webnovel

Chapter 3

ASHLEY'S POV

Matapos kong takutin ang mga babae ay nag tatakbo na sila paalis maski ang mga lalaki nilang kaibigan ay makikitaan ng takot sa mata kaya naman lalo akong natuwa pero hindi naman ako ganon kasama kaya naman ayon hinayaan ko na silang umalis...

Ngayon naman ay nakaupo ako sa taas muli ng arko ng baranggay pinili at may natanaw akong isang nanay at isang batang babae, nakikita ko sa bata na nakakakita sya ng katulad kong maganda hehe

Nung malapit na sila sa akin ay nakatingin sakin ang batang babae kaya naman ngumiti ako ng pagka laki-laki kitang kita ko naman sa bata na natakot sya sa ginawa ko at malapit nang umiyak

"Mama may babaeng nakaupo sa taas"takot na sambit ng bata habang nakatingin sa akin,napatingin na rin sakin ang nanay nung bata at kita na rin sakanya ang pag kabigla

"A-anak wala naman akong nakikita"medyo kabadong sambit ng nanay nya

"Mama ayon po sya"tinuro nya ako kaya naman lalong kinilabutan ang nanay nya

"Anak? Tara na umalis na tayo"pag hatak nya sa anak pero hindi nag patinag ang bata at hindi sya umalis sa baba ng arko kaya naman nagulat ako"Anak? Umalis na tayo baka kung ano pa ang mangyari sa atin"kabado na talagang sambit ng nanay nya at pilit na hindi ipakita sa anak nya ang takot na nararamdaman nya

"Mama hindi po sya masama"nakatingin pa rin sya sakin at hindi man lang inalis ang tingin

"Paano mo nasabi? Eh lahat nga ng tao na nakakakita sakanya ay hanggang ngayon ay nagdudusa"sambit nung nanay at pinipilit na umalis na sila pero ayaw talaga nung bata

"Mama wag kang mag salita ng ganyan"malungkot na sambit nung bata"mama susunod nalang po ako sa bahay mauna na po kayo"nagulat naman ako nung muling mag salita ang bata

"Anak hindi pwede"mahinahon na sambit nung ina pero kakikitaan ng inis

"Sige na mama kaya ko"pinapakita ng bata na kaya nya ako at hindi na sya natatakot, bumaba ako sa arko na naging sanhi ng malakas na hangin"mama naiinip na sya"gulat ko tinignan ang bata dahil hindi naman ako nag pakita ng kahit anong reaksiyon para masabi nyang sa ina na naiinip na ako

'Lokong bata'

"Babalik ka agad ha,aantayin ka ni mama"nagulat nalang ako sa biglang pag iba ng desisyon nung nanay,siguro natakot...ngunit mali pa rin ang iwan nya ang anak nya sa katulad ko

"Opo mama,babalik po agad ako"nakangiti sambit ng bata kaya naman kampanteng umalis ang nanay ng bata,agad syang tumingala sakin dahil sa sobra nyang liit"Ano pong nangyari sayo?"pilit nyang inaalis ang takot sakanya dahil kausap nya ako

"Hindi ka ba natatakot sakin?"takang tanong ko sa bata

"Natatakot po pero...alam ko naman po na kaya kayo nananakot dahil may problema rin po kayo"nakangiti na sya sakin hindi tulad kanina

Hindi naman ako nakasagot sakanya dahil sa pag sasalita nya ay tila ba marami na syang pinag daanan na katulad ko,unti unti namang nag hilom ang sugat sa mukha ko at binalik ako sa dati kong itsura

Napatakip ng bibig ang bata dahil sa nakita nyang pag papalit ng anyo ko"Sobrang ganda mo po pala"kitang kita sa kanya ang pag hanga kaya naman hindi ko maiwasang ngumiti"wag mo na po babaguhin yung mukha mo,para po nakikita yung tunay mo pong ganda"nakangiti pa rin sya

Sa mga oras na yon ay para akong nag karoon ng puso dahil sa mga sinasabi ng batang ito tila ba inaantig ako

"Ate? Pwede ko po bang malaman ang pangalan mo?"tanong nya at hindi inaalis ang tingin sakin"pero...ayos lang din naman po kung hin--"hindi na nya natuloy ang sasabihin nya dahil sumagot na ako

"Ashley,ashley ang pangalan ko"nakangiti kong sambit sakanya

"Ate ashley? Apaka ganda naman po ng pangalan mo ate"nakita ko nanaman ang mukha nyang may pag kamangha"bagay po sa mukha mo maganda rin"pang bobola nya pa

"Nako,bolerang bata"tinapik ko ang ulo nya"ikaw rin naman maganda"nginitian nya naman ako

"Maganda po tayo pareho ate hehe"kamot nya sa batok nya

"Sige na bumalik ka na sa bahay nyo baka hinahanap ka na ng nanay mo"paalam ko sakanya

"Sige po ate"paalam nya sakin "wag kana pong mananakot ah?"medyo nag papacute nya pang sambit

"Oo hindi na"nakangiti ko sambit"Basta wag ka nang matatakot sakin ah?"patanong kong sambit sakanya

"Hindi na naman po ako takot sayo eh simula po nung sabihin nyo yung pangalan mo"sambit nya saka tumalikod sakin

Ngunit pag katalikod nya sakin ay may naramdaman akong sakit sa aking kalooban, yung sakit na ngayon ko nalang naramdaman ulit at sa sobrang sakit ay bigla akong natumba at saka namilipit

"Bata..."habol na tawag ko sa bata dahil hindi ko na kinakaya ang sakit

Biglang may lumabas na ala-ala sa akin nung ako'y napapikit,ala-ala kung kelan ko ito huling naramdaman

"Kala mo natatakot ako sayo? Tss,kahit pa anong itsura mo hindi mo ako matatakot"sambit ng isang imahe ng malabong babae

'What the hell? Anong pakelam ko dyan?'

"BlackShadow! Lumayas ka sa lugar na ito!" Sigaw naman ng imahe ng matandang lalaki na sa tingin ko ay isa itong pastor

"Wala ba kayong takot sakin?!"sigaw ko at kitang kita ko sa itsura ko non ay para akong demonyong  nag wawala

"Ubos na ang takot namin sayo!"sigaw ng mga tao sakin

'Ano bang meron sa mga ala-alang ito?!'

Naiinis na ako sa aking sariling isipan dahil ang daming bagay o tao na pinapaalala sakin  na nakapag paramdam sakin ng sakit

Maraming lumabas na tao na nag sasabing hindi sila natatakot sakin na nagiging dahilan kung bakit ako nasasaktan

At ang pinakahuling ala-ala na lumabas sa utak ay

"Hindi na naman po ako takot sayo eh"boses nung batang babae na kausap ko kanina

'What the hell?!'

Habang ako ay namimilipit sa sakit ay nakita ko ang isa kong kamay na medyo lumalabo na

'What the?! Anong nang  yayaring sakin?'

Napatingala ako nang biglang may mga paang lumapit sakin,isa lang syang imahe ng babae

"Sabi naman kasi sayo lumalakas ka pag may natatakot ka...ngunit pag narinig mo na ang isang tao na nag sasabi sayong hindi sya natatakot,unti unti kang mawawala sa mundong ito miss missing soul..."sambit nung babaeng hindi ko makita ang mukha dahil sa sobrang sikat ng araw

"Sino kaba?!"pilit na sigaw ko kahit sobrang sakit na ngunit nung pag tingin ko wala na sya

'May makakapag pawala na sakin kung ganon?'

Siguiente capítulo