webnovel

The Unexpected Feelings

Kusa niyang inilayo ang sarili niya sa akin matapos ang ilang segundo. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko at hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

What just happened? What just actually happened?

Nakayakap pa rin ang braso ko sa canvas pero niyayanig na ang buong mundo ko, patuloy sa pagtibok ng mabilis ang puso ko. Diretso kaming nakatingin sa isa't-isa and the worst part is ako lang ang nagulat sa ginawa niya.

"B-Ba… B-Bakit mo ako h-hinalikan?" tanong ko sa kaniya. Nakaramdam ako ng inis pero mas nangingibabaw ang gulat.

Pero bago pa man siya makapagsalita, na-realize ko na kung anong gusto niyang sabihin at ang ginawa niya. Dahan-dahan kong inilapag ang canvas sa paanan ko at napaatras na lang habang umiiling. It's like animatedly saying to her that what she did is not right, that it's clearly wrong and inappropriate.

Tumalikod ako and help myself to the way of the door. I was about to grab the doorknob when she finally speak.

"I… I really like you, Zetty. No scratch that… I think I'm inlove with you now. Please don't leave this room without hearing me first."

Sunod-sunod ang naging paghinga ko at dahan-dahan muling tumalikod paharap sa kaniya. She stayed where she at a while ago nang makalingon ako.

"G-Gusto mo 'ko? Teka- paano? Impos- are you-"

"Yes, I'm a bisexual, Zetty."

What the actual fuck?

Umiling-iling ako at hindi makapaniwala sa mga lumabas sa bibig niya. She's a bisexual. Silahis.

"Ito ba 'yong rason kung bakit hindi mo sinagot si Yosef?"

She sighed and looked away. "I don't like Yosef because I like someone else. And I tried running from it for a hundred times but I always come back to liking her… to loving you, Zetty."

Humakbang siya ng isang beses that resorted me to take a step backward. Nakita kong napatingin siya sa paa ko dahil sa ginawa ko pero agad ding bumalik ang tingin niya sa akin, this time mas nakikita ko na ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"P-Paano? I mean… we barely had an interaction, paano ka-"

"Remember grade seven? Therence and I were transferees that time. Galing kami sa isang international school sa Bacolod but we ended up studying in a local private school in this small city pagdating ng high school. Therence adjusted immediately. Habang ako, ilang buwan na pero nangangapa pa rin because I suck at adjusting and communicating with someone else. But you were there and you helped me adjust with my new environment. At sana hindi mo nakalimutan 'yon."

Napa-iwas ako ng tingin sa kaniya at nag-isip, inalala ang grade seven year ko.

Yeah, it's true, kaklase nga namin sila no'ng mga panahong iyon. Pero hindi lang naman ako ang tumulong sa adjusting period niya. Lahat naman kami nag-a-adjust no'ng mga panahong iyon. It just happened na classmates na ni Nicho ang mga Osmeñas kaya madali ko silang nakapalagayan ng loob, plus they're all friendly. I came from a public school, habang 'yong mga kaibigan ko ngayon ay dito na rin nag-elementary sa school namin ngayon. Maliit na tulong lang naman 'yong ginawa ko, anong kakaiba roon? At tinulungan din naman siya ng mga Osmeña no'ng mga panahong iyon.

"From that day, hindi ka na nawala sa isipan ko. I want to befriend you pero alam kong ang choices ng friends mo ay hindi katulad kong tahimik. Your friends are loud, your friends are extrovert. Hindi katulad ko na introvert. Sinubukan ko, Zetty, pero naubusan ako ng pagkakataon hanggang sa hindi na tayo naging magkaklase pa. No'ng una, gusto lang kitang maging kaibigan pero namamalayan ko na lang ang sarili ko na hinahanap na kita, na hindi nabubuo ang buong araw ko kapag hindi kita nakikita. Kahit nasa malayo lang, natutuwa na akong makita kang nakangiti. And that's when I realized that I'm not normal. I like girls and I know I'm not normal."

Nagpatuloy siya sa pagsasalita pero hindi ko pa rin maintindihan ang lahat. Naguguluhan pa rin ako. Gulat na gulat. Ikaw kaya sa situwasiyon ko ngayon. Palit tayo para hindi lang ako ang nawiwindang. Leche!

"I asked Therence about my sexuality and siya 'yong nagpa-realize sa akin na hindi ako babae. That I am something else. A bisexual maybe. Si Therence ang unang nakaalam sa totoo kong pagkatao. Hindi ko kayang sabihin sa iba, lalo na sa mga magulang ko, ang totoong ako. They'll gonna loathe me from who I am. Naglakas-loob lang talaga akong sabihin sa 'yo ang totoo kong nararamdaman dahil sa sinabi ni Yosef."

What?

"Ano ang sinabi ni Yosef?"

"Nasabi niya sa akin ang tungkol sa Mama mo, 'yong tungkol sa pagkakaroon niya ng karelasyon na isang lesbian and of how you accepted everything. I am trying my luck today, nagbabaka-sakaling maiintindihan mo rin ako."

Matinding paglunok ang nagawa ko. "I'm sorry, Therese," mahinang sabi ko at bigla na lang tumalikod at diretsong lumabas ng kuwarto.

Sunod-sunod ang naging lakad ko hanggang sa paakyat na ulit ako papunta sa living room ng bahay nila. Naguguluhan ang utak ko ngayon. Hindi ako makapag-function well. Information overload! Ang dami kong nalaman. Hindi kayang tanggapin ng utak ko ang lahat ng iyon!

"Zetty! Uuwi ka na ba?"

Saktong pagkarating ko sa living room ay may tumawag sa pangalan ko. Wala sa sarili akong napalingon kung saan banda si Siggy since boses niya ang narinig kong tumawag sa pangalan ko.

"H-Ha?"

"Oh, hija, nandito ka pala?"

Napalunok ako nang paglampas ng tingin ko sa likuran ni Siggy ay ang imahe ni Tito Gabriel at Tita Felicity ang nakita ko. Panandalian akong nag-loading sa lahat ng nangyayari, still too preoccupied to what just happened a while ago. Pero nang ma-sink ang lahat sa nangyayari sa kasalukuyan, lumapit ako kina Tito Gab at Tita Felicity para makapagmano sa kanila.

"Good evening po, Tito, Tita," magalang na bati ko.

"Nandito ka pala, Zetty?" agad na tanong ni Tito Gab matapos akong makapagmano. T-in-ap pa niya ang tuktok ng ulo ko, like he usually do kapag nakikita kaming mga anak at pamangkin ni Tito Jose.

"Uh-"

"I invited her po, Tito Gab. She's a friend of mine."

Shit. Napalunok na lang ako nang marinig ang sinabi ni Therese mula sa likuran ko. Mukhang sinundan niya ako agad matapos kong umalis sa kuwarto niya.

"Is this Jose's pamangkin na ba? 'Yong anak ni Carmy? Ang laki na pala."

"Yeah, she is. Dalaga na 'no?"

"Oo nga. She grew up so well. Kamukhang-kamukha na niya ngayon si Carmy."

Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko kay Tita Felicity, the most elegant woman in the city, and her husband, Tito Gab, one of the respected gentleman in our city, as they exchange compliments about me. Napangiti na lang ako. Wala naman kasi talaga akong masabing iba.

"Anak 'yan ni Carmy Saratobias? 'Yong may karelasyong tomboy?"

Napatingin ako sa isang matandang lalaki, na kasing edad ni Tito Gab, nang marinig ang sinabi niya. Evident din ang ngisi sa kaniyang bibig na animo'y nandidiri sa buong pagkatao ko. Napayuko na lang ako dahil sa hiya. I think that's Therence and Therese's father - Mr. Sito Ponsica.

"Uuwi na kami, Sito, Wilmie. Kailangan pang magpahinga ng mga bata. Maraming salamat sa pag-imbita sa kaarawan ng kambal."

Nabawasan ang tensiyong naramdaman ko nang muling magpaalam si Tita Felicity sa may-ari ng bahay, ang mag-asawang Ponsica.

"It's a pleasure, Felicity," sabi naman ni Sito Ponsica na may kasama pang pagkamay.

"Maraming salamat din at pinaunlakan ninyo ang imbitasyon namin, Felicity," sagot ni Mrs. Wilmie Ponsica.

Nawala lang sa kanila ang atensiyon ko nang pansinin ako ni Tito Gab kahit abala ang asawa niya sa pagpaalam sa ibang bisita.

"May susundo ba sa 'yo, Zetty? Susunduin ka ba ng Tito mo?"

"Uh… hindi po. Maghahanap na lang po ako ng masasakyan sa labas po."

"Sumabay ka na sa amin. Ihahatid ka na namin. Gabi na at delikado na sa daan. Baka kung ano pang gawin ni Joselito sa akin kapag nalaman niyang hindi ka namin inihatid tonight. Alam mo namang over-protective ang Tito mong iyon sa 'yo, 'di ba?"

Pareho kaming natawa ni Tito Gab sa sinabi niya. Nakisali na rin ang dalawa niyang anak na si Siggy at Sonny sa pamimilit sa akin na pumayag na sa paghatid na gagawin nila. It somehow lighted my tensioned feeling.

"Sige po," sa wakas ay pumayag na ako.

Naghanda sila sa pag-alis at sakto namang nakapagpaalam na si Tita Felicity sa iilang kakilala kaya huminga muna akong malalim bago nilingon si Therese na nanatili sa likuran ko.

Pinilit kong ngumiti nang malawak pero hindi ko talaga kaya. Napapangunahan ako ng awkwardness at ng memory nang nangyari kanina sa kuwarto niya.

"M-Maraming salamat sa pag-invite. Uuwi na ako," simpleng sabi ko sa kaniya at hindi na ulit siya tiningnan.

Nagpasalamat na rin ako sa parents niya pati kay Therence.

Nakisabay ako sa mga Lizares. Habang pababa ng hagdan, tinabihan ako ni Siggy sa paglalakad at inakbayan ako. Nasa unahan namin si Tita at Tito tapos ang nasa likuran nila ay si Sonny tapos kaming dalawa ni Siggy. Nasa likuran namin 'yong Kuya no'ng dalawa na hanggang ngayon ay tahimik pa rin. Pero masiyado akong maraming iniisip para isipin pa ang ibang tao. Ginawa pa lang ni Therese kanina, enough na para bumagabag sa akin. Kaya pati ang pag-akbay na ginawa ng kamay ni Siggy sa balikat ko ay hindi ko na pinagtoonan ng pansin. Sanay na rin naman akong inaakbayan ng mga kaibigan kong lalaki.

"Never knew you're friends with the Ponsicas pala, Zet?"

"A lot has changed, Siggy," kibit-balikat na lang na sagot ko.

"Sabagay. Schoolmates nga pala kayo. 'Di naman imposible. Pero totoo talagang na-busted si Yosef kay Therese?"

"Yeah…" dinaan ko pa sa humor ang sinabi ko kahit na-awkward na naman ako nang i-brought up niya ang name ni Therese.

Tuluyan kaming nakalabas sa gate ng bahay ng mga Ponsica at papunta na sa kung saan naka-park ang kotse nila. Siguro iisang kotse lang ang gamit nila. Kahit naman mayaman itong mga Lizares na ito, hindi pa naman siguro sila hinahayaang mag-drive ng kotse. Siguro itong si Tonton Lizares, puwede pa. I highly doubt these two, Siggy and Sonny. For sure nakisabay sila sa parents nila.

"Oo nga pala, Ate Zetty. Naalala ko bigla. Nasuntok mo 'di ba si Kuya dati?"

Nasa loob na kami ng kotse at pinapaandar na ni Tito Gab and kotseng siya mismo ang magda-drive nang biglang magsalita si Sonny na nasa right side ko. Nasa left side naman si Siggy at nasa back seat si Tonton. Nagbigay-daan siya kanina dahil tatlo lang ang kasya sa middle passenger seat ng SUV nila.

Napasapo ako sa bibig ko dahil sa sinabi ni Sonny. Nagulat. Ebarg! Naalala niya pa 'yon? Paano niya nalaman? Sinumbong ba ni Tonton?

"Oo nga pala, Tito, Tita. Sorry po pala nasuntok ko 'yong mukha ni Tonton no'ng araw na iyon. Hindi ko po talaga sinasadya 'yon," agad na depensa ko.

Lumingon si Tita Felicity sa akin na may mahinhing tawa. Si Tito Gab naman ay natawa na rin habang nagda-drive na ng kotse.

"Nasuntok mo si Isaac?" pinipigilan ang malawak na ngiting tanong niya.

Isaac? Sino 'yon?

"'Yong grade nine si Kuya, Mom? 'Yong inutusan mo lang siyang pumunta kina Tito Rest pero pag-uwi niya, may pasa na 'yong mukha niya? Si Ate Zetty may gawa no'n, Mommy," pagbabalik-tanaw ni Sonny. Ang daldal naman ng batang ito. No wonder talaga kung bakit magkaibigan sila ni Justine.

"Tss."

Narinig kong nag-react ang taong nasa likuran namin dahil sa pinagsasasabi ni Sonny. Gusto ko siyang lingunin pero baka magtaka siya kaya 'wag na lang.

Umaliwalas ang mukha ni Tita Felicity at mukhang may pumasok na alaala. Mukhang naalala na nga niya 'yong ibig sabihin ni Sonny.

"Oh? That was you pala?"

"Sorry po talaga-"

Natawa silang lahat, mukhang nahawa sa nakahahawang mahinhing tawa ni Tita Felicity.

"No… don't say sorry, hija. Actually, gusto ko nga'ng magpasalamat sa 'yo for punching him that day. Nagising siya bigla dahil sa suntok mo."

My forehead furrowed, naguluhan sa sinabi ni Tita Felicity.

"P-Po? Bakit po? Tulog po ba siya no'ng mga panahong iyon?" and heck! I'm asking like he's not around.

Mas lalong natawa si Tita Felicity, Tito Gab, Siggy, at Sonny dahil sa naging tanong ko. Hindi ko kasi alam kung bakit nga ba nagpapasalamat si Tita Felicity sa ginawa ko? Nasaktan ko 'yong anak niya physically, bakit magpapasalamat pa siya?

"Kasi alam mo, Zett-"

"Tumahimik ka nga Siggy!"

Napakurap-kurap ako ng mata nang biglang batukan ni Tonton si Siggy. Natahimik ang huli pero patuloy pa rin siya sa pagtawa.

"Okay, I'll shut up."

Ang weird ng pamilyang ito. Hindi ko maintindihan kung bakit sila natatawa. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko.

Maya-maya lang din ay nakarating na kami sa bahay nina Lolo. Nagpasalamat ako sa kanilang lahat sa paghatid na ginawa nila. Alas-diyes pa lang ng gabi. Pero dahil minor pa lang ako, kailangan maaga ang uwi ko ngayon.

Napabuntonghininga na lang ako bago pumasok sa loob ng bahay.

Buong gabi akong binagabag sa ginawa at sinabi ni Therese. Ang hirap i-digest ang lahat nang narinig ko. Hinalikan niya ako tapos sinabi niyang may gusto siya sa akin, matagal na? The heck?!

Nalaman din naman ng mga kaibigan ko na um-attend ako sa birthday party ng Ponsica twins but they didn't make a fuss about it. Madali lang naman kasing kausap sila at hindi naman nila ginagawang big deal ang mga bagay-bagay. Mabuti nga para hindi na ako makapag-explain pa. Lalo na sa nangyari no'ng gabing iyon.

Akala ko no'ng gabi lang na iyon babagabag sa isipan ko ang nangyari. It lingered on me for the rest of the year. Lalo na kapag nakikita at nakakasalubong ko siya sa school, bumabalik ang nangyari sa gabing iyon.

Litong-lito na ako. Dapat kinalimutan ko na 'yon gaya no'ng confession na ginawa ni Fedgie sa akin. Pero iba, e. May iba akong nararamdaman. Para bang sa bawat pag-deny na sinasabi ko sa isipan ko, mas lalo akong nalalapit sa isang bangin na siyang magiging dahilan kung bakit ako mahuhulog. The more I deny, the harder I fall. Oo, alam kong naamin ko minsang type ko nga si Therese pero iba kasi ang situwasiyon ngayon kaysa noon. Kailangan kong magpakababae ngayon kasi babae naman talaga ako.

Please don't make me question my sexuality, Therese! Please stop consuming my mind!

Nakahawak ako sa labi ko habang pinagmamasdan ang malalakas na alon sa dalampasigan at sa mga bato. Malaki ang dagat ngayon, high tide ba, kaya sa hagdan ko na lang naisipang umupo para salubungin ang malakas na hangin na galing sa dagat. Buong araw na akong naligo, buong araw ko nang in-enjoy ang dagat. Nakabihis na ako ngayon at naghihintay na lang kung kailan kami makakauwi ng bahay.

But a memory that happened a few months ago lingered in my mind as I touch my lips. I remember the softness of her lips with that quick second kiss she made.

Maling-mali 'to. Hindi ko dapat nararamdaman 'to. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang aminin sa akin ang nararamdaman niya pero bakit ngayon… iba na? Bakit ang laki na ng epekto ng confession niya sa buhay ko?

"Huy, ang drama!"

"Aray! Gago!" inambahan ko ng suntok si Nicho nang bigla niya akong batukan. Hindi naman nagpatinag ang gago at umupo pa talaga sa tabi ko. Ang sakit kaya ng batok niya!

"Ang drama mo kasi. Ligo muna tayo. Nag-uusap pa sina Lolo sa loob, e."

"Hassle. Nakapagbihis na ako. Ikaw na lang."

"Bahala ka," kibit-balikat na sagot niya at saka tinanggal ang t-shirt na suot niya at ibinigay sa akin para tumalon sa dagat.

Napangiwi pa ako nang dahil sa bigat ni Nicho, may iilang tubig-dagat na tumalsik sa legs ko.

Ipinangtakip ko na lang sa katawan ang t-shirt niya at tinanaw siya mula sa puwesto ko. Enjoy na enjoy siya sa dagat. Kaonti na lang magiging shokoy na siya.

It's a normal Sunday. Naisipan lang na mag-outing sa dagat ng family ko dahil may twelve-hours brownout sa whole city. Marami nga'ng tao kanina rito. May iilang kakilala na nakasalamuha. Kaonti na lang ngayon ang tao sa Northwind Beach Resort kasi unti-unting nagsi-uwian ang mga taong nandito kanina. Habang kami naman ay nandito pa rin. May mga kausap kasi sina Lolo sa loob kaya naghihintay na lang kami ngayon kung kailan uuwi. Although puwede naman kaming mauna ni Nicho dahil may motor naman siya. Pero tinamad ang gago, ayon at naligo pa.

Mabuti pa 'tong si Nicho, ang gaan lang ng buhay, walang ibang iniisip kundi ang pagka-gago niya. Hindi niya maku-question ang sexualidad niya at magiging madali sa kaniya ang lahat. Masaya pa siya sa girlfriend niya ngayon. Ako… simula yata no'ng maipanganak ako sa mundo, parang kaakibat ko na ang problema. Parang dapat every phase of my life, may problema dapat akong kaharapin. Can't I just go back to the time na magaan lang ang lahat between us ni Mama? 'Yong normal lang na pumapasok ako sa school at normal lang na nagta-trabaho siya bilang isang nurse. 'Yong sana ganoon lang, 'yong sana magaan lang ang lahat, 'yong sana parang alon na lang lahat.

"Kailan uwi ni Tita Carmy?" sigaw ni Nicho mula sa dagat nang makaahon siya at nagpalutang-lutang na lang, nagpapadala sa agos ng alon.

"Sa twenty-two."

"Okay!" sigaw niya ulit at muling lumangoy.

December na ngayon at uuwi si Mama para sa mag-celebrate ng Pasko sa Pinas. Two months ang bakasyon niya rito sa Pilipinas kaya kahit papaano, nada-divert ang attention ko sa pag-uwi niya. Although casually, especially when I'm in school, lagi ko pa rin naiisip ang confession ni Therese.

Ang tanging hiling ko lang ngayong Pasko ay mabigyan ng kasagutan ang tanong na bumagabag sa akin simula pa lang no'ng seventeen ako…

Nagkakagusto na ba ako kay Therese?

~

Siguiente capítulo