigla.

"Wait! Wait! Ihinto mo!" Kaagad akong bumaba ng itabi ni Jared ang sasakyan. Parang kuminang ang paligid ng makakita ako ng chicken balls! Namiss ko 'to!

"Hey! What are you eating?" Tumabi sa akin si Jared.

Hindi ko naman sya masagot dahil kumakain pa ako. Ang sarap ng sauce! Tutusok pa sana ako ng pigilan nya ako.

"Malinis ba 'yan?" Tanong nya. Ang sama naman ng tingin sa amin ng tindera.

"Oo naman. Tikman mo." Umiling naman sya. Tutusok ulit ako pero pinigilan nya na naman ako. "Ano ba?!" Medyo nainis na ako dahil gustong gusto ko ng kumain.

"Wala akong tiwala sa pagkain na 'yan. Let's go." Hihilain nya sana ako pero nakipaghilaan ako.

"Jared! Gusto ko nito!" Sinimangutan ko na sya.

"Sa bahay na lang, magluto na lang tayo." Hinawakan nya na naman ang kamay ko.

"Ayoko! Gusto ko dito, ngayon." Winaksi ko 'yung kamay nya. Mabuti na lang at wala masyadong tao, kundi nakaagaw na kami ng atensyon.

"Elaisa." Seryoso na sya.

"Jared." Nagseryoso rin ako at tinignan sya ng masama. Nakipagtitigan ako, hindi ako magpapatalo sa kanya.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagtitigan, walang bumibigay. Parehas namin ayaw matalo. I bit my lower lip.

"Okay! Okay! I give up!" Itinaas nya pa ang dalawang kamay nya sa ere. Napapalakpak ako.

"Yehey!" I kissed his lips at kumain agad. "Ate, isang tropicana po at pakiplastic na lang." Nginitian ko 'yung tindera na kanina pa natutuwa sa amin. Pilit kong sinusubuan si Jared pero ayaw nya talaga. Nakatitig lang kasi sya habang kumakain ako.

Napalingon ako sa paligid. Natuwa ako ng makakita ng fried siomai. "Ate sa inyo rin po ba 'yan?" Tumango naman ang tindera. Kumain din ako noon. Ngiting-ngiti ako dahil sa dami ng nakain ko.

"Magkano po lahat?" Tanong ni Jared sa tindera.

"120 po." Lah! Ang dami ko pa lang nakain.

Nagbigay si Jared ng 500 sa tindera."Ay sir wala po ba kayong barya?"

Hindi ko rin pala dala 'yung wallet ko. "Wala ka bang barya lang?" Tanong ko. Umiling sya at inabot nya sa akin ang wallet nya. Wala nga! Puro one thousand.

"It's okay, take the change because your food make my wife happy." Nakangiting sabi ni Jared sa tindera. Kinilig naman ako dun.

Magkahawak kamay kaming bumalik sa kotse nya.

"Busog na busog ka. Look at your tummy." Natatawang sabi ni Jared.

"Ang sarap kasi, dapat tinikman mo." I wipe my lips, baka kasi may sauce.

"Next time." Bigla ko syang niyakap sa sobrang tuwa.

Iba talaga kapag kasama mo ang taong mahal mo. Wala ka ng ibang iisipin kundi sya.

Siguiente capítulo