webnovel

The Night Sky

Kakagising ko lang pero bumungad agad sa akin ang gawaing hindi namin tinapos kahapon. Hindi pa kami nangangalahati kaya imbes na kalmado ang utak ko ngayon, mukhang bigla akong nagka-hangover dahil dito.

Laking tuwa ko pa naman nang paggising ko ay hindi ako nakaramdam ng sakit ng ulo mula sa inuman namin kagabi pero agad ding nanlumo dahil 'yong gawain namin ang nagbigay ng sakit ng ulo sa akin.

Ebarg ang parkour ng mga pangyayari.

Just like the usual, nangyari ang mga dapat mangyari. Ang mga inaasahan sa buhay natin na talagang inaasahan nating mangyari ay talagang nangyari. Oo, alam ko, masiyado akong magulo ngayon.

I turned twenty-two last August. But contemplating about my life now, ang dami ko na palang napagdaanan. Simula no'ng maipanganak ako sa mundong ito, may napagdaanan na ako. My father left us. I grew up having an incomplete family. I don't even know where he is now. Gusto kong alamin pero alam kong hindi magugustuhan ni Mama 'yon kaya 'wag na lang. Everything is fine naman without his presence. We are doing fine with his absence.

Pero mapapa-isip na lang ako bigla na hindi pala lahat ay napagdaanan ko. Yes, iniwanan kami ng ama. Yes, sinaktan ako ng taong minsan ay naging importante sa buhay ko. Yes, I got confuse with my own sexuality. Yes, I am an asshole. Pero hindi ko napagdaanan ang magkaroon ng sariling nararamdaman. 'Yong uunahin ang sariling nararamdaman.

Teka lang, ang gulo ng utak ko ngayon. Hindi ako makapag-function well! Dala siguro ng pressure at kung ano-ano pang stress na hatid ng finals. Takte naman kasi. Mabuti na lang talaga at tapos na ang semester. Kahit papaano ay makakapagpahinga na rin ako this sembreak.

Na-distract ang medyo malalim kong iniisip nang maramdaman ko ang vibration ng cell phone ko. Agad kong ch-in-eck kung anong klaseng notification iyon.

Matik akong napangiti nang makita kung sino ang tumatawag. Walang pag-aalinlangan kong in-accept ang call niya. Pinigilan na rin ang sariling ngumiti ng malawak, baka may makakita, mapuno na naman ako ng kantiyaw galing sa iba.

"Oh? Napatawag ka?" agad na pambungad na bati ko.

"Tara Campuestohan. Dito na ako sa labas ng LCC."

Ebarg sa bilis naman, 'tol!

Tinakpan ko na lang ang bibig ko para hindi makita ng iba na napangiti ako sa sinabi ng lalaking nasa kabilang linya. Here he goes again with his spontaneous trips in life.

"Sige, wait, lalabas na ako."

Isa-isa kong sinalikop ang mga gamit ko at nagpaalam na sa mga kaklase. Wala na rin namang gagawin. Tapos na rin ang semester. Dapat nga kanina pa kaming umuwi pero may meeting pa kanina kaya nag-stay muna sa school ng mga ilang oras lang naman. I updated Tonton about this one kaya siguro biglang nandito na at nag-ayang umalis ulit.

Agad ko ring nakita ang pamilyar na kotse ni Tonton. Sumakay, panandaliang bumati, at agad ding lumarga paakyat ng Campuestohan Highland Resort.

Sa biyahe, we just talk about our day. Normal akong nagkuwento sa kaniya. Normal din siyang nagkuwento sa akin.

Sa ilang taon ko siyang naging close, nasa point na ako na sobrang comfortable na ako kapag kasama ko siya. That even his confession didn't bother my comfortableness to him.

Him confessing to me became the gateway sa closeness na mayroon kami ngayon. Alam kong ang huling sinabi ko sa kaniya tungkol doon ay susubukan ko. Sinusubukan ko naman. Hanggang ngayon, sinusubukan ko pa rin para makasigurado ako sa ginagawa kong pagri-risk ngayon.

Takip-silim na nang makarating kami sa Campuestohan. Malamig na ang paligid kaya pagkababa, agad na ibinigay ni Tonton ang sweater jacket niya.

Small gestures really matter. His small gestures means a lot to me and it will be forever appreciated. Lalo na kapag galing sa kaniya.

Nag-dinner kami sa mismong restaurant ng resort. We talked about random things. Like, saan napunta 'yong fifteen billion ng Philhealth? Bakit mas importante pa ang dolomite sand kaysa sa pangkain ng sambayanan? Char.

Tonton is quite a talker. Ang dami niyang kuwento, ang dami niyang adlib sa buhay. Hindi ko alam kung saan galing ang mga kuwento niyang iyon. Daig niya pa isang veteran sa giyera sa dami ng kuwento niya, knowing na twenty-two years old lang din siya. He's also an adventurous person. Sa kanilang magkakapatid, siya ang pinaka-outgoing o 'yong mahilig sa outdoor activities. Si Decart daw, minsan nasasabayan siya sa pagiging outgoing at kung aabutin ng pagka-eng eng niya. Depende sa situwasiyon. Si Einny naman, 'yon ang hindi mahilig sa adventures. Puros aral daw ang isang iyon, puros pagbabasa ng kung ano-anong libro. Taong-bahay. Nasa bahay all the time. Pero sinasabayan naman daw silang mag-adventures lalo na kung on a vacation mode sila ng family nila. Siggy and Sonny both love adventures too pero depende rin sa situwasiyon. Pa-weather weather daw ang dalawang iyon, e. Daig pa raw kambal kasi palagi raw magkasama. Kung hindi lang daw iba ang grade level nila, baka pati sa school, magkasama rin sila. 'Yong bunso naman nila… ewan, hindi naman niya kinukuwento sa akin 'yon, e. Wala raw siyang alam. Takte, anong klaseng kapatid siya kung ganoon?

Halos lahat ng tungkol sa buhay niya ay alam ko na. Kung kailan siya ipinanganak, anong oras siya ipinanganak, at kung saan siya ipinanganak. Pati birth sign, animal sign, stone sign, at kung ano-ano pang sign niya ay alam ko rin. Kung saan siya nag-elementary, nag-high school, pati pre-school sinali niya rin. Lahat ng katarantaduhan na ginawa niya, nasabi na rin niya sa akin. Lahat ng bisyo na napagdaanan niya. Lahat ng puwedeng i-share sa akin, na-share na niya. Sa ilang taon ba naming magkaibigan, e.

He's so transparent, and I feel so guilty about that.

Because I only shared some of my life story. 'Yong mga story na pareho naming na-experience ni Nicho at ng iba ko pang pinsan, 'yong mga story na alam kong may idea na siya. Mga kuwentong alam kong kaya ring ikuwento ng mga pinsan ko sa circle of friends namin.

Lahat ng tao ang akala ay transparent na ako sa mga nangyayari sa buhay ko. 'Yong akala nila ay alam na nila ang mga nangyari sa buhay ko at kung anong takbo nito ngayon. But there are certain parts of my life that no one knew, no one ever knew. Battles that I choose to face alone. Battles that aren't visible to others. Maybe 'yong part ng buhay ko tungkol sa nawawala kong ama, maaaring alam ng pamilya ko. But the battles I faced because of the lost presence of my father, that they didn't know.

"Okay ka lang?"

"Uh… yeah. Okay lang. Banyo lang ako."

"Sige, aantayin na lang kita sa may kotse."

"Okay."

We parted ways para mapuntahan ko na ang banyo ng resto. Pagkatapos naming kumain, napag-usapan namin na lilibutin namin itong resort kahit gabi na. Open pa naman sila and I saw kanina na may mga customers pa sila na magchi-check in pa yata tonight. We ought to go home later, we're just here para mag-dinner at para na rin makalasap ng lamig ngayong gabi. Literal na highland kasi itong kinalulugaran ng resort na ito kaya sobrang lamig tonight, malapit sa bundok.

Pagkatapos ko sa banyo, agad din akong naglakad palabas. Pero nasa bukana pa lang ng pinto, agad na akong napigilan ng isang pamilyar na presensiya.

"Zetty?"

"Oh, Tonette?"

"Anong ginagawa mo rito?"

"Ano ring ginagawa mo rito?"

Okay, teka, parang kinabahan ako bigla.

"I'm with Kuya. Overnight kasi sila rito. Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka pala rito."

"Kuya? Kuya… Yosef?"

"Oo. May iba pa ba akong Kuya?"

"Sinong kasama n'yo kung ganoon? Kasama n'yo ba si Nicho?"

"Hindi namin kasama si Nicho. Classmates ni Kuya sa Uno-R ang kasama niya. Na-bore kasi ako kaya sumama na ako. Wala rin naman akong ibang gagawin sa condo."

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang wala si Nicho. Pero the fact na nandito ang dalawang Osmeña'ng ito, hindi pa rin mawawala ang kabang nararamdaman ko.

"Ah ganoon ba. Mabuti naman," mahinang sabi ko na lang.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Nakita namin si Tonton sa may labas. Magkasama ba kayong dal-"

"Hindi, ah!" depensa ko agad. Kung ano pang isipin ng bugok na ito.

"Ah, sabagay. Tinanong namin siya kanina, ang sabi niya kasama niya raw girlfriend niya. Nakita mo ba kung sino?"

"G-Girlfriend? E-Ewan. Hindi ko nga alam na nandito siya."

Tumango-tango si Tonette, mukhang nakumbinsi sa naging sagot ko.

"Ikaw ba, anong ginagawa mo rito? Kanina pa ako tanong nang tanong tungkol doon. Sinong kasama mo?"

"H-Ha? Classmates ko."

"Ah, ganoon ba? Saan ba kayo banda?"

"Pauwi na kami."

"Ah, okay? Sige, CR muna ako. Magpakita ka kay Kuya. Miss ka na no'n."

Nakipag-fist bump na lang ako kay Tonette as we exchange position. Siya, papasok ng banyo. Ako, palabas.

Huminga muna akong malalim. Kung saktong kausap pa ni Yosef ngayon si Tonton, baka may chance na magkita kami. Hindi pa naman alam ng lahat ang tungkol sa pag-amin na ginawa ni Tonton sa La Union. Wala akong sinabihan. Kabilin-bilinan ko rin sa kaniya na 'wag ipagsasabi sa iba. Hindi ko nga rin sinabi kay Nicho at Decart na mismong kasama namin no'ng mga panahong iyon. Hindi rin naman sila nakahalata sa biglaang pagbabago ng kilos naming dalawa.

Kasi simula noon, alam kong may nagbago na.

Sa may bukana ng resto, malapit sa may hagdan, agad kong nakita si Yosef kasama ang ibang kalalakihan na may kasamang kababaehan. Gaya ng sabi ni Tonette kanina, kausap nga nila si Tonton.

Habang naglalakad papunta sa puwesto nila, napapatikhim na rin ako sa sarili ko. Takte talaga. Bigla akong kinabahan sa gagawin kong ito. Hindi naman kakaiba, magpapakita lang naman ako kay Yosef at babatiin siya. May masama ba roon? Bakit ka naman kakabahan, Zettiana?

"Oh? Nandito ka?"

"Nandito ka rin?" pagbabalik ko ng tanong kay Yosef. Full of mockery.

Alam kong nagulat siya sa presensiya ko. Nakakagulat nga naman.

"Hi, Zetty!"

"Oy! Kayo pala! Hello!"

Isa-isa kong binati ang mga kaibigan ni Yosef sa college. Naibigay ko na sa kanila ang atensiyon na dapat ay kay Yosef. Nag-smile lang din ako sa girlfriends na kasama nila. 'Yong mga walang kasamang jowa, olats.

"Zetty, hindi ka na raw nag-reply kay Uly. 'Di mo na raw siya pinapansin?"

"Gago! Manahimik nga kayo. 'Wag mo silang pakikinggan, Zet."

Mas lalong nawala ang atensiyon ko kay Yosef dahil sa naging kantiyawan ng mga kaibigan niya. 'Yong isa kasi sa kanila, si Uly Alejandro, ay muntik ko nang maging boyfriend. Lowkey kong gh-in-ost kaya ganoon. Pero nagpapansinan naman kami. Ngayon nga lang ulit nasundan kasi matagal-tagal ko ring hindi nakita ang mga kaibigang ito ni Yosef.

Tinawanan ko na lang ang pinagsasabi nila at hindi na sumagot pa. As if namang may maisasagot ako. Gh-in-ost ko nga 'yong tao 'di ba?

"Hoy, anong ginagawa mo rito?" muling tanong ni Yosef pero nabaling ang tingin ko kay Tonton at malawak siyang nginitian.

"Oy, Ton, nandito ka rin pala?" pagbati ko pa. Pa-simple ko pa siyang pinandilatan ng mata para sakyan niya ang trip kong ito sa buhay. Nakipag-high five ako sa kaniya pero masiyado yatang masama ang timpla ng mukha niya ngayon?

Tumaas lang ang dalawang kilay niya sa akin. Tumango ba. Pero hindi na nagsalita pa. Parang ang sungit-sungit nga.

"Ano 'yong tanong mo, Sef?" at ngayon ay nalingon ko na si Yosef at handa na siyang kausapin at pagsinungalingan.

"Anong ginagawa mo rito at sino ang kasama mo? Nandito ka pala, sana sinabi mo para maisama ka namin at makasama mo itong si Uly."

Namutawi ang ingay ng kantiyawan ng mga kaibigan ni Yosef dahil sa sinabi niya. Lahat sila kinakantiyawan at ginugulo ang buhok ni Uly, minsan binabatukan na rin. Parang mga hindi graduating student sa college itong nasa harapan ko. Daig pa high school kung magkantiyawan.

Pa-simple kong sinamaan ng tingin si Yosef dahil sa sinabi niya. Naging trigger tuloy ang sinabi niya para kantiyawan kaming dalawa. Naiinis lang kasi ako. Alam naman ni Yosef na kaya hindi ko sinagot si Uly no'ng nanligaw siya ay dahil hindi ko naman siya type. Alam na alam ni Yosef 'yan! Takte.

"Kasama ko mga kapwa kong Arki sa Arfien. Sige, sibat na ako. Baka hinahanap na nila ako. Kita na lang tayo, Sef! Pakisabi na rin kay Net. Ton, alis na ako. Bye, guys!"

Dali-dali akong nagpaalam kahit sobrang informal ng ginawa ko. Mabilis ang naging lakad ko papunta sa Cabin in the Woods inspired hotel rooms ng resort. As if na nandoon talaga ang mga kasamahan ko.

Habang naglalakad, kinuha ko na rin ang cell phone ko para makapagtipa ng message para kay Tonton. Nag-text na pala siya sa akin about the presence of Yosef, Tonette, and friends. Hindi ko lang nabasa kanina kasi nga nasa banyo naman ako. Busy ako sa buhay.

Sinabihan ko si Tonton, through text, na sibat na kami. Delikado kasi buhay namin dito. Hindi kami puwedeng magtagal. Hindi ko alam kung anong explanation ang gagawin ko kapag nalaman nilang magkasama kaming dalawa.

Yes, it is very evident na naging close nga kami ni Tonton through adventures pero hindi naman all the time ay alam nila ang mga spontaneous lakad namin, katulad ng ganito. They didn't know about this mutual thing we have ni Tonton. Lalo na't nandoon pa si Tonette, mahirap mag-explain sa babaeng iyon na parang sinakluban ng langit at lupa kapag kaharap ang mga Lizares. Ayaw na ayaw talaga sa mga Lizares, e.

Medyo nagtago ako para makita kung nasa sa akin pa ba ang atensiyon nila. Nang makitang tuluyan silang nakapasok sa loob ng resto at nakikita ko na ang kotse ni Tonton na papalapit sa direksiyon na nilakaran ko kanina nang umalis ako, doon lang ako nakahinga ng maluwag-luwag.

Nang tuluyang makahinto ang kotse ni Tonton ay dali-dali akong tumakbo para makasakay ng kotse niya nang hindi nakikita nila. Paniguradong wala na rin naman sa akin o amin ang atensiyon nila kaya okay lang siguro itong ginagawa namin ngayon.

Habol ang hininga ko nang tuluyang makasakay sa kotse. Nilingon lang ko ni Tonton at agad din namang minaniobra ang kotse paalis ng premises nitong highland resort. Sayang, ang ganda pa naman dito ngayon.

"Sibat na tayo. Maraming epal dito," sabi ko habang inaayos ang seat belt.

"Yep, marami nga'ng epal."

Nilingon ko lang si Tonton dahil sa sagot niya. Pero nginisihan lang ako ng bugok at hindi na hinabaan pa ang sinabi niya.

Ang buong akala ko ay tuluyan na kaming babalik ng Bacolod para makauwi na. Pero bigla niyang binagalan ang takbo ng kotse hanggang sa tuluyan itong huminto. Pinatay niya ang makina at tinanggal ang sariling seat belt. Lumingon siya sa akin at tumango lang.

"Usap muna tayo."

"Ano namang pag-uusapan natin?" naguguluhan ko pang tanong habang tinatanggal na rin ang seat belt ko.

Sinundan ko siya sa paglabas ng kotse.

"Astronomy."

"Astronomy? Ba't naman 'yon ang pag-uusapan natin?"

"Wala lang. The night sky looks vitalize tonight," he answered as he looks up to the dark sky.

Gusto ko sanang sundin ang kung anong ginagawa niya ngayon but my attention is hook at the view in front of me.

"Pero mas magandang pag-usapan ang city lights. Ang ganda rito! Kitang-kita ang ciudad. Bacolod ba 'yan o Talisay?"

"That's Bacolod."

Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang nakatingin sa mga nagkikislapang ilaw sa ibaba. Nasa mataas na lugar pa rin kami ngayon, sa gilid ng daan, pero kitang-kita ang malawak na kapatagan ng ciudad. 'Yong kislap ng mga ilaw nila ay para bang tubig-dagat sa tuwing tinatamaan ng sikat ng araw at nagpa-alon alon sa kawalan.

We were silent for a minute. Savoring the cold wind and the elegant view from below.

Until Tonton decided na umupo kami sa kaha ng pick-up niya. Pero ako lang 'yong umupo kasi nanatili siyang nakatayo sa harapan ko. Nakatukod ang isang siko sa kaha ng pick-up. Ewan ko kung saan nakatingin. Ayokong nga'ng mag-assume.

Itinukod ko rin ang palad ko sa kaha ng pick-up niya at ipinatong naman doon ang baba ko. Nagpalipat-lipat lang ang tingin sa madilim na kalangitan at sa nagkikislapang ilaw ng ciudad. Wala akong makitang buwan ngayong gabi. Siguro new moon. Kaya mas lalong nagkislapan ang mga bituin sa langit.

"Pagiging Architect ba talaga ang pangarap mong maging?"

"Pagiging Tourism ba talaga ang gusto mong maging?" pagbibiro ko sa kaniya.

Sumimangot ang mukha niya kaya mahina akong natawa.

"Seryoso kasi, Zettiana."

Napaayos ako ng upo nang natatawa pa rin.

"Mm-Hmm. Nasa dugo ko na yata ang ganitong klaseng art."

"Paintings mo 'yong naka-display sa bahay ng Lolo at Lola mo 'di ba?"

"Paano mo nalaman?"

"Saw the signatures."

Natatawang napa-iling na lang ako dahil sa sinabi niya. For sure na ch-in-eck niya ang mga painting noong mag-celebrate ako ng birthday sa bahay nitong last birthday ko.

"Painting is your genre. Pero bakit mo pinili ang Architecture? Marami namang ibang courses na related sa ibang klaseng art sa LCC 'di ba?"

"Mm-Hmm, mayroon naman. Pero gusto ko talagang maging Architect, e. Bukod sa ang sarap pakinggan na tatawagin ka ng lahat na Architect Zettiana Aelexandrae Saratobias, ay mas gusto ko 'yong fact na makakatulong ako sa pamamagitan ng paggawa ng isang structure na matatawag ng iba na home, safe haven, comfort zone. Para bang sa ganoong klaseng gesture man lang ay makatulong ako sa pagbuo ng pangarap ng ibang tao."

Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa likuran ko at tiningala ang kalangitang kumukutikutitap ang iba't-ibang klaseng bituin na hindi ko rin naman mapapangalanan.

"Akala ko ba Astronomy ang pag-uusapan natin? Bakit umabot na tayo sa pangarap?"

He went silent for a while kaya nilingon ko pa siya ulit. Nakatingin din pala siya sa payapang kalangitan.

"They say astronomy is the study of everything that we see outside the earth's atmosphere. Pero para sa akin, kapag pinag-usapan mo ang astronomy, para mo na ring pinag-uusapan ang pangarap mo sa buhay. Mahirap abutin ang astronomy, kasing hirap ng pag-abot ng sarili nating pangarap. Pero if you're pursuant on reaching that dream, nothing became impossible. Kaya nga 'di ba na may mga taong nakarating sa buwan, nakapunta ng outer space, na-explore ang iba't-ibang sakop ng astronomy dahil everything is possible, even your dreams are possible."

Isa lang ang masasabi ko: nakakamangha ang lalaking ito.

"At saka, lahat naman tayo nangarap ding makaabot sa buwan, makapunta ng atmosphere, makita ang earth sa perspective ng universe 'di ba?"

"Hindi, ah? Hindi ko naman pinangarap makapunta sa outer space, e." Kitang-kita ko ang pagsama ng timpla ng kaniyang mukha dahil sa sinabi ko. "At saka, ebarg ka talaga ano? Na-segway mo pa talaga ang astronomy at pangarap nang ganoon-ganoon?"

"Tss, ako pa."

"Aba ang yabang!"

"On a serious note, kaya ko sinasabi sa 'yo ito kasi it's never too late to pursue what you really want in life. Kahit impossible, kapag desidido ka talaga sa isang bagay, makakamit at makakamit mo talaga iyon."

I eyed him intently. Hindi pa rin makapaniwalang ang barumbado sa mga Lizares na si Tonton ang nasa harapan ko ngayon at nagsasabi ng mga ganitong klaseng kataga. Sinarili ko na lang ang gustong sabihin at napangiti na lang.

Those little things that made Tonton Lizares who he is. Those little things that people didn't know that exists in his life.

"Aside from Architecture, what was your real dream?"

And these little things that urges me to open myself to him.

Napatingin ulit ako sa kalangitan. Dinama ang malamig-lamig na hangin ng gabi.

"Gusto ko lamang sa buhay ay…" kinanta ko pa ang unang sinabi habang nakangiti sa kawalan. "Magkaroon ng art exhibit kung saan featured ang lahat ng paintings na nagawa ko sa buong buhay ko."

Lumipat ang tingin ko sa kaniya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya umayos ako sa pagkakaupo at pinagtoonan ng pansin ang ID niyang nakalawit pa rin hanggang ngayon sa leegan niya. Sinipat ko ng tingin ang mukha niyang sobrang seryoso na hinaluan ng ka-angasan sa buhay.

Newton Isaac L. Lizares

"Newton Isaac? Isaac Newton?" padarag kong binitiwan ang ID niya at taas-kilay siyang tiningnan. "Kaya pala astronomy 'yong pinag-uusapan natin, e."

"What about it?"

"Wala lang. Nabasa ko lang kanina 'yong tungkol kay Isaac Newton, of how he became an astronomer or whatever."

Tumango-tango siya sa sinabi ko pero hindi na rin naman nagbigay pa ng komento. Nakalimutan kong Newton Isaac nga pala ang totoo niyang pangalan. Ang weird 'no? Kung hindi ko pa siya naging close, hindi ko pa malalaman na 'yan pala ang totoo niyang name. No wonder talaga, walang pinagkaiba kay Freud Sigmund, Edison Thomas, Descartes Rene, at ito 'yong malupit, Einstein Albert!

"Maiba tayo… hands forward ka nga."

"Bakit? Nasa flag ceremony ba tayo? Dancercise?"

Gulong-gulo ako sa sinabi niya kaya sa inakalang biro lang ay sinagot ko rin ng biro.

"Hands forward na kasi. Ang kulit. Dami pang sinasabi."

Wow ha?

Hindi ko alam kung mapipikon ako o ano sa sinabi niyang iyon pero nang matahimik ang kaluluwa nito, sinunod ko ang sinabi niya habang nakaupo pa rin sa kaha ng pick-up niya at siya naman ay nakatayo sa labas, sa may gilid ng kotse.

"I-spread mo 'yong mga daliri mo."

What?

"Ano ba 'to, Tonton? Kapag ito, kalokohan, tatablahin talaga kita!"

"Masiyadong mahina ang banta mo. Wala bang mas malakas d'yan?"

Ah ganoon? "Gusto mo patayin kita?"

"Nang pagmmahal? Okay lang," preskong sabi niya na halos ikaluwa ng mata ko dahil sa gulat. Ebarg ang confidence!

"Papatayin kita gamit ang nail cutter, okay lang? At saka, tumahimik ka nga. Anong pagmamahal 'yang pinagsasasabi mo."

"Sundin mo na lang kasi 'yong utos ko. I-spread mo, parang ganito," ipinakita niya pa sa akin ang demonstration ng gusto niyang gawin ko. "Tapos pikit ka."

"Dami mong utos! Ikaw ba nagluwal sa akin?"

"Sige na, samgyup tayo bukas. Libre ko."

My mood lightened with that narrative. Madali naman akong kausap.

"Ay, sige! Gusto ko 'yan. Damihan mo pa ang utos. Samgyup pala, e. Sige, go!"

Mahina siyang natawa dahil sa sinabi ko pero binalewala ko na lang. Mas pinagtoonan ko ng pansin ang pag-spread ng mga daliri ko, gaya ng utos niya.

May kinuha siya sa may bulsa ng pants niya. Medyo madilim ang paligid. Ang tanging ilaw na mayroon ay 'yong poste hindi kalayuan sa puwesto namin. Hindi ko tuloy alam kung ano 'yong kinuha niya.

Pero bigla ko na lang naramdaman ang isang malamig na metal na unti-unting pumasok sa kaliwang daliri ko. Automatic na nanigas ang katawan ko dahil sa napagtanto.

Singsing ba ang inilagay niya?

Pero gaya ng ginagawa ni Zetty, dinadaan niya sa biro ang lahat. Kaya idadaan ko sa biro itong napagtanto ko.

"Ano ba 'to? Anong trip 'to?"

"A promise ring, to signify the promise I will make."

"Promise ring?" What the heck! "Ano naman ang promise mo kung ganoon?"

"Hindi ko sasabihin ang promise ko sa 'yo. Baka hindi pa matuloy kapag sinabi ko."

'Yon na 'yon, e! Papunta na sana sa rurok ng kilig pero biglang ganito? Ang damot talaga nitong Tonix na ito.

"Bugok ka ba? Paano ko malalaman kung natupad mo ang pangako mo kung hindi mo sasabihin sa akin? Ang bugok mo talaga kahit kailan, Tonix. Ang promise kasi ay sinasabi, hindi itinatago."

Seryoso niya akong tiningnan, diretso sa malalalim kong mata. "Malalaman mong natupad ko na ang pangako ko kapag hindi na promise ring ang nakalagay d'yan sa daliri mo."

~

Siguiente capítulo