"Hindi dapat siya nakikisalamuha sa mga tao" sabi ng nilalang na nagtatago sa dilim.
Sa isang banda... Matapos niyang yakapin si Renestica, napagpasyahan na lamang nila na roon na sa gubat magtayo ng masisilungan dahil alam ni Shenny na hindi maaring tumuloy si Renestica sa kastilyo.
Kinabukasan, nagbalik na muli sa dating anyo si Shenny. Masayang-masaya si $enestica ng mga panahong iyon dahil naging malapit sila ni Shenny kahit na alam niyang iba ito sa kanila.
"Renestica, bakit ka pala na anidto sa aming baryo?" tanong ni Shenny.
"Ahhh ehh, hindi ko ba nasabi sa iyo na manlalakbay ako? Isa pa tinataguan ko ang mga bunso kong kapatid dahil..." naputol ang kanyang sasabhin nang biglang magsalita si Shenny.
"Alam mo Renestica, ikaw pa lang nakausap kong tao dito sa baryo namin" napahinto noon si Renestica at medyo namula sa turan sa kaniya ni Shenny.
"Ako rin Shenny, ikaw lang ang una kong nakausap sa baryo ng sobrang tagal at nakasama pa sa pag-tulog kahit hindi naman tayo lubos na magkakilala" biglang namula rin si Shenny at 'di maiwasang isipin na todo ang pagyakap niya kay Renestica ng gabing iyon.
Masayang-masaya pa silang dalawa nang biglang kumaluskos ang mga damo sa kagubatan. Biglang natakot si Renestica at nagtago sa likod ni Shenny. At si Shenny naman ay prinotektahan si Renestica.
"Sinong andiyan?!" pasigaw na sabi ni Shenny.
Medyo kabado man si Shenny sa pag-aakalang kapatid niya ang nagtatago sa damuhan pero naglakas loob pa rin siyang magsalita nang...
"ATEEEEEEEEE!!!" biglang may lumabas na cute na cute na bata sa damuhan at nagtatakbo palapit kay Renestica.
"A-ate?" takang tanong ni Shenny.
"Ahh ehhh hehe si Ellen pala hehe, Kapatid ko siya at iniwan ko sila, este siya sa kapatid kong si Vlady bago ako maglakbay hehe" sagot ni Renestica.
"May kapatid ka rin?" tugon naman ni Shenny.
"Rin? Ikaw din ba may kapatid?" nilipat na ni Renestica ang tanong para hindi rin siya mabusisi.
"Ahh oo may dalawa pa akong kapatid sa kastilyo pero hindi mo dapat sila makilala dahil hindi matutuwa ang isa sa kanila sayo o sa kahit sinong tao dito sa baryo" ani Shenny.
Shenny's POV
"Ate, sino sya?" turo ng cute na bata sa akin. Si Renestica naman ay pinakilala ako sa batang iyon.
"Siya si Shenny, Mommy mo."
"Ano?!" Nagulat ako sa sinabi ni Renestica. Pati ang bata ay parang nagtataka at lumapit pa sakin.
"Mama" sabay yakap sakin.
"AHAHAHAHA Bagay ka pa lang maging mommy, Shenny AHAHAHAH"
'Di ako makakilos sa gulat pero nagawa kong ilayo ng kaunti si Ellen sa akin at pumantay sa liit niya.
"Nagbibiro lang ate mo hehe" pagkasabi ko noon ay bigla na lamang umiyak ng napakalas si Ellen.
"Waaaahhhh MAMA" Iyak nang iyak si Ellen at 'di ko na alam ang gagawin.
"Patahanin mo yan, pinaiyak mo eh" nakangising sabi ni Renestica.
"Ahh hehe sige, sige mommy mo na ko hehe tahan na hehe" pagkasabi ko noon biglang tumigil ng kaunti si Ellen sa pag-iyak at sabi niya...
"Mama yakap" naka-pout na sabi niya 'di ko maiwasang mapangiti at niyakap ko na rin siya at si Renestica naman ay tawa pa rin nang tawa. Dahil sa tawa niyang iyon nakaisip din ako ng ganti.
"Alam mo ba Ellen, si Renestica, mommy mo rin siya. Nagpapanggap lang na ate mo 'yan" pagkasabi ko noon, halata sa mukha ni Renestica ang gulat at siya naman na ngayon ang sinasabihan mommy ni Ellen. Pati ako natatawa na rin.
"Shenny loko ka ba? Ano 'yon, mommy ka na nga, tapos, mommy niya rin ako? Ano 'yon?"
"Mommys, 'di niyo 'ko love? naluluha na ulit si Ellen.
"Ayan kasi Renestica. Hayaan na natin. Mommy lang naman tayo eh. Pero daddy na lang ako kung gusto mo" pagkasabi ko noon ay bigla akong binatukan ni Renestica at...
"Daddy ka riyan! Sige na, payag na 'kong mommy ni Ellen tutal wala naman talga kaming mommy" medyo nabahala ako sa sinabi niya pero sa isang banda, masaya kasi parang ang bilis na close na kami ni Renestica at naging mommy pa kami pareho dahil sa baby Ellen na 'to. Siguro mga 4 years old pa lang to?
Matapos ang kulitan at pagpapatawa kay Ellen, napagpasyahan naming kumain muna sa baryo. Sobrang tuwa ni Ellen noon kasi naman nakahawak siya sa pareho naming mga kamay ni Renestica at nagpaduyan-duyan pa.
Nasa kalagitnaan kami ng pamimili ng uulamin naming tatlo dahil napagpasyahan ko na tumira na lamang muna sa gubat. Sa palagay ko rin naman ay hindi ako hahanapin ng mga kapatid ko dahil palagi naman akong nasa labas noon pa. Tuwing gabi lang ako umuuwi.
"Renestica, ayos lang ba sa iyo na sa gubat tayo titira?
"Huh? 'D ba may kastilyo ka naman. Kami ni Ellen puwede kaming umuwi sa dati naming tirahan pero gusto ko muna sana matuklasan ang nasa kastilyo at kung paano maaalis 'yang sumpa mo"
"Sige ganito, 'pag ayos nang makapunta ka sa kastilyo at natuklasan na ang lunas sa sumpa, maaari ka na ring manirahan doon. Pero pansamantala, dito muna tayo sa gubat" medyo naiilang na sabi ko sa huling bahagi.
"Bakit?"
"Ahh kasi mommy na ako ni ellen eh. Malulungkot siya 'pag 'di tayo magkakasama. 'Di ba baby Ellen?" pagdadahilan ko, Pero medyo totoo na rin naman dahil malulungkot talaga si Ellen niyan.
"Opo mommys magsama na lang tayo palagi" cute na sabi ni ellen.
"Mommy, antok na ako" dagdag pa nito. Si Renestica naman ay medyo nabahala na rin dahil baka nga naman malungkot si Ellen 'pag siya na lang ang naiwan sa kanya kaya...
"Sige payag na 'ko Shenny. Pero puwede bang ikaw ang magtayo ng bahay natin dito sa gubat?" biglang akong natumba sa sinabi ni Renestica. Pero biro lamang iyo. Kung kaya't tumayo na nga ako at sinimulan nang gawin ang aming tirahan.
[A/N: Hi guys! Thank you talaga sa in'yong suporta. Akalain niyo, Chapter 2 na tayo. Yey! Labyu all! Mwaaa!]