webnovel

Hemaphobia

"Nagsumbong ka ba kay mommy na sinasaktan kita?" Nagulat ako sa pagsigaw ni Jared, kasalukuyan akong naghuhugas ng plato.

"Ha? Hindi." Ano ba ang pinagsasabi nito?

"Eh bakit nya ako tinatanong kung sinasaktan ba kita?" Sigaw nya na naman sa akin.

Nagkita kasi kami kahapon ni tita at nakita nya ang mga pasa ko, hindi ako naka isip ng dahilan kaya ngumiti lang ako, hindi ko naman alam na sasagi sa isip na tita na sinasaktan ako ng anak nya.

"N-Nakita nya lang ang pasa ko, pero wala akong sinabi." Pagpapaliwanag ko pero kagaya ng dati, hindi nya ako pinakinggan. Hinablot nya ang braso ko kaya nabagsak sa paanan ko ang braso na hawak ko, napangiwi ako sa sakit.

"Wag na wag kang magkakamali na siraan ako sa magulang ko, kundi hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Diniinan nya pa ang hawak sa braso ko bago ako itinulak dahilan ng pagtama ko sa lababo.

Tinignan ko na lang sya na papalayo. Ginagawa ko ang lahat para pagtakpan sya sa magulang nya hangga't kaya ko, pero ito lang pala ang matatanggap ko.

Dadamputin ko na sana 'yung nabasag na baso ng makakita ako ng dugo sa paanan ko, bigla akong nahilo. Meron akong hemaphobia, nagsimula 'to nung 13 years old ako. Nasagasaan ako ng kotse at nauntog ang ulo ko sa pavement, puro dugo ang paningin ko noon.

Feeling ko ay hihimatayin na ako. Pinilit kong maupo, naalala ko 'yung aksidente ko. Huminga ako ng malalim. Napahagulgol na ako.

"H-Hindi ko kaya." Natatakot talaga ako sa dugo. Kinakapos na ako ng hininga. Unti-unti ng nanlalabo ang paningin ko, pero pinilit kong maupo.

"Anong ginagawa mo dyan? Linisan mo na 'yang binasag mo." Singhal sa akin ni Jared, palabas sya ng bahay.

Gusto ko sana humingi ng tulong pero walang lumalabas na salita sa bibig ko, tanging paghikbi lang ang kaya ko.

"Ano? Iiyak ka na lang ba dyan? Tigilan mo ako sa kadramahan mo Elaisa! Nakakairita ka!" Tumayo sya sa harapan ko, humawak ako sa pantalon nya kaso sinipa nya lang ang kamay ko.

"T-Tulong. Tulungan m-mo ako." Namamaos na sabi ko.

"Tulong?! Napaka simple lang ng gagawin mo!" Tinalikuran nya ako para sagutin ang kung sino man na tumatawag sa kanya. "Yeah, sweetheart. Papunta na ako." Sabi nito bago ako iwanan.

Awang-awa na ako sa sarili ko, hindi ko na kinaya pa at nawalan na ako ng malay.

---

"You're wife has hemaphobia, and that's the reason kaya sya hinimatay, nahirapan din syang huminga dahil sa pag iyak. Nagtatrabaho ba ang asawa mo? Mukhang bugbog sya sa trabaho, maraming pasa sa katawan."

Naalimpungatan ako dahil sa mga narinig ko. Alam kong doctor 'yun. Mas pinili ko ang magtulog-tulugan.

"Mahina ang resistensya ng katawan ng asawa mo, Mr. Montefalcon, prone sya sa sakit. She should drink vitamins. Mauuna na ako." Saglit na katahimikan ang naganap bago ako nakarinig ng sigaw.

"Salamat doc." Narinig kong sabi ni Jared.

"Hindi ka ba nag iisip, Jared? Papaanong pinabayaan mo ang asawa mo sa ganoong kalagayan? Sinasaktan mo ba sya? Ha?" Boses 'yun ng mama nya.

"I'm at work, h-hindi ko alam ang nangyari sa kanya." Mahinang sagot ni Jared. Sinungaling.

"You don't know?! For Pete's sake, Jared! Hindi mo ba nakikita ang katawan ng asawa mo? Nakapayat at puro pasa!" Umiiyak na ang mommy nya kaya dumilat na ako.

"T-Tita." Pareho silang lumingon sa akin.

"Thank God, you're awake!" Bigla akong niyakap ni tita, umiiyak sya, naiyak na rin ako. Namimiss ko na sina Mama. "Kamusta ang pakiramdam mo? Anong masakit sayo?" Sunod-sunod na tanong nya.

"Medyo nahihilo lang po ako." Ngumiti ako ng pilit. Ayoko na mag alala pa sya.

"Bakit kasi mag-isa ka lang sa bahay nyo? Dapat may maid na kayo!"

"Hindi na po tita, nadulas lang kasi ako kanina kaya nalaglag ko 'yung baso sa paanan ko. I'm sorry kung pinag alala ko pa kayo." Nilingon ko si Jared, nakatingin sya sa akin pero kaagad din naman nag iwas ng tingin.

"Mabuti na lang at naisipan kong dumalaw sa bahay nyo." Inalalayan ako ni tita para makaupo. "Tatanungin ko lang ang doctor kung kailan ka na pwedeng lumabas, Jared, subuan mo ng prutas 'tong asawa mo." Utos ni tita bago lumabaa ng kwarto.

Kahit napipilitan ay kumuha sya ng orange at isinubo sa akin. May parte ng puso ko na natutuwa. Paglabas ni tita ay saglit nya akong tinitigan bago ibinagsak sa akin ang orange.

"Kumain ka mag-isa mo." Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak. "Ang galing mo rin no? Nakagawa ka na naman ng paraan para magalit ang mommy sa akin. Hemaphobia? That's bullshit!" Nagulat ako ng bigla syang sumigaw.

"And what? I'm stuck here with you! Para alagaan ka!" Sigaw nya ulit. Kitang-kita ko sa mata nya na kinasusuklaman nya ako.

"H-Hindi mo naman kailangang gawin 'yun." Sabi ko.

"Hindi ko naman talaga gagawin 'yun. You know what? Nacancel ang dapat na date ko ngayon dahil dyan sa kasinungalingan mo! Sana ngayon ay masaya na ako sa ibang babae. Sa susunod, ibang dahilan naman ang sabihin mo para kapani-paniwala." Hindi na ako nakapagsalita dahil lumabas na sya.

Pinakawalan ko na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Akala ko after party ay babait na sya sa akin. Hindi pala, parang mas lumala pa ang pagkamuhi nya sa akin.

Tama ba ang lahat ng desisyon ko?

Tama ba na magsakripisyo pa rin ako?

Tama ba na mahalin ko pa rin sya kahit ang sakit-sakit na?

Kailan ba ako liligaya?

Siguiente capítulo